CARSON
AYAW ko sanang sumama sa meeting ni Connor ngunit mapilit ito. Gusto ko sanang maligo at magpalit ng damit dahil kahapon ko pa suot ang damit na ito. Sanay akong maligo nang lampas tatlong beses sa isang araw. Kaya naman ramdam ko na ang pangangati ng aking balat dahil hindi pa ako nakakapagpalit ng damit simula nang tumakas ako sa ospital.
"Bakit kasi kailangang kasama pa ako?" reklamo ko habang nasa sasakyan kami.
Nananatili naman itong tahimik habang abalang nakatingin sa kaniyang tablet. Tila may binabasa itong construction proposal base sa mga datos na natatanaw ko mula sa aking kinauupuan.
"This won't take long," maikling tugon niya sa akin.
Napanguso na lamang ako dahil alam kong wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang sumunod dito. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng daan ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa dati kong buhay. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na wala na ang katawan ko.
Naguguluhan pa rin ako sa kung anong dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung ako ang nasa katawan ni Avery, ibig bang sabihin noon ay si Avery ang nasa katawan ko? At kung gano'n nga ang nangyari, ibig bang sabihin noon ay patay na si Avery?
Mas lalo lamang tumindi ang pagnanais ko na malaman ang katotohanan. Hindi ko pa rin lubusang matanggap na wala na nga ang katawan ko. Ayaw kong isipin na hindi na ako maaaring makabalik sa dati kong buhay. At mananatili na lamang ako sa loob ng katawan ni Avery.
"We're here."
Napapitlag ako nang marinig ang tinig ni Connor. Iyon ang naging dahilan upang bumalik ako sa kasalukuyan.
Bahagya pang kumunot ang aking noo nang mapagtanto kong nasa harap kami ng isa sa mga sikat na hotel dito sa bansa. Hindi naman ako nanibago dahil madalas na rin ako sa lugar na ito noong bago mangyari ang lahat ng ito. Ang hindi lamang ako sanay ay ang pumunta sa ganitong lugar na simpleng maong na pantalon at t-shirt lamang ang suot.
Pero hindi ko pinahalata sa mga nakakasalubong namin ang aking pagkailang. Bagama't simple lamang ang aking suot ay kaya ko namang dalhin ang aking sarili. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mapanghusgang tingin na pinupukol sa akin nang bawat empleyadong nakakasalubong namin. Panay ang bati at ngiti nila kay Connor ngunit kapansin-pansin ang pagwawalang-bahala nila sa akin na para bang wala ako roon.
Matalim ko lamang inirapan ang mga ito na siyang ikinataas nang kanilang mga kilay.
Mabilis kaming inihatid ng isa sa mga staff ng hotel patungo sa conference room kung saan naghihintay ang taong katagpo ni Connor.
"Good afternoon, Mister Sandejas," masiglang bati nang isang lalaking sa tingin ko ay nasa mahigit trenta ang edad.
"Good afternoon," payak na tugon ni Connor. Agad itong umupo sa silyang hinila ng lalaki para sa kaniya.
Matapos makaupo ni Connor ay dali-daling bumalik ang lalaki sa dati nitong upuan na nasa kanang bahagi ni Connor. Akmang magsasalita na ito at uumpisan ang kanilang meeting nang maagaw ko ang kaniyang atensyon dulot nang ingay ng bangko dahil sa ginawa kong paghila roon.
"You can wait outside. This meeting is confidential," masungit nitong turan sa akin.
Agad na kumalat ang inis sa aking dibdib. Tinaasan ko ito ng kilay saka sinulyapan ang slide na naka-flash sa harapan gamit ang isang projector. It looks like a construction proposal. I only need to a few details for me to understand his whole intent.
I hate it when people judge someone based on their physical appearance. I bet this man would never dare talk to me this way if I was in my real body. But regardless, I won't tolerate people like him. I suddenly had the urge to put him in his place.
I know how to manage a construction business even in the back of my head. Mas nauna pa akong humawak ng pala at semento kaysa humawak ng lapis at papel. Unlike other heirs, my father wanted me to explore and experience the construction business by hand. And by that, it means I need to visit our site in order to see how the work was done. Kaya naman isang tingin ko pa lamang ay alam ko na kung maganda ba ang isang proyekto.
Ngumisi at saka bumaling kay Connor. "Mr. Sandejas, I think you're just wasting your time here."
Nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil sa aking tinuran. I saw panic spread all over his face.
"What are you talking about? How dare you interrupt our meeting? Get out before I have you dragged out of this place!" banta nito.
Umangat ang sulok ng aking labi kasabay nang isang mapang-asar na ngisi. Pinagsalikop ko ang aking mga braso sa aking harapan saka tila nanghahamon ko itong tiningnan. Mukhang mas lalo naman iyong ikinainit nang ulo ng lalaki.
"Would you please elaborate?" turan ni Connor nang sa wakas ay magsalita ito.
Mas lalo namang ikinagulat iyon ng lalaki. Kitang-kita ko ang paglaglag ng kaniyang panga dahil sa labis na pagkabigla. Halos lumuwa rin ang kaniyang mga mata at hindi lubos makapaniwala sa narinig mula kay Connor.
"Would you mind?" wika ko sa lalaking ka-meeting ni Connor saka ko inabot ang clicker ng projector mula sa kaniyang kamay. Tila hindi pa ito lubusang nakakabawi sa pagkabigla kaya naman hindi na nito nagawang tumutol nang kunin ko mula sa kaniyang kamay ang tila maliit na remote.
Pinasadahan ko ang laman ng kaniyang presentation at gaya nga nang una kong hinuha, walang magandang idudulot ang proyektong ito. Halatang hindi pinag-isipang mabuti at kulang sa pag-aaral kaya naman lumabas na minadali ang lahat.
"Well, just what I was expecting. This presentation is a trash," wika ko saka seryosong bumaling sa lalaki.
Halata ang inis at pagkabalisa sa kaniyang mukha. Tila hindi na nito malaman kung anong dapat niyang gawin.
"W-What are you talking about? Hindi mo ba alam kung gaano karaming oras at pagod ang ibinuhos namin para lamang sa proposal na ito?" inis nitong turan sa akin.
"Then your hardwork and efforts were not enough. Kahit bagong pasang engineer ay makikita na mali sa proposal mo. Parang hindi pinag-isipan," mataray kong saad. I wanted to be professional as much as possible but I can't help it.
"Who the hell are you to tell that to my face? Ano namang alam mo sa construction proposal, eh, katulong ka lang naman ata rito!" pang-iinsulto pa nito.
Sa halip na mainis ay tinawanan ko lamang ito. Hindi ako naiinsulto kahit tawagin n'ya pa akong katulong. There's nothing wrong with being a maid. Marami nang tao ang umasenso na nagsimula sa pagiging katulong. People should stop degrading maids and use it as an insult because being a maid won't stop anyone in fulfilling their dreams.
"Hindi ka ba nahihiya na mas marunong pa sa 'yo ang katulong na gaya ko? Saan ka ba nagtapos ng pag-aaral? Sisiguraduhin ko lang na hinding-hindi ko pag-aaralin do'n ang mga magiging anak ko," saad ko.
"Aba't sumusobra ka na—" Akmang susugurin niya ako nang sa wakas ay magsalita si Connor.
"That's enough!"
Parehas kaming natigilan at sabay na bumaling sa gawi ni Connor na nananatiling nakaupo sa gitna nang mahabang conference table.
"You can't just tell someone that their proposal svcks, Carson. You need to present a supporting evidence," turan nito sa akin.
Gusto kong mainis dahil tila mas kinakampihan pa nito ang lalaking iyon kaysa sa akin. Ngunit sa halip na hayaan na mangibabaw ang inis sa aking dibdib ay mas pinili ko na lamang na gamitin ang pagkakataong iyon upang patunayan na tama ako.
Muli kong inabot ang clicker saka pinindot iyon hanggang sa makarating sa slide na pakay ko.
"With this data alone, it already shows how incompetent this proposal is. This area is a fault line. This project is not just costly but also risky. I'm not saying that this isn't possible, as a businessman this project would only make you lose money. Hindi pa kasama riyan ang maaari mong maging sagutin kung sakaling pumalpak ang gusaling itatayo mo riyan," saad ko kay Connor. "And I bet, you didn't even follow the ten-meter wide no-build zone for that area," baling ko sa lalaking halos mamula na ang buong mukha dahil sa galit.
Hindi ito agad nakapagsalita. Parang naging isang linya na lamang ang labi nito dahil sa labis na inis. Hinihintay ko ang kaniyang sagot ngunit sa halip na ipagtanggol ang kaniyang gawa ay bumaling itong muli kay Connor.
"Would you actually believe to what this woman is saying?"
"Do you have the blueprint, Roman?"
Nagulat pa ang lalaki nang marinig ang sinabi ni Connor. He was taken aback by what he heard. I bet he wasn't expecting the turn of events.
"I-I don't have it with me. B-But I assure you, this—"
"I think I heard enough. Have a good day, Roman," wika ni Connor saka mabilis na tumayo at saka lumakad palabas ng conference room.
Dali-dali naman akong sumunod sa kaniya. Tahimik lamang itong naglalakad. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magkomento sa nangyari.
"I can't believe that you're wasting your time to meet someone as incompetent as that man," turan ko.
"I needed to check on something," tugon nito.
"Anong iche-check mo? Nagsasayang ka lang ng oras sa lalaking 'yon."
"I just wanted to check if you are what you're claiming to be."
Napangiti ako dahil sa kaniyang tinuran. Sa tingin ko ay unti-unti ko nang nakukuha ang kaniyang loob.
"How was it? Did I live up to your expectation?" I proudly ask.
"Let's just say, that you're up to something," makahulugang tugon nito.
Napanguso na lamang ako at napaismid nang hindi ko nakuha ang inaasahan kong papuri. Ang buong akala ko pa naman ay napabilib ko na ito sa ginawa ko. Kung puwede ko lang talagang batukan ang lalaking ito ay kanina ko pa ginawa.
Nang huminto ang sasakyan sa aming harapan ay malakas kong tinabig ang kaniyang balikat gamit ang aking balikat saka naunang sumakay ng kotse. Tila nagtataka naman ito dahil sa aking inasal.
Nakanguso akong tumingin sa labas ng bintana habang magkakrus ang aking mga braso sa aking harapan. Minsan ay hindi ko pa rin maiwasang lumabas ang pagiging bratinella ko. I am used to praises and compliment. Kaya naman gano'n na lamang ang inis ko nang tila hindi man lang ito namangha sa ginawa ko kanina.
Pinilit ko na lamang itinuon ang aking atensyon sa malalaking gusali sa labas ng sasakyan upang mabawasan ang aking pagkainis.
****************