Kabanata 3.

1072 Words
Diamonika "Ano ba 'yan?!" naiiritang tanong ko sa taong bumato sa akin ng unan. Pero nananatili pa rin akong nakapikit. "I'm Lowen! Ang maganda mong pinsan!" Napabalikwas ako sa kama. I saw Lowen na masayang naka-sexy pose. "Ang aga mo namang mang-istorbo." "Hindi ka ba masaya na nakauwi na ako sa Pilipinas? Take note! Dito rin ako titira sa mansyon ninyo." "W-what?!" "Ayaw mo ba, Dia? Hmp!" "Hindi naman. Mayroon ka lang makikita araw-araw na isang lalaki na hampaslupa." Tumayo na ako sa kama at humarap ako sa salamin. "Sino? 'Yung maid mo na si Fhail? Pinakilala siya sa akin ni mom mo. Oh my gosh! Ang guwapo pala nu'n? Tsaka masipag." "Edi asawahin mo." "Ay wow! Ako pa talaga? O baka ikaw? Ikaw na lang. The more you hate, the more libog!" Kinurot niya ang singit ko. Dahilan para hampasin ko siya ng suklay sa balikat. "Oh my gosh! Kadiri ka naman, Lowen!" "P'wede bang makipusta rin ako? Pasali ako sa game ninyo ni auntie. Ikinuwento niya kasi sa akin na nagpustahan kayo." "So? Magkano ang ipupusta mo, Lowen?" "One billion kapag na-inlove ka na ibibigay mo sa akin. Kapag ako naman ang natalo, two billion ang ibibigay ko sa 'yo. Alam mo, imposible na hindi ka ma-fall kay Fhail kaya ihanda mo na ang one billion ko." Sa sobrang inis ko ay nag-walkout ako. Paglabas ko ay nakita ko si Fhail na nakasuot ng t-shirt. At maayos ang buhok, hindi messy. Sus, pinopormahan yata si Lowen. Ang kapal talaga ng mukha. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin. "Madam, magandang umaga!" "Ikaw pa talaga ang bumungad 'no, hampaslupa? Nasira na ang umaga ko!" "S-sorry po." "Sorry lang?! Linisan mo ang kotse ko!" "Okay po!" Tumakbo siya papunta sa garahe. Kahit kailan talaga ay uto-uto ang lalaking 'yun. Hindi naman talaga marumi ang kotse ko, eh tanga naman siya kaya lilinisin niya pa rin. "Gala tayo!" masayang aya ni Lowen habang pababa ng hagdan. "Gumala ka mag-isa, magpapahinga ako." "Ay ganu'n? Ang corny mo naman!" "Ikaw ang corny!" Naglakad ako papunta sa garahe. Ramdam ko naman na nakasunod si Lowen. Nakita namin si Fhail na busy sa paglilinis sa kotse ko na nakahubad. "Kapag ganyan ka-hot ang maid ko ay aasawahin ko," Lowen whispered. "Inaasar mo ba ako para ma-inlove sa mangmang na 'yan? Hindi ka mananalo sa pustahan. Tsaka kung may gusto ka dyan ay ligawan mo na. Bagay naman kayo." "Okay. Sa tingin mo ba ay magugustuhan ako ni Fhail?" "Lowen, ano ka ba? Ang isang hampaslupa na kagaya niya ay sabik sa mga katulad natin. But mag-ingat ka dahil baka kapag niyaya mo sa date 'yan ay nakawan ka." "Hoy, Dia! Alam mo, ikaw ang pinaka masama na pinsan ko. Nakakainis ka, wala kang proper manner. Below the belt na kaya ang panlalait mo sa kanya. Look, we are so lucky dahil anak mayaman tayo. Pero tingnan mo siya, lahat ay ginagawa para lang mabuhay." Hindi ako nakasagot. Lumapit siya kay Fhail sabay inabutan niya ng tuwalya. Si Lowen ay not conservative type. Ang suot niya ngayon ay panty lang at croptop. At ngayon ay tuwad siya nang tuwad sa harap ni Fhail. Nagulat na lang ako nang bigla siyang hinila ni Fhail dahil nadulas siya. Hmm... iba talaga ang Lowen, sumubsob pa sa dibdib ng lalaking 'yun. "Fhail!" "Yes, madam?" "Ipagtimpla mo nga ako ng kape." "Masusunod po." Tumalikod ako at naglakad papunta sa sala. Hindi ko gusto ang mga nakikita ko tsk. Habang nanunuod ako ng television ay nag-scroll ako sa aking cellphone. Hmm... marami rin pa lang mas masama sa comment sa isang social media, pero hindi nila ako kasing sama. Maya-maya pa ay ipinatong na ni Fhail sa lamesa ang aking kape. "Matamis ba 'yan, Fhail?" "Opo." "Gaano 'yan katamis?" "Nilagyan ko po ng dalawang kutsara po ng asukal, madam." "Good." Kinuha ko ang kape sabay humigop ako. Aalis na sana siya pero kaagad akong umubo. "May kailan pa po kayo?" "Hilutin mo nga 'tong isa kong kamay, medyo masakit." "Sige po." Lumuhod siya sabay hinawakan ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin, malambot pala ang kamay niya. Parang hindi babad sa trabaho, samantalang fish vendor pa siya. Habang hinihilot niya ang kamay ko ay hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kanya. May magnet 'yata sa katawan ang lalaking 'to. "Fhail!" napasigaw ako bigla. "Bakit po?" Hindi ako nakasagot dahil wala naman. Ginugulo lang talaga ako ng isip ko. "Fhail, pakikuha nga ng red bag ko ro'n sa kabilang couch. Huwag mong ibagsak ha? Wala kang kakayahang magbayad." Kaagad naman siyang sumunod. Nang iabot niya sa akin ang bag ay kinuha ko ang lipstick. Ang lipstick na bagong ilu-lunch ng company ko. "Fhail, humarap ka nga sa akin. Umupo ka rito sa couch." Tumango siya sabay tumabi sa akin. Bigla akong nagulat dahil nagkadikit ang aming mga braso. Pero siya na ang lumayo. "Ia-apply ko sa 'yo 'tong pink lipstick kung maganda ba kahit male ang gumamit." "Sige lang po, madam." In-apply ko na ang lipstick sa labi niya. Hindi ko akalain na ang labi niya ay heart shape. Then mabilis lagyan dahil sa malambot kahit na applicator ang gamit ko. "Ah, sakto lang," mahina kong bulong. Pero ang totoo ay bagay sa kanya. At bagay sa mga male na gagamit. Hmm... successful na naman ang aking products kapag inilabas na. "Oh? Ano pang ginagawa mo sa tabi ko? Ipaglaba mo na ako. May permiso ka sa akin na ngayon lang ha? Na maaari kang pumasok sa kwarto ko. Kunin mo ang mga dapat labhan." Tumayo siya at nag-bow sabay naglakad na papalayo. Psh, hindi pala siya mabaho kapag katabi. Akala ko kasi ay amoy putok siya at malansa. Pero kakaibang amoy ang naaamoy ko, sobrang bango. Maya-maya pa ay bumalik si Fhail. "Madam, pati po ba ang mga nakakalat na t-back sa kama ninyo ay isasama ko?" Nanlaki ang mga mata ko, "Oo! Bakit kailangan mo pang tanungin?! Hampaslupa ka talaga!" "Baka po kasi gagamitin niyo pa." "At sumasagot ka pa?! Lumayas ka na sa harapan ko!" Nagulat ako nang ngumiti siya. Pero dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. Umatras ako nang umatras pero siya'y lumalapit pa rin. Hanggang sa bigla niyang hinawakan ang ulo ko then ngumiti siya. Woah, maputi at malinis ang ngipin niya. "Ang cute mo talaga, madam." Ang bango ng hininga niya kaya hindi na ako nakasagot. Napanganga lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD