“Follow me,” mahina at seryosong saad ni Eugene kay Eufritz at nauna na itong naglakad patungo sa home office nito na nadoon lamang sa unang palapag ng bahay. Napangiti na lamang ng tipid si Eufritz. Nag-utos muna si Eufritz sa isa sa mga katulong nila na ipaghanda ng makakain sila Nicollo bago sumunod sa kanyang ama. Kinakabahan siya ng todo. Alam niyang maraming tanong ang ibabato sa kanya ng kanyang ama. --- “Anong sinasabi ni Napoleon, Eufritz? Kasal ka na?” pambungad na tanong ni Eugene sa anak nang makapasok na ito ng silid na opisina niya. Tumingin si Eufritz sa ama. Halatang kinakabahan siya. Tumango-tango si Eufritz. “Yes Dad,” sagot niya sa ama. “At hindi mo man lamang pinaalam sa akin?” Tipid na ngumiti si Eufritz. “Kapag sinabi ko sa inyo, tiyak na gagawin niyo ang la