Kabanata 5

2002 Words
"Mag-outing kaya tayo this weekend?" Suhestiyon ni Rhian habang ngumunguya ng chips. "Pwede. Long weekend naman, eh." sang-ayon ni Indira bago bumaling sa kanya. "Ano, Din?" "Hindi ako sure. Marami akong gagawin sa office sa Monday, eh." Umangal ang kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabi. Kumuha s'ya ng chips mula sa bowl na nasa kandungan ni Rhian. Kasalukuyan silang nasa sala at nanonood ng movie. Nakaupo si Rhian sa sofa habang s'ya naman ay nasa baba at nakasandig sa tabi ng mga binti nito. Si Indira ay nakahiga sa airbed na nilatag nila sa harap ng sofa. It's a Thursday night at pare-pareho silang hindi abala kaya napagpasyahan nilang magbonding sa sala. Gusto sana n'yang lumabas ngunit nasunod ang gusto ni Rhian nang sinabi nitong sagot na n'ya ang snacks nila. Ito ang isa sa kanilang bonding mo moment sa tuwing may oras sila. Kagaya lang ng dati. She can't help but sigh. She missed the old days. "Ang KJ mo. Pinalitan mo na si Indie." Pagmamaktol ni Rhian. Inilapit ni Indira ang paa kay Rhian at inipit ang maliit na bahagi ng binti nito gamit ang dalawang daliri sa paa. Pinalo ni Rhian ang paa ni Indira at nakasimangot na hinaplos ang binti. "Ang sakit no'n, ah." Humalakhak silang dalawa. "Sino ngayon ang KJ?" Tatawa-tawang tukso ni Indira kay Rhian. Bumangon ito at tumabi sa kanya. "Sige na, Din, ang tagal na din since last tayong nag-outing. 'Wag ka ngang magpakalunod sa trabaho. Tatanda ka agad n'yan, sige ka. Wala ka pa namang boyfriend." Inirapan n'ya ito. "Ano ngayon? Busy ako sa career ko, 'no." "Ang sabihin mo, wala kang prospect." Tinaasan n'ya ng kilay si Rhian. "Bakit? Ikaw ba, meron?" Umiling lang ito at muling sumubo ng chips. Inabot n'ya dito ang bowl ng fries na nasa tabi n'ya at kinuha naman ni Indira mula dito ang chips. "Kung hindi ako magtatrabaho, plano ko sanang umuwi, eh." Napapalakpak si Rhian. "Pwede 'yun! Matagal-tagal na rin since nakauwi tayo. Hanap na lang kaya tayo ng magandang resort malapit sa 'tin? Doon tayo mag-outing!" Agad namang sumang-ayon si Indira sa suhestiyong iyon ni Rhian. Ayos lang din naman sa kanya. May point din naman si Indira. Dapat may work-life balance s'ya. Kailangang-kailangan iyon ng isang tao. Hindi pwedeng puro trabaho na lang din ang kanyang aatupagin. Tutal, magagawa naman n'ya iyon sa ibang araw. Tuluyan nang nawala sa pinapanood ang kanilang atensyon dahil nagsimula nang maghanap si Rhian ng magandang resort na malapit lang sa kanilang probinsya. Now that they are planning it, nakadama s'ya ng excitement. A vacation wouldn't pass her mind if Rhian didn't suggest it. "I TOLD YOU to buy your own car, Yan. Hindi ba 'yan din naman ang gusto nila Tita Carmela?" Umirap si Rhian sa kanya. "Katamad kaya magdrive." Nilingon ito ni Indira habang nagda-drive. "Hire a driver, then. I'm very sure you can afford it." "Ayoko nga. Kaya nga tayo lumuwas ng syudad para maging independent tapos magha-hire ako ng driver?" Umiling-iling ito habang bumabaling sa cellphone. "Bakit ba kasi ayaw mo?" Pamimilit n'ya pa. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Nakakaantok kaya magdrive lalo na kapag mag-isa lang. Eh, ikaw, bakit hindi mo dinadala 'yong kotseng regalo sa'yo ni Tito pagkagradute mo ng Master's?" Nagkibit balikat s'ya. "Same reason." Umirap si Indira sa kanila. "So, personal driver n'yo 'ko, gano'n?" Kasalukuyan silang bumibiyahe pauwi ng probinsya. As usual, nakikisakay sila kay Indira dahil ito lang naman ang may dalang sasakyan sa kanila. She has a sedan at home na minsan lang n'ya dinadala sa syudad kaya naman ay salitan itong ginagamit ng kanyang ina at kapatid. Rhian, on the other hand, refused to buy one. Ayon dito, marami nang sasakyan ang mga magulang nito at pwede naman itong makigamit na lang. She can't help but roll her eyes at her best friend. Hindi n'ya alam kung saan nanggagaling ang pagkakuripot nito gayong afford na afford naman nito ang bumili ng sasakyan. "Din, ikaw naman magdrive." "Oh, bakit? Ikaw na. Baka mabangga pa tayo." Hinampas s'ya ni Rhian mula sa backseat. "'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Nakaka badluck 'yan, eh." "Sorry. Sige na, Indie. Palit na tayo." Lumabas silang dalawa ng sasakyan upang magpalit ng pwesto. She's in the passenger seat like the usual. Ayon sa mga kaibigan n'ya, dapat doon ang pwesto n'ya dahil madaldal s'ya at paniguradong hindi aantukin ang driver dahil sa kaingayan n'ya. Hindi n'ya alam kung compliment ba iyon o hindi. Well, at least, nakakatulong s'ya. "Bakit ba kasi hikab ka ng hikab? Maaga ka naman yata natulog kagabi?" tanong n'ya kay Indira habang sinimulan na ang pagdadrive. Nakita n'yang kinusot nito ang mga mata at sumandal sa upuan. "Si Janus kasi tumawag ng madaling-araw. Bigla daw s'ya nagising at kinabahan. Ayon, nag-alala ako. Hindi na ako nakatulog ulit." Tumango-tango s'ya. Indira told them that Janus would suddenly just wake up at dusk—at 3AM to be exact. Ayon dito, nasanay ito na gising sa ganoong oras. Old habits die hard, ika nga. Kaso may mga panahong napapanaginipan din daw nito ang nangyaring pagsabog sa dati nitong kaharian. She can't help but feel envious. Mabuti pa si Janus, naiintindihan kung ano ng dahilan ng napapanigipan nito samantalang s'ya ay parang nangangapa sa dilim. Gusto nga daw sana nitong sumama sa kanila kaso sinabihan ito ni Indira na girls outing ang kanilang gagawin. Hindi na rin naman ito nagpumilit pa. As they were hitting the provincial road, they were singing to some of their favorite songs on the stereo. Tumatawa-tawa pa sila kapag napipiyok dahil hindi naaabot ang tamang nota ng kanta. She was smiling widely nang bigla na lamang may tumawid na itim na pusa. Nagulat s'ya kaya naman ay bigla n'yang natapakan ang brake. Napatili ang kanyang mga kaibigan. Mabuti na lang at naka seatbelts ang mga ito. "Din, careful!" bulalas ni Rhian. Napahigpit ang kanyang hawak sa manibela. Nararamdaman n'ya ang pamamawis ng kanyang mga kamay. Bigla s'yang binundol ng kaba. "Okay ka lang ba, Din?" Hindi lumilingong tumango s'ya kay Indira. "S-Sorry. I didn't see it coming." Lumabas s'ya ng kotse at agad namang sumunod ang mga kaibigan n'ya. The black cat was meowing while staring at them. Napalunok s'ya. Her hands are slightly trembling. Muntik na silang mapahamak! Kumuha s'ya ng bato at akmang ibabato iyon sa pusa ng may pumigil sa kanya. She glared at Indira. "Let go, Indie. Nanggigigil ako sa pusang 'to, eh. Bigla na lang tumawid. Muntik na tayong mapahamak!" "Let's just get inside, please. Kinikilabutan ako. Black cats entail bad luck pa naman daw." Nahihintakutang saad ni Rhian. Her friends walked back inside while she was still glaring at the cat. Para naman itong nagpapaawang tumingin sa kanya. Tinalikuran n'ya iyon ngunit napako s'ya sa kanyang kinatatayuan ng makaramdam ng malamig na hangin. She slightly shivered. When she looked back at the cat, wala na ito sa kinaroroonan nito. She hurriedly went back inside the car. This time, si Rhian na ang pinagdrive n'ya. Hindi mawala sa isip n'ya ang nangyari. Naaalala n'ya ang mga kuwento sa kanya ng kanyang Lola simula noong bata pa s'ya. Nakaramdam s'ya ng takot at malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Dapat siguro hindi na lang s'ya nag brake at hinayaang mapisa na lang ang pusang iyon at nang mawala na rin ang badluck. Pagdating n’ya sa kanilang bahay ay malaki ang ngisi ng kanyang ina habang nakatanaw sa kanyang bumababa sa sasakyan ni Indira mula sa kanilang malaking terasa. Pinagbuksan s’ya ng katulong ng gate. Dali-dali naman s’yang sinalubong ng yakap ng ina. “My baby….” Napairap na lang s’ya sa kawalan dahil sa tinuran nito. Even when she’s already on her mid twenties, her mother still treated her like a little girl. She kind of got used to it pero may mga pagkakataon lang talagang parang gusto na lamang n’ya lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan. Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay. Napangiti s’ya ng mapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanilang pamamahay mula sa loob. Ah, this is home! Halos isang buwan din kasi s’yang hindi nakauwi kaya namiss n’ya ang ambience ng bahay. Their house is made of modern designs ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang ina. Her father is an Architect while her mom is an Interior Designer kaya walang problema sa kung ano man ang mga gagawing pampaganda pa lalo sa kanilang bahay. Her parents can handle all of it. “Nagsabay ba kayo ng mga kaibigan mo? Bakit hindi man lang bumaba ng sasakyan?” tanong ng kanyang ina habang sinisinyasan ang isang kasambahay na kunin ang kanyang mga gamit. “They’re tired, Mommy. Magkikita rin naman kami bukas for our outing.” Her mom asked questions from their planned outing. Tuwang-tuwa ito ng malamang uuwi s’ya kahit pa halos araw-araw n’ya naman itong kausap sa cellphone o ‘di kaya’y ka video call. Gusto nitong maging updated sa nangyayari sa buhay n’ya kahit pa alam n’yang busy din ito sa trabaho. “Where’s Dad?” “He’s in Taiwan for a convention. Next week pa ang uwi no’n. Sayang ‘di kayo magpapang-abot.” Tumango s’ya. Her dad is a busy man but he’s always trying his best to make time for them lalong-lalo na sa pag-attend sa mga importanteng pangyayari sa buhay nila. Mataas ang posisyon nito sa isang kompanya sa kabilang syudad at isa rin ito sa may-ari ng construction firm kung saan kasosyo nito ang kapatid nitong Engineer. “How about Alex?” Her mother shrugged. “She’s with her bestfriend. Magliliwaliw lang daw saglit. She’s been so busy lately kaya hinayaan ko na.” Her sister is already twenty-two years old. Kakagraduate lang nito sa college sa kursong Accountancy at kasalukuyang nagrereview para sa board exam. Unlike her, her sister studied in the city. She’s more passionate than her when it comes to studying at ayos lang naman iyon sa kanya. They never considered each other as competitors, anyway. Tumango s’ya at umupo sa sofa sa kanilang entertainment area. Agad namang tumabi sa kanya ang kanyang ina at niyakap s’ya. “I missed you.” She hugged her back. “Me, too, Mommy. Hindi kayo nakadalaw sa ‘kin sa city.” Kumalas ito sa yakap at pinatong ang palad nito sa likod ng kanyang kamay. “I want to pero hindi ko naman maiwan ang trabaho. I’ve been travelling back and forth for some clients.” “I told Alex to visit you if she has time,” anito. “Pero she’s very busy reviewing. May plano yatang mag-top ‘yang kapatid mo, eh.” She laughed. “Sadyang mahirap lang po talaga ang Accountancy. By the way, nasa’an po si Lola?” She’s talking about her seventy-three years old grandma na sa awa ng Diyos ay malusog at malakas pa rin. “She’s with your Tito Emman. Umuwi na muna dahil namimiss ang mga pinsan mo.” “Hindi n’ya ba alam na uuwi ako?” “S’yempre, sinabi ko. Baka paluin pa ako no’n kapag hindi ko sinabing umuwi ang paboritong apo n’ya.” Ilang minuto pa silang nagcatch-up ng kanyang ina bago s’ya nito yayaing kumain ng tanghalian. Pinagluto s’ya nito ng paborito n’yang adobo kaya naman ay ganadong-ganado s’ya sa pagkain. Namiss n’ya ng sobra ang luto ng Mommy n’ya. They were halfway finishing their meal nang nabanggit n’ya ang nangyari kanina sa daan habang s’ya ay nagmamaneho. “Naku, Thea, you should be very careful. Paano na lang pala kung dala-dala mo ang sasakyan mo at ikaw lang mag-isa sa byahe?” Umiling-iling ito. “Mag-ingat ka sa susunod.” “Nabigla ako, Mommy. It was the black cat’s fault!” “Kung nandito ang Lola mo, paniguradong may masasabi iyon tungkol sa black cat.” She’s also sure of it. Her Lola has so many stories about the urban legends even since she was a child. Now that she’s already grown, hindi pa rin s’ya nagsasawang pakinggan ang mga kuwento nito. Nagpatuloy na lamang s’ya sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD