Kabanata 4

2889 Words
"Miss Nadine, ito na po 'yung files na kailangan mamaya sa meeting." ani Leonel at inabot sa kanya ang files na tinutukoy nito. "Okay, pakilagay na lang d'yan." aniya at itinuro ang kanyang mesa. Balik trabaho na naman s'ya ngayong weekdays. Ayaw pa nga n'ya sanang bumangon kaninang umaga ngunit naalala n'yang nakatambak pa pala ang kanyang trabaho sa opisina. Pagkatapos n'yang uminom ng kape ay bumalik na s'ya sa kanyang mesa upang tingnan ang dokumentong inihatid ni Leonel. Isa-isa n'ya iyong sinuri at napakunot ng noo ng mapagtantong business proposal iyon. Nagkamali siguro ito ng hatid. Dapat ay sa boss nila ito ibigay at hindi sa kanya. Lumabas s'ya ng opisina at nagtungo sa cubicles ng kanyang mga kasamahan. May cubicle rin naman s'ya sa tabi ng mga ito kaso ay panay ang pag-i-interview n'ya nitong mga nakaraang linggo at sumasabay pa ang kanyang iba pang mga gawain kaya doon na muna s'ya nanatili sa bakanteng opisina kung saan idinadaos ang interviews. Her co-workers have no complaint about it o kung meron man, hindi n'ya iyon alam. S'ya naman kasi ang naka-assign sa Recruitment ngayon kaya doon na lang muna s'ya sa opisina mananatili. Rotation kasi sila sa HR department upang maging maalam sa iba-ibang facets. Baka sa susunod na tatlong buwan ay ililipat na naman sila. Nakadepende na iyon sa kanilang department head. Paglabas n'ya ng opisina ay nakita n'yang abala ang lahat habang nakaharap sa kani-kanilang mga computer. Tahimik din ang paligid at tanging ang pagtipa sa keyboard ang naririnig. Lalapitan n'ya sana si Leonel kaso nakita n'yang kunot na kunot na ang noo nito habang nakaharap sa computer kaya napili n'yang dumiretso na lamang sa opisina ng kanilang boss. Sa labas ay agad n'yang binati ang sekretarya nito. "Nagkamali yata ng binigay na documents sa akin si Leonel. Para kay Madame yata ito." aniya at inilahad ang naturang files. Sinuri nito ang dala n'ya kapagkuwa'y tumango. "May pipirmahan pa po si Madame dito. Ako na po ang bahala." "Sige, salamat." Paalis na sana ng tumunog ang intercom. "Chrisma, please call Miss Gonzales." Nagkatinginan sila ng sekretarya. "She's here outside, Madame." "Oh? Great! Send her in, please." "Okay, Madame." Their boss muttered her thanks before ending the call. Tumayo ang sekretarya at iginiya s'ya patungo sa pintuan ng opisina. Kumatok ito iyon binuksan at inilahad ang kamay papasok. Ngumiti s'ya dito at nagpasalamat. "Good morning, Madame." Nakangiting bati n'ya sa kanyang boss. Sumimsim ito sa hawak nitong tasa habang nilalahad sa kanya ang upuan sa harap nito. Her smile froze when she saw someone sitting across her boss. Malaki ang ngiti nito ng makita ang kanyang pagkagulat. Napansin yata iyon ng kanyang boss dahil napapitik ito sa hangin. "Oh, I forgot to tell you about my nephew." Hindi n'ya maipaliwanag kung bakit nanginginig ang kanyang tuhod habang paupo sa upuang nasa harap ng mesa at sa tapat naman ng lalaking ngingiti-ngiti sa kanya. Her boss clasped her hands and put it under her chin. She had that gentle smile on her lips. "I'm so sorry if I wasn't able to inform you about Jace. Nakalimutan kong si Ehra pala ang nasabihan ko no'n." Tukoy nito sa kanilang HR Manager na naka maternity leave. Tumango s'ya. "It's okay, Madame. Mr. Smith is very qualified for the position so there's really nothing to worry about." He smirked. Sinamaan n'ya ito ng tingin. Bumaling ito kay Madame Christina. "Told you, Tita. I know I can make it." Umiling ang kanyang boss habang may nakapaskil na ngiti sa labi. "You're unbelievable. Ngayon lang ako naka encounter ng katulad mo, hijo. You have a sure seat on the company but still, you chose to be formal and follow the process." He beamed while looking at her. Nahigit n'ya naman ang kanyang hininga. He has that look again... na para bang nakikita nito ang kanyang kaluluwa. Tumikhim s'ya, sinusubukang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. “M-May sasabihin po ako, M-Madame.” Bumaling ang kanyang tingin kay Jace. He knotted his forehead at her na para bang binabasa nito ang nasa isip n’ya kapagkuwa’y bumalik ang ngisi nito. Pasimple n’ya itong inirapan at humarap sa kanilang boss. Isusumbong n’ya talaga ito. Hindi tama ang ginawa nito noong weekend. It was like he’s a creep. “K-Kasi po…” Muli s’yang tumikhim at bumaling kay Jace. Tumaas ang isang kilay nito, tila naghahamon. Nagtatalo ang kanyang isip ngunit hindi n’ya alam kung bakit s’ya agad na nakapagdesisyon. Umiling s’ya at ngumiti. "Sinauli ko po ang naibigay sa 'king business proposal. Nagkapalit po yata ng binigay kaya binigay ko kay Chrisma." Ramdam n’ya pa rin ang pagtitig ni Jace sa kanya ngunit hindi na n’ya iyon pinansin kahit pa ang isang bahagi ng kanyang utak ay tinutulak s’yang lingunin ito ulit kahit isang beses lang. Tumango-tango si Madame Christina. "I see. I will need that for the meeting later." anito bago bumaling kay Jace. "Since tomorrow is your first day, I can ask Miss Gonzales to give you a tour. That is, if she's not busy." Maligiw itong ngumiti sa kanya. Gusto n'yang magprotesta sa sinabi nito. She's kind of busy, alright. But she can't just refuse her boss' request. Kung bakit s'ya pa gayong kaya naman siguro ng binatang maglibot mag-isa ay hindi n'ya alam. Hindi rin naman n'ya magawang isaboses ang kanyang hinaing. Paano na lang kaya kung tuluyan n’yang isinumbong ang lalaking ito? Paniniwalaan ba s’ya ng kanilang boss? They seemed to be close to each other. Napipilitan man ay marahan s'yang tumango at ngumiti. "No, it's fine, Madame. I can give him a tour." MATAPOS ang higit bente minutos na paglilibot sa buong opisina ay natapos din sila. Jace was religiously listening to her and was greeting their co-workers warmly. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang iilang mapanuksong tingin na binalewala na lamang n'ya. Ang mga ito talaga, makakita lang na may kasama s'yang lalaki, iba na kung makatingin. Kung sabagay, matagal na rin naman s'yang tinutukso ng mga ito dahil wala man lang s'yang naging boyfriend. "Ipinaayos na ang office mo. I asked the maintenance a while ago and they told me na matatapos na nan daw iyon before this day ends." Tumango ito habang nakapamulsa. Inilibot nito ang paningin sa labas ng magiging opisina nito. Kakalabas lang nila upang saglit iyong suriin ngunit agad din silang lumabas dahil medyo maalikabok doon. She can't take too much dust. Umaatake kasi ang allergy n'ya. "So, this office isn't used for a long time?" "Hindi naman. Ito ang dating opisina ni Madame Christina bago s'ya lumipat sa kasalukuyan n'yang opisina. Hindi na kasi nalinisan lalo na't dito nilagay ang ibang files na kakailanganin pa." Bumaling ito sa kanya, seryoso ang tingin. "So, I'm very qualified, huh?" Kumunot ang kanyang noo kapagkuwa'y tumango. "Your credentials are not to be wasted especially na may experience ka na ng magiging trabaho mo." He