Kabanata 14

1190 Words
"Hindi. Hinding-hindi ako makakapayag!" bulalas n’ya. "This is crazy! Are they pulling a trick on us?" dagdag n’ya pa at napasabunot sa sariling buhok. "Will you please shut up?" naiinis na sabad ni Jace. "Kanina ka pa. Kahit anong gawin mo, wala ring silbi dahil nandito na tayo sa loob ng suite. Isa pa, tumigil ka na nga sa pabalik-balik na paglakad. Ako ang nahihilo sa iyo, eh." nakukunsuming sabi nito tsaka ginulo ang sariling buhok. Wala sa sariling sumalampak siya sa sofa sa tabi nito. Tama nga naman kasi ito. Wala na silang magagawa dahil puno na ang hotel. Isa pa, hindi naman pwedeng sa iba na lang sila magcheck-in dahil sa hotel na ito mismo gaganapin ang nasabing convention. Gusto n’yang magreklamo sa boss nila ukol dito ngunit hindi n’ya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Jace doesn’t seem to have the guts to do it, too, since he seemed not to care about anything right now. Labag man sa kanyang kalooban ay kailangan na lang niyang makisabay sa agos. Paano na lang kaya kapag nalaman ito ng nanay niya? Siguradong magwawala iyon kapag nalaman nito ang kanyang sitwasyon dito sa Singapore. Napabuntong hininga siya. Kung minamalas nga naman. Ano ba kasi ang problema ng pagkakataon sa kanya? Bakit palagi na lang silang pinaglalapit ni Jace? "Want some?" Napabaling ang kanyang atensyon kay Jace ng may inumang ito sa kanyang isang box ng Ferrero Rotcher. Para namang nag-twinkle ang kanyang mga mata at nakangiti pa siyang tumango bago kinuha ang isang box niyon. Ngunit bago pa niya mahawakan iyon ng buo ay pinigil siya nito. Nakasimangot na tumingin siya dito. "Akin na kasi 'to lahat," aniya. Ngumiti lang ito sa kanya habang umiling-iling. Hindi niya alam kung anong dahilan ngunit bigla-bigla ay naramdaman na lang niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Napalunok siya at sinikil ang sarili sa naisip na hawakan ang kanyang dibdib upang damhin ang naghuhuramento n’yang puso. Ano na ba ang nangyayari sa kanya? May sakit ba siya sa puso? Wala naman siyang mababalitaang may history ang pamiya nila ng heart disease. Posible kayang..? She erased the thought. Ayaw niya nyang palawigin pa ang kanyang imahinasyon at baka kung saan na naman ito makarating. Tig-tatlo sila ni Jace sa Ferrero. Tahimik lamang siyang kumakain. Hindi nga niya ito nilingon nang bigyan siya nito ng isang coke-in-can. Hindi na rin siya nagtanong kung saan nito iyon nakuha. Malamang naman ay binili nito iyon kanina ng magpaalam itong lalabas. Naninibago siya. Dati naman ay parang wala lang sa kanya ang presensiya nito pero bakit ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagtibok ng kanyang puso? "Why are you suddenly quiet?" maya-maya'y tanong nito sa kanya. Napaayos siya ng upo habang nakatutok ang kanyang mga mata sa hawak-hawak na pakete ng chocolate. "W-Wala naman. Hindi lang ako sanay na may kasamang lalaki sa iisang kwarto," pagtatapat niya pa. Narinig niyang napabuntong hininga ito. "Don't worry, Miss Gonzales. Even if you are beautiful and have nice curves, I will not take advantage of you," anito. Magdidiwang na sana ang kalooban niya pero naglaho iyon ng muli itong magsalita. "As if," anito at binuntunan ng nakakainis na halakhak. Hinampas niya ang braso nito na siyang nakapagpatawa pa nito. Napakamoody naman pala nito. Kani-kanina lang nagtataka s’ya kung bakit napakaseryoso at tahimik nito ngunit ngayon ay parang gusto n’ya na palang tumahimik na lang ito. Napatigil silang dalawa nang tumunog ang kanyang cellphone. Sinenyasan niya itong tumahimik at tumango naman ito. Nang tignan niya ang caller ay ang kanyang kaibigan palang si Rhian ang tumawag. Tinawagan na kasi siya kanina ng kanyang ina. Buti na lang at lumabas si Jace noong sandaling iyon kung hindi ay baka mabuking na siya nito at kung anu-ano na naman ang mga sabihin nito. "Oh, Yan?" aniya. "Tsk. Ang gandang bati naman niyan, Din." anito sa kabilang linya. She rolled her eyeballs. "Ano pong maipaglilingkod ko?" Narinig niyang tumawa ito. "Magpapaalam lang sana ako sa'yo." Kumunot ang kanyang noo. "Saan ka ba pupunta?" "Kina Mommy. Gusto daw kasi nila akong makasama," nagbuntong hininga ito. "Naglalambing siguro, Din. Alam mo naman na pareho na kaming busy ni Kuya sa trabaho kaya wala na kaming oras para sa kanila ni Daddy." Kaya naman pala. Akala niya pa naman ay kung ano na. Syempre, sino ba naman kasing magulang ang matitiis na hindi makita ang kanilang mga anak? Abala naman kasi si Rhian sa pagtuturo habang ang Kuya naman nito ay abala rin sa pamamahala ng negosyo ng mga ito. Ngumiti siya kahit hindi siya nito nakikita. "Sure, Yan. E-enjoy mo lang ang bakasyon mo sa probinsiya," saad niya. "Thank you, Din," sagot pa nito. "Kumusta ka na pala d'yan sa Singapore? Sorry talaga kung hindi kita naihatid. Nagfile kasi ako ng leave kanina tas sunud-sunod ang klase ko. Alam mo naman, hindi ko pwedeng iwanan ang klase ko," pagpapaliwanag pa nito. "Okay lang naman ako dito, Yan," aniya. "Tsaka, ano ka ba! Okay lang 'yun.Naiintindihan ko naman," sagot niya pa dito. "Miss Gonzales, did you see—oops, sorry!" Pinanlakihan niya ng mata si Jace na parang naaaliw pa sa reaksyon niya pero huli na ang lahat dahil narinig na niya sa kabilang linya ang nakakabinging tili ni Rhian. Malamang ay narinig nito ang boses ng impaktong lalaking ito. Nakakainis naman! Baka kung anong isipin ni Rhian! Pero n’ya naman alam na nasa loob na ako ng kwarto. Pampalubag-loob n’ya pa sa sarili. "Hoy, Yan—Hello?" Napapailing na ibinaba niya ang kanyang telepono. Paniguradong kung anu-anong mga walang katotohanang bagay ang pinag-iisip nito. Kung malikot ang imahinasyon niya, mas malikot yata ang imahinasyon ng babaeng ‘yun na isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang tuhod nito sa takot sa tuwing nagkukuwento siya ng tungkol sa mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mabuti na nga lang at hindi na ito takot kay Janus. Napabaling s’ya kay Jace na nang-aasar na nakangisi sa kanya. Dinampot niya ang isang throw pillow at akmang ibabato niya ito dito ng bigla na lang nitong kunin iyon. "Ano bang problema mo?" inis na tanong niya dito. "Alam mo namang may kausap ako pero nagsalita ka pa rin. Akala ko ba tatahimik ka lang?” nasapo niya ang kanyang noo. "Baka ano na naman ang isipin ng kaibigan ko.” Mataman lang na nakatingin si Jace sa kanya habang nagsasalita siya. Nang matapos siya ay bigla na lang tong dumukwang dahilan upang i-atras niya ang kanyang ulo. Habang ang puso niya ay parang galing sa isang marathon dahil sa sobrang lakas na naman ng kabog ng kanyang dibdib. Mas lalo pa itong kumabog ng malakas nang lumabas sa bibig nito ang mga salitang hindi niya inaakalang maririnig niya mula dito. "You wanna know what's my problem?" anito. "You," hinawakan nito ang kanyang pisngi. "Because I don't know how it happened but now," huminga pa ito ng malalim bago siya masuyong tinitigan habang nakangiti. "I like you, Miss Gonzales. A lot.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD