Kabanata 15

1259 Words
Nagising si Nadine na nag-iisa na lamang sa hotel suite nila ni Jace. Pupungas-pungas pa siyang tumayo mula sa kama at nag-inat. Pagkatapos ay inayos niya ang kanyang kinahihigaan. Napailing pa siya ng makitang hindi man lang iniligpit ni Jace ang pinaghigaan nito sa sahig. Hindi sila magkatabi natulog. Syempre, hindi s’ya pumayag. Hindi naman tama iyon kaya napagkasunduan nilang salit-salitan na lang sila sa pagtulog sa kama. Iyon ang usapan pero hindi nito iyon tinupad. Hindi siya nito hinayaang matulog sa sahig. Kahit paano naman ay napapangiti siya sa mga kiniklos nito nitong mga nakaraang araw. Talagang pinakita at pinaramdam nito sa kanya na gusto siya nito. Ewan ba niya, pero parang nakakaramdam pa siya ng kilig sa isiping iyon. Jace is so caring. Iyon ang napatunayan niya. Nang sabihin nito sa kanya ang mga katagang hindi niya inaasahan, nasapak niya pa ito. Akala niya kasi ay nagbibiro lang ito o pinagtri-tripan lang siya. Ngunit ng makita niyang seryoso lang itong nakatingin sa kanya ay parang nanginig siya. Hindi niya alam kung saan galing ang reaksyong iyon. She didn't even manage to utter a single word dahil pakiramdam niya ay naputol ang dila niya. Dagdagan pa ng napakalakas na t***k ng puso niya. Maski siya ay hindi na niya naiintindihan ang sarili niya dahil sa mga pinapakita niyang reaksyon pagdating kay Jace. She sighed. Pinagpatuloy na lang niya ang pagliligpit at pagkatapos ay pumasok na siya ng banyo upang mag-ayos. Wala na silang convention ngayon. Kahapon pa iyon nagtapos at thankful naman sila dahil may na recruite silang tatlong inverstors para mag-invest sa company nila. Nang ibalita niya iyon kay Madame Christina ay labis-labis pa ang pasasalamat nito at hindi daw ito nagkamali sa pagpili sa kanila ni Jace. Hindi rin naman niya mapigilang isipin kung may bonus ba sila. Parang gusto na niya kasing makahawak ng malaking pera na galing mismo sa sarili niyang dugo't pawis. She chuckled at what she’s thinking. Paglabas niya sa banyo ay nabungaran niya si Jace na nakaupo sa paanan ng kama habang may kung anong kinakalikot sa cellphone nito. Marahil ay narinig nito ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng banyo dahil nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga ng magtama ang kanilang mga mata at masuyo siya nitong nginitian. Ayon na naman ang t***k ng puso niya. Para siyang kinakabahan na ewan. Tumikhim siya upang pakalmahin ang sarili niya. Hindi siya pwedeng mailang sa lalaking ito! Hindi iyon maaari. Baka ano pa ang masabi nito. Hindi dahil sinabi nito sa kanyang gusto siya nito ay mag-iiba na ang pagtrato niya dito. Ang gulo niya talaga! Nakakainis! Hindi naman ito ang unang beses na sinabi nito iyon sa kanya pero hindi n’ya maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam n’ya ngayon ukol sa sinabi nito. "I ordered breakfast for us," nakangiti pa ring sabi nito. "Let's go downstairs. Masamang pinaghihintay ang pagkain," dagdag pa nito bago tumayo sa kama at hinila ang kanyang kamay. "U-Uy..." Hihigitin na sana niya ang kanyang kamay na hawak nito ngunit nabigo siya ng higpitan pa nito ang hawak sa kamay niya. He stared at her and smirked. Inirapan na niya lang ito. Umaariba na naman kasi ang kayabangan nito. Hindi niya talaga ma-gets ang ugali nito. Pagkarating nila sa restaurant sa baba ay may nakahanda ng pagkain sa mesa nila. Hinila nito ang upuan sa tabi niya kaya akala niya na doon siya uupo. Pero laking pagkadismaya niya nang ito ang umupo doon. Walang hiya talaga! Nakasimangot na humila na lamang siya ng sariling upuan. Akala pa naman niya ay magiging gentleman ito pero nagkamali siya. Nang bumaling s’ya dito ay pinipigilan pa nito ang tawa habang nakatingin sa kanya. "Ang saya mo yata ngayon," sarkastikong komento niya pa. He just shrugged while trying his best not to laugh. "Yeah, because my daily dose of laughter is here.” Inis na hinablot niya ang kubyertos at itinutok dito ang tinidor. "Isa pa Jace, ha. Tatamaan ka na talaga sa akin," banta niya pa. Doon na ito humagalpak ng tawa. Maluha-luha pa ito habang nakahawak sa tiyan nito. Kung titingnan ito ngayon ay sobrang saya nito. Maski ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito noon ay hindi nya mahagilap ngayon. He seemed so…carefree. She can't help but smile. She just made this guy laugh at his heart's content. Marahil ay napansin nito ang hindi niya pagkibo dahil kahit natatawa pa rin ito ay pilit nitong pinapapormal ang sarili. Tumikhim pa ito ngunit hindi maipagkakaila ang kakaibang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Parang gusto niya kasing palagi itong nakikitang nakangiti, nakatawa, may saya at may pag-asa. Napatigil siya. Amputa! Kanta naman ‘yun sa isang TV Commercial, eh. Hindi niya maalala kung ano iyon pero narinig na niya iyon. Tsk! Kahit sa isip niya ay baluktot pa rin s’ya. "Hey," maya-maya'y tawag nito sa kanya. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "You have to eat," nginitian pa siya nito. Napalunok siya. Lumakas na naman kasi ang t***k ng puso niya. "Maglilibot tayo pagkatapos nito. Let's enjoy our stay here." Napatango na lang siya at parang batang sinunod ang sinabi nito. She did eat well. Masarap kasi ang mga pagkain na in-order nito. Panaka-naka naman silang nag-uusap. Kahit na medyo naiilang siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya ay pinilit niyang ‘wag na lang iyong indahin. She wants to enjoy her remaining day in Singapore with this guy. She doesn't know why but she just wants to have some moments with him. KANINA pa sila palakad-lakad ni Jace pero ni hindi man lang siya nito inaalok ng tubig o kung ano pa man. Nang tanungin niya ito kung saan sila pupunta ay sabi lang nito na wala rin itong alam kung saan sila tutungo. Sabi lang nito na e-enjoy na lang daw nila ang mga tanawing nakikita nila. Hindi niya maiwasang mapaikot ang kanyang mga mata. Parang ang boring kasi ng gusto nitong mangyari. Gusto niya kasing magwala kaso lang, ayaw naman niyang makulong. Baka kasi may magreklamo. Natawa na lang siya sa kanyang naiisip. "What?" Umiling siya. "Wala lang," aniya at pumikit saglit upang namnamin ang sayang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag. Basta, masaya siya. "Boring ang gusto mong mangyari pero sige, pagbibigyan kita. Papasukin ko kahit ngayon lang ang boring mong mundo," natatawang tudyo niya pa dito. Nang balingan niya ito ay nakasimangot pa ito na siyang dahilan upang pagkakataon na naman niyang pagtawanan ito. Pero hindi niya inasahan ang gagawin nito. Bigla na lang itong lumapit sa kanya at kiniliti siya sa tagiliran. Doon pa naman malakas ang kiliti niya. Manghuhula yata ito dahil nagawa nitong mahulaan iyon. "J-Jace, t-tama na..." hinihingal at natatawang saway pa niya pero hindi pa rin ito nagpatinag. Panay na rin kasi ang tawa nito. Nag-e-enjoy masyadong kilitiin siya. Hindi rin niya napaigilang mapatili nang hindi ito tumigil kaya hinila niya ang buhok nito. Nag-angat ito ng tingin at ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng mapagtantong ang lapit lang ng mukha nila sa isa't isa. Napasinghap siya ng nginitian siya nito at hinaplos ang kanyang pisngi. "You're really beautiful," puri nito sa kanya bago ito yumukod upang hagkan siya sa pisngi. Nang bitawan siya nito ay pakiramdam niya ay pulang-pula siya mula ulo hanggang talampakan. Bakit ba kasi ganun na lang ang reaksyon niya pagdating kay Jace? Posible kayang... No, no.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD