Kabanata 2.

1042 Words
Diamonika's POV: I took a quick shower. I woke up early because I wanted to investigate Fhail. I went to Maid's room and immediately saw Fhail. He walked slowly, so I followed him. Ano ba ang sikreto mo, Fhail? Kapag nalaman ko ay lagot ka talaga sa akin. Habang sinusundan ko siya ay hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng mansyon. F*ck! Nakalimutan ko ang kotse ko. Maya-maya pa ay sumakay na si Fhail sa isang tricycle. Oh my gosh! Hinding-hindi ako sasakay sa ganyang sasakyan. Pero kailangan kong malaman ang sikreto niya. Tumakbo ako nang mabilis at pumara ako ng isang tricycle. "Madam, saan po kayo?" "Sundan mo ang tricycle na 'yun!" "Sige po, madam. Magkano po ba ang ibabayad ninyo? Baka wala po akong barya." "Masyado kang maraming itinatanong! Huwag mo nang suklian ang one thousand!" Padabog akong sumakay sa tricycle. "Bilisan mo ah!" Nanlilisik ang mga mata ko sa sobrang inis. Fhail, pinapainit mo talaga ang dugo kong hampaslupa ka. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang tricycle. "Madam, tumigil na po ang pinapasundan niyong tricycle." Padabog akong bumaba. "Che!" Nang makita ko ang paligid ay halos masuka ako. What the heck?! Sa palengke? Ano bang trip ng hampaslupa na 'yun? Palihim akong sumunod sa kanya kahit na nasusuka na ako. Iw, mayroon pang mga natingin sa akin. Ganu'n na ba ako kaganda? Yuck pa rin sila sa paningin ko. Maya-maya pa ay tumigil si Fhail sa isang maliit at mabahong puwesto. Naghubad siya ng t-shirt niya sabay nagsuot siya ng apron. "Isda kayo d'yan!" masayang sigaw niya. Halos masuka ako dahil may mga katabi akong malalansa na tao at mga isda sa aking paligid. What?! Fish vendor pala ang lalaking 'to? Aba, suma-sideline. Ang pagkakaalam ko kasi ay day off niya ngayon. Kaagad siyang dinumog ng mga kababaihan at sigaw sila nang sigaw. Yuck! Ano ba naman 'yan, ang taste nila ay isang Fhail na maid? Oh my gosh! Ang baba kaya ng standard ni Fhail. Akala ko pa naman ay kung ano ang papatayin, isda lang pala. Hmm, mukha namang wala akong mapapala sa hampaslupa na 'to kaya aalis na lang ako. Sumakay akong taxi. I need to work, I'm a president of glon, our cosmetics company. Pagdating ko sa company ay nag-freeze ang lahat, tumigil sila sa ginagawa nila sabay nag-bow sa akin. Well, one of my policies. Pagpasok ko sa opisina ay nalilito ang secretary ko na si Madz. "M-madam! S-sorry po, natapunan ko po ng kape ang lamesa niyo!" "Madz, magaling kang secretary kaya punasan mo na lang 'yan. Pero sa susunod na magkamali ka kahit saan ay sisiguraduhin kong maghihirap ka buong buhay mo." "O-opo! S-sorry po ulit." Mabilis niyang pinunasan ang table ko. "Um-order ka ng bagong lamesa ko. Sa 'yo na lang 'tong luma ko." "T-talaga po, madam?!" "Bingi ka ba? Sabihin mo ay ngayon na rin ipa-deliver!" "O-opo." Mabilis niyang in-open ang phone niya habang patuloy na nagpupunas. Umupo ako sa couch. Pero biglang sumagi sa isip ko si Fhail na naghuhubad ng t-shirt. "Hampaslupa ka! Lubayan mo na ako!" "Madam, a-ako p-po ba?" "Madz, hindi ikaw!" "Ay! Opo!" Mabilis siyang tumakbo palabas. Fhail, I hate you so much. Inasikaso ko ang ilang papers na nakatambak sa lamesa ko. ** Pagkauwi ko sa bahay ay umupo ako sa couch at um-order nang um-order sa online shopping app ng kahit anong gusto ko. "Fhail!" naiinis na tawag ko kay Fhail na kadarating lang. "Yes, madam?" "Alisin mo nga 'tong heels ko." Mabilis siyang lumapit sa akin. Nang mahawakan niya ang paa ko ay sinipa ko siya sa dibdib. "Ikaw ah, fish vendor ka pala? Iw, ang lansa mo." "O-opo, madam." "'Yun lang ba ang isasagot mo, malansa na hampaslupa?" Hinila niya ang paa ko. "Ano ba?! Nasaktan ako ah!" Imbis na pansinin niya ako ay mabilis niyang inalis ang heels ko. "Okay na po, madam." "Wala ka talagang kwenta 'no, Fhail?" pang-aasar ko. "O-opo, d-dahil fish vendor lang ako at maid." Pumalakpak ako nang pumalakpak at tumawa nang tumawa. "Wow! Mabuti naman dahil alam mo!" Nag-bow siya. "Pero kahit po ganu'n ay legal naman ang trabaho ko." Patuloy na siyang naglakad papalayo. Aba, marunong palang magtampo ang malansa na 'yun. Pero bigla akong napaisip, totoo naman, legal nga. Pero wala sa standards ko. Hindi ako papayag na nag-walk out siya. Mabilis akong tumayo at kaagad na sumunod sa kanya. Isasara niya pa lang sana ang pinto ng kwarto niya pero kaagad ko siyang pinigilan. "Hey! Fish vendor, gusto ko lang sabihin sa 'yo na wala akong pakialam sa 'yo." "Pero bakit po kayo nandito?" Hindi ako nakasagot kaagad dahil napatitig ako sa kanya. Ang guwapo niya kasi, nakakainis. Sa lahat kasi ng nanliligaw sa akin ngayon ay walang kasing guwapo niya. Bakit kasi hindi ka na lang naging mayaman? Baka nagustuhan pa kita. "Madam, hey!" "Ano ba?! Huwag mo nga akong hawakan, Fhail! Malansa ka at ang buo mong pagkatao!" "O-opo, madam. Sige po, good night." Isinara na niya ang pinto. Mabilis akong naglakad papalayo sa maid's room pero nakasalubong ko si Mom. "Dia, alam mo, pangalawa mo na ngang buhay 'to pero masama pa rin ang ugali mo! Look at you, kahit si Fhail ay pinapatulan mo. Well, hindi na ako magtataka kung bukas o sa tatlong buwan ay magugustuhan mo siya. Or baka nga ma-inlove ka pa." Dumura ako sa harap ni mom. "No! Kahit kailan ay hindi ako ma-i-inlove sa lalaking 'yun! Never!" "Bahala ka sa buhay mo. Basta kapag na-inlove ka sa kanya ay bigyan mo ako ng five hundred million." "Woah! As if naman, mom! At kapag hindi ako na-inlove sa kanya ay ikaw naman ang magbibigay sa akin ng one billion! Ano, clear?!" "Yes, talo ka!" Nag-walk out siya. Nakakainis! Namana ko ang pagiging maldita ng mom ko. Pero ang mas nakakainis ay pinagpipilitan niyang mas masama raw ang ugali ko. Padabog akong umakyat sa hagdan. Pagkapasok ko sa room ko ay humiga na ako sa kama. Masaya akong pumikit at huminga ng malalim. "Yes, mayroon akong one billion kay mom!" Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko na naman kung paano maghubad ng t-shirt si Fhail at kung paano niya ako titigan. "Get out of my mind, Fhail!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD