Kabanata 13

1599 Words
"Baby Thea, hindi na ba talaga kita mapipigilan?" Napairap na lamang si Nadine dahil sa tanong ng kanyang ina. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nitong inulit ang tanong na iyon simula noong ipaalam niya dito na pupunta siya sa Singapore para sa isang convention. "'My, sigurado na po ako. Tsaka para din naman ‘to sa career ko. Apat na araw lang naman," aniya habang nakayakap sa balikat nito. “Isipin mo na lang na nasa syudad lang ako para hindi ka na mag-alala.” Nakasimangot na bumaling ito sa kanya. “Anong hindi? Kahit nasa syudad ka pa, nag-aalala pa rin ako. Kaya nga ako halos araw-araw tumatawag sa ‘yo, ‘di ba?” Kasalukuyan silang nasa airport. Ngayong araw na ito kasi ang flight nila ni Jace papuntang Singapore. Kanina pa siya naghihintay. She's two hours early for their flight. Hindi naman sa excited siya. Ayaw niya kasing ma-stuck sa traffic kaya mas pinili niyang pumunta ng maaga. Ayaw na nga sana n’yang magpahatid sa airport kaso nag-insist ang kanyang ina at sinama pa ang kanyang kapatid na halatang napipilitan lang. Ilang beses n’yang sinumbong ang Mommy n’ya sa kanyang Daddy tungkol sa plano nito pero wala lang s’yang napala. Her father spoils her mother so much at talagang nasusunod ang gusto ng kanyang ina. Bagot na bagot na siya sa kakahintay ng flight niya tapos dinadagdagan pa ng pagpuputak ng nanay niya. Hindi niya talaga maintindihan kung anong pinuputok ng butchi nito. Kung makapagreact kasi ito ay parang lalayasan na niya ang mga ito at hindi na siya kailanman babalik. "Kung sumama na lang kaya ako sa 'yo?" "What?!" sabay na bulalas nila ng kanyang kapatid na nag-sc-scroll sa Ipad nito. "Mommy naman, kung makaasta ka para namang hindi na babalik si Ate. Hindi na s’ya bata, ‘no." Napapalatak na sabi ng kanyang kapatid. Nakita niyang napakagat ng labi ang kanyang ina. "Baka kasi..." Hindi na niya ito natiis kaya hinarap na n’ya ito sa kanya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "'My, alam kong ito ang first time na lalabas ako ng bansa na hindi kayo kasama o ‘di kaya’y ang mga kaibigan ko. But, please, ‘wag mo 'kong pigilan. This is for the betterment of my career." Napapadyak ito ng paa. Tsk. Her mother is acting like a child. Parang gusto niya itong batukan pero syempre, hindi niya gagawin iyon. Bukod sa hindi iyon tama at pananagot s’ya sa pamilya n’ya, baka maudlot pa ang pag-alis niya ng bansa. "'My, what's bothering you ba? It's not like ate will elope with a guy, you know." Bagot na sabat ng kapatid niya. Pinandilatan niya ito. "Alex!" Her sister just shrug and face her Ipad again. Muli niyang hinarap ang kanyang ina. "What's your problem, My? Alam ko namang hindi ka takot na sumakay ako ng eroplano. I really don't know what's your reason kung bakit parang ayaw mo akong umalis." "Baka kasi..." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Baka kasi itanan ka ng Jace na iyon." "What?!" This time, napasigaw na talaga siya that caught other passengers' attention. "Mommy naman, what were you thinking? Bakit ako makikipagtanan kay Jace? Wala kaming relasyon. Besides, business trip ang pupuntahan namin doon." She massaged her temple. God! She didn't expect na ganito pala ang iniisip ng nanay niya. She’s being paranoi! Kaya pala sobrang bothered ng mukha nito. At sa lahat ng lalaki, si Jace pa! Hindi na nga sila nito nagpapansinan. Ewan niya ba sa lalaking iyon, kahapon niya pa napapansin na parang lutang ito at hindi makausap ng matino. Ipinaliwanag niya sa kanyang ina ang tungkol sa kanilang dalawa ni Jace. Baka kasi akala nito’y palusot lang n’ya ang nasabing convention kaya pinakitaan n’ya din ito ng schedules ng convention para mapanatag na ang loob nito. She even want to tell her mother na hindi nga n’ya makasundo si Jace but she left it out. Mas magiging mahaba lang ang pagpapaliwanag n’ya dito. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang pigura ni Jace na papalapit sa kinaroroonan nila. She will not deny the fact that he looks gorgeous in his purple longsleeve polo and a simple jeans with a pair of black shoes. May aviators din itong nakasabit sa harap ng polo nito. Ganoon pa rin ang ayos ng buhok nito—bedroom hair. Kaswal silang binati nito tapos at tahimik na naupo sa upuan sa gilid niya. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya kung ano ba talaga ang nangyari dito. Seryoso kasi ito at nakatitig lang sa kawalan. Para bang may malalim itong iniisip. "Jace.." Pareho silang napatingin ni Jace sa kanyang ina na ngayon ay seryoso ang mukha. "Yes ma'am?" pormal na sagot nito. "Ibalik mo ang anak ko dito ng buo." "Mom!" Saway niya dito. She heard him chuckled. She felt as if her heart skipped a beat upon hearing him. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang kanyang naging reaksyon. Siguro ay naninibago lang s’ya dahil ngayon lang n’ya ulit ito nakitang tumawa o ngumingiti. "I will, ma'am." Pinandilatan niya ang kanyang ina. "Ewan ko sa'yo, 'my." Muli nitong binalingan si Jace. "Alam mo kasi, hijo, hindi naman sa pagmamayabang pero talagang maganda ang lahi namin kaya syempre hindi na mapagtatakhan na magaganda rin ang mga anak ko," pagmamayabang pa nito. Nagkatinginan silang magkapatid at sabay pang napaikot ang mga mata. "Baka kasi sa sobrang ganda ng anak ko, eh, maisipan mo siyang itanan para palahian," anito at humagikhik. Naeeskandalong sinaway na n’ya ito ngunit tumawa lang ito na para bang maliit na bagay lang ang sinabi nito. Parang gusto na niyang maglaho ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ng kanyang ina. Ano ba naman ang iniisip ng kanyang ina? Atat na ba talaga itong makapag-asawa siya. Tsk. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng isip nito. Nag-iba na rin bigla ang mood nito. Hindi n’ya talaga ito matantiya minsan. Nang dumako naman ang kanyang tingin sa kapatid niya ay pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha dahil sa nanunuksong tingin na ibinibigay nito sa kanya. Inumang niya dito ang kanyang kamao dahilan upang mapaghagikhik ito. Ugh! Pinagtutulungan siya ng mga ito. Hindi niya magawang tingnan ang reaksyon ni Jace. Ayaw niyang makita. Baka kasi nakangisi ito. Hindi na talaga nahihiya ang nanay niya sa kung anong pinagsasabi nito kay Jace. Baka kasi gamitin nito ang mga sinabi ng kanyang ina upang asarin siya. Tsk. She's being paranoid again. Hindi kasi niya maintindihan si Jace. Kung minsan ay seryoso ito at kung minsan naman ay alaskador ito. "Calling all passengers of flight 3421...." Nang marinig nila ang anunsiyong iyon ay tumayo na sila at nagpaalam na rin siya sa kanyang ina at kapatid. Hindi niya naman maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa binulong sa kanya ng kanyang ina ng yakapin siya nito. "Gawin mo nang syota si Jace, 'by," anito saka humagikhik. "He's a good catch at ang gwapong bata." dagdag pa nito bago hinalikan ang kanyang pisngi. Damn! She's blushing because of Jace. PAGKARATING nila sa airport sa Singapore ay may lalaking sumalubong sa kanila na nagpakilalang driver ng hotel na tutuluyan nila. Lihim siyang napangiti. Ang ganda ng Singapore. Ibang-iba sa Pinas. Tahimik pa rin sila ni Jace habang nasa loob ng kotse. Hindi naman awkward ang atmosphere pero parang may silent understanding sila na ‘wag munang mag-usap. Isa pa, Jace seemed to be preoccupied. Kagaya nang nasa airport pa sila sa Pilipinas, parang lutang na naman ito. Siguro nga kung hindi ito ginulo ng nanay niya ay hinding-hindi ito magsasalita. Gusto niya sanang tanungin ito kung ano ba ang bumabagabag dito but she dismissed the thought. Not because they're not friends but because she thinks that she's not in the position to do it. Baka kasi gusto lang nitong mapag-isa at ayaw nito ng istorbo o kaya naman ay kinakabahan ito sa darating na convention. She giggled at the thought. "What?" kunot-noong baling sa kanya ni Jace. Narinig pala siya nito. "Anong 'what'?" balik-tanong naman niya. "Why are you giggling?" "Bakit? Masama?" nakataas ang isang kilay na sagot niya. He just shook his head and plugged his earphones. She sighed. She doesn't know why but somehow, she misses the Jace that she knows. The man who stole her first kiss. She shook her head. Hindi na niya dapat inaalala iyon. Nang makarating sila sa hotel ay dumeretso na sila sa reception para sa rooms na kanilang tutuluyan. Wala na ring problema sa schedules nila dahil naiayos na iyon ni Madame Christina at binigyan na rin sila nito ng instructions. "I'm sorry ma'am, sir, but there's only one room left." pahayag ng receptionist. Nagkatinginan silang dalawa. Agad naman s’yang binundol siya ng kaba. "W-What do you mean?" "The hotel rooms are now full because of the said convention ma'am," nakangiting sabi pa nito bago nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Jace. "I guess you two will have to share in one room." She panicked. Hindi pwede iyon. Never in her wildest dream did she thought about sharing the same room with a man. Dali-dali niyang kinontak ang kanilang boss. Baka kasi may isa pa itong reservation since alam naman nito na dalawa silang pupunta ng Singapore. But what her boss said made her feel nervous and to panic even more. "I'm sorry Nadine, masyado kasi akong busy kaya nakalimutan ko na ang tungkol sa hotel room. Isa lang pala ang para sa kompanya natin na para sana sa akin." Great. Just great. she sarcastically thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD