CARSON
LAKAD-TAKBO kong sinundan si Connor palabas ng gusali. Hindi ko alam kung anong oras siya babalik kaya mas mabuti nang sulitin ko ang pagkakataon. Walang kasiguraduhan kung kailan ko ulit siya makakausap.
Saglit din akong huminto nang tumigil ito sa harap ng gusali habang paparada ang kaniyang sasakyan sa kaniyang harapan. Binuksan ng guwardiya ang pinto para rito. Agad kong kinuha ang pagkakataong iyon. Mabilis akong tumakbo papalapit sa sasakyan at buong lakas na itinulak si Connor papasok sa loob bago ako dali-daling sumunod.
"What the fvck are you doing?"
Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Marahil ay hindi niya inaasahang makikita niya akong muli sa kabila nang banta niya kanina sa akin bago ako umalis ng kaniyang opisina.
"I need to talk to you," kalmadong tugon ko.
"Get out of my car," galit nitong saad.
"Miss Avery, bumaba na po kayo ng sasakyan bago pa po magkagulo," turan naman ng driver.
"I only need five minutes of your time. Hear me out first before you decide to kick me out again," kumpiyansang turan ko.
"Emil, please have her remove from my car," malamig nitong turan bago umayos ng upo.
Unti-unti nang nauubos ang pasensya ko dahil sa kasungitan ng lalaking ito. I'm not use to defiance. Sanay akong nasusunod lagi ang gusto ko. But I can't let my feelings get the best of me. Sa ayaw ko man at sa hindi, kailangan ko ang masungit na lalaking ito upang magtagumpay ang aking plano.
SInundan ko nang tingin ang driver habang naglalakad ito patungo sa kaliwang bahagi ng sasakyan kung saan ko nakaupo. Mabilis akong kumilos upang i-lock ang pinto. Sumunod kong inabot ang pinto sa may driver's side at iyon naman ang ni-lock. Nasaksak na ang susi kaya hindi na magawa ng driver na buksan ang pintuan ng sasakyan mula sa labas.
"You are fired, Miss Sarmiento!" galit na sigaw ni Connor.
"If you want to fire me, fine do it. But please, hear me out. Five minutes, that's all I need."
Ilang segundo itong nananahimik habang matalim ang pagkakatitig sa akin. My eyes widen when he slowly leaned closer to me until our faces are inches away from each other. Hindi ako agad nakakilos dahil sa pagkabigla. Ang buong akala ko ay hahalikan niya ako. I don't know what gotten into me but the idea of his lips against mine excites me. Kaya naman gano'n na lamang ang aking pagkadismaya nang hindi iyon nangyari. Inabot lamang pala ni Connor ang buton ng bintana at pinindot iyon. Maya-maya pa ay bumukas ang salamin ng bintana.
"Give us a minute," wika nito sa driver na nakatayo sa labas ng sasakyan. Tumango naman ang lalaki bilang tugon.
Ilang saglit pa ay umayos ito nang pagkakaupo saka sumandal sa upuan.
"Your time is ticking," he said.
Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang sumang-ayon ito. Humugot muna ako nang isang malalim na hininga bago sinimulang ipaliwanag dito ang aking plano.
"You want to get the Dubai project, right?" umpisa ko.
"How did you know about that project?" takang tanong nito.
"It doesn't matter where I got that information. What's important here is how much you wanted to get that project."
"And what if I do, what are you suggesting?" he asked curiously.
"I can help you steal that project," kumpiyansang tugon ko.
He chuckles in disbelief. "You need to see a doctor. Your time is up."
"Wait!" maagap kong pigil sa kaniya. "Prime Construction has already signed a contract with them, right? Kung gayon, wala nang mawawala sa 'yo kung hahayaan mong gawin ko 'to. As a matter of fact, you have a lot to gain when this plan works," giit ko.
"Paano mo naman balak gawin 'yon? What do you know about this project? You didn't even know a thing about my proposal." Tila hindi pa rin ito kumbinsido.
"I may know nothing about your proposal, but I know the knit and grit of Prime Construction's proposal."
Bakas ang gulat sa mukha nito. Ngunit hindi kagaya nang una, alam kong kahit papaano ay nakukumbinsi ko na siyang maniwala sa akin.
"And you know that because...?"
"I know this is hard to believe, but I'm Caroline Sonnet Legazpi. I know about that proposal because it was me who made that with my sweat and blood. And I am furious knowing that the man I love and trusted is taking credit for something that I worked hard for," inis kong paliwanag.
Saglit itong napatitig sa aking mukha. Hindi ko alam ngunit tila mayroong nagbago sa paraan niya nang pagtitig sa akin.
Pigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang kaniyang magiging sagot. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit ko pa sinabi sa kaniya ang tungkol doon. Everything is going smoothly and I truly believe that I somehow convince him to accept my offer. Ngunit wala akong ibang maisip na maaaring isagot sa kaniyang tanong.
Makalipas ang ilang minuto nitong pananahimik ay tumuwid ito nang pagkakaupo saka dumiretso nang tingin. Kasunod noon ay inabot nito ang lock ng pinto saka iyon binuksan. Kasunod niyang binuksan ang bintana sa kaniyang tapat.
"Let's go," turan nito sa driver na nakatayo sa gilid niya.
"Yes, sir," mabilis naman nitong tugon saka dali-daling pumasok sa loob ng driver's seat.
Bagsak ang balikat akong napatingin sa aking kamay na nasa ibabaw ng aking hita. Bigo akong makumbinsi ito. Napabuga muna ako ng hangin bago akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan upang bumaba.
Ganoon na lamang ang aking pagtataka nang biglang mag-lock ang pinto ng sasakyan. Mabilis akong napalingon sa kaniyang gawi. Punong-puno ng mga tanong ang aking isip ngunit natatakot akong magsalita.
"Let's talk about your plan over breakfast," saad nito.
As if on cue, my stomach started to grumble. Gusto kong lamunin ng lupa sa mga oras na iyon dahil sa pagkapahiya. Kitang-kita ko ang pagbaba nang kaniyang tingin sa aking tiyan. I cleared my throat and look away to save myself from shame. Mahigpit kong ipinulupot ang aking mga braso sa aking tiyan upang kahit papaano ay maitago ang pagwawala ng aking sikmura. Bumaling ako nang tingin sa labas ng bintana upang itago ang aking pagkapahiya.
"Bring us to the nearest restaurant," utos nito sa driver.
Mabilis naman itong tumango bilang pagsang-ayon.
Hindi ko mapigilang mapanguso dahil sa inis. Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipan nang tiyan ko na magpapansin.
Gusto ko na lang kainin ako ng lupa.
**************