Chapter 2

1516 Words
CARSON "MANONG, pakihintay po ako saglit dito. Kukuha lang ako pambayad sa loob," turan ko sa driver nang huminto kami sa labas ng Prime Construction & Development Corporation, ang kompanya na pagmamay-ari ng aking pamilya. Emmet works at my father's company as the main architect. Kaya sigurado akong narito ito. SIya na lamang ang tangi kong pag-asa at ang nag-iisang taong sa palagay ko ay makakatulong sa akin. Nagmamadali akong pumasok sa entrance ng gusali. Sinubukan kong dumiretso patungo sa elevator ngunit agad akong naharang ng guard bago pa man ako makalapit sa turnstile. "Ma'am, kailangan n'yo po munang magpa-register sa reception at mag-iwan ng ID para makakuha ng access card," paliwanag nito sa akin. Muntik ko nang makalimutang nasa loob nga pala ako ng ibang katawan. Nasanay kasi akong dumideretso papasok sa loob ng elevator nang walang ibang inaalala. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang lumapit sa reception upang kumuha ng access card na gagamitin ko papasok sa loob. "Kindly log your name here," turan nito sabay abot sa aking ng isang log sheet. "Pahingi na lang po ng isang ID," sumunod nitong turan nang matapos kong isulat ang aking pangalan. "F*ck!" mahina akong napamura sa aking sarili nang maaalala kong wala nga pala akong dalang kahit ano. "Ahm...I'm sorry, miss. Pero nakalimutan ko kasi ang ID ko. Baka puwedeng papasukin mo muna ako saglit. May kailangan lang talaga akong kausapin sa loob," paliwanag ko. "Pasensya na, miss..." saad niya sabay kuha sa log sheet marahil upang tingnan ang aking pangalan, "C-Carson Legazpi?" gulat nitong saad. Muli akong napamura nang mapagtanto kong sarili kong pangalan pala ang aking naisulat doon. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka muling nagsalita. "Look, miss. I know this is hard to explain but I really need to talk to Emmet. This is a matter of life and death situation," mariin kong saad. "I'm sorry, miss, pero identity theft is a serious crime," saad nito. "No, no, no. You're getting it wrong," giit ko. "Let's put it this way, call Emmet and tell him it was me and that I need to talk to him. Just let me talk to him." "Pero, miss..." "Please, please, I'm begging you. Kahit tawagan mo lang s'ya. I just need to talk to him," pagmamakaawa ko. "Pasensya na talaga pero hindi kita maaaring papasukin. Baka ako naman ang masisante kapag ginawa ko ang sinabi mo," tugon nito. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Hindi ko na naiwasang pagtaasan ito ng boses. "I need to talk to Emmet! I'm going to fire your a*ss if you don't follow what I said!" Huli na nang mapagtanto kong mali ang aking ginawa dahil sa halip na pagbigyan ay nagsimula nang lumapit sa akin ang mga guard upang kaladkarin ako papalabas ng building. "Don't touch me! Hindi mo ba ako kilala? I'm Caroline Sonnet Legazpi! I'm the f*cking heir to this company!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanilang hawak. Bago pa man nila ako tuluyang mahila papalayo ay isang pamilyar na tinig ang aming narinig mula sa aming likuran. "What is going on here?" Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniyang gawi. Agad na nagliwanag ang aking mukha nang makita ko ang guwapong mukha ni Emmet. "Emmet!" hiyaw ko saka malakas na binaklas ang aking kamay mula sa pagkakahawak ng dalawang guwardiya bago mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya. Ramdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan dahil sa gulat nang bigla ko siyang yakapin. Bahagya akong nakaramdam nang kirot sa aking dibdib nang mahigpit niyang hawakan ang aking magkabilang braso saka marahas niya akong inilayo sa kaniyang katawan. "What are you doing? Who the hell are you?" kunot-noong tanong ni Emmet. "I know this is hard to explain and impossible to believe, but you have to listen to me, Emmet. It's me, Carson." Mapakla itong tumawa saka naiiling na ngumisi. "I don't know what kind of sick joke you are playing, miss. But please have some decency and respect the dead," umiigting ang pangang turan nito habang matalim na nakatitig sa akin. "No, Emmet, it's really me. You have to believe me. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero bigla na lang akong nagising sa katawang ito. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos ang pagsabog sa mismong araw ng ating kasal." "And you expect me to believe that just because you say so?" sarkastikong turan nito. Saglit akong nag-isip. Hindi ko siya masisi kung bakit hindi niya magawang paniwalaan ang aking sinasabi nang gano'n-gano'n na lang. Kahit ako ang nasa kaniyang posisyon ay imposible ring maniwala ako agad-agad. "Fine, ask me anything that only you and Carson know the answer," matapang kong hamon dito. Mapakla itong tumawa habang hindi maitago ang lungkot sa kaniyang mga mata. "I'm sorry, miss. But it would take more than a simple question before I would be able to believe your claims." "Pero maniwala ka sa akin, Emmet. Ako talaga 'to! Sabihin mo sa akin kung anong kailangan kong gawin para maniwala ka!" pilit ko sa kaniya. "Hon, are you okay?" turan ng isang babae mula sa likuran ni Emmet. Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang mabungaran ko si Kira, ang aking step-sister. "H-Hon?" naguguluhang turan ko habang nagpapapalit-palit nang tingin sa dalawa. "It's okay, hon. Nothing to worry. Mukhang naliligaw ata ang babaeng ito. Just wait for me in the car, aayosin ko lang ito," turan ni Emmet kay Kira. Nagtatakang sumulyap si Kira sa aking gawi bago muling ibinalik ang tingin kay Emmet at humalik sa mga labi nito. Napanganga na lamang ako habang pinanonood ang harap-harapang pagtataksil sa akin ng mga taong itinuring kong pinagkaimportanteng tao sa buhay ko. Ang relasyon namin ni Kira ay malayong-malayo sa karaniwanang kuwento ng mga step-sisters. Parang tunay na kapatid ang turingan namin ni Kira kaya naman parang dinudurog ang aking puso na makitang nasa bisig ito ngayon ng lalaking pinakamamahal ko. Matagal na ba nila akong pinagtataksilan? Kailan pa nagsimula ang kanilang relasyon? "You, cheater!" malakas kong sigaw nang bahagya akong makabawi sa pagkatulala. Mabilis akong sumugod upang hablutin ang buhok ni Kira ngunit maagap na humarang si Emmet saka mahigpit na hinawakan ang makabila kong kamay. "What the hell is wrong with you?" galit na singhal ni Emmet habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan. "You f*cking bastard! Kailan mo pa ako niloloko? At talagang sa kapatid ko ikaw pumatol?" galit na galit kong sigaw sa kaniya. Ilang saglit pa ay bumaling ako kay Kira na tila takot na tako na nakatago sa likod ni Emmet. "At ikaw babae ka! Tinuring kitang parang tunay na kapatid pero anong igaganti mo sa akin? Inahas mo ang lalaking pinakamamahal ko! Hinding-hindi kita mapapatawad!" "Ano ba, sinabi nang tama na!" sigaw ni Emmet bago buong lakas akong itinulak dahilan upang bumagsak ako sa matigas na sahig. Mahina akong napaingit nang maramdaman ko ang kirot nang pagtama ng aking balakang sa matigas na semento. "I don't know who the hell are you, and I certainly don't have time to waste on you!" saad nito bago bumaling sa dalawang guard na nakaabang sa utos nito. "Guards, kaladkarin n'yo ang babaeng iyan palabas. At siguraduhin n'yong hindi na siya muling makakatapak sa gusaling ito!" Pagkatapos noon ay mabilis itong tumalikod habang akay-akay si Kira. Si Kira naman ay tila naguguluhang nakatingin sa akin habang naglalakad. Akmang muli kong hahabulin ang dalawa ngunit maagap na sumalubong sa akin ang dalawang guwardiya bago nila ako tuluyang kinaladkad palabas ng gusali. "Bitawan n'yo ako! Emmet, bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Sinubukan kong magpumiglas mula sa kanilang mga hawak ngunit sadyang malakas ang mga ito. Marahas nila akong itinulak palabas ng entrance ng gusali. Muli kong sinubukang pumasok ngunit iniharang nila ang kanilang malaking katawan sa aking daraanan. "Miss, umalis na ho kayo bago pa kami tumawag ng pulis at ipahuli kayo," huling banta ng isa sa mga guwardiya. I pursed my lips, trying to find something to say. But I realized that being in jail is the last thing I need right now. "Hindi pa tayo tapos!" banta ko sa dalawa habang nakahawak ang aking magkabilang kamay sa aking baywang. "Miss Sarmiento, what are you doing?" turan ng isang baritonong tinig mula sa aking likod. Napasinghap ako nang lingunin ko ang lalaking nagmamay-ari nang boses na iyon. I've seen many gorgeous men. Pero hindi ko inaasahang darating pa rin ang pagkakataon na tila matutulala ako sa harap nang guwapong lalaking ito. Tila isa ito sa mga paboritong likha ng Diyos. Ang kulay abo nitong mga mata ay tila nakakahipnotismo. His pictures in the magazines didn't give him any justice. "Miss Sarmiento," muling tawag nito dahilan upang bumalik ako sa aking katinuan. Ang aking pagkagulat at pagkatulala ay agad na napalitan nang pagtataka nang mapansin kong ako ang kaniyang kinakausap. "K-Kilala mo ako?" "Of course, why wouldn't I be? You're my secretary," seryosong turan nito. Halos manlaki ang aking mga mata sa gulat nang mapagtanto kong ang may-ari ng aking katawan ay nagtatrabaho bilang sekretarya ni Connor Matthew Sandejas, the owner of Sandejas Construction Corporation at kilalang matinding kakompetensya ng aming kompaniya. ***************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD