Kabanata 3

1414 Words
Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kanyang nararamdaman kahit pa ilang oras na ang nakararaan mula ng mangyari ang muli nilang pagkikita ni Jace kanina. Hindi n'ya mawari kung anong klaseng emosyon ang kanyang nararamdaman. Imposible namang may gusto na agad ito sa kanya. Ano ito, hilo? Nakatulugan na n'ya kanina ang pag-iisip tungkol sa nangyari. Hapon na nang magising s'ya at kakarating lang ni Rhian nang lumabas s'ya sa kanyang silid. Agad pa itong lumapit sa center table ng kanilang sala kung saan n'ya nailagay ang box ng pizza na in-order n'ya. Nakalimutan n'yang itabi iyon dahil sa labis na pag-iisip at dahil na rin sa pagod mula sa kanyang paglilinis. "Wow, pizza!" Bago pa ito makakuha ng isang slice ay dali-dali n'yang kinuha ang naturang box. Sinarado n'ya iyon at nagtungo sa kitchen. Nakasimangot naman s'yang sinundan ng kaibigan. "Ang damot naman. Isang slice lang, eh." Binalingan n'ya ito. "Hindi ako nagdadamot, Yan. Nainigurado lang ako. Order na lang tayo ulit kung gusto mo talaga kumain ng pizza." Nanlaki ang mga mata nito nang makitang tinapon n'ya sa basurahan ang naturang box. "Hala, bakit mo tinapon? Sayang naman. Panis ba 'yun?" "Baka may lason. Basta. Hindi pwede kainin, 'yun." Tumango ito kahit bakas sa mukha nito ang pagtataka. Mabuti na lamang at hindi na ito nag-usisa pa. Pumasok na ito sa silid nito habang s'ya ay piniling lumabas ng apartment upang bumili ng pagkain. Ayaw na muna n'yang magpadeliver. Baka kasi kung ano na naman ang mangyari. Nasa seventh floor ang kanilang unit. Hanggang 13th floor naman ang tayog ng gusaling kanilang tinitirhan. May tatlong silid ito na tama lang sa kanilang magkakaibigan. Pabor din sa kanila iyon lalo na't hindi naman gaanong malayo ang kanilang tinutuluyan sa kani-kanilang mga trabaho. Pumasok s'ya sa grocery store na nasa ground floor ng naturang gusali. Habang tulak-tulak ang cart ay namili na s'ya ng mga kakailanganin sa ulam na lulutuin n'ya. Gusto man n'yang utusan si Rhian na magluto, alam n'yang pagod ito at baka nga ay kasalukuyan na itong natutulog. Papasok na sana s'ya sa elevator dala ang iilang pinamili n'ya ng tinawag s'ya ng guwardiya. Pakamot-kamot pa ito sa ulo nang may ibigay sa kanya. "Ano po ito, Sir?" Sinipat n'ya ang nakabalot sa isang plain navy blue wrapper na hugis parihaba. Kasing laki iyon ng box ng sapatos. Medyo mabigat din iyon. Hula n'ya ay nasa loob ng box ang laman dahil nang inalog n'ya iyon ay may kung ano namang tumunog doon. "Pinabigay lang, Ma'am, eh. Hindi ko alam kung sino. Basta't sinabi lang ang pangalan mo." Nagpasalamat s'ya dito at tumuloy na sa elevator. Pagkarating sa kanilang unit ay inilagay n'ya sa kitchen island ang kanyang mga pinamili at kinatok si Rhian sa silid nito. Nang walang sumagot ay nagtungo s'ya sa kanyang silid upang ilagay ang naturang box sa kanyang kama. Mamaya na n'ya iyon bubuksan. Inayos n'ya ang mga gagamitin sa pagluluto. Hindi na n'ya tinawagan pa si Indira dahil paniguradong pauwi na ito. Patapos na s'ya sa pagluluto ng marinig ang pagbukas ng silid ni Rhian. Bahagya n'yang nilingon iyon. "Yan, halika na. Let's have dinner." Ilang sandali pa ay sumulpot ito sa kanyang gilid at inamoy ang kanyang nilulutong sinigang. "Ang bango! Tamang-tama, gutom na 'ko." Agad itong kumuha ng mga kubyertos at inayos ang mesa. Napansin n'yang hindi pa nagbibihis si Rhian ng pambahay at halata pa ang antok sa mukha nito. Inihain n'ya ang kanyang niluto at sabay na silang umupo. Agad itong nagsimulang kumain at sunod-sunod ang subo nito. Halatang gutom na gutom habang s'ya ay nakatitig lang sa kanyang kaibigang nakaupo sa tapat n'ya. Nang mapansin ni Rhian ang kanyang ginagawa ay unti-unti nitong ibinaba ang kutsara at tinidor. "Hindi ka ba nagugutom? Bakit parang nakatulala ka d'yan?" Umiling lang s'ya at nagsandok ng kaunting kanin at ulam. Nakasunod lang sa kanya ang tingin ng kanyang kaibigan. "Masarap naman ang niluto mo, Din. Kain ka na." Pang-e-engganyo pa nito. "May iniisip lang ako." "Tungkol sa trabaho ba? Share mo para mabawasan 'yang stress mo." "Hindi, 'no." aniya. "Bawal to i-share, eh. Confidential." Nagkibit balikat si Rhian at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman kasi ito kagaya n'yang kung minsan ay namimilit na sabihin ng kaibigan ang iniisip nito. She just waits for them to tell her. Mapagmatyag si Rhian, she knows that. Pero kahit gaano man ito ka observant ay gano'n rin ito ka tahimik sa mga napapansin nito maliban na lamang kung sa tingin nito'y dapat iyong ipagsabi. Nagsimula na s'yang sumubo at napagtantong tama nga ang sinabi ni Rhian. Masarap naman ang kanyang niluto. Habang kumakain ay nag-usap silang magkaibigan. Rhian shared her joys and struggles of being a college instructor. Ayon dito, ginaganahan itong magturo kapag interactive ang klase nito. Stressful nga lang ang paperworks lalo na kapag grade submission. She admires Rhian's passion for teaching. Hindi n'ya akalaing pipiliin nito ang magturo imbes na sundin ang gusto ng mga magulang nito na magproceed ng Medicine. Naisip n'ya si Indira. May mga subject din itong itinuturo at kaliwa't kanan din ang symposium na inoorganisa nito upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa importansya ng mental health. She can't help but be proud of her best friends. Nang matapos sila sa pagkain ay dumeretso na sya sa kanyang silid upang magpahinga habang si Rhian naman ay naghuhugas ng plato. Ito kasi ang nakatoka. Maya-maya pa ay narinig nya ang pagkalabog ng pintuan na s'yang ikinakunot ng kanyang noo. Lumabas s'ya ng kanyang silid upang tignan kung ano iyon. "Yan, si Dindin?" Narinig n'yang tanong ni Indira. "Oh, bakit?" Kaswal n'yang tanong ng makalapit dito. Bigla na lang nitong hinila ang iilang hibla ng kanyang buhok dahilan upang bahagya s'yang napahiyaw. "Problema mo?" Sumimangot ito sa kanya bago s'ya niyakap. Nang kumalas ito ay nakangiti na ito at may kislap pa ang mga mata. "Thank you, Din. Tinulungan mo pala si Janus para maging maayos kami." "Oh, nag-away pala kayo, Indie?" ani Rhian habang pinupunasan ang basang kamay. "Secret lang dapat 'yun, eh. Hindi dapat kayo nadadamay sa problema namin." Napaikot na lamang s'ya ng mata. "Ano ba naman kasi ang pinag-awayan n'yo? Hindi naman siguro manghihingi ng tulong si Janus kung hindi grabe 'yung tampo mo,' no." "Ang daya. Bakit wala akong alam d'yan?" Singit ni Rhian na ngayon ay nakasimangot na. " Busy ka, Yan. Alam ni Janus 'yun. Busy din naman si Dindin kaso alam n'ya yata na rest day ni Dindin ngayon." Napahalukipkip s'ya. "Wow, bilib din ako sa boyfriend mo, ah. He's well informed." Tumango ito, nakangiti pa rin. "Sinundo n'ya 'ko sa university with a big bouquet of roses. Hindi ko in-expect 'yun kasi 'di ko naman sinasagot mga tawag at texts n'ya. Sabi n'ya sa akin nagpatulong daw s'ya sa'yo kaya thank you, Din!" "Duh, dinner date at 'yung big bouquet lang ang s-in-uggest ko, 'no, kaya you don't have to thank me. Kay Janus ka dapat magpasalamat." Ngumiti si Rhian. "Ang cute n'yo. Para kayong teenagers. Ano ba kasi pinag-awayan n'yo?" Nahihiyang umiwas ng tingin si Indira bago nagsalita. "Hindi n'ya 'ko nasundo kasi nakalimutan daw n'ya tapos naghintay ako ng higit isang oras." Napailing na lamang sila ni Rhian. Nagkuwento pa si Indira tungkol sa nangyari. Ayon dito, iniwan nito ang bouquet sa kotse ni Janus dahil may dinner date sila. Umuwi lang daw ito para magbihis at mag-ayos. Hinayaan na nila ito at nagpatuloy sila sa kanilang kanya-kanyang mga gawain. Muli s'yang pumasok sa kanyang silid at umupo sa kama. Nakita n'ya doon ang regalong inabot ng security guard na ayon dito'y pinabigay lang din daw. Inalog n'yang muli iyon. Bubuksan na sana n'ya iyon nang may napansing maliit na papel sa gilid. Hindi n'ya iyon napansin kanina. Hindi mabubuksan hangga't walang alam sa katotohanan. Napakunot ang kanyang noo at mas umigting lang ang kanyang kuryusidad dahil sa nabasa. Pinunit n'ya ang nakabalot at bumungad sa kanya ang isang kahon. Hula n'ya ay antique ang naturang box. Gawa iyon sa kahoy ngunit hindi basta-bastang kahoy lang dahil may mga disenyong nakaukit doon. Veritas liberabit vos. Hinaplos n'ya ang nakaukit na sulat sa ibabaw ng kahon ngunit bigla na lamang may kung anong kumirot sa kanyang ulo. Nagpasya s'yang itabi na lang muna iyon upang makapagpahinga. Marahil ay dahil lang iyon sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD