Tahimik kong pinagmamasdan ang puntod ni Papa dito sa garden ng bahay namin. Nakaupo ako sa harap nito at tahimik na nakikipag-usap sa kanya. Papa, I miss you. It has been five years since I last saw you. I'm sorry for neglecting you. I'm sorry for neglecting my duties. Hindi ako handa, Papa. Sa totoo lang ay hindi ako handa. Sa totoo lang ay ayokong pamunuan ang organisasyong itinatag mo, Papa. Gusto ko nang tahimik na buhay kapiling ang mga mahal ko sa buhay: sina Daddy, Tetey, Kuya Jai at Kuya Zeke. Sina Nanay, Tatay, Jang-jang, Lui at Luis. Kaya patawarin mo ako, Papa. Forgive me for intentionally forgetting my place in your world. At hindi na ata ako makakatakas pa sa responsibilidad na iniatang mo sa mga balikat ko, Papa. Kahit ayoko ay kinakailangan kong tanggapin na lang. Ayoko