Chapter 8

2265 Words
CARSON HINDI ko mapigilang maglaway nang isa-isang ilapag ng waiter ang pagkain sa lamesa. Connor told me to order whatever I want, that's exactly what I did. Walang hiya-hiya sa taong gutom. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito kaya walang kasiguraduhan kung makakain pa ako ulit pagkatapos nito. "Hmmm..." ungol ko habang sinisimsim ang bagong timplang kape. "I think this is the best coffee I'd tasted in my entire life," eksaherada kong turan matapos humigop mula sa tasa. Dala marahil ng gutom at stress dahil sa mga nangyari kaya gano'n na lang ang pagpapahalaga ko sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Totoo nga ang sabi nila, saka mo lamang mararamdaman ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito. Dati-rati ay tinatapon ko na ang aking kape kapag malamig na ito at magpapatimpla na nang bago. Ngunit ngayon, tingin ko ay kahit malamig pa sa ilong ng pusa ang kape ko ay uubusin ko hanggang sa huling patak. "Do you usually do that?" tanong nito habang nakakatitig sa akin. "Do what?" takang saad ko. "You moan when you eat," diretsong sagot nito. Muntik na akong masamid dahil sa kaniyang sinabi. "No, I don't!" mariin kong tanggi. Now that he mention, I really do moan whenever I like the food. It often happen since I was a picky eater. But given my situation right now, I have been appreciating every food that goes inside my mouth. "Yes, you do." Nakataas ang isang kilay nito na tila hindi naniniwala sa aking sinabi. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang maalala ko ang ginawa ko kagabi. Ibig sabihin ay talagang naroon na siya sa opisina nang dumating ako. "You already knew I was there last night, and yet, you waited until morning before you decided to kick me out," saad ko. Pilit kong inililihis ang paksa tungkol sa gawi ko tuwing kumakain. "How can I, when you're too busy eating my food in the office. I was about to confront you after you eat, but it didn't take long before you doze off," paliwanag nito. Umismid ako saka ngumuso, "I'm not sure if you're kind or what." "I'm far from being kind, Miss Sarmiento. In fact, I'm ruthless. And what I hate the most are cheaters and liars." Napataas ang aking kilay dahil sa huli niyang tinuran. If he hates liars, then I despise people accusing me of something I'm not. Umayos ako nang pagkakaupo saka buong tapang na nilabanan ang matalim niyang mga tingin. "We both know that I'm none of those, Mr. Sandejas. Because if you truly believe that I'm a liar, we won't be having this conversation, right?" "Throwing you out to jail hasn't gone out of the equation, Avery. I'm still thinking about it," wika nito saka sinundan iyon nang mapang-asar na ngisi. "I'm telling you, I can help you get that project!" pilit kong kumbinsi sa kaniya. "I'll be the judge of that. Finish your food then we will talk," utos nito saka muling ibinalik ang atensyon sa pagkain. Pinilit ko na lamang ituon ang aking isip sa pagkain. Ngunit sa bawat subo ko ng pagkain ay patuloy ang pagtakbo ng mga plano sa aking utak. Kailangan kong makumbinsi ang lalaking ito na tanggapin ang inaalok ko. He's my closest connection to Prime Construction. I know that what I was planning to do might have a big affect on my company. But I can't let them use my father's company for their own ambition. Tanging panaka-nakang tunog ng kubyertos ang maririnig mula sa aming lamesa. May mga pagkakataong nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya ngunit maagap kong binabawi ang aking tingin at mabilis na iiwas sa kaniyang nangungusap na mga mata. Even with my current situation, I can't help but admire him. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. I heard his name from the people around me. But I never got the chance to know him personally. Pero kahit gano'n pa man, mayroon akong hindi maipaliwanag na nadarama sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Para bang pakiramdam ko ay nakita ko na dati ang kulay tsokolate niyang mga mata. Hindi madaling kalimutan ang matang katulad ng kaniya. Kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito habang pilit kong inaalala kung saan ko ba nga ba nakita ang mapang-akit na mga matang iyon. Halos patapos na rin kaming kumain nang bigla na lamang may lumapit na babae sa aming lamesa. "What a coincidence! Who would have thought that I would run into you here?" maarteng turan ng babae habang nakatayo sa gilid ng aming lamesa. Nakatutok lamang ang tingin nito kay Connor at tila ba walang balak na pansinin ako. "This is where I usually eat my breakfast, Amber. We both know that this is not a coincidence," seryosong turan ni Connor na hindi man lamang nag-abalang mag-angat ng tingin sa babae. "Eh, kasi naman, you're not returning my calls. I've been texting and calling you since last week and I hadn't got any response. Naisip ko baka masyado ka lang busy sa trabaho kaya ako na ang dumalaw sa 'yo," wika nito saka matamis na ngumiti habang marahang hinahaplos ang kamay ni Connor na nakapatong sa lamesa. "I don't appreciate you showing up at my breakfast table, Amber. I hope this won't happen again. Please leave," malamig nitong turan. Tahimik lamang akong nagmamasid sa kanilang dalawa. Bakas ang pagkadisgusto sa mukha ni Connor. I want to tell the woman to leave and save some dignity for herself. I don't get it when women throw themselves in front of men who clearly have no interest in them. "Of course, you don't mean that, honey. We clearly made a connection. We have something special between us, Connor," giit nito. Napangiwi na lamang ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Kulang na lang ata ay lumuhod ito sa harap ng lalaki para lamang pansinin nito. Hindi ko na naiwasang mapairap sa hangin nang makita ko kung paano niya idispatya ang mga babaeng nakakasama nito. I'm sure as hell that this woman wasn't the first. I pity her. No woman deserves to be treated like this. Napapailing na lamang ako habang pinapanood sila. Inabot ko ang baso ng tubig saka uminom. Dahil doon ay nabaling sa aking atensyon ng babae. Nakataas ang kilay nito nang humarap sa akin. Pinagkrus pa niya ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Bumalik na pala ang sekretarya mo," mataray nitong saad kay Connor ngunit nananatiling nakapako ang kaniyang matatalim na titig sa akin. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi nakakarating kay Connor ang mga mensahe ko? Siguro sinasadya mong hindi sabihin kay Connor ang tungkol sa tawag ko dahil gusto mo s'yang agawin sa 'kin!" Mapakla akong tumawa habang tila hindi makapaniwala sa bilis na nang pag-ikot ng sitwasyon. Paanong napunta sa akin ang sisi gayong malinaw pa sa sikat nang araw na ang lalaki ang umiiwas sa kaniya. Biglang naglaho na parang bula ang awa na nararamdaman ko para rito kanina. No woman deserves to be treated like trash, but this woman does. Hindi ko na sana 'to papatulan ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak mula sa aking pagkakaupo. Hindi ako handa sa kaniyang ginawa kaya naman walang kahirap-hirap niya akong napatalsik mula sa aking upuan. "Fcvk!" malakas kong mura nang tumama ang aking siko sa sahig mula sa aking pagkakabagsak. "You have no right to eat breakfast with my boyfriend. How dare you tried to steal my boyfriend away from me, you filthy wh0re!" Hindi pa rin ito tumigil sa pang-iinsulto sa akin. "Amber, that's enough! You we're way out of line!" Narinig kong bulyaw ni Connor sa babae. Akmang tatayo ito upang hilahin ang babae ngunit bago pa man niya iyon magawa ay mabilis akong tumayo saka inabot ang isang tasang kape sa ibabaw ng mesa. Walang babala ko itong ibinuhos sa kaniyang ulo. I don't need a man to rescue me. I can handle myself very well. Isang nakakarinding tili ang tinugon ng babae sa aking ginawa. Nagpapadyak pa ito bilang pagtutol sa aking ginawa. Pero hindi pa sapat iyon para sa akin. Muli kong inabot ang kape ni Connor saka muling ibinuhos iyon sa babae. "Ayan, magkape ka muna. Baka sakaling kabahan ka sa mga pinagsasabi mo. Kung kulang pa 'yan, bottomless coffee sila rito. Feel free to have some refill." "Connor! Nakita mo ba ang ginawa sa akin ng sekretarya mo? Sisantehin mo ang 'yang babaeng 'yan! Dapat d'yan tinuturan ng leksyon!" galit na galit na turan nito habang tumutulo pa ang kape sa kaniyang buhok. "Get her out of here. I don't want to see her face ever again," saad ni Connor. Kitang-kita ko ang ngisi sa mukha ng babae nang marinig ang sinabi ni Connor. Ako naman ay nanatili lamang nakatayo habang hinihintay ang paglapit ng mga guwardiya sa akin. "What are you doing?" gulat na tanong ng babae. "Bakit ako ang hinihila n'yo? S'ya dapat ang kaladkarin n'yo!" Patuloy ang pag-eeskandalo nito kahit pa hinihila na siya papalabas ng mga tauhan ni Connor. "Connor! Connor!" paulit-ulit nitong sigaw. "We're going to need a new table," turan ni Connor sa manager na lumapit sa amin. "This way, sir." Nauna na itong naglakad kasunod ng manager ng restaurant na maghahatid sa amin sa panibagong lamesa. Bagama't naguguluhan ay wala akong nagawa kung 'di ang sumunod dito. Ang buong akala ko ay ako ang papalayasin n'ya dahil sa ginawa ko sa kaniyang girlfriend. But seeing what happened, I doubt if she's even his real girlfriend. Mukhang nag iilusyon lang ata ang babaeng 'yon. Nauna na itong umupo sa bagong lamesa na pinaghatiran ng restaurant manager sa amin. Agad ko namang hinila ang katapat na bangko saka roon umupo. Gano'n na lamang ang pagtataka ko nang sa halip na galit na mukha ni Connor ang bumungad sa akin ay ang hindi maitagong ngisi nito ang aking nasilayan. "What so funny?" takang tanong ko. "I'm starting to believe that there's a slight chance that you're not really Avery," wika nito. Sa buong pagkakataon na magkasama kami ay ngayon ko lamang ito ata ito nakitang ngumiti. Hindi ko maintindihan ang biglaang pagbilis nang t***k ng aking puso dahil lamang sa simpleng ngiti ng lalaki sa aking harapan. Ano bang mayro'n sa lalaking ito at gano'n na lamang ang kabog ng dibdib ko? "Why? Does your secretary let your mistresses walk all over her?" Umismid ako saka matalim itong inirapan. "I'm glad that it was me who's here and not her. Who knows what that b!tch might do to this poor woman," dagdag ko pa. Nang bumaling ako sa kaniya ay wala na ang ngiting kanina ay naglalaro sa kaniyang mga labi. Muli itong napalitan nang seryosong mukha. "Are you really Carson?" he asked after a moment of silence. Bahagya pa akong natigilan nang marinig kong tawagin niya ang aking pangalan. My name runs smoothly against his lips. Para bang kay sarap pakinggan sa tuwing lalabas sa kaniyang mga labi ang aking pangalan. Ngunit kasabay nang aking pagkamangha ay ang bahagyang pagtataka. Not many people call me Carson, only my family and those who are close to me. In business world, people call me Caroline. Kaya naman hindi ko maiwasang magtaka kung bakit gano'n ang tawag niya sa akin. "H-How did you..." Nais ko sanang mag-usisa ngunit napagtanto kong hindi iyon mahalaga sa ngayon. Kaya naman imbes na linawin iyon ay pinili ko na lamang sagutin ang kaniyang tanong. "Yes, I'm Carson." "How did it happen?" It was still evident that he was skeptical about the situation. Naiintindihan ko naman. Dahil wala namang matinong tao ang maniniwala sa sinasabi ko nang walang matibay na ebidensya. "I have no fvcking idea. I woke up and here I am. The last thing I remember was that I was about to marry Emmet—" "You're going to marry that scumbag?" putol niya sa akin. "He wasn't like that when we were together," depensa ko. "Or maybe, he wasn't showing you the real him. Not until you two were married. Who knows, what happen to you may be a blessing in disguise," wika nito. Hindi ko na napigilang tanungin ito. Kanina pa kasi ito gumugulo sa aking isip. "Paano mo nagagawang paniwalaan ang sinasabi ko? Don't get me wrong. I'm grateful that somehow, you're even wasting your time to listen to this nonsense. But I still don't get it." "The truth is, I don't believe any of this. But what you said in the car got into me. You're right. If I agreed with you, I have nothing to lose but a lot to gain. So, it's a win-win for me." May kung anong kirot ang bumalot sa aking dibdib nang marinig ang kaniyang paliwanag. Ang buong akala ko ay totoong naniniwala ito na hindi ako ang sekretarya n'ya at ako si Carson, na siyang tagapagmana ng Prime Construction. Ngunit mali pala ako. He was only helping me for his own benefits. "But what bothers me is, if you are the person you are claiming to be, then what would get from all of this?" "Truth and vengeance. I need to know the truth about what happened to me and my father. Kung kinakailangan kong isakripisyo ang isa sa pinakamalaking kliyente namin para lamang malaman kung sino ang nasa likod nang mga nangyari ay handa akong gawin." Saglit itong tumitig sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay ngumisi ito saka inabot ang kaniyang kamay. "Then, you have a deal, Miss Sarmiento. Or shall I call you, Miss Legazpi?" *********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD