CARSON
"BAKIT mo naman ginawa 'yon, Avery?" bungad ni Ate Amy sa akin nang makapasok ako sa maliit na bahay nila.
"He's about to hit you, what do you want me to do?" mataray kong sagot.
Mas lalong lumalim ang guhit sa kaniyang noo.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit gan'yan ka magsalita?"
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang hindi ko malaman kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon.
"You shouldn't allow anyone to hurt you in any manner. Kahit sino pa 'yan, wala silang karapatan na manakit ng taong walang kalaban-laban." Pilit kong iniwasan ang kaniyang tanong. Hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula.
"Hindi naman s'ya madalas manakit. K-Kapag lang nakakainom s'ya," pagdadahilan nito.
"Kahit na! Hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan mo lang s'yang tapaktapakan ka."
Saglit itong natahimik saka mariing tumitig sa aking mukha. Maya-maya pa ay bahagya akong napaatras nang biglang mabalot ng dilim ang kaniyang mukha.
"At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa pamilya namin? Hindi ba't kating-kati ka nang layasan kami?" bulyaw niya sa akin.
Is that it? Ganoon klaseng tao ba ang nagmamay-ari ng katawang ito?
Gustuhin ko mang taliwasin ang kaniyang sinabi ngunit hindi ko magawa dahil kahit ako ay hindi masiguro kung may katotohanan ba ang sinabi niya.
Nabasag ang ilang minutong katahimikan nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa mula roon ang isang dalagita at isang matandang babae. Natatandaan ko ang dalagitang iyon. Siya ang batang tumawag sa akin ng ate nang magkamalay ako sa ospital.
"Ate!" Patakbo itong lumapit sa akin bago ito yumakap sa akin nang mahigpit. "Sobrang nag-alala ako sa 'yo. Akala ko may masama nang nangyari sa 'yo. Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Salamat sa Diyos at nakauwi ka na. Akala talaga namin tuluyan nang nawala ang memorya mo kagaya nang sabi ng doktro," nagagalak na turan ng dalagita.
"I-I still don't remember anything," turan ko rito.
Unti-unting naglaho ang malawak nitong ngiti. Agad iyong napalitan nang pangingilid ng luha.
"Ate Avery..." tawag niya sa aking pangalan.
"Angela, ano bang nangyayari rito sa ate mo?" takang tanong ni Amy sa nakababatang kapatid.
"S-Si Ate Avery kasi..."
"Hayaan n'yo na munang magpahinga ang kapatid n'yo. Magulo pa ang isip niya dahil sa aksidente. Huwag n'yo na muna siyang guluhin," saway ng matandang babae sa kanila.
Bakas ang pagod sa mukha nang matanda. Hindi na maipagkakaila ang edad nito. Medyo may kapayatan din ito at halatang nanghihina na. Tila bigla na lamang akong nakaramdam ng awa para rito.
"Ate Avery, halika. Sasamahan na kita sa kuwarto para makapagpahinga ka."
"Mabuti pa nga iyon, Angela. Ikaw na muna ang bahala sa ate mo. Kailangan ko pang bumalik doon kina Misis De Guzman dahil marami pa akong labahin na kailangang tapusin," wika nito saka muling naghandang umalis.
Gusto kong tumutol at pigilan ito sa kaniyang balak. Ngunit walang kahit anong lumabas mula sa aking bibig hanggang sa makaalis ito. Hindi ko maintindihan ang sari-saring damdamin na bumabalot sa aking dibdib.
"Hinayaan n'yo lang na umalis ang nanay n'yo? Are you blind or what? Hindi n'yo ba nakikitang matanda na ang nanay n'yo para magtrabaho?" Hindi ko napigilang sumbatan ang mga ito nang wala man lang kahit isa sa magkapatid ang pumigil sa kanilang ina upang umalis at magtrabaho.
"Aba't talagang sumusobra na 'yang bibig mo, Avery, ha! Akala mo kung sino ka kung makapagsalita ka. Baka nakakalimutan mo dahil sa 'yo hindi mapipilitna si Nanay na maglabandera. Sa tingin, saan namin kinukuha ang mga gastusin dito sa bahay habang nakaratay ka sa ospital?" litanya nito. "At tinatanong mo ako kung bakit hinahayaan ko ang asawa ko na saktan ako? Dahil s'ya lang naman ang bumubuhay sa amin habang ikaw nakahilata ka ro'n sa aircon na ospital!" bulyaw niya sa akin.
Mariin akong napalunok. What kind of family did I get myself into? Is Avery a selfish person?
"Ate Amy, tama na. Hindi pa maayos ang lagay ni Ate Avery kaya pakiusap intindihin mo na lang muna s'ya," turan ni Angela.
"Bahala nga kayo d'yan," mataray nitong turan bago mabilis na tumalikod at pumasok sa loob ng isang maliit na kuwarto. Padabog nitong ibinagsak ang pinto ng silid.
"Pagpasensyahan mo na po si Ate Amy. Marami rin kasi s'yang problema nitong mga nakaraan. Kumusta pala ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Angela.
Wala pa akong kinakain mula nang tumakas ako sa ospital. Ngunit gayon pa man, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Marahil ay masyadong abala ang aking isip sa mga nangyayari kaya hindi ko na nagawa pang isipin ang tungkol sa pagkain.
"I'm fine. Wala rin akong gana," matamlay kong tugon nito.
"Halika na muna sa kuwarto, ate. Magpahinga ka muna para kahit papaano ay umayos ang iyong pakiramdam," aya niya sa akin.
Marahan niya akong inakay patungo sa katabing kuwarto kung saan pumasok ang nakatatanda nilang kapatid.
This family is chaotic. I don't know what's the reason why I wake up inside this body. I'm sure as héll that there's a reason for all of this.
Habang abala si Angela sa paghahanda ng kama ay hindi ko maiwasang pagmasdan ito. Sa lahat ng mga taong nakasalamuha ko ngayong araw, si Angela ang tanging nakitaan ko nang tunay na pag-aalala sa kalagayan ni Avery. Mukhang mahal na mahal nito ang kapatid.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito sa katawang ito. I might as well take this chance to know this body better. Kailangan kong makaisip nang paraan kung paano gagamitin ang katawang ito upang bawiin ang lahat nang nawala sa akin.
"Angela, right?" untag ko.
"Opo, ate. Your one and only pretty little sister." Halatang pilit lamang nitong pinagsisigla ang kaniyang tinig. Ngunit hindi maipagkakaila ang lungkot sa kaniyang mga mata.
She has expressive set of eyes. It reflects kindness and innocence. Kung may isang magandang bagay ang mayroon ngayon si Avery, iyon ay ang nakababatang kapatid nito.
I once dreamt of having my own little sister. Being an only child is quite lonely. Kaya ganoon na lamang ang tuwa ko nang ipakilala ni Dad sa akin ang bago niyang mapapang-asawa pati na rin ang anak nito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko noon dahil sa wakas, natupad na rin ang pangarap ko na magkaroon ng kapatid. Kaya parang pinipiga ang puso ko nang malaman kong inahas ng kapatid ko ang lalaking pinakamamahal ko. Inagaw niya ang lahat sa akin. Ang lalaking papakasalan ko, ang kompaniya, at pati na rin ang pamilya ko. Kaya gagawin ko ang lahat para mabawi ang mga iyon kahit pa isanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo.
Bumaling ako kay Angela na kasalukuyang nakaupo sa aking tabi. Parehas kaming nakaupo sa gilid ng maliit na kama na naroon.
"Can you tell me something about me? I want to remember everything," turan ko rito.
Nagningning ang kaniyang mga mata sa tuwa. Umayos ito nang pagkakaupo at humarap sa aking gawi. Masigla niyang hinawakan ang aking kamay saka sinimulang magkuwento.
Marami itong binanggit tungkol sa personal na buhay ni Avery. Nabanggit din nitong kinailangan nilang mag-iwan ng promisory note para lamang makaalis ng ospital. May insurance ang kompaniyang pinagtatrabahuhan ko ngunit hindi lahat ng gastos ay covered ng insurance.
Ngunit wala sa mga nabanggit niya ang atensyon ko. I need informations that I could use in order to fulfill my plans.
"Stop right there," pigil ko rito. "What did you say?"
"Alin do'n, ate? Ang dami ko na kasing nabanggit, eh."
"Tell me more about the Sandejas Construction Corporation," ulit ko.
"Ahh...Okay sige. Bali matagal ka nang nagtatrabaho bilang sekretarya ng may-ari ng kompaniyang iyon. Siguro maglilimang taon na rin. Malaki ang sahod mo ro'n pero pilit mong tinitipid ang kinikita mo kasi pinagiipunan mo ang pag-aaral ko. Gusto mo kasi akong makatapos ng kolehiyo," malungkot nitong saad. "G-Gusto mo na ring umalis sa bahay na 'to. Kaya lang ang gusto mo ay iwan ni Ate Amy ang asawa n'ya. Pero ayaw ni Ate. Ayaw raw n'yang masira ang pamilya n'ya kagaya nang nangyari sa atin. At si nanay naman, ayaw ring iwan si Ate Amy na mag-isa sa asawa n'ya. K-Kasi ate...kapag nalalasing si Kuya Albert..."
"Sshhh...it's alright," alo ko rito nang magsimulang mangilid ang luha sa kaniyang mga mata. "You don't have to worry about anything. Andito ako, poprotektahan kita."
"Pero ate, tuloy pa rin ba ang pag-alis mo?" usisa nito.
"What do you mean?"
"N-No'ng araw kasi na naaksidente ka, 'yon ang araw na dapat ay aalis na tayo sa bahay na 'to. Sabi mo mauuna na lang tayong umalis at babalikan natin sila nanay. 'Yon pa rin ba ang plano mo?"
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka saglit na nag-isip. I don't know what's happening about Avery's life. But I can't pick up where she left off. May mga sarili akong plano na kailangan kong gawin. Ngunit hindi rin naman maaatim ng konsensya kong pabayaan ang pamilya niya na nasa ganitong sitwasyon.
"Yes, my plan of getting you out of this shith0le is what I'm going to do."
Bahagyang umaliwalas ang mukha nito nang marinig ang aking sagot. Marahan ko itong hinila saka mahigpit na ipinaloob sa mainit na yakap. Marami pa itong ikinuwento tungkol sa buhay ko. Kinumbinsi ko siyang magkuwento tungkol sa aking trabaho. Ngayon kasi ay alam ko na kung saan ako magsisimula.
Dahil napasarap ang aming kuwentuhan ay hindi na namin namalayan na bahagya na palang dumidilim sa labas. Nasa kasarapan kami nang kuwentuhan nang bigla kaming makarinig nang ingay sa labas.
"Hoy, walang kuwentang babae! Lumabas ka riyan at ipaghanda mo ako ng pagkain!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng kuwarto.
Dali-dali kaming lumabas ni Angela upang silipin kung ano ang dahilan nang ingay na iyon.
"Albert, hinaan mo lang ang boses mo at natutulog na ang anak natin. Saka nakakahiya sa kapitbahay," saway ni Amy rito.
"Anong—pakialam ko sa mga—chismosang kapitbahay na 'yan! Sisigaw ako—hik—hangga't gusto ko!" Pasuray-suray pa itong lumakad patungo sa kusina saka pabalibag na hinila ang pinto.
Naiiling na lamang ako habang pinanonood kung paano halos hindi magkandaugaga si Amy para lamang sundin ang inuutos ng kaniyang asawa. Nakuyom ko ang aking kamay habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko maatim na panoorin kung paano tila gawing alila nang lalaking ito ang kapatid ni Avery. I know she's not my sister, but I don't think I could allow any person to be disrespected this way.
Balak ko na sanang makialam nang maramdaman ko ang mariin paghawak ni Angela sa aking braso.
"Ate...hayaan mo na lang sila. Baka mas lalo lang gumulo."
"How could your sister allow him to do this to her? I don't understand!" inis kong saad.
Muling napabaling ang aming atensyon sa dalawa nang bigla na lamang marinig ang tunog ng nabasag na pinggan.
"Tatanga-tanga ka talaga! Wala ka nang kuwenta, tanga ka pa!" insulto nito sa babae.
Kaya ko pa sanang tiisin ang mga nangyayari ngunit hindi ko na napigilan ang aking sarili na makialam nang makita kong bumulagta si Amy sa sahig dahil sa malakas na pagsampal ni Albert.
"Ate Amy!" gulat na sigaw ni Angela saka patakbong nilapitan ang kaniyang kapatid.
"That's it! You'll going to regret this," turan ko saka dali-daling nilapitan ang lalaki.
Though he's way more taller than him, I was trained to take down men twice my size. Kasama iyon sa training ko upang maipagtanggol ko ang aking sarili kung sakali mang may magtangkang masama sa akin. Hindi ko akalaing sa ganitong bagay ko gagamitin ang kakayahan kong ito.
Nang makalapit ako ay mabilis akong napagkawala nang sunod-sunod na suntok. Ang unang suntok ay tumama sa kaniyang mukha. Sinubukan niyang gumanti ngunit mabilis akong nakayuko upang umilag. Nang makabawi ako ay saka ko ito binigwasan ng isang malakas na sipa sa tiyan.
Halos matumba ito sa lakas ng aking sipa ngunit dahil sa likas na laki ng kaniyang katawan ay hindi ito tuluyan bumagsak. Muli kong sinegundahan ito nang sunod-sunod na sipa sa tiyan, binti, dibdib, at ang pinakahuli ay sa mukha. Hindi man lamang ito nakatama sa akin kahit isa. Tuluyan na itong nawalan nang malay at bumagsak sa sahig matapos lumapat sa kaniyang mukha ang aking huling sipa.
"Albert!" hiyaw ni Amy saka dali-daling dinaluhan ang kaniyang asawa. Matapos makita ang kalagayan nang asawa ay matalim ang mata nitong bumaling sa akin.
"You don't have to thank me—" Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay dumapo na ang kaniyang palad sa aking mukha. "What the héll!" galit kong baling sa kaniya.
"Wala kang karapatang saktan ang asawa ko!"
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat dahil sa aking narinig. "I can't fvcking believe this! I protect you from that abuser and this is what I get?" sarkastikong turan ko.
"Hindi ko hininging gawin mo 'yon! Dahil sa ginawa mo, mas lalo mo lang pinagulo ang sitwasyon! Alam kong may sakit ka pero hindi ka naman siguro tanga! Paano kung magsampa ng kaso si Albert? Paano kung ipakulong ka n'ya?" galit na galit nitong saad.
"Let him. I'm not afraid of him. Lalabanan ko s'ya sa kahit anong korte!" sagot ko.
"Ate Avery, Ate Amy, tama na. Huwag na kayong mag-away," pigili ni Angela.
"Alam mo, mas mabuti pa sigurong umalis ka na lang dito sa bahay. Hindi namin kailangan ang dagdag sakit sa ulo na kagaya mo!"
Marahas niyang hinablot ang aking braso saka sinimulan akong kaladkarin papalabas ng bahay.
"Lumayas ka rito! Hindi ka namin kailangan!"
Mapakla akong napatawa habang naiiling na lamang dahil sa nangyari. This is what I get by trying to protect someone who doesn't want to get out of a shitty relationship. I have no where to go but I'd rather sleep on the street than stay at this rotten place for another night.
"You know what? I'd rather sleep in a dumpster than stay with you and your assh0le husband. Goodluck with your life," sarkastikong turan ko rito. Akmang tatalikod na ako nang marinig ko ang tawag ni Angela.
"Ate Avery!" Patakbo itong yumakap sa akin. "Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan, pakiusap."
"I can't stay here, Angela. But don't worry. Babalikan kita. Kailangan ko lang maghanap nang matutuluyan bago kita kunin," wika ko.
"Promise, ate?"
"Yes, I promise. Sa ngayon, kailangan mo munang pagtiisan ang ugali ng mga 'yon."
"Hihintayin kita, ate."
Marahan akong ngumiti saka maingat na hinaplos ang kaniyang buhok.
"S'ya nga pala, ate. Ito ang purse mo. Nariyan sa loob ang company ID at ATM mo. Baka kailanin mo sa pagpasok sa trabaho," wika nito sabay abot ng isang maliit na kulay pulang pouch.
"Salamat," wika ko saka pilit na ngumiti. "Sige na pumasok ka na. Babalik ako bukas kapag ayos na ang lahat."
"Sige, ate. Mag-iingat ka."
Marahan akong tumango bilang tugon. Sinigurado ko munang makakapasok si Angela sa bahay bago ako nagsimulang maglakad patungo sa may labasan.
Habang naglalakad ay binulatlat ko ang kulay pulang pouch na inabot ni Angela. Nilalaman noon ang aking company ID at ATM. Nang makita ko ang company ID ay nagkaroon ako ng ideya kung saan ako maaaring manatili ngayong gabi.
But first, I need to get some money to get there.
**********************