Chapter 21.

1153 Words
Nang makita ni Fhail na palabas na si Dia ay kaagad nyang isinuot ang cap at face mask upang walang makakilala sa kanya. Natanaw siya ni Dia. Napangiti si Dia at kinilig. Habang naglalakad siya ay nakita nya ang hawak na bouquet ni Fhail. Walang makakatumbas sa saya na nararamdaman nya. Nang medyo malapit na siya kay Fhail ay bumwelo siya para tumakbo. Nang tuluyan na syang makalapit ay kumarga siya sa katawan nito. “Ang pogi naman ng sundo ko!” masayang bulong ni Dia. “Ikaw naman, ang ganda-ganda mo. Pero hon, bumaba ka muna sa katawan ko. Tingnan mo itong bouquet sa kanan kong kamay,” tumitig siya ng mariin kay Dia. Hinihintay niya ang reaksyon nito. “Wow, Fhail... Wow. Thank you! Thanks! Omg! Sobrang saya ko! Grabe! Hmm... Ang bango.” Dahan-dahan nyang hinimas ang pisnge ni Fhail. Hindi na niya napigilan na mayroong tumulong luha sa mga mata nya. Hinalikan ni Fhail ang kanyang noo. “Alam ko na ang pagtulo ng luha mo ay tears of joy. I love you. Sana'y nagustuhan mo. Pasensya ka na ha... Pasensya ka na kung 'di ko afford ang mas mahal na bouquet ng bulaklak. Sorry.” Mas lalong napaiyak si Dia, “Ano ka ba! Halos sumabog na kaya ang puso ko kanina nang matanaw kita na mayroon kang hawak na bulaklak! Grabe, sobrang saya ko! And honeybunch, wala akong pakialam sa presyo at all. Kahit nga pumitas ka pa ng bulaklak sa kanto... Kanto right? Yeah, tatanggapin ko. Ang saya-saya ko, Fhail.” “Masaya ako na masaya ka. Salamat sa pagtanggap ha.” Isinandal saglit ni Fhail ang kanyang ulo sa balikat ni Dia. “Mas ako ang dapat magpasalamat. I know, I know that you are poor. And hindi kita ikinakahiya. Pero I know, I know na mahirap ang buhay pero mas pinili mo pa rin na bilhan ako ng ganito. Ikaw talaga! Na-appreciate ko ng sobra.” He smiled. Inilabas niya ang paper bag. “Buksan mo.” Nanlaki ang mga mata ni Dia, “Oh! Para sa akin ba 'to?” “Yes, hon.” “Wow, ang init pa nito Fhail ah.” Binuksan niya ang paper bag. Napanganga siya. “Omg! Hotdog!” Humalakhak silang dalawa. Nang magkatitigan sila ay parehas silang nag-wink sa isat-isa. Kaagad na kinagat ni Dia ang hotdog na nakatusok sa stick. “Fhail ko! Salamat talaga ah! The best ka!” Napayuko si Fhail sa kilig. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. “Ang guwapo mo kahit na nakangiti ka o hindi, Fhail. Ang swerte ko talaga dahil mayroon akong boyfriend na pogi.” “Ikaw, ikaw ang pinakamaganda, honey ko. Ako ang mas swerte. I love you. But I think... Ang right term ay bless?” Natawa si Dia, “Oh, bakit parang nagdadalawang isip ka sa bless? Nako, mayroon kang pinagdadaanan 'no? Hey, honey, magsabi ka lang po. Ako ay handang makinig sa'yo.” Kinurot ni Fhail ang pisnge ni Dia. “Salamat, ganda. Sige na, kainin mo na ang hotdog.” Sinuntok ni Dia ng mahina sa tyan si Fhail sabay siya ay ngumiti ng malawak. Hinawakan ni Fhail ang kamay ni Dia. “Uhm... Mag-dinner tayo. My treat.” “Really? Let's go! I'm so excited!” “Hmm. Saang restaurant mo gusto?” mahinahon na tanong ni Fhail. Pero siya ay nag-aalinlangan. Sandaling napayuko si Dia. “Hon, kahit saan. Hindi ako mamimili ng lugar. I know...” Hinimas ni Fhail ang pisnge ni Dia. “Don't worry hon, mayroon po akong naipon.” Napangiti si Dia, “Ikaw talaga. But thanks to your effort na mag-ipon. But, huwag mong isipin palagi ha na need kong kumain sa mamahalin na restaurant. Basta kasama kita, kahit saan ako. I love you.” Niyakap siya ng mahigpit ni Fhail. “Salamat. Salamat. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, hon.” ** Nakarating sina Fhail at Dia sa isang mamahaling restaurant. Simple lamang ang suot ni Fhail ngunit nangingibabaw ang kanyang kagwapuhan sa lahat ng lalaki na nasa loob ng restaurant. Samantalang si Dia ay proud na proud na nakatitig sa kanyang minamahal. Hinatid sila ng waiter sa isang VIP table. Inalalayan ni Fhail si Dia para makaupo sa upuan. “Thanks, my Fhail.” “Welcome, my hon. Uhm. Order na tayo. Ano ba ang 'yong gusto, Dia?” “Uhm. Ito, tapos ito.” Masayang inabot ni Dia ang menu sa waiter. “How about you, hon?” “Hmm. 'Yun lang ang gusto mo? Hon, are you sure? Uhm... Same na lang sa order mo. I think 'yun ay masarap.” Inabot din ni Fhail ang menu sa waiter. “Yes, okay na ako ro'n. Thanks. But... Weh? Are you sure na same sa order ko ang gusto mo? Baka hindi mo magustuhan,” nag-aalalang bulong ni Dia. “Yes, my hon. Thanks for asking. I love you,” he smiled. “Ang romantic ng setup ng restaurant na ito. Pero mas romantic kasi kasama kita.” Napayuko saglit si Dia dahil sa hiya. Hinawakan ni Fhail ang kamay niya. “Para na akong nasa kalawakan na nakalutang sa saya na aking nararamdaman. Thanks for this night, hon. Ngayon pa lang talaga, narinig mo na ang aking pasasalamat sa'yo. I love you. Sobrang ganda mo.” “Yieeh!” Kinurot niya ng mahina si Fhail sa kamay. Nang dumating ang mga pagkain nila ay napangiti sila parehas. Kasalukuyan na silang kumakain. Sila ay tahimik lamang ngunit nangungusap ang kanilang mga mata sa tuwing sila ay nagkakatitigan. “Uhm. F-Fhail... Naalala mo pa ba noong kumain tayo sa restaurant? Sorry kung minaliit kita that day. Sorry. Sorry. Ang sama-sama ng ugali ko.” Napayuko siya. “Naiintindihan ko, Dia. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagalit sa'yo that time. I love you.” “Pero kahit na, mali pa rin ang ginawa ko kaya sorry.” “Shh. Pinapatawad na kita. I love you.” “I love you more, my Fhail. Sorry talaga. Sorry.” Tumayo si Fhail. Nilapitan niya si Dia. Hinalikan nya ang minamahal sa noo. “I love you so much, my Dia.” “Uhm. Fhail, nagustuhan mo ba ang pagkain?” “Of course, hon. Ang sarap. Uhm. P'wede bang i-excuse ko muna ang sarili ko, hon? Pupunta muna ako sa comfort room.” “Okay lang, my hon. I love you.” “I love you too, ganda.” Makalipas ang limang minuto. Natanaw ni Fhail mula sa malayo na mayroong isang lalaki na matangkad at malaki ang katawan na mukhang kinukulit si Dia kasi umiiwas si Dia. Kumulo ang dugo niya sa kanyang nakita. Sa isip n'ya'y walang sinuman ang p'wedeng manggulo sa kanyang minamahal. Parang isang masamang hangin na dumadaan si Fhail sa mga taong nakaupo sa table dahil ang bigat ng dala nitong awra. Galit na galit ang buong pagkatao nito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD