EPISODE 4

4942 Words
Nakatayo sa harapan ng isang malaking silver-plated na gate sila Eufritz at Nicollo. Makikita mula sa labas ng gate ang isang napakalaking bahay na may tatlong palapag. Moderno ang istilo ng bahay at color white and black ang dominant color. Gawa sa glass ang mga bintana nito at sa gitnang bahagi ng bahay, sa second floor ay may malaking terrace. Napapalibutan ng mga puno at halaman ang bahay kaya napakapreskong tingnan ng paligid. Ito ang bahay ng mga magulang ni Nicollo. “Sigurado ka ba na gusto mong makilala sila Mom at Dad?” pagtatanong ni Nicollo kay Eufritz. Panay din ang tingin ni Nicollo sa color white na Volvo car niya na nakaparada sa hindi kalayuan sa pwesto nila. “Of course, Honeylove. Gusto ko din naman makilala ang parents mo at malaman kung kanino ka nagmana. Afterall, parents ko na din naman sila dahil alam mo na… asawa mo na ako,” nangingiting wika ni Eufritz. Lumukot ang mukha ni Nicollo. Muli niyang tiningnan si Eufritz. “Pwede ba? Tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng Honeylove. Nakakainis pakinggan,” naiinis na pagsaway ni Nicollo kay Eufritz. Namaywang si Eufritz. Ipinapakita ang mala-cola bottle na body niya na hubog sa suot niyang pink floral dress. “Sinabi ko na sayo ‘di ba? ‘Yun na ang magiging tawagan natin for the entire six months duration of our marriage kaya naman sa ayaw at sa gusto mo, masanay ka nang pakinggan ang tawagan natin dalawa. Owwkey?” maarteng wika ni Eufritz. Inipit pa nito sa likod ng tenga ang sobrang hibla ng kanyang buhok. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Nicollo habang diretso ang tingin kay Eufritz. “Feeling close ka din, ‘no?” sarcastic na tanong ni Nicollo kay Eufritz. Tinaas ni Eufritz ang kanang kilay. “Hoy! Hindi ako feeling close, huh!” mariing pagtanggi ni Eufritz sa paratang sa kanya ni Nicollo. “Siguro konti lang. Saka kailangan din natin maging close sa isa’t-isa kahit konti. Remember, we’re husband and wife,” maarteng wika pa ni Eufritz with matching pataas-baba-taas-baba pa ng kilay. Napailing-iling na lamang si Nicollo. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya na makasama si Eufritz bilang asawa niya sa loob ng six months at maging close pa dito. Iba kasi ang ugali nito kaysa sa kanya, kumbaga, total opposite sila. “Halika na nga at pumasok na tayo sa loob,” pag-aaya na lamang ni Nicollo kay Eufritz. Nauna nang maglakad si Nicollo patungo sa tapat ng gate kung saan nasa gilid nito ang doorbell. Sumunod naman si Eufritz kay Nicollo. Pangiti-ngiti siya. “Ang ganda ko… ang ganda ko… ang ganda ko,” paulit-ulit na pagpuri ni Eufritz sa sarili. Nag-ayos talaga siya para siyempre, maganda ang maging impression sa kanya ng parents ni Nicollo. Bahagyang napapailing naman ang ulo ni Nicollo na naririnig ang sinasabi ni Eufritz. Pagkatapos mag-dorbell ni Nicollo ay automatic na bumukas ang malaking gate ng bahay. Pumasok na sila Nicollo at Eufritz sa loob. Iniwan na lang muna nila sa labas ang kotse ni Nicollo dahil safe naman sa lugar nila. Sa isang exclusive subdivision nakatira sila Nicollo at may guard na nagbabantay mula sa labas ng subdivision na siyang nagpapanatili ng seguridad sa loob. Namangha si Eufritz sa nakita. Animo’y garden of Eden ang bukana ng bahay. Napakaraming puno at halaman at mga bulaklak sa paligid. “Wow! Kasing-ganda ko ang garden niyo! Sinong nag-aalaga sa napakalawak ninyong garden na ito, Honeylove?” namamanghang tanong ni Eufritz kay Nicollo habang sila’y naglalakad sa gitna ng garden patungo sa main door ng bahay. Sandaling tiningnan ni Nicollo si Eufritz. Kaagad ding nitong ibinalik ang tingin sa dinaraanan matapos tingnan si Eufritz. “My Mom,” maikling sagot ni Nicollo sa tanong ni Eufritz. Tumango-tango naman si Eufritz sa sinabi ni Nicollo at pinagsawa ang paningin sa pagtingin sa kabuuan ng garden. Eufritz love trees and flowers kaya hindi malayo na nagustuhan nga niya ang lugar na ito. “Grabe! Kasing-ganda ko talaga ang garden niyo,” maarteng saad ni Eufritz. Napailing-iling na lamang si Nicollo dahil sa mga sinasabi ni Eufritz. Nang makarating sila sa kulay itim at malaking main door ng bahay ay otomatikong nagbukas ito. Pumasok sila Nicollo at Eufritz sa loob. Napakaganda ng loob ng bahay. Halatang mayaman ang mga nakatira. May mga chandelier na nakasabit sa mataas na kisame at nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng bahay. Kumpleto sa mamahaling kagamitan at muwebles ang loob ng bahay. May mga litrato ng pamilya na nakapatong sa isang mesa na naroon malapit sa living room. Sa gitnang bahagi naman ng living room, may nakasabit na isang napakalaking litrato. Family picture nila Nicollo. Halatang matagal nang kinuhaan ang litrato na iyon dahil ang bata pa ng itsura ni Nicollo sa larawan. Bata pa lang si Nicollo sa litrato pero napaka-cute na nito. Tatlo lang ang nakita ni Eufritz na tao na nasa litrato. Ang mommy at daddy nito na pawang maganda at gwapo. May pagmamanahan pala si Nicollo. She also assumed na only child lang si Nicollo ng pamilya. ‘Infairness, bata pa lang pero heartthrob na,’ sa isip-isip ni Eufritz habang nangingiti. Sa ilalim naman ng malaking litrato iyon ay nakapwesto ang napakalaking flat screen tv. Nasa one hundred inches ang sukat nito. Napakalaki nito na katulad ng mga tv na nasa sinehan sa mall ang itsura. Nakapwesto rin kung nasaan ang tv ang entertainment set gaya ng stereo, dvd at iba pang gamit. Napalingon ang dalawa sa hagdan nang makarinig sila ng mga yabag na bumababa mula doon. Pababa ngayon sa mahaba at paikot na hagdanan ang isang babae na sa tingin ni Eufritz ay wala pa sa trenta-anyos ang edad. Maganda ito at sopistikada tingnan. Poise na poise ang bawat galaw nito at parang nagsanay bilang isang beauty queen dahil sa gandang maglakad. Nakasuot ito ng isang red dress at three-inches stilettos at may necklace na suot sa leeg. May suot din itong hikaw sa tenga na parehas na kumikinang na parang mga bituin. ‘Sino kaya siya?’ sa isip-isip ni Eufritz. Sa isip ni Eufritz, marahil kapatid ay ito ni Nicollo. Pero napaisip din siya, bakit hindi ito kasama sa family picture ng pamilya kung kapatid ito ni Nicollo. Akala nga niya only child si Nicollo. “You’re here baby. Where have you been?” malambing na tanong ng babae kay Nicollo nang makababa ito ng hagdanan at kaagad na nilapitan si Nicollo para bigyan ng isang yakap at halik sa pisngi. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Eufritz. ‘Baby? Ibig bang sabihin, may binabahay na palang babae si Nicollo? Or worst, may asawa na ito at hindi ko man lang alam iyon? Oh my gosh! Ayokong maging mistress!’ hiyaw ni Eufritz sa isip niya. ‘Pero kunsabagay, kasal din kami ni Nicollo. Oh, no! Ayokong ang maging pamagat na ng kwentong ito ay two wives!’ exaggerated na wika pa niya sa kanyang isipan. Napapailing-iling pa siya ng todo pero sa utak lang niya. “Mom, don’t call me baby anymore. Hindi na ako bata,” naiinis na turan ni Nicollo sa kanyang ina. “But you’re my baby forever,” paglalambing na sabi ng mommy ni Nicollo. Napabuntong-hininga na lamang si Nicollo ng malalim. “Anyway, where have you been?” tanong muli ng mommy ni Nicollo. “Sa mall lang, Mom,” sagot ni Nicollo. “Where’s Dad?” pagtatanong pa niya. “Nasa kusina, Baby at naghahanap ng makakain. Alam mo naman na wala tayong katulong ngayong araw dahil day-off nila,” sagot ng mommy ni Nicollo. Tumango-tango na lamang si Nicollo sa sinabi ng ina. Kanina pa nakamasid lamang si Eufritz sa nag-uusap na mag-ina. Magkasalubong pa ang kilay nito habang diretsong nakatingin sa dalawa. ‘Wait… Mom? Ibig sabihin, Mommy niya ang babaeng ito?’ hindi makapaniwalang sabi ni Eufritz sa isipan niya habang pinasadahan niya nang tingin ang mommy ni Nicollo. ‘Ibig sabihin, hindi man lang nagbago ang itsura niya?’ sa isip-isip pa niya. Naalala ni Eufritz ‘yung tiningnan niyang family picture nila Nicollo. Nakalimutan niya iyon kaya hindi din niya namukhaan kaagad ang mommy ni Nicollo. Hindi akalain ni Eufritz na napakaganda ng mommy ni Nicollo. Kung ikukumpara ang itsura nito sa family picture na nakita niya, aakalaing hindi talaga ito tumanda dahil ganoon pa din ang itsura. Iba na talaga ang nagagawa ng pera ngayon. Nagagawa kang pagandahin! Ngunit sa tingin ni Eufritz, mukhang bata lamang tingnan ang mommy ni Nicollo. Kumbaga ay baby-face ito. Halata naman sa itsura nito na hindi ito retokada. Mahahalata naman daw kung retokada o hindi ang mukha ng isang tao. Marahil may secret itong mommy ni Nicollo para maging forever young ang itsura. ‘Ano kaya ang secret niya para maging beautiful and young forever? Aalamin ko ‘yan!’ sa isip-isip ni Eufritz. “Who is she?” pagtatanong ng mommy ni Nicollo na ngayon ay nakatingin kay Eufritz. Tumingin din si Nicollo kay Eufritz na kanina pa nakamasid sa kanila. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanila. Kaagad namang lumapit si Eufritz. Bigla-bigla ay ini-akbay ni Nicollo ang malamang braso nito sa balikat ni Eufritz. Hindi alam ni Eufritz kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Parang nakikipag-karerahan ito sa race track. Nagtataka siya dahil hindi naman siya tumakbo nang mabilis. ‘Oh, no! What is the meaning of this?’ hiyaw ni Eufritz sa isip niya. ‘May sakit na ba ako sa puso?’ dagdag pa niya. Iniisip ni Eufritz ang dahilan kung bakit sobra ang kaba na nararamdaman niya. Dahil ba ito sa biglaang pag-akbay ni Nicollo sa kanya? Bahagya siyang umiling-iling. Siguro, kinabahan siya dahil kaharap na niya ngayon ang mommy ni Nicollo. Iyon na lang ang iisipin niya. ‘Right! I’m just nervous because of Nicollo’s mom,’ sa isip-isip ni Eufritz. Pilit na ngumiti na lamang si Eufritz at hindi ipinapahalata sa mga kaharap ngayon ang kaba na nararamdaman. “Mom, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko, okay?” Kahit si Nicollo ay nakakaramdam din kahit papaano ng kaba. Kinakabahan siya dahil sasabihin na niya na may asawa na siya at hindi man lamang nalaman ng mga ito. Muling tiningnan ni Irish si Nicollo. “At bakit naman ako mabibigla sa sasabihin mo Nicollo? May hindi ka ba sinasabi sa amin at ngayon mo lang balak sabihin?” magkasunod na tanong ng Mommy ni Nicollo. Pamaya-maya ay nanlaki bigla ang mga mata nito dahil may naisip siyang kakaiba. “Don’t tell me… Oh my gosh!” hiyaw nito sabay tiningnan muli si Eufritz. Naningkit ang mga mata ni Nicollo na nakatingin sa mommy niya. “Mom! Wag ka nga mag-isip ng kung anumang iniisip mo ngayon,” mariing pagsaway ni Nicollo sa mommy niya. Minsan talaga ay OA ang reaksyon ng ina niya. Muling tiningnan ni Irish ang anak na si Nicollo. “Eh, kasi naman baby. You know that you’re my baby right? Tapos, magkakaroon ka na rin ng sarili mong baby?” nanlulumong wika ng mommy ni Nicollo. Parang gumuho ang buong mundo nito. Hindi makapaniwala si Nicollo na ganoon ang iniisip ng mommy niya. Lumukot ang mukha niya. Inalis niya ang pagkaka-akbay kay Eufritz. “Mom! Hindi yan ang sasabihin ko,” mariing saad ni Nicollo. “Kung ang iniisip mo ngayon ay nabuntis ko siya… mali po ang iniisip ninyo. Pero…” wika ni Nicollo at hindi pa nito itinuloy ang mga huling sasabihin. ‘So, iniisip pala ng mommy ni Nicollo na buntis ako? Hahahaha! Nakakatawa! At ang nakakatawa pa, baby pa ang tawag nito kay Nicollo! Ang laki-laki kaya ni Nicollo! Mas malaki pa nga siya sa akin!’ natatawang sambit ni Eufritz sa kanyang isipan. Lihim rin itong natatawa dahil sa mga pinagsasabi ng mommy ni Nicollo. “Ano ba kasi ang sasabihin mo? Sabihin mo na para hindi kung anu-ano ang naiisip ko. Saka sino ba ang babaeng yan at kasama mo pa and why she’s here inside our house?” mataray na pagtatanong ng Mommy ni Nicollo at pinasadahan pa nito nang tingin si Eufritz mula ulo hanggang paa. ‘Infairness, maganda siya,’ sa isip-isip pa ng ginang. Huminga muna ng malalim si Nicollo bago nagsalita. “Uh… Eh… Mom,” paunang salita ni Nicollo. Halata sa kanya na nahihirapan siyang sabihin ang dapat niyang sabihin. Muli siyang huminga nang malalim pagkatapos ay tiningnan niya ng diretso ang kanyang mommy. “She’s Eufritz Camille, my wife,” sa wakas ay nasabi din ni Nicollo. Natulala ang mommy ni Nicollo. Sandaling na-blangko ang utak niya habang diretso ang tingin sa anak. Pamaya-maya ay ina-absorb na ng utak niya ang lahat nang narinig niya mula sa anak na si Nicollo. Pamaya-maya ay nanlalaki ang mga mata ng mommy ni Nicollo dahil sa shock. Halos manlambot ang tuhod nito kaya babagsak na sana ito sa floor kundi lang mabilis na tumakbo ang daddy ni Nicollo palapit sa asawa. Palabas na ito ng kusina at naabutan niya ang eksena na iyon at narinig niya rin ang sinabi ni Nicollo. “Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!” paulit-ulit na sambit ng mommy ni Nicollo habang umiiling-iling. Hindi ito makapaniwala sa narinig. “Ta-Tama ba ang narinig ko, Nicollo? A-asawa mo siya?” nauutal na tanong ng daddy ni Nicollo at itinuro pa nito si Eufritz. Nakaalalay pa rin ito sa asawa. Tumango-tango naman si Nicollo bilang sagot. Ang Daddy ni Nicollo ay parang binata lang ang itsura. Gwapo, matipuno ang pangangatawan at malaki ang pagkakahawig kay Nicollo. No wonder, ito ang daddy niya. Bagay na bagay sila ng mommy ni Nicollo. “Oh my gosh talaga! My baby! He’s already married ng hindi ko man lang nalalaman! Huhuhu!” maarteng litanya ng mommy ni Nicollo. Nakaayos na muli ito sa pagkakatayo at inaalalayan pa rin ng daddy ni Nicollo na nakatingin naman kay Eufritz. “You!!!” sigaw ng mommy ni Nicollo kay Eufritz at dinuro pa nito ng daliri ang dalaga. “You stole my baby from us!!!” hiyaw pa niya. Pilit namang pinipigilan ni Eufritz ang tawa niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya. ‘Grabe! Laughtrip talaga ang mommy ni Nicollo. Ang drama din niya. Wala sa itsura niya na ganyan pala siya. Sa likod ng sopistikada niyang kaanyuan, nakatago ang may pagka-crazy attitude niya,’ sa isip-isip ni Eufritz. Hindi man lang siya nasindak sa mommy ni Nicollo. Ngumiti nang pagkatamis-tamis ni Eufritz. “Tita, hindi ko naman po inagaw sa inyo si Honeylove. Makikita niyo pa rin naman siya, eh,” malambing na wika ni Eufritz. Si Nicollo naman ay nahihiya sa inaasal ng kanyang mommy. Napaka-overprotective kasi nito sa kanya to the point na nasasakal na rin siya. Pero ayos lang naman iyon kay Nicollo dahil naiintindihan niya. Magulang ito kaya hindi maiiwasan na mas maging mahigpit ito para maprotektahan ang anak. “At Honeylove pa talaga ang tawag mo sa baby ko?! How dare you!” mataas ang boses na sabi ng mommy ni Nicollo kay Eufritz. Nanlalaki pa ang mga mata nito na nakatingin nang masama sa dalaga. “Saka anong sinasabi mong hindi mo inaagaw ang baby namin? Nasa iyo na nga siya at asawa mo pa! Natural lang na ikaw na ngayon ang priority niya at hindi na ako! Huhuhuhu! My baby!” maarteng litanya pa na wika ng mommy ni Nicollo. Kaunti na lang, hahagalpak na sa pagtawa si Eufritz dahil sa pagiging OA ng mommy ni Nicollo. ”Anak… Paano? Bakit? Kailan?” nalilito naman na tanong ng Daddy ni Nicollo. Gulat na gulat din siya sa biglaang nalaman. Sinong hindi magugulat kung malalaman na lang nila na isang araw, pag-uwi ng anak nila sa bahay, may asawa na ito. Ang bilis naman yata. “It’s a long story to tell, Dad. Hindi ko na kailangan i-elaborate pa ang mga pangyayari. Basta, she’s my wife from now on so treat her nice, okay?” pakiusap ni Nicollo. Napangiti naman si Eufritz sa narinig na sinabi ni Nicollo. ‘Infairness, mukhang nafi-feel na din ni Nicollo ang palabas. Ang galing na niyang umarte, eh.’ “You!!!” sigaw na naman ng Mommy ni Nicollo kay Eufritz at dinuro muli ito ng hintuturong daliri. “Mom, don’t shout. Masyado niyo namang sinisindak ang asawa ko,” saway naman ni Nicollo sa kanyang ina. Hindi naman nasindak si Eufritz sa sigaw ng kanyang mother-in-law dahil mas nangingibabaw pa rin dito ang pinipigilang halakhak at saya na nararamdaman. Natutuwa siya sa ugaling ipinapakita ng ina ni Nicollo. “Ano bang nakita ng baby ko sayo at naisipan ka nyang pakasalan?” pagtatanong ng mommy ni Nicollo. Tumayo nang tuwid si Eufritz and with poise and confidence. Tiningnan niya ng diretso sa mata ang mommy ni Nicollo. “Siguro po kaya naisipan ni Honeylove na ako’y pakasalan ay dahil sa mayroon akong angking kagandahan, kasexyhan at malaking puso na nagmamahal ng tunay sa kanya. Saka pinakasalan niya po ako ay dahil na rin sa mahal niya ako,” confident at tila pang beauty contest na pagsagot niya. Totoo ang lahat nang sinabi ni Eufritz maliban lang sa huling mga salita. Totoong maganda siya at sexy pero wala siyang malaking puso na nagmamahal kay Nicollo. Hindi din siya mahal ni Nicollo. Napailing-iling si Nicollo sa sinabi ni Eufritz. ‘Hay! Kahit kalian talaga, napaka-conceited niya,’ sa isip-isip ni Nicollo. ‘Pero kunsabagay, totoo din naman ang sinasabi niya, maganda at sexy siya. Pero ‘yung huli…’ Pilit na ngumiti na lamang si Nicollo. Hindi na lamang niya tinapos ang iniisip niya. Ang daddy naman ni Nicollo ay napahanga sa sagot ni Eufritz. Diretsahan parang mommy ni Nicollo. Kaya nga mahal na mahal niya ang asawa niya. Hindi din maitatanggi na parehas sila ng anak sa taste pagdating sa babae. Lihim tuloy napangiti ang daddy ni Nicollo sa sarili dahil sa mga iniisip. ‘Hay! Mana ka talaga sa akin, Anak.’ Tiningnan ng mommy ni Nicollo si Eufritz mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay nito. “Kunsabagay, tama ka nga sa sinabi mo. Maganda ka at sexy at bagay na bagay sa baby ko. Syempre alam ko naman na hindi pipili ang anak ko ng isang babae na hindi bagay sa kanya. Am I right?” pagtatanong ng mommy ni Nicollo. Tumango-tango naman si Eufritz. “At siguro ang isa pa sa dahilan kaya pinakasalan ka ng baby ko ay dahil halos magkatulad tayo na maganda at sexy. Alam mo naman, ang mga lalaki, hinahanap din nila minsan sa babaeng mamahalin nila ay ‘yung katulad ng mommy nila,” dagdag pang sambit ng mommy ni Nicollo at nag-posing pa at talagang ipinapakita ang kagandahan ng mukha at katawan. Slim ang pangangatawan ng mommy ni Nicollo kaya hindi mahahalata na matanda na ang edad nito. Hindi din aakalain na may anak na ito dahil napaka-sexy ng figure ng katawan nito. “Of course,Tita. Napakaganda mo talaga. Akala ko kaya no’ng una, magkapatid o kasintahan kayo ni Nicollo nang makita ko kayong pababa ng hagdanan,” pambobola na sabi ni Eufritz pero totoo naman ang mga sinabi niya. “Para kayong reyna na bumababa sa hagdan kung saan may naghihintay na hari sa ibaba para hawakan ang inyong kanang kamay,” dagdag pa niya at ngumiti ng todo. “Talaga? Wow! Hindi ko akalain na sa tingin mo mukha pala akong kapatid at kasintahan ng baby ko dahil inakala mo na bata pa ko,” sobrang natutuwa na sabi ng mommy ni Nicollo at ngumiti pa ito ng matamis. Lumapit pa ito kay Eufritz at ginawaran ito ng halik sa magkabilang pisngi. “I like your compliment, Iha. I think magkakasundo tayo,” wika pa ng mommy ni Nicollo kay Eufritz at ngumiti ito kaya lumabas ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Napangiti din si Eufritz. At least, nakuha na yata niya ang loob ng mommy ni Nicollo. Ramdam din ni Eufritz na madali na lang kunin ang loob ng daddy ni Nicollo dahil mukha naman itong mabait sa paningin niya. Si Nicollo naman ay nakatingin lang kay Eufritz. Bahagya siyang napapailing. Habang nakahalukipkip ang mga braso. ‘Feeling close talaga ang babaeng ito at ang galing pang mambola. Nauto ba naman ang mommy ko,’ sa isip-isip ni Nicollo. Hindi siya makapaniwalang makukuha kaagad ni Eufritz ang loob ng mommy niya. “Anyway, I’m Tita Irish and this handsome guy beside me is my husband Napoleon. Call him Tito Napoleon from now on tutal your part of our family,” pagpapakilala ni Tita Irish na mommy ni Nicollo. Ngumiti naman ng maganda si Eufritz. “Hi po Tito. Nice too meet you,” magalang na pagbati ni Eufritz. Ngumiti at tumango lamang si Napoleon kay Eufritz. “Uhm… Eufritz, pasensya ka na sa ipinakita kong ugali sayo kanina. Hindi ko lang kasi napigilan dahil nagulat talaga ako sa sinabi ng baby ko na may asawa na siya. Alam mo naman ang mga magulang, ‘di ba? Lalo na ang nanay. Medyo may pagka-OA ako pagdating sa anak,” paliwanag ni Tita Irish kay Eufritz. “It’s okay, Tita. I understand naman po,” sabi na lamang ni Eufritz. “Bakit hindi muna muna tayo magsalo-salo at kumain? May inihanda akong pagkain para sa atin. At para makapag-usap lahat tayo ng maayos,” pag-anyaya naman ni Napoleon. “Uhm… Tito kasi, if you don’t mind, gusto ko po sana kayong imbitahan ngayon sa bahay para makilala niyo na rin po si Daddy. Pwede po ba?” magalang na tanong ni Eufritz. “Of course! By the way, what’s your whole name, Iha?” tanong ni Tita Irish. “Eufritz Camille Villanueva po,” nakangiting sagot ni Eufritz. Nagulat sila Irish at Napoleon. “Oh! Are you related to Eugene Villanueva?” pagtatanong naman ni Tito Napoleon. Nagtaas-baba-taas-baba ang ulo ni Eufritz. “Yes. He’s my Dad. Bakit po? Kilala niyo ba siya?” nagtataka na tanong ni Eufritz. “Yeah… yeah. Magkakilala na kami since high school. We’re friends. Hay! What a small world nga naman. Ngayon, magiging magbalae pa kami dahil ang mga anak naming ay ganap ng mag-asawa ngayon,” natutuwang sambit ng daddy ni Nicollo. “Oo nga, what a small world,” sabat naman ng mommy ni Nicollo. Ngumiti naman si Eufritz. Hindi niya akalain na magkakilala pala ang Daddy niya at Daddy ni Nicollo at magkaibigan pa. Anong ibig sabihin nito? Destiny? “Uhm… Tita, Tito, let’s go na po. Nagpahanda na rin po ako ng makakain natin sa bahay,” pag-aaya na ni Eufritz. “Okay,” pagpayag ni Tita Irish saka ngumiti. Nauna nang maglakad ang mag-asawa palabas ng bahay. Sumunod naman sila Nicollo at Eufritz sa kanila. Nasa likuran sila ngayon ng mag-asawa habang naglalakad. “Galing mong mambola,” pabulong na sambit ni Nicollo nang hindi tiningnan si Eufritz. Tiningnan ni Eufritz si Nicollo. “Hoy! Hindi iyon pambobola, compliment ko iyon,” bulong rin na sabi ni Eufritz kay Nicollo. “Palibhasa, hindi ka marunong mag-compliment ng iba,” dagdag pa niya. “Weh? Maniwala?” wika ni Nicollo. “Huwag kang maniwala. Hindi naman kita pinipilit. Hmmmp!” litanya ni Eufritz. Kinurot niya si Nicollo sa tagiliran. “Ouch!” mahinang daing ni Nicollo sa kurot na ginawa ni Eufritz sa kanya. Tumingin ito ng masama kay Eufritz. “Bleeh!” pang-aasar na sabi ni Eufritz. Nag-belat pa ito kay Nicollo at nauna nang maglakad nang mabilis. Iniwan niya si Nicollo. Naiinis naman si Nicollo na sumunod na lang kay Eufritz sa paglalakad. --- “Wow! You’re house is gorgeous, Eufritz. Ang galing ng architect na nagdisenyo ng bahay ninyo,” pagpuri ni Tita Irish nang masilayan ng kanyang mga mata ang bahay nila Eufritz nang makababa sila ng kotse at namamanghang tiningnan ang kabuuan ng labas ng bahay. May apat na palapag ang nasabing bahay nila Eufritz at may pagka-classic ang itsura nito. “Thank you Tita for the compliment. Si Dad ang nagpagawa ng bahay na yan at siya din ang pumili ng design. Regalo niya kasi ang bahay kay Mommy noong bagong kasal sila. Mahilig din kasi si Mommy sa mga classic pieces and structures,” paliwanag ni Eufritz kay Tita Irish. “Halina po kayo at pumasok na tayo sa loob,” pag-aaya pa ni Eufritz at nauna nang maglakad papunta sa made of narra wood na gate ng bahay. Hindi na nagawang magtanong ni Tita Irish tungkol sa ina ni Eufritz. Pagkapasok nila sa gate ng bahay ay bumungad sa kanilang paningin ang napakalawak na bukana nito. May mangilan-ngilang halaman na makikita sa paligid at mga iba’t-ibang klase ng bulaklak na nakatanim sa mga paso na nakapwesto sa may gilid. Sa gitnang bahagi ng bakuran ay may angel statue fountain na nagbubuhos ng tubig. Nakarating na sila sa malaking main door ng bahay. Antigo at made of narra wood din ang pintuan ng bahay na nabili pa ng daddy ni Eufritz sa bansang Europe. Maganda ang pagkakaukit na disenyo sa pinto ng bahay. Pagkabukas ni Eufritz sa main door ng bahay ay bumungad naman sa kanilang paningin ang itsura sa loob ng bahay. Karamihan ng gamit na makikita sa loob ng bahay ay antigo at gawa sa mga narra wood ang mga muwebles. Classic design din ang mga chandelier na nakasabit sa mataas na kisame ng bahay na nagbibigay ng magandang liwanag at ambiance sa paligid. Antigo man ang karamihan sa mga gamit na nasa loob ng bahay nila Eufritz ay mayroon pa rin namang makikita sa loob na mga latest appliances like flat screen tv and entertainment set na nasa living room. Pero ang agaw-pansin sa lahat ay ang napakaraming pictures na makikita sa saan mang paligid ng bahay. Ang ilan ay nakasabit sa pader at ang iba ay nakapatong sa mahabang mesa na gawa din sa narra wood. Gaya ng hagdanan ng bahay nila Nicollo sa bahay na paikot, ganoon din ang hagdanan na makikita sa bahay nila Eufritz, ‘yun nga lang ay medyo mahaba at maraming baitang ito. Lumabas mula sa kusina ang Daddy ni Eufritz. Nakasandong puti ito at maong shorts at tsinelas. Simple man ang get-up nito kapag nasa loob ng bahay at malayo sa karaniwang suot nito kapag nasa opisina ay napakagwapo ng daddy ni Eufritz. Tall, dark and handsome. Ito ang perfect description sa daddy ni Eufritz dagdagan pa maganda ang hubog ng mga braso nitong malaman. May edad man ito at busy sa trabaho ay napapanatili pa din naman nito ang magandang pangangatawan dahil sa healthy lifestyle like eating healthy food and exercise regularly. Saka mas comfortable ang daddy ni Eufritz kapag ganito ang suot sa bahay. Nakatingin at nakakunot ang noo ng daddy ni Eufritz sa kanilang lahat na dumating at nagtataka ang expression ng mukha nito. “Dad,” pagtawag ni Eufritz sa daddy niya saka ito nilapitan at ginawaran ito ng halik sa pisngi bilang paggalang. “Pare! Long time, no see,” pagbati naman ni Napoleon sa daddy ni Eufritz at ngumiti pa ito. Ngumiti lamang si Eugene. Nagtataka pa rin siya kung bakit nandirito sa bahay ang high school friend niya kasama ang asawa nito at nag-iisang anak na lalaki na medyo nakalimutan na niya ang pangalan. “Uhm… Dad. Kilala niyo na pala sila, ‘di ba? Kaibigan niyo po pala si Tito Napoleon simula high school,” wika ni Eufritz na kinakabahan. May pagka-seryoso ang ugali ng kanyang ama kaya minsan ay natatakot din siya dito. Tumango-tango si Eugene. “Yeah. Since high school. So bakit sila nandito? May okasyon ba at naimbita mo sila dito? Paano mo nga pala sila nakilala?” sunod-sunod na pagtatanong ni Eugene. “Ah… actually Dad, I want you to know that-” hindi na naituloy ni Eufritz ang ibang sasabihin pa sana ng biglang magsalita si Napoleon. “Pare! Hindi ko akalain na ang anak mo at ang aking gwapong anak na si Nicollo ay ganap ng mag-asawa ng hindi namin alam. Grabe kanina lang naming nalaman ng asawa ko ang bagay na iyon pero mabuti na rin iyon at least, magbalae na tayo simula ngayon. Ikaw, alam mo na rin ba na kasal na sila o huli mo na din nalaman?” pagtatanong ni Napoleon. Masayahing tao si Napoleon. Namana nga sana ni Nicollo ang ugali ng kanyang ama. Nagulat si Eugene sa nalaman pero hindi nagpahalata. Kasal na pala ang anak niya ng hindi man lang niya alam? Tumingin ito sa anak na si Eufritz na may pagkaseryoso. ‘Mag-usap tayo mamaya,’ sinasabi ng mga mata ni Eugene. Tipid na ngumiti si Eufritz. “Pare, may problema ba?” pagtatanong ni Napoleon kay Eugene. Napansin nito na parang nag-iba ang expression ng mukha ng kaibigan. Parang nagulat sa narinig mula sa kanya. Tumingin si Eugene kay Napoleon. Pinilit nitong ngumiti. “Ah… wala pare. Oo nga, magbalae na pala tayo,” sabi na lamang nito. Nakatingin lang si Nicollo sa ama ni Eufritz. Kung hindi lang niya kamukha ang ama na si Napoleon, mapagkakamalan na si Eugene ang kanyang ama dahil halos magkatulad sila ng ugali. “Uh… sige at maupo muna kayo sa sofa na nasa living room para makapagrelax naman kayo. Alam ko naman na napagod rin kayo sa biyahe papunta dito sa bahay. Do what you want,” wika ni Eugene sa mga bisita. “Sure!” nakangiting sabi ni Napoleon. Umiwas ito ng tingin kay Eugene saka umiling-iling. Hindi na nagbago ang ugali ng kaibigan niya. Dati pa man since high school ay seryosong tao na si Eugene. Nasanay na nga lang siya sa ugali nito dahil nga sa magkaibigan sila. Pumunta na sila Napoleon, Irish at Nicollo sa living room. Tiningnan ni Eugene ng seryoso at may otoridad si Eufritz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD