Chapter 6

2338 Words
CARSON NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mabangong amoy ng bangong timplang kape. Napangiti ako dahil iyon ang aking pinakapaboritong parte sa tuwing magsisimula ang aking araw. Hindi ako umaalis ng bahay nang hindi nakakainom ng kape. Kay gaan ng aking gising dahil doon. Marahan kong iniunat ang aking braso saka nakangiting idinilat ang aking mga mata. Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang mali sa sitwasyong iyon. Mariin akong napalunok nang bumangad sa akin ang kulay tsokalateng mga mata ng isang pamilyar na lalaki. Saglit akong natigilan at hindi ko napigilan ang aking sarili na tumitig sa mapang-akit nitong mukha. He was sitting in the single couch in front of me. Hawak nito ang isang tasa habang humihigop mula roon. Mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso nang mapansin ko ang paraan niya ng pagtitig sa akin. I've seen this man before. But magazines and TV shows that features him didn't give him any justice. I have my fair share of experience with handsome men but none of them has this effect on me as much as he did. Kapansin-pansin na hindi gaanong nakaayos ang kaniyang suot. Nakatupi ang manggas ng kaniyang puting polo habang nakabukas ang ilang pirasong butones noon. Saglit akong sumulyap sa pintong salamin ng opisina. Agad kong napansin nag-aagaw pa ang dilim at liwanag sa labas. Ang tantiya ko ay nasa alas singko pa lamang ng umaga. Dalawa lamang ang ibig sabihin noon, maaaring maaga itong pumasok sa opisina o narito ito simula pa kagabi. Natuptop ko ang aking bibig nang mapagtantong base sa itsura ng lalaki sa aking harapan ay hindi ito mukhang kakarating lamang. Tiyak akong dito rin ito nagpalipas ng gabi. Kung gayon, bakit hindi ko man lamang ito napansin kagabi? Is that how much I was preoccupied that I didn't had a chance to notice that there's someone in here when I got here? "Give me one good reason why I should not call the cops, Miss Sarmiento?" basag nito sa katahimikan. Sinundan niya iyon nang muling paghigop ng kape mula sa tasang hawak habang hindi inaalis ang pagkakapako ng kaniyang tingin sa akin. Dali-dali akong nag-isip ng dahilan. Madali ko lamang sana itong malulusutan kung ibang tao lamang sana ang nakahuli sa akin. "You will not call the cops simply because that wasn't part of your plan at all. Dahil kung gusto mo talaga akong ipahuli, kanina mo pa sana ginawa at hindi mo na ako hinintay na magising." "I can still call the cops now, Miss Sarmiento. You have no permission to use my office as your sleeping quarters," seryosong turan nito. May kung anong inabot ito mula sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong cellphone iyon. Mukhang seryoso ito sa sinasabi niya na tatawag siya ng pulis upang ipadakip ako. Hindi na ako masyadong nakapag-isip. Dali-dali akong tumayo at patakbong lumapit sa kaniya saka walang babalang hinablot ang cellphone mula sa kamay ng lalaki. Nawala ako sa aking sarili at hindi ko alam ang pumasok sa aking utak. Bigla ko na lamang ibinato ang kaniyang cellphone dahilan upang mabasag iyon at magkalasog-lasog. Natuptop ko ang aking bibig nang mapagtanto ko ang kapangahasang aking ginawa. Agad akong bumaling sa lalaki na nanatili pa ring nakaupo sa sofa. I was expecting him to be enrage. Ang buong akala ko ay sisigawan niya ako dahil sa aking ginawa. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang mahinahon itong tumayo at naglakad papalapit sa kaniyang lamesa. Saglit kong pinag-aralan kung ano ang balak nitong gawin. Na-alarma ako nang mapagtanto kong patungo siya sa teleponong nakapatong sa ibabaw ng kaniyang executive table. Akmang aabutin nito ang landline na nasa ibabaw ng lamesa nang patakbo akong lumapit sa kaniyang gawi saka mabilis na iniharang ang aking sarili sa kaniyang harapan. "Wait!" pigil ko sa kaniya. "L-Let me explain." Lumuwag ang aking paghinga nang hindi nito pinilit na abutin ang telepono sa aking likod. Pero ganoon na lamang ang gulat ko dahil kasunod niyang ginawa. Ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa gilid ng lamesa dahilan upang makulong ako sa pagitan ng kaniyang mga braso. Mas lalo kong nahigit ang aking hininga nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang aming mga katawan sa isa't isa. Napahakbang ako paatras nang mapansin ko ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin. Subalit agad na tumama ang aking likod sa lamesa dahilan upang maging bigo ako sa balak kong pag-iwas. Pilit kong nilalabanan ang mainit niyang mga titig. Halos mabingi ako dahil sa lakas nang t***k ng aking puso. "Explain what?" sarkastikong tanong nito. "Explain how did you get inside my office without my permission? Or explain how you throw my phone against the wall?" "It wasn't like that," giit ko. "Really? Then, please humor me, Miss Sarmiento." "I-I have nowhere to go. This is the only place that I could think of. And before you say that I should have booked a hotel, then let me tell you that I have no money," paliwanag ko. Hindi ko sigurado kung sapat na ba iyon para palampasin niya ang ginawa kong pagtulog sa kaniyang opisina. Saglit nitong tinitigan ang aking mukha. Hindi pa rin ito gumagalaw sa kaniyang puwesto kaya't nananatiling halos iilang pulgada lamang ang pagitan ng aming mga mukha. "Sorry, I don't buy it," turan nito nang muling magsalita. Tumuwid ito nang tayo saka tumalikod. Marahan itong naglakad paikot sa lamesa bago tuluyang umupo sa kaniyang executive chair. Muli nitong inabot ang telepono saka sinubukang pindutin ang mga numero roon. Mabilis kong pinindot ang switch hook upang mapigilan ito sa balak nitong pagtawag. "You clearly had no problem with presence last night, Mr. Sandejas," I told him as I raised my eyebrow. "You could have thrown me out last night, and yet, you waited for me to wake up before you decide to call security?" Kumunot ang noo nito saka mariing tumitig sa akin. Tila bigla itong natigilan saka marahang ibinalik ang handset ng telepono. "Who are you?" takang tanong nito. I was taken aback by his question. Sa dami nang sinabi ko ay hindi ko inaasahan na iyon ang kaniyang magiging sagot. "What do you mean?" kunot-noong saad ko. "You're not Avery. Sure as hell you look like her, but you're different." Mapakla akong tumawa, "You do know your secretary, huh?" I smirked. Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng kaniyang lamesa at bahagyang yumuko papalapit dito. "Since you asked, would you believe me when I tell you that I'm not your secretary?" Sandali itong natahimik. Hindi pa rin nitong inaalis ang kaniyang tingin sa akin. Makalipas lamang ang ilang minuto ay napuno nang halakhak ang buong opisina. When I noticed how he looks at me, I instantly regret telling him about it. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at umasa akong maniniwala siya kapag sinabi ko ang totoo. Tiningnan ko ito nang masama habang hinihintay itong matapos sa kaniyang pagtawa. "I know something is off, but I can't believe that you tried to get away with this by telling me that you're not my secretary?" sarkastikong turan nito. "So who are then, Princess Diana?" Bumuga ako ng malakas na hangin. Saglit akong pumikit upang pakalmahin ang aking sarili. "I don't know how can I convince you to believe me, but it is what it is. I can't go back to my family because they thought I am dead. And the family of this body is a mess. I can't stand to stay with them even just for a night," wika ko saka nanghihinang bumalik sa mahabang sofa saka pabagsak na umupo roon. "If you still want to call for security, then go ahead." Pinipilit kong magmukhang matapang ngunit sa loob ay abot-abot ang aking panalangin na sana ay hindi niya sundin ang sinabi ko. The last thing I need right now is to be thrown out to jail. Wala nga akong perang pamasahe, pampiyansa pa kaya. Pigil ko ang aking hininga habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kilos. Pasimple akong huminga nang maluwag nang marahan niyang ibaba ang hawak na telepono. Sumandal ito sa kaniyang upuan bago pinagsalikop ang kaniyang mga daliri saka tila saglit na inestima ang sitwasyon. Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita. "Get out," malamig nitong turan. Bagama't hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin n'ya, hindi ko pa rin maiwasang magtaka. "What?" naguguluhang saad ko. "I'll take what happened to you into consideration. Your mind might still be hasty from the coma, so once again, I will let this slide. You've been an efficient secretary right before the accident so I'll just take this as one of your post-coma episodes. I won't call the security but I don't want this to happen again. Come back when you're feeling better," paliwanag nito saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sa hawak niyang papel. "You may take your leave now." Nais ko pa sanang kumbinsihin ito ngunit nagpag-isip-isip kong mabuti na ito kaysa ipatapon niya ako sa kalungan dahil sa pagpasok ko sa kaniyang opisina nang walang paalam. Bagsak ang balikat akong lumakad pabalik sa mahabang sofa upang kunin ang aking pouch. Hindi ko ito maaaring iwan dahil ito lamang ang tanging bagay na mayroon ako ngayon. Matapos kong makuha iyon ay saka ako lumakad patungo sa pinto. Muli kong sinulyapan ang lalaking abala sa pagbabasa ng papel nitong hawak bago ako tuluyang lumabas ng silid. Mag-aalas sais pa lamang ng umaga ngunit mayroon nang naglilinis sa palapag na iyon. "Good morning, Ma'am Avery," nakangiting bati sa akin ng janitor. Isang pilit na ngiti lamang ang aking tinugon dito saka dali-daling pinindot ang elevator. Ilang segundo lamang ang lumipas ay bumukas na iyon. Mabilis akong pumasok sa loob saka pinindot ang pinakaunang palapag. I have nowhere to go that's why I decided to stay on the lobby. May malaking couch sa may lobby kaya nagdesisyon akong doon muna magpalipas ng oras habang pinaplano ko ang susunod kong gagawin. Balak kong hintayin si Andrew upang sa kaniya humingi ng tulong. Umupo ako sa mahabang sofa saka inabot ang isang bungkos ng dyaryo. Halos ilang oras din akong naghihintay roon nang matanaw ko ang pamilyar na imahe na papasok sa loob ng gusali. It was Emmet with that annoying smirk on his face. I know that look. He was here not for business but to gloat. What is he doing here? Hindi nagtagal ay nakita kong bumaba si Connor, ang lalaking kanina lamang ay kausap ko. Madilim ang mukha nito at tila hindi maganda ang kaniyang timpla. Mas lalong dumilim ang mukha nito nang harangin siya ni Emmet. Lumalim ang pagkakakunot ng aking noo dahil sa pagtataka. Anong ginagawa ni Emmet dito at anong kailangan niya kay Connor? Gamit ang dyaryo ay pasimple ko iyong itinakip sa aking mukha. Marahan akong lumapit sa kanilang gawi upang marinig ang kanilang pinag-uusapan. "Good morning, Mr. Sandejas," nakangising bati ni Emmet kay Connor. "What are you doing here, Mr. Corpuz?" malamig na tugon ni Connor. "Why so grumpy?" asar pa nito. "Actually, I am here to invite you for breakfast. Don't worry, it's my treat." "I'm busy," wika ni Connor saka tinangkang lampasan ito. Ngunit maagap na naiharang ni Emmet ang kaniyang sarili sa harap nito. "Don't be like that. Come on, let's celebrate my victory," saad nito saka sinundan nang mapang-asar na tawa. "You should congratulate me. Prime Construction and Development Corporation will be the one handling the newest and biggest entertainment complex in Dubai. With this, we will put the Sandejas Construction Corporation out of business!" Sinadya pa nitong lakasan ang kaniyang boses upang marinig nang mga taong naroon sa lobby. Hindi naman ito nabigo dahil nakuha nito ang atensyon ng mga taong naroon. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni Connor dahil sa galit. Mariin din ang pagkakakuyom ng kaniyang kamao na tila ba anumang oras ay maaaring lumapat sa mukha ni Emmet. I've never seen this side of Emmet. Noong mga panahon na kasama ko ito ay tila isa itong maamong tupa na parati ay nakabuntot sa akin. Wala itong alam sa negosyo kaya kahit ang pamilya niya ay hindi ito pinagkatiwalaang humawak ng kanilang kompaniya. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ang nasa harap ko ngayon. Bigla tuloy akong napaisip kung ibang tao nga ba ang nakikita ko ngayon o baka naman ito talaga ang tunay na Emmet. "And who's proposal did you use in order to close the deal, Emmet? I'm sure as hell it's not yours. Dahil parehas nating alam na wala kang kuwenta pagdating sa negosyo," wika ni Connor saka ngumisi. "I wonder, sino na naman kayang napakamalas na nahulog sa patibong mo. Who did you trick this time?" Kitang-kita ko ang pagbabago ng mukha ni Emmet. Mukhang napikon ito dahil sa huling tinuran ni Connor. Akmang muli pa itong magsasalita ngunit mabilis na itong nilampasan ni Connor. Hindi na nito pinagtuunan nang pansin ang pagtawag nito sa kaniya. Tila biglang naging malinaw sa akin ang lahat. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit nakuha ni Emmet ang project na iyon. I was working my ass off in order to create that proposal to our client in Dubai. I had no idea that Emmet would take credit on something that he didn't even work on. Dugo at pawis ang pinuhunan ko para sa proposal na iyon. Hindi ako makakapayag na gano'n-gano'n na lamang niya nanakawin sa akin iyon. Mas lalo lamang tumindi ang galit ko para sa aking dating kasintahan. Hindi n'ya lamang ako pinagpalit sa aking kapatid sa loob ng ilang buwan, nakuha pa niyang nakawin ang project na pinagpaguran ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit ni Emmet upang makuha ang posisyon bilang CEO ng Prime Construction. Pero gagawin ko ang lahat upang hindi mapunta sa kaniya ang pinaghirapan ng aking ama. Ngayon ay malinaw na sa akin ang dapat kong gawin. May ideya na rin ako kung paano ko makukumbinsi si Connor na tulungan ako sa balak kong pagpapabagsak kay Emmet. Hintayin n'yo lang ang pagbabalik ko. Sisiguraduhin kong walang matitira sa inyo kahit na ano. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD