"I'm sorry, Sir. Oras na lang po ang hinihintay ng pasyente." Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Inaasahan ko na iyon. Oo. Sa nakalipas na tatlong araw ay nagpapahaging na ang doktor sa kalagayan ng aking ina. Malubha ang naging pinsala sa kanyang baga at atay dahil sa mga balang tunama sa kanyang katawan. Gayunpaman ay nagdasal pa rin ako at nagmakaawa sa Diyos na bigyan pa Nya ng isang pagkakataon ang Nanay ko na mabuhay. Ngunit nang marinig ko ang sinabi ng doktor, alam kong nakapagdesisyon na ang Diyos. Masakit man ngunit kinakailangan kong tanggapin ito. Kumuyom ang aking kamao. At isang saglit pa ay hindi ko na napigilan pa ang pag-alpas ng iyak na nasa lalamunan ko. Ilang oras na lang. Ilang saglit ko na lang na makikitang buhay ang minamahal kong in