Chapter 9

1915 Words
CARSON "BEFORE we made a deal, I need something first," wika ko bago abutin ang kaniyang kamay na nakalahad sa aking harapan. "I don't think you're in a place to demand something, Avery," tugon nito. "One more thing, when we're alone, can you please call me by my name?" Ang pangalan ko na lamang ang tanging nag-uugnay sa akin sa dati kong buhay. Ayaw kong pati iyon ay mabaon na lamang sa limot. Ayaw kong sanayin ang aking sarili na ginagamit ang pangalan ng ibang tao. Natatakot akong dumating ang panahon na kahit anong bakas ng dating Carson ay tuluyan nang mabura. "You have a lot of demand for someone who hasn't proven anything." "Do we have a deal or not?" inis kong turan dito. "Let me hear those demands before I decide," saad nito bago sumenyas sa waiter. Dali-dali naman itong lumapit sa kaniya. "Give me another cup of coffee," turan nito sa waiter. "You?" "Cold brew americano with two pumps of vanilla syrup," saad ko. Matapos isulat ng lalaki ang aking order ay mabilis na itong tumalikod. Muli akong tumingin sa gawi ni Connor saka tumuwid ng upo. "So, here's what I need," umpisa ko. "I need a place to stay. Pinalayas ako sa bahay ni Avery dahil binugbog ko ang asawa ng kapatid n'ya—" "What?" natatawang putol niya sa akin. "Avery's eldest sister has an abusive and drunkard husband. Binigyan ko lang s'ya ng leksyon. Unfortunately, she kicked me out instead of being thankful about. Apparently, it was my fault and I make things more difficult for th em," paliwanag ko. "I had no idea that Avery was living that kind of life. She's good at hiding it. All this time, I thought she's doing okay," komento nito. Tila may kung anong kirot ang bumalot sa aking puso nang makita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Guilt was all over his face. It was as if he was blaming himself for not knowing about Avery's situation. "You look worried. Do you have a hots for your secretary?" Huli na bago ko pa napigilan na lumabas ang mga katagang iyon mula sa aking bibig. I have no idea why do I sound like a jealous girlfriend. Hindi ko maiwasang mailang sa paraan niya nang pagtitig. Pakiramdam ko ay pilit niyang binabasa ang laman ng aking sinabi. Mariin akong napalunok habang pilit na panatilihing blangko ang aking mukha. "I don't see any problem with that. Office romance is common nowadays," sagot nito. I can't help but roll my eyes in response. Bakit pa nga ba ako nagtataka. Given what happened a while ago, this man in front of me is clearly a womanizer. "I don't care about your feeling towards your secretary. Just leave me out of it," mataray kong saad. "Anyway, as I said, I need a place to stay. I suppose that wouldn't be a problem, right?" "That wouldn't be a problem. You can stay at my place for the meantime." Bahagya pa akong nagulat dahil sa kaniyang sagot. He's not seriously suggesting that we should stay in one place together, is he? "I don't think that's possible," wika ko saka binigyan ito ng pekeng ngiti. "Why don't you get me a hotel for the time being?" suhestiyon ko. "I'm sure money won't be a problem." "Here's the thing, Carson. I'm a businessman. And I'm weighing things according to my business ethics. I don't waste my time and money on something that has no clear return of investment. Prove yourself to me first, then I'll give you whatever I want." "B-But—" "If you're not used to live with a man, don't worry. I barely used that place. I stay at my office most of the time. This way, I can watch your every move." Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. Pero bahagya akong nakaramdam nang pagkainsulto dahil sa huli niyang tinuran. "Why do you need to watch my every move? Why don't you just trust me." "You haven't given me even a slight reason for me to trust you." "Fine, point taken." Umirap na lamang ako bilang tugon. "But you have to promise that once I already proven myself, you would let me have my own place," wika ko. "Agreed," maikli nitong tugon. "Is that all? Are we done here? I still have a meeting in half an hour." "Not yet. I think you should cancel all your schedule for today," wika ko. "And why would I do that?" kunot-noong tanong nito. "It's simply because none of those meetings will make you the number one construction company in the country. I will," kumpiyansang saad ko. "Kaya kung mayroon kang dapat na pagtuunan nang pansin, ako 'yon at wala nang iba." "Do you understand that my meetings cost million of dollars and if I cancel it, it will cost me a fortune?" "Yes," kibit-balikat kong tugon. "And it is clear to you that if your plan didn't work, you will owe me millions of dollar, probably more?" "Yes, I'm clearly aware of that. And I'm confident that my plan won't fail. You will get what I promise you." "You're pretty confident, huh?" "I am. I will fulfill my end of the bargain." "Okay, continue," wika nito saka muling sumandal sa kaniyang upuan. Dumating na rin ang pangalawang order namin na kape. He ordered an hot americano while I ordered cold brew. Halos sabay pa kaming kinuha ang aming mga kape at saka humigop mula roon. "Aside from a place to stay, I also need some clothes." "What happened to your clothes?" "I can't work with those baggy clothes. I need to buy a new one." "Okay, let's go," mabilis nitong sagot saka tumayo mula sa kaniyang upuan. Napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Hindi ko agad lubusang naintindihan ang gusto niyang mangyari. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay mas lalo akong nabigla nang tuluyan kong mapagtanto ang balak niya. "What do you mean "let's go"? You don't need to come with me. I just need your card," turan ko. "And what if this is just a scam?" katwiran nito. Mariin ko itong inirapan. "We both know that you can track your card's activity. And even if I try to runaway with your card, you can easily call the bank and have it blocked." "It would be a hassle for me if one of my card got blocked. I've got to make sure that you're not going to runaway with my money." "As if that's your only card," sarkastikong turan ko. "Are you coming or not?" "Oo na, ito na!" Muli ko itong inirapan saka mabibigat ang hakbang na sumunod dito. Nang makalabas kami ng restaurant ay naghihintay na sa amin ang kaniyang sasakyan. Agad na binuksan ng isa kaniyang mga guwardiya ang pinto ng sasakyan. Nang makasakay si Connor sa loob ay agad akong sumunod. Mas lalong lumalim ang aking inis sa lalaki nang hindi man lamang ito umusod upang magbigay ng espasyo para sa akin. Mukhang gusto pa nitong paikutin ako sa kabilang bahagi ng sasakyan at doon sumakay. Pero dahil sadyang pilya ako at hindi nagpapatalo, sa halip na umikot sa kabilang bahagi ay pinilit kong ipagsiksikan ang aking sarili sa bahagi kong saan sumakay si Connor. Pilit kong itinulak ang lalaki papasok sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyang nagkaroon ng espayo para aking maupuan. Nang makaupo ako ay agad kong hinila ang pinto upang isara iyon. "What the fvck!" inis na baling sa akin ni Connor nang lumingon ako sa kaniyang gawi. I just gave him a smile of triumph. Pinaningkitan niya lamang ako ng tingin dahil inis. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa galak. Natutuwa kasi akong makita ang inis na mukha ni Connor. * * * HINDI nagtagal ay nakarating kami sa pinakamalapit na mall mula sa kaniyang opisina. I know this place becasue this is where I used to buy all my clothes. Kakaunti kasi ang tao rito dahil medyo may kamahalan ang mga intinitinda rito kaya naman mas naeenganyo akong mamili sa mall na ito. Bigla tuloy akong ginanahan mamili. Pakiramdam ko ay ngayon na lamang ulit ako nakatapak sa mall. Shopping is my therapy before all of these happened. Dahil sa sobrang kagalakan ay hindi ko na masyadong napansin ang presensya ni Connor. Patakbo akong pumasok sa loob ng mall saka dali-daling pumunta sa paborito kong shop. Agad kong sinimulan ang pamimili ng mga damit. Una akong pumunta sa mga damit na gagamitin ko para sa opisina. Kumuha ako nang mga limang pirasong blazer at slacks pants. Dinagdagan ko rin iyon nang ilang pirasong pencil skirt. Habang abala ako sa pamimili ng mga damit ay saglit kong sinulyapan si Connor. Tahimik lamang itong nakasunod sa akin habang nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. "Are you going to get a whole new wardrobe?" usisa nito. "Of course. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na wala akong damit. Kahapon ko pa suot itong damit na 'to at kating-kati na akong magpalit." Hindi na ito muli pang nagsalita at nanatili lamang tahimik habang nakasunod sa akin. May isang staff na nakasunod din sa amin at sa kaniya ko inaabot ang lahat ng magustuhan ko. Hindi na ako nagtagal sa pamimili dahil panay kuha lamang ako sa lahat ng magustuhan ko. Matapos kong makumpleto ang lahat ng mga kailangan ko para sa opisina ay sinunod ko naman ang ilang mga damit na siyang gagamitin ko sa pang ordinaryong lakad at pati na rin ang pambahay na damit. Hindi nakaligtas sa akin ang panaka-nakang pagsulyap nang mga kababaihang napaparaan sa aming harapan. Sinundan ko kung saan pumupukol ang kanilang mga tingin. At hindi ko naiwasang mapailing nang mapagtanto kong si Connor at sentro ng kanilang atraksyon. I can't help but feel irritated. I suddenly had the urge to keep this man for myself. Bakit naman kasi ganito ito kaguwapo. Puwede kang i-request na magpapangit s'ya para wala nang titingin sa kaniya? But come to think of it, it was nearly impossible to make him less attractive. Bigla tuloy akong nawalan nang ganang mamili. "I'm done," nakasimangot kong turan. "Are you sure?" tanong nito. "Bakit sa halip na matuwa ka, eh, mukha kang inagawan ng kendi?" pang-aasar pa nito. Inirapan ko lamang ito saka padabog na nagtungo sa cashier. I don't know what's happening to me. I have no idea where is this intense feeling coming from. Bakit parang pakiramdam ko ay matagal na akong may atraksyon sa lalaking ito kahit pa nga ba ngayon ko lamang ito nakilala? "That would be thirty thousand pesos and twenty five cents in total." Napapitlag ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig kong magsalita ang kahera. "Here." Inabot ni Connor ang kaniyang card sa babae. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanghusgang tingin na pinukol sa akin ng kahera. Gusto kong dukutin ang dalawang mata nito dahil sa paraan niya nang pagtingin sa akin. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung sabagay, kahit saan mo naman tingnan, hindi talaga maiiwasan ang mga mapanghusgang tingin na maaaring ibato sa amin. I look like a gold digger letting her sugar daddy pays for everything. "Here you go, sir," turan nang kahera saka matamis na ngumiti kay Connor bago tuluyang inabot ang mga paper bag na aming pinamili. Dahil sa labis na inis ay hindi ko na nagawang hintayin ito at hinayaan ko siyang magbuhat ng aking mga pinamili. Mabibigat ang mga hakbang akong lumabas ng shop habang nakasimangot. ***************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD