Chapter 10

1133 Words
CARSON WALANG direksyon ang bawat kong hakbang. Ang nais ko lamang ay makalayo sa lugar na iyon. Hindi ko lubusang maipaliwanag kung bakit ganito na lamang ang epekto sa akin ng lalaking iyon. Sa bawat pagtatama ng aming mga mata ay bumibilis ang t***k ng aking puso. I was confuse about this feeling. Is it mine or Avery's? "Why are you in a hurry?" Narinig kong turan ni Connor mula sa aking likuran. Saglit akong huminto habang nagtatalo ang aking isip kung sasabihin ko sa kaniya ang tunay na dahilan nang biglaang pagsama ng aking timpla. Ngunit sa kabilang banda, paano ko nga ba sasabihin sa kaniya ang dahilan nang iinarte ko kung kahit ako mismo ay hindi sigurado kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Humugot ako nang isang malalim na hininga saka pilit na pinakalma ang aking sarili. I need to get this out of my system. I shouldn't focus on unknown feelings that might jeopardize all of my plans. Umikot ako upang harapin ito ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang matagpuan ko ang aming mga sarili na halos iilang dangkal na lamang ang pagitan. Mariin akong napalunok nang maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumama sa aking mukha. Muntik na akong matumba dahil sa biglaan kong pag-atras dulot nang pagkagulat. Nahigit ko ang aking hininga nang mabilis na pumulupot ang kaniyang matitigas na braso palibot sa aking baywang upang hindi ako tuluyang matumba. It was like a ripped off straight from a romantic movies. Pero hindi kagaya nang sa mga pelikula na matapos iyon ay magkakatitigan at maglalapat ang mga labi. Kasalungat noon ang aking naging unang reaksyon. Buong lakas ko siyang itinulak papalayo dahil sa hindi ko maipaliwanag na kuryenteng dumadaloy sa aking katawan dulot nang pagkakadaiti ng aming mga balat. "I-I need some underwear," nauutal kong saad bago mabilis na tumalikod. Muli akong naglakad nang mabilis at hindi na nag-abalang hintayin si Connor. Dahil pa rin ako mapakali ay sinubukan kong lingunin ito. Napapitlag ako nang mahuli ko itong nakatingin din sa akin habang may pilyong ngiti ang naglalaro sa kaniyang mga labi. Dulot nang labis na pagkapahiya ay halos takbuhin ko ang mahabang hallway ng mall patungo sa kung saan. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta patuloy lamang akong naglakad. Huminto lamang ako nang may isang kamay ang humila sa aking braso. Medyo napalakas ata ang hila nito kaya bumangga ako sa kaniyang matipunong dibdib. "Watch where you're going," turan nito. Noon ko lamang napagtanto na muntik na pala akong bumangga sa poste dahil sa pagmamadali. "T-Thank you," naiilang kong turan. Dali-dali akong kumawala mula sa kaniyang pagkakahawak. Pagkatapos noon ay mabilis akong tumalikod at muling nagsimulang maglakad. "Aren't you going to get some underwear?" Narinig kong saad nito dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kaniyang gawi at namataan ko siyang nakatayo sa labas ng isang tanyag na shop na sikat sa pagbebenta ng mga underwear na pambabae. Dahil marahil sa pagkatuliro ay hindi ko na nagawa pang mag-isip at pumasok na lamang sa shop na kaniyang tinutukoy. Ngunit nang magsimula na akong mamili ng aking mga bibilhin ay saka ako nakaramdam ng pagsisisi. Halos lahat nang mga naroon ay mga lacy underwear. Habang ang iba naman ay mga lingerie. I am used to wearing these kind of underwear. Ang hindi lamang ako sanay ay ang mamili nang ganitong klaseng pang-ilalim na may kasamang lalaki. The mere thought of him thinking about me wearing these kind of underwear already sets me on fire. Alam kong wala naman akong pruweba na iyon nga ang tumatakbo sa isip ni Connor ngunit hindi ko pa rin maialis sa aking isip ang posibilidad. "This will look good on you." Mabilis akong napalingon dito. Halos mamula ang aking buong mukha nang mamataan ko itong hawak-hawak ang isang pulang lingerie. Mas lalong nag-init ang aking mukha nang lubusan kong mapagmasdan ang hawak niya. Isa iyong lacy thong lingerie na halos kita na rin ang mga lugar na dapat takpan. Nagmamadali kong hinablot ang lingerie mula sa kaniyang kamay habang pinandidilatan ito ng mata. "Pervert!" pabulong ngunit may diin kong saad sa kaniya. "You do realize that the person you're calling pervert is the one who's going to pay for all those things," he said before c*****g his head to the side. "Don't worry, once I get back to my body. I'll pay you every cent. Kung gusto mo, dodoblehin ko pa," mataray kong saad. "How are you going to do that?" Tila biglang naumid ang aking dila. I was caught off guard. To be honest, I have no idea on how long am I going to say here inside Avery's body. But I'm hoping that everything will go back to normal sooner rather than later. "I have a plan," pagdadahilan ko. Tiningnan lamang niya ako na tila ba hindi ito naniniwala sa aking sinabi. Nanatili itong tahimik na para bang naghihintay na sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa tinutukoy kong plano. "Basta I have a plan. Don't ask me about it. Baka ma-jinx," katwiran ko saka muling ibinalik ang atensyon sa pamimili ng bibilhin. Sa huli ay kumuha lamang ako ng sampung pares ng underwear at limang piraso ng nighties. Sinigurado kong hindi masyadong revealing ang mga kinuha kong pantulog. I don't want to give him any idea. Matapos makapamili ay sumunod kaming nagtungo sa kahera upang magbayad. Matapos ibalot ang mga iyon ay agad ko itong kinuha. Ang iba kong pinamili ay bitbit nang mga tauhan ni Connor na nakasunod sa amin. "What else do you need?" usisa nito nang makalabas kami ng shop. "Toiletries. I need some toothbrush, body wash—" "I'll have someone buy that for you. Let's go. I need to meet some client," putol niya sa akin. "I thought you cancelled all your scheduled today?" kunot-noong tanong ko. "Love, I will only cancel all my appointments if my wife asked me to," sarkastikong tugon nito. It makes sense. Sino nga ba naman ako para sundin niya ang lahat nang sabihin ko. I am nobody to him. I doubt that he would even look at me twice if I didn't made a deal with him. It was all business, nothing more. "Of course," pilit kong ginagawang blangko ang aking mukha. "I'm also a businesswoman myself, so I understand. Ipahatid mo na lang ako kung saan ako tutuloy." "Oh no, that's not going to happen. You're coming with me." Kasunod noon ay ang pag-abot niya sa aking kamay saka marahan akong hinila at nagsimula itong maglakad. Hindi naman agad ako nakakilos kaya wala akong nagawa kung 'di ang sumunod na lamang sa kaniya. Bagama't naguguluhan ay hindi pa rin nakaligtas sa akin ang kakaibang kuryente na dumadaloy sa aking kamay dulot nang pagkakadikit ng aming mga balat. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD