Kabanata 6

1906 Words
“I miss the beach!” Bulalas ni Rhian habang nililipad ng hangin ang medyo kulot nitong buhok. Nagpatuloy s’ya sa pagpapahid ng sunblock sa kanyang binti habang si Indira naman ay katawagan si Janus sa ‘di kalayuan. Umusog ito pataas sa sun lounger na kinauupuan nito. “Buti na lang at agad tayong nakabook dito.” Binalingan n’ya ito. “Oo nga, eh. Sayang talaga kung hindi kasi ang ganda pala dito.” They’re currently in an exclusive beach resort na nasa kabilang lungsod lang mula sa kanila na halos isang oras din ang layo. Rhian booked their reservations nang makita nito ang naturang beach resort. Maganda kasi ang reviews at talaga namang hindi sila nagkamali sa pagpili dito. The resort has a white sand beach with a pristine crystal clear water dahilan upang marami-rami din ang mga tao ngayon lalo na’t Linggo. Dito rin nila napagpasyahang magpalipas ng gabi bago bumalik sa syudad bukas ng hapon. “Hindi pa ba tayo kakain?” tanong ni Indira nang matapos itong makipagtawagan kay Janus. “We just had our snacks, Indie. Mag sight-seeing muna tayo.” Umupo si Indira sa tabi ni Rhian. “Gusto mo lang maghanap ng gwapo, eh.” Tumawa si Rhian. “Of course, maghahanap kami ni Dindin ng prospect dito. Ano pa nga ba?” Kunwari ay nagulat s’ya sa sinabi nito. “Wow! Coming from you. Rhian Katherine, ah. That was bold.” Rhian beamed. Maya-maya pa ay ito na rin ang nagyayang maglibot sa paligid ng resort. She is wearing a black two piece bikini with a satin white cover up habang si Rhian naman at Indira ay kapwa naka printed bikini top at black cotton shorts. Ilang beses n’yang kinumbinsi ang mga ito na mag two piece ngunit mariin ang pagtanggi ng mga ito. Mas malala pa sana si Rhian na naisipang mag rashguard at leggings. “You know, you should be flaunting your body. Sexy n’yo kaya.” “Nakakahiya kaya. Hindi ako komportable.” Ani Rhian. “Kaya ko namang magsuot ng katulad sa ‘yo, Din. Ayaw ko lang talaga gawin.” Nagkibit balikat s’ya sa sinabi ni Indira. Well, it’s their decision. Kahit pa siguro gaano kaganda tingnan para sa iba ang katawan at postura mo, if you’re not comfortable with exposing yourself, ikaw pa rin ang masusunod. People—especially girls—have every right to do the things as they please. Medyo namumula na si Rhian gaya ng palaging nangyayari. Ito ang pinakamaputi sa kanila habang sina ni Indira has a fair complexion. Sinaway na nila ito ngunit nagpumilit itong maligo sa dagat. Hindi rin naman sila nagpahuli at gumaya na rin. Tatawa-tawa pa silang umaahon ilang oras ang nakalipas dahil binabasa nila ng tubig ang mukha ng isa’t isa. Gutom na rin naman sila kaya naglakad na sila patungo sa dalampasigan. Pagkarating sa kwarto ay salitan silang naligo at nagbihis bago muling lumabas ng sabay upang magtungo sa seafood restaurant ilang metro lang ang layo mula sa kanilang tinutuluyan. “Anong order n’yo?” tanong n’ya sa mga kaibigan. Abala ang mga ito sa pagkalikot ng kanya-kanyang cellphone. Nag-angat ng tingin si Rhian mula sa ginagawa nito. “Ikaw na bahala.” Matapos mag-order ay nagpaalam s’yang mag-C-CR muna. Napansin n’ya ang tingin sa kanya ng iilang foreigner nang dumaan s’ya malapit sa mga ito. She’s wearing a cream printed sundress na hapit na hapit sa kanyang katawan. It’s fine with her if they check her out basta ba’t hanggang do’n lang at walang halong pambabastos. Palabas na s’ya ng CR ng may tumawag sa kanyang cellphone. Nang makitang ang kanyang ama ang caller ay agad s’yang lumabas ng restaurant upang maghanap ng tahimik na pwesto. Hindi na rin naman masyadong mainit gayong alas cuatro na nang hapon. “Hello, Dad?” “Hi, baby Thea. How are you?” She groaned upon hearing her mother’s pet name to her. Her father laughed at the other line. Alam nitong ayaw n’yang tinatawag niyon ngunit heto’t tinutukso s’ya nito. Nagkamustahan lang silang mag-ama at tinanong s’ya kung anong gusto n’yang pasalubong mula dito. Paglipas ng ilang minuto ay nagpaalam na ito dahil may mga importante pa itong gagawin. She was about to go back inside the restaurant when someone called her. “Miss Gonzales?” Marahil ay bakas sa mukha n’ya ang pagkagulat nang makita kung sino iyon. “Mr. Smith! What are you doing here?” He chuckled at unti-unti itong lumapit sa kanya habang nakapamulsa. He’s wearing a white sando shirt and a printed board shorts. Kitang-kita ang biceps at ang hubog ng katawan nito na halatang alaga ng gym. “What else? S’yempre, taking a break from work.” Tumaas ang isang kilay n’ya. “Oh? What a small world.” He smirked. “Yeah…what a small world.” Naiilang s’ya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya lalo na nang bumaba iyon sa kanyang mga labi. Nakita n’ya ang paglunok at ang paggalaw ng adam’s apple nito. Bigla ay para s’yang nanlamig. “A-Ah… I have to g-go.” Aniya at mabilis na naglakad pabalik sa loob, hindi na hinintay pa itong sumagot. Nagpakawala s’ya ng malalim na hininga nang makaupo sa kanyang pwesto. “Bakit ang tagal mo?” Kunot-noong taong ni Rhian. “Tumawag kasi si Daddy kaya lumabas ako saglit.” Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang in-order. Nagsimula na s’yang kumain nang mamataan n’ya ang pagpasok ni Jace sa restaurant kasama ang iilang lalaki. Pansin n’yang iba ang lahi ng mga ito. Binaling n’ya na lang sa pagkain ang kanyang tingin. Hindi dapat s’ya nakikiusyoso sa lalaking ito. Matapos kumain ay nag-usap pa sila saglit bago napagpasyahang bumalik sa kanilang silid upang magpahinga saglit. Ilang oras din kasi silang nabilad sa araw at inaantok na s’ya. Kailangan n’ya ng lakas gayong may plano pa naman silang magbar mamayang gabi. “Hindi yata tumatalab sa ‘yo ang sunblock, Yan.” Sumimangot ito. “Ewan ko. Pakiramdam ko masusunog na ‘ko.” “Maglagay ka kaya ulit ng lotion. Ikaw naman kasi, eh. Alam mong agad kang namumula pero ikaw pa ‘tong nag-ayang maligo.” sabi ni Indira habang sinusuri ang braso ni Rhian. “Hayaan n’yo na. Minsan lang naman.” Humiga s’ya sa queen sized bed at ipinatong ang kanyang braso sa kanyang mga mata. Namimigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Nakakapagod magtampisaw sa dagat lalo na kapag mainit ang panahon. Nilakasan ni Indira ang aircon kaya ay agad s’yang nagpahila sa kanyang antok. NAALIMPUNGATAN si Nadine nang may humila sa kanyang kumot. Sa inaantok na mga mata ay nilingon n’ya kung sino ang may pakana niyon. Bumungad sa kanya ang ngiting-ngiti at nakabihis na si Rhian. Nakaayos din ang medyo kulot nitong buhok at may kaunting kolorete din ito sa mukha. “Bangon na, Din. Magbabar tayo ngayon, remember?” Umupo si Indira sa paanan ng kama habang inaayos ang buhok nito kapagkuwa’y bumaling ito sa kanya. “Magbihis ka na para ‘di tayo gabihin masyado do’n.” She groaned and tried to close her eyes once again kaso nawala na ang antok n’ya. Nang sipatin n’ya ang oras sa kanyang cellphone ay nakita n’yang alas otso y treinta na ng gabi. Kahit tinatamad ay pinilit n’yang bumangon upang makapag-ayos. Kakain lang naman sila sa bar, iinom ng kaunti, magkukuwentuhan at babalik na sa silid pagkatapos. Malayo pa lang sila ay naririnig na ang umaalingawngaw na ingay ng musika at ang panaka-nakang hiyawan ng mga tao. Nauuna s’yang maglakad sa kanilang tatlo dahil gutom na gutom na s’ya. Agad s’yang dumiretso sa bakanteng mesa kung saan agad na may waiter na lumapit sa kanila. Sinabi n’ya dito ang kanyang gustong kainin at gano’n din ang kanyang mga kaibigan. Sinamahan na rin nila iyon ng mga inuming kaunti lang ang alcohol content. Wala naman kasi silang balak na maglasing dahil hindi naman sila umiinom ng hard drinks lalo na s’ya na may hyperacidity. Parang bumubukal ang tiyan n’ya sa tuwing nasosobrahan sa alcohol. Halos magsigawan na sila ng kanyang mga kaibigan habang nag-uusap dahil sa ingay ng paligid. Dumadami na rin ang mga labas-pasok sa bar. Matapos kumain ay nagkuwentuhan na lang sila habang umiinom. Panaka-naka din ang pagmamasid nila sa paligid lalo na’t maraming guwapo ang sumasayaw sa dance floor. “Sayaw kaya tayo?” “Naku…kayo na lang. Pass ako d’yan.” Agad na tanggi ni Indira. “’To naman. Sige na. Sabihin mo na lang kay Janus pagkatapos.” Umiling ang kaibigan n’ya. “Hindi naman dahil kay Janus. Ayaw ko lang talaga, Din. Hindi ako mahilig sa mga ganyan.” Anito. “Sige na, ako na bahala dito.” Hinila n’ya ang nakasimangot na si Rhian at hinawakan ang dalawang kamay upang igiya sa pagsasayaw. Naghihiyawan na ang mga tao habang umiindayog sa musika. “Balik na tayo!” Sigaw ni Rhian malapit sa kanyang tenga. Umiling s’ya dito. “Sandali lang tayo.” Nagsimula s’yang sumayaw habang itinaas ang kanyang mga kamay sa ere. Natatawang sinunod ni Rhian ang kanyang ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay pareho na silang nalulunod sa ritmo ng musika. Paalis na sana sila sa dancefloor ng may mangyaring tulakan. Agad n’yang hinila si Rhian palayo doon at nilapitan si Indira na nakaharap sa cellphone nito at hindi pinapansin ang tsinitong umupo sa harap nito. “Excuse me, you’re hitting on my pregnant friend.” Nanlaki ang mga mata ng naturang binate at agad na umalis. Indira chuckled. “Umalis na tayo. May nagtutulakan sa dancefloor. Baka may mangyari pang gulo.” Agad na tumayo si Indira at sumunod si Rhian. Habang naglalakad ay kinuha n’ya ang kanyang cellphone sa kanyang purse upang i-check kung may mga mensahe ba doon. Humingi s’ya ng paumanhin ng may matapakan s’yang paa habang palabas ng bar. Pakiramdam n’ya ay bumangga s’ya sa pader nang bigla na lamang may nagtulakan sa kanyang likuran. “Ouch…” “Are you okay?” Napaangat s’ya ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Jace?” Kumunot ang noo nito, tila hindi s’ya nakilala. Nang titigan s’ya nito ay humalakhak ito. “Oh, it’s you.” Muli itong tumawa at may itinuro. “I’m with my friends, by the way. Are you alone?” Base sa pagsasalita nito ay hula n’ya’y lasing na ito. Sinundan n’ya ng tingin ang itinuro nito at nakita ang mga kasama nito kanina sa restaurant na may kanya-kanyang kasayawan. “Are you drunk?” Mapupugay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “I’m always intoxicated when it comes to you…” Napailing s’ya at sinubukang dumaan upang makaalis na sa lugar na iyon ngunit hinarangan s’ya nito. Pansin n’yang medyo wala na sa ayos ang tindig nito. “W-Wait…” anito nang muli n’yang sinubukang dumaan. “Mag-usap muna tayo. Ilang taon na rin ang nakalipas.” “Huh? Ano bang pinagsasabi mo?” Talagang lasing na ito at hinahayaan lang ng mga kasama nito! Gusto na n’yang makalabas sa naturang lugar dahil dumadami na rin ang usok na nalalanghap n’ya. Baka atakehin pa s’ya ng asthma. “Alam mo, Cassiopeia, matagal ko na itong inaasam-asam.” Mas lalo lang kumunot ang kanyang noo sa narinig. Cassiopeia? Sino ‘yun? At teka, inaakala ba ni Jace na s’ya ang babaeng tinutukoy nito? “Look, Jace, you’re clearly drunk—“ “Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko!” biglaang sigaw nito na halos nagpatalon sa kanya. “Bahala ka na nga,” aniya at sinubukan muling dumaan. Muli s’ya nitong hinarangan at kinabig palapit dito. Nagpumiglas s’ya at nanghingi ng tulong ngunit sa dami ng tao at sa ingay ng paligid ay wala yatang nakakarinig sa kanya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng maramdaman ang paglapit ng mukha ni Jace sa kanya at ang pagpatak nito ng halik sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD