Chapter 1

1969 Words
CARSON NAPABALIKWAS ako nang bangon nang tila magising ako mula sa isang masamang panaginip. Habol ko ang aking hininga habang hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. "Ate!" sigaw ng isang dalagita na hindi pamilyar sa akin. Ako ba ang tinatawag niyang ate? takang tanong ko sa aking sarili. Imposibleng mangyari iyon dahil nag-iisa lamang akong anak at ang tanging tagapagmana ng Prime Construction Firm na isa sa mga sikat na construction sa buong bansa. Sigurado akong nagkakamali lamang ito ng tawag. "Ate Avery, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa 'yo?" muling tanong sa akin ng dalagita na mas lalong nagpagulo sa aking isip. "Who's Avery? And who the hell are you people? What are you doing in my room?" sunud-sunod kong tanong. "I don't know any of you!" muli kong sigaw. "Dok, ano pong nangyayari sa ate ko?" naluluhang turan ng dalagita. "Who are you calling "ate"? I don't even know you. Nasaan ba ako? Where's Emmet, where's my fiancé!" muling kong tanong sa mga ito habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasang kabahan dahil sa labis na pagkalito sa kung anong tunay na nangyayari. "It's okay, Miss. Calm down," turan ng doktor habang pilit akong pinapabalik sa aking kama. "Do you know your name, Miss?" "Of course, I know my name. I'm Caroline Sonnett Legazpi, the only heir to one of the biggest construction firms in this country!" pakilala ko. "Ate..." muling turan ng dalagita sa aking tabi. "Ate Avery..." "I am not your ate. I'm an only child. Kaya paanong mangyayari na kapatid kita?" Mas lalong napahagulgol ng iyak ang dalagita saka tila humihingi nang saklolong tumingin sa doktor. "It might be the effect of the concussion to her brain. We need to give her time to adjust. Normal sa mga taong nakaranas nang head injury ang makaramdam ng confussion sa paggising nila matapos ang aksidente. Obserbahan na lamang muna natin siya," turan ng doktor sa dalagitang tumatawag sa akin ng "ate". "Sa ngayon ay bibigyan ko na lamang muna siya nang pangpapakalma. Ipagdasal na lamang natin na maging mahinahon na siya sa muli niyang paggising," dagdag pa nito. Labis akong nabahala nang marinig ang sinabi ng doktor. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari. Ang huling natatandaan ko ay ang nangyaring pagsabog ng sinasakyan kong bridal car. Matapos iyon ay wala na akong ideya kung anong sumunod na nangyari. Ngunit ano ba talagang ginagawa ko sa ospital na ito? At sino ang mga taong ito na hindi ko mawari kung sino? "W-What are you doing?" gulat kong tanong nang lumapit ang isang nurse sa akin at inabot ang aking suwero habang may hawak itong syringe. "What is that? I don't want that! I want my dad!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Ngunit sadyang mahina pa ang aking katawan kaya't walang nangyari sa ginawa kong pagpupumiglas. Muli kong sinubukang sumigaw ngunit ilang minuto pa lamang ay marahan ko nang nararamdaman ang epekto ng gamit sa aking sistema. "Call...my...d-dad..." wika ko bago ako muling nawalan ng malay. * * * MARAHAN kong idinilat ang aking mga mata at muling sumalubong sa akin ang puting kisame ng kuwarto kung saan ako naroon. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo nang mapansin ko ang panlalabo ng aking mga mata. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka muling sinubukang dumilat at nagbabakasakaling muling bumalik sa dating linaw ang aking paningin. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang manatiling malabo ang aking paningin. Sumunod kong iginala ang aking mga mata sa kabuuan nang silid at kagaya kanina ay naroon pa rin ako kasama ang mga hindi pamilyar na tao. Sa pagkakataong ito ay may isang matandang babae ang nakaupo sa mahabang sofa na naroon sa loob ng silid habang nasa tabi nito ang kaninang dalagita na siyang tumatawag sa akin ng ate. Ano bang nangyayari? Nasaan ako? Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari ngunit isa lamang ang tanging sigurado ko, kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Malayo sa mga taong ni sa panaginip ay hindi ko namumukhaan. Buong ingat kong ibinaba ang aking paa mula sa kama saka marahang kumilos upang tanggalin ang karayom na nakakabit sa aking kamay. I need to find my dad. S'ya lang ang makakatulong sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako narito sa lugar na ito at hindi sa lugar kung saan kasama ko ang aking pamilya. Wala akong ideya kung gaano na ako katagal nakaratay sa ospital na iyon. Maraming tanong ang namamayani sa aking isip ngunit sigurado akong wala rito sa ospital na ito ang makakapagbigay sa akin ng kasagutan. Pasimple akong lumapit sa bag na nasa tabi ng natutulog na ginang. Maingat ang bawat kong galaw upang hindi ito magising. Pigil-hininga ako habang binubulatlat ang bag nasa tabi nito upang humanap nang maisusuot. Matapos na matagumpay akong makahanap ng isang pares ng pantalon at pang-itaas ay dali-dali kong hinubad ang ospital gown na aking suot at pinalitan iyon ng damit na kinuha ko mula sa bag. Nang matapos akong makapagbihis ay mabilis ngunit marahan akong nagtungo sa pinto saka buong ingat na binuksan iyon bago tuluyang lumabas. Saka lamang ako tuluyang nakahinga nang maluwag nang matagumpay akong makalabas ng silid nang hindi nagigising ang mga ito. Matapos kong mailapat ang pinto ay lakad-takbo ang aking ginawa habang pilit na naghahanap nang telepono na maaari kong gamitin upang tawagan ang aking ama. "Sh*t!" malakas kong mura nang wala akong mahanap na payphone sa paligid ng ospital. Kaya naman napagdesisyonan kong pumunta na lamang sa aming bahay upang makasigurong makakausap ko ang aking ama. Agad akong lumabas ng ospital saka dali-daling tumawag ng taxi upang sakyan patungo sa aming bahay. Ilang minuto lamang ang nakalipas ay kasalukuyan ko nang binabaybay ang kahabaan ng EDSA. Nananatili akong nakatingin sa labas ng bintana habang paulit-ulit sa aking isipan ang nangyari bago ang aksidente. Bahagya pa ring malabo sa akin ang lahat. Ang tanging naaalala ko ay malakas na pagsabog ng aking sasakyan habang nasa labas ng simbahan. Ngunit kahit anong pilit ko ay wala na akong ibang matandaan maliban doon. Ang kasunod ko nang alaala ay ang nangyari kanina sa ospital. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago bahagya umusog paunahan upang sabihin sa driver ang address kung saan ako magpapahatid. "Manong sa may Forbes..." Ngunit ganoon na lamang aking pagkagulat nang mapagawi ang aking tingin sa rear view mirror ng sasakyan. Halos lumuwa ang aking mga mata at hindi halos makapaniwala sa nakikita. This isn't my face! Tinangka ko pang lumingon sa aking likod at sa aking paligid upang masigurong walang ibang tao roon bukod sa akin. "What the hell is happening!" malakas kong sigaw na ikinagulat din ng driver sa harapan. "M-Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa rear view mirror at sa daan. Hindi ako nag-abalang sagutin ang kaniyang tanong. Mas lalo ko pang inilipat ang aking sarili sa salamin upang masigurong ako nga ang nakikita ko sa harap ng salamin. "W-Who the hell are you?" turan ko sa aking sarili habang nakatitig sa hindi pamilyar na mukha. Simple lamang ang mukha na nasa aking harapan. Singkit ang kaniyang mapupungay na mata. May katangusan ang maliit niyang ilong na bumagay sa manipis at mapupula niyang labi. It was obvious that she didn't even know how to put makeup. She's pretty but plain and simple. Malayong-malayo dati kong itsura noon. "Sino ka?" tila baliw kong turan sa aking sarili sa harap ng salamin. "M-Ma'am, ayos lang po ba talaga kayo? Gusto n'yo po bang ibalik ko kayo sa ospital?" muling sabad ng driver. "Don't mind me, manong. Just drive," wika ko saka binigay rito ang buong address ng aming bahay. Pabagsak akong sumandal sa upuan bago tuluyang nalunod sa malalim na pag-iisip. Kahit anong pilit kong humanap nang kasagutan ay wala akong maapuhap na dahilan kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Anong ginagawa ko sa katawan ng taong hindi ko kilala? Kung narito ako, nasaan ang tunay kong katawan? Ibig bang sabihin nito ay patay na ako? Kung ako ang narito, nasaan ang babaeng tunay na may-ari ng katawan na ito? Iyon ang samu't saring tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. "Ma'am, andito na po tayo," untag sa akin ng driver. "Three hundred thirty five po ang metro," dagdag nito. Dahil sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa harapan ng aming mansyon. "Sige, manong. Pakihintay lang po ako, kukuha lang po ako ng pambayad sa loob," sagot ko saka mabilis na bumaba. Akmang may sasabihin pa ito ngunit wala na itong nagawa nang mabilis akong nakalabas ng sasakyan. Mabilis akong lumapit sa pinto ng gate saka agad na pinindot ang doorbell. Ilang minuto lamang ay nabuhay ang screen sa aking harapan at bumungad sa akin si Mang Abel, ang security guard na matagal nang nagtatrabaho sa amin. "Mang Abel, pakibuksan po ang gate. Kailangan kong makausap si Daddy," turan ko. Mahina itong tumawa saka sumagot, "Adik ka ba, miss? Wala kang maloloko rito." "What are you talking about? I'm your boss, I'm Carson!" pakilala ko. "Okay, okay. Bilib na ako sa 'yo kasi alam mo ang pangalan ko at pangalan ng boss ko. Pero wala kang mauuto rito, miss. Sa iba ka na lang manloko," pagtataboy nito sa akin bago tuluyang pinatay ang screen. "What the—" sambit ko. I pursed my lips before pressing the doorbell once again, harder this time. Makailang ulit ko iyong pinindot bago muling bumukas ang screen sa aking harapan. "I know this is a lot to take in. But let me in, so I can explain myself. I need to talk to my dad. He will know that it's me when he talks to me. Alam kong mahirap paniwalaan but it's really me. I'm Carson," dire-diretsong turan ko nang sagutin ni Mang Abel ang doorbell. "Miss, hindi ko alam kung anong trip mo, ano? Pero utang na loob, maawa ka naman sa pamilya. Tatlong buwan nang namamayapa ang mga taong binabanggit mo. Patahimikin mo na ang kaluluwa nila at huwag mo nang pagsamantalahan pa. Mababait na tao si Sir Adolfo at Ma'am Carson. Huwag mo nang balakin pang pagkakitaan sila," mahabang paliwanag ni Mang Abel na siyang ikinagulat ko. Saglit akong natigilan nang marinig ang kaniyang sinabi. Namayapa? Patay? This is hard to take in. Even at that very moment, I still can't process the thought of what Mang Abel told me. Patay na si Dad? Patay na rin ako? Nang makalipas ang ilang minuto ay hindi na niya ako narinig magsalita ay agad nang pinatay ni Mang Abel ang screen ng doorbell camera. I'm starting to panic but I trying hard to calm myself. Alam kong wala akong makukuhang sagot kung gagawin iyon. "Ma'am, four hundred pesos na po ang metro n'yo. Puwede ko na po bang makuha ang bayad?" Muntik ko nang makalimutan na hindi pa nga pala ako bayad sa taxi na aking kinuha. Ang balak ko sana ay kumuha nang pambayad dito pagdating ko sa bahay. "Don't worry, manong. I'll pay you. Ihatid mo muna ako sa Prime Construction. Babayaran kita pagdating do'n," turan ko rito saka muling sumakay sa loob ng sasakyan. "Pambihira mukhang mabo-bogus pa ako nito," mahinang bulong nito sa kaniyang sarili ngunit sapat lamang iyon upang aking marinig. Napabuga na lamang ako nang malakas na hangin bago pabagsak na sumandal sa upuan ng sasakyan. Sa mga oras na ito ay isang tao na lamang ang alam kong makakatulong sa akin. Si Emmet, my fiancé. I need to talk to him. Siya lang ang tanging tao na sa tingin ko ay maaari kong kumbinsi na maniwala sa aking ako nga si Carson. He knows me since we were a child. Sigurado akong maniniwala siya sa akin. Nananalig akong mangyayari iyon. ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD