Masayang nagsisiksikan at nag-uunahan ang lahat para makakuha ng pagkain. "Oh, magtira kayo ng space dyan sa bituka nyo dahil may cake pa tayong pagsasaluhan." Pagbibiro ko sa kanila. "At dahil nabanggit ang cake, oh eto ang kutsilyo. Gelaine, alalayan mo si Lui at ipahawak mo sa kanya para sya ang maghiwa. Ingat at baka ikaw ang mahiwa ng anak mo." Napangisi ako sa munting pagpaparinig ni Nanay kay Gelaine na napasimangot. Tumulong na rin ako sa pag-alalay sa anak ko sa paghiwa nya sa cake. "Yehey!" Sigaw at palakpak ni Jang-jang na nasa tabi ni Nanay nang makapaghiwa si Lui sa cake kaya napagaya ang lahat. "Nay, nakita nyo ba si Isly? Andito lang yun kanina." "Ba, ewan ko sayo. Bakit sa akin mo sya hinahanap samantalagang ikaw naman pala ang kasama nya kanina?" Pamimilosopo sa akin