chuckled. "That's it? Only my credentials? So, you don't believe on my skills, huh." "I can't say anything about it. Hindi naman ako ang magiging boss mo." aniya at umiwas ng tingin. "By the way, we're done here. I need to go back to work." Akmang aalis na s'ya ng mahawakan nito ang kanyang pulso. "Wait..." Bigla-bigla ay binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Agad s'yang bumitiw mula sa pagkakahawak nito. She's sure that he saw the uneasiness in her expression dahil bahagya itong napaatras. He had that unfathomable expression on his face. "I-I'm sorry," anito, bahagyang nakayuko at napakamot sa ulo. "C-Can I take you for lunch later?" She snorted. "Certainly not." Tuluyan na n'ya iyong tinalikuran. Mabuti na lang at abala ang karamihan na nasa kalapit na cubicle kaya walang nakapansin sa nangyari. How dare he casually ask her for lunch after the stunt he pulled last weekend? She shrugged it off. She doesn't judge someone so easily but with Jace, there's something weird in him. NAGMAMADALING magpahid ng make-up si Nadine sa kanyang mukha. Hindi n'ya napansin ang pagtulog ng kanyang morning alarm kaya naman ay matagal s'yang nagising. Matapos ang ilang gabi, sa wakas, napasarap ang kanyang tulog dahil hindi n'ya napaginipan ang madalas n'yang panaginip. Mas gugustuhin n'yang wala na lang s'yang panaginip kaysa iyon. Inayos n'ya ang kanyang suot at tinignan ang sarili matapos maglagay ng make-up. Pansin n'yang presko ang kanyang pakiramdam at kita sa kanyang mukha ang pagiging blooming. Napangiti s'ya. Straight na tulog lang pala ang kailangan n'ya. Sinuklay n'ya ang kanyang mahaba at natural na kulay itim na may halong tsokolateng buhok habang nag-hu-hum. Mamaya na n'ya iyon itatali dahil medyo basa pa. Wala na rin s'yang oras upang i-blow dry iyon dahil paniguradong ma-le-late s'ya. Napamura pa s'ya ng makitang ang oras. Nagmamadali s'yang lumabas ng kanyang silid matapos n'yang hablutin ang kanyang bag na nakapatong sa kanyang study table. Naabutan n'ya sa dining area sina Indira at Rhian na kumakain ng agahan. "Good morning!" masiglang bati n'ya sa mga ito. "Good morning!" ganting bati naman ng mga ito sa kanya. Kumuha s'ya ng fresh milk sa ref at isinalin iyon sa baso. Inubos n'ya iyon at agad na pinahiran ang kanyang labi. "Oh, magbreakfast ka na." alok sa kanya ni Indira. Umiling s'ya. "Hindi na. Late na ako, eh. Mamaya na lang ako kakain. Gotta go. Bye." aniya at dali-daling lumabas ng pintuan. Narinig n'ya pang tinawag s'ya ni Indira pero hindi na n'ya ito nagawang lingunin. Nang makalabas ng elevator ay agad s'yang tumakbo papalabas ng gusali. Nag-offer naman ang security guard na pumara ng taxi para sa kanya ngunit tinanggihan n'ya iyon. Naghihintay na rin kasi ang driver na b-in-ook n'ya. Hindi n'ya tuloy alam kung alin ba ang nakakabuti sa kanya. Ang kanya bang mga panaginip dahil maaga s'yang nagigising dahil doon o ang kanyang straight at masarap na tulog? Agad s'yang pumasok sa kotse. Sinabi n'ya sa driver na nagmamadali s'ya kaya naman ay agad itong humarurot. Habang nasa byahe ay panaka-naka n'yang sinisipat ang kanyang relong pambisig. Para na s'yang maiihi dahil ilang minuto na lang at ma-le-late na s'ya. "Kuya, bakit ka huminto?" "Ma'am, may banggaan yata sa unahan." She groaned. Ngayon pa kung kailan s'ya nagmamadali. Nang makitang isang kanto na lang ang layo niyon sa kanyang pinagtatrabahuan ay nagpasya s'yang bumaba na lamang. Mas mapapadali s'ya kung lalakarin na lang n'ya iyon kaysa maghintay kung kailan uusad ang mga sasakyan. Yamot na yamot na s'ya nang magsimula s'yang maglakad. Idagdag pa ang init at ang pawis na tumutulo sa kanyang leeg. Mas lalo s'yang nabadtrip nang businahan s'ya ng isang sasakyan kahit na nasa gilid lang naman s'ya ng kalsada. May mga naglalakad pa sa kanyang unahan na sobrang bagal na para bang na mamasyal lang ang mga ito sa parke. May muling bumisina kaya dire-diretso na s’ya sa paglalakad. Napasinghap s’ya ng may tumawag sa kanyang pangalan kasabay ng paghinto ng sasakyan sa kanyang gilid. “Miss Gonzales, hop in.” Napaikot na lang ang kanyang mga mata ng makitang si Jace iyon. Umiling lang s’ya dito at nagpatuloy sa paglalakad. “Come on, ma-le-late ka.” Hindi n’ya ito pinansin. Kaya nga s’ya bumaba ng sasakyan dahil mas ma-le-late s’ya kapag sumakay tapos ngayon gusto nitong sumakay s’ya? At akala ba talaga nito ayos lang sa kanya na kinakausap s’ya nito? Hell, no. Hindi pa rin n’ya nakakalimutan ang nangyari noong weekend. Nakahinga s’ya ng maluwag nang matanaw ang kanilang gusali. Mas bumilis pa ang kanyang paglalakad hanggang sa makapasok sa elevator. Binati n’ya ang iilang katrabahong nakasabay. Medyo nahihiya pa nga s’ya dahil paniguradong sobrang haggard n’ya. Pagkarating sa kanilang floor ay agad s’yang nagpunch in at dumiretso sa CR upang magretouch. Napangiwi s’ya ng makita ang pawisan n’yang mukha. Hinubad n’ya muna ang kanyang corporate coat dahil naiinitan s’ya. May iilang pumasok sa CR na agad n’yang binati. “Oh, Miss Nadine, late ka yata ngayon?” Binalingan n’ya ang kasamahan. “Napasarap ang tulog, eh.” “Naku, ganyan din ako minsan. Pagkarating sa bahay diretso na higa. Nakakastress minsan sa office.” Nag-usap pa sila saglit bago s’ya tumungo sa kanyang cubicle. May tatapusin kasi s’yang paperworks at si Jaica na muna ang tatao sa opisina dahil may mga importante din itong gagawin. Habang hinihintay na mag-on ang monitor ay sinusulat ni Nadine sa isang post-it ang mga gagawin n’ya ngayong araw at idinikit ito sa gilid ng monitor upang hindi n’ya makalimutan ang mga iyon. May isang maliit na board din s’ya sa kanyang cubicle kung saan nakadikit at nakasabit ang iilang reminders at memo upang hindi n’ya mawala at maalala n’ya ang mga kailangan n’yang gawin. She wanted everything to be organized as possibly as she can. Gusto din n’ya pulido ang kanyang mga gagawing trabaho upang wala s’yang reklamong matanggap. Maya-maya pa ay nagsimula na s’yang magtrabaho. She was busy typing on her keyboard ng may commotion s’yang narinig sa paligid. Hindi n’ya sana papansinin iyon ngunit ang iba n’yang kasamahan ay paimpit nang tumitili. “Anong meron?” tanong n’ya sa isang taga Finance na malapit lang sa kanilang department. Dumaan kasi ito mula sa kung saan nanggagaling ang commotion. Nilingon nito ang pinanggalingan at nagkibit-balikat sa kanya. “Sinisilip nila sa opisina ‘yung pamangkin ni Madame Antonette. Ang gwapo daw kasi.” Napailing na lang s’ya ng mapagtantong si Jace lang pala ang pinagkakaguluhan ng mga ito. She almost forgot, ngayon nga pala ang unang araw nito sa trabaho. Nawala maging sa kanyang isipan na inalok nga pala s’ya nitong sumakay sa sasakyan nito kanina. Paniguradong ito ang magiging topic ng mga usap-usapan sa susunod pang mga araw. Nagpatuloy na lamang s’ya sa kanyang ginagawa. Paglipas ng ilang minuto ay may mga bumalik na sa kanya-kanyang cubicle. Ang iba’y ngiting-ngiti at ang iba naman ay parang wala lang nangyari. Bakit ba ganito ang reaksyon ng mga ito? Kung alam lang nila… NAPAHILOT s’ya sa kanyang balikat ng nagsimula na iyong mamigat. Isinandig n’ya ang kanyang likod sa kanyang upuan at inunat ang mga paa. Tapos na s’ya sa isang report na pinapagawa at may iilan pa s’yang kakailanganing matapos sa araw na ito. Ngayong naka maternity leave ang kanilang HR Manager, pinaghatian nila ng kanyang mga kasamahan sa HR department ang iilang trabaho nito. Hindi kasi iyon pwedeng matambak lalo na’t kakailanganin nila ang reports tuwing may meeting. Diretso na rin sila sa kanilang boss para sa pagpasa niyon. “Miss Nadine, sabay na tayo maglunch.” Napalingon s’ya kay Jaica na nakatayo na malapit sa kanyang cubicle. Ito ang pinakamadalas n’yang kasa-kasama kaysa sa iba pa nilang kasamahan. Medyo mahiyain kasi ito at pansin n’yang komportable ito sa kanya at ayos lang din naman sa kanyang kasama ito dahil masarap itong kachikahan. Binalingan n’ya si Leonel na kunot ang noo habang may sinusuring mga dokumento. “Sir Nel, sasama ka ba sa ‘min?” “Huh?” kunot-noo nitong tanong sa kanya. Nang makita si Jaica ay agad itong umayos sa pagkakaupo. “A-Ah, sure.” Walang pagdadalawang isip itong tumayo. Napangisi s’ya ng makita ang pagtataka sa mukha ni Jaica. Wala talaga itong alam na gusto ito ni Leonel kahit na sobrang obvious na. Everyone seems to know but her. Tumayo na rin s’ya at pinulot ang kanyang bag. “Halika na, Miss Jaica.” Sumabay ito sa paglalakad sa kanya habang si Leonel ay tahimik lang sa gilid n’ya. “Jai na lang kasi, Miss Nadine…” “Nadine na lang din itawag mo sa ‘kin.” “Mas maganda pakinggan ‘pag may Miss. Basta sa ‘kin, first name na lang.” Sumabat naman si Leonel. “Akala ko ba mas maganda ‘pag may Miss?” Natahimik si Jaica at bahagyang napayuko. Nang balingan n’ya naman si Leonel ay nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. Now, something is fishy. Habang kumakain ay tahimik lang ang kanyang mga kasamahan. Hindi na lang n’ya pinansin iyon at s’ya na ang dumaldal. Tumatango-tango at kung minsan ay tipid namang nagsasalita ang mga ito. Kaso parang ayaw nilang tingnan ang isa’t isa dahil palagi itong umiiwas. Gusto n’yang manukso kaso baka ay hindi ito ang tamang oras para doon. Wala naman kasi s’yang alam sa nangyayari. Baka nga ay wala lang talaga at s’ya lang ang nagbibigay ng malisya. Pabalik na sila sa opisina ng makasalubong nila ang huling taong gusto n’yang makita sa opisina. “Hello, Sir Jace.” Sabay na bati nila Jaica at Leonel. “Good afternoon,” ganting bati nito bago bumaling sa kanya. “Lunch?” “Ah, katatapos lang po namin.” Sagot ni Leonel. Hindi n’ya alam kung guni-guni n’ya lang iyon o talagang tumalas ang tingin nito kay Leonel. Nauna nang maglakad ang mga ito habang s’ya ay nakasabay pa ni Jace. Kung minamalas ka nga naman. “You really remind me of someone…” he said out of nowhere. His eyes are all on her. Hindi n’ya alam kung bakit para s’yang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Pakiramdam n’ya ay para s’yang matutunaw. She looked at him boredly, trying to play it cool. “Sino naman?” He shrugged. “Someone from the past.” “Hmmm…ex-girlfriend?” His lips suddenly set into a thin line. Parang may malalim itong inisip bago s’ya nito sinagot. “Nevermind. You’ll never understand anyway.” He then walked away leaving her puzzled. Anong problema ng lalaking ‘yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD