Kabanata 2

1981 Words
"Mahal na mahal kita." anito habang masuyo s'yang tinitigan. Inipit nito sa kanyang tainga ang iilang hibla ng kanyang buhok. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang malaking troso na nasa bunganga ng kagubatan. Ang kanyang puti at mahabang bestida ay medyo nadudumihan na ngunit hindi n'ya pinansin iyon. Ang kanyang buong atensyon ay nakabaling lamang sa lalaking nasa kanyang tabi. Napangiti sya. "Mahal na mahal din kita." Nakita n'ya ang paglapit ng mukha nito sa kanya na s'yang naging dahilan ng paglapad ng kanyang pagngiti. Ipinikit n'ya ang kanyang mga mata at hinintay ang pagdampi ng malambot na labi nito sa kanya. Ngunit hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Nang imulat n'ya ang kanyang mga mata ay ganun na lamang ang kanyang pagkagimbal nang mapagtantong ang lalaking nasa kanyang harapan ay ang lalaking kanyang kinatatakutan. Ngumisi ito ng makita ang kanyang ekspresyon. "Pumikit ka ulit at nang mahalikan kita." Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Akmang tatalikod s'ya nang maagap nitong nahagip ang kanyang braso. "Bitiwan mo ako!" Nahihintakutan n'yang sambit. Ngunit hindi ito natinag sa kanyang pagpupumiglas bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Akin ka lang." anito at hinapit s'ya upang sapilitang maangkin ang kanyang labi. NAPABALIKWAS s'ya ng bangon habang habol-habol ang kanyang hininga. Kahit napagtantong panaginip lang iyon ay hindi naibsan ang lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Napahugot na lamang s'ya ng malalim na hininga. Napanaginipan na naman n'ya ang lalaking walang mukha na nagsasabing pagmamay-ari s'ya nito. Napabaling ang kanyang atensyon sa kanyang bedside table ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha n'ya iyon. Tumikhim muna s'ya upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan bago sinagot ang tawag. "Hello?" "Uy, Nadine, 'wag mong kalimutang maglinis ng apartment, ha? Ikaw ang nakatoka ngayon." Pambungad sa kanya ni Indira sa masungit na boses. Napaikot na lamang s' ya sa kanyang mata. Akala n'ya naman kung ano na. Rest day n'ya kasi kaya s'ya lang ang mag-isa sa kanilang apartment. Sa tuwing s'ya ang nakatokang maglinis ay talagang tinatawagan s'ya ng mga ito upang paalalahanan. Gusto n'yang mainis pero hinahayaan n'ya na lang. Ilang beses din kasi n'yang nakakaligtaan ang tungkuling iyon kaya nainigurado lang ang mga ito. "Opo, mamang." aniya. "Matutulog muna ako, ha?" "Anong matutulog? Naku! Nadine Anthea, alas diyes na po ng umaga." pagtatalak pa nito. "Teka nga, nanaginip ka na naman ba?" May bahid na ng pag-aalala ang boses nito. Napabuntong hininga na lang s'ya. "Indie, lahat tayo nananaginip. Normal 'yun." "Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin." Umiling-iling s'ya kahit alam nyang hindi s'ya nakikita nito. "Fine. Oo, pero this time, hindi na sa kagubatan." aniya. "Sige na, may gagawin pa ako." Dagdag n'ya bago pinutol ang tawag. She didn't mean to be rude pero ayaw na n'ya munang pag-usapan iyon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung sino nga ba ang nasa kanyang mga napapanaginipan at kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa kanya. Hindi n'ya kilala ang mga ito. Higit sa lahat, nagtataka s'ya kung bakit paulit-ulit na ang mga ito ang paksa ng kanyang mga panaginip. Iba-iba man ang mga lugar ngunit tila ba konektado ang mga ito sa isa't isa. Ipinilig n'ya ang kanyang ulo. Hindi na muna n'ya iisipin iyon dahil kapag natakot s'ya, kakaripas s'ya ng takbo palabas ng unit nila at hindi s'ya uuwi na s'ya lang mag-isa. Kapag nangyari 'yun, paniguradong sermon ang abot n'ya kay Superior Indira. Wala rin s'yang aasahan kay Rhian dahil mamayang hapon pa matatapos ang klase nito. Imbes na muling matulog ay napagpasyahan n’yang bumangon na lamang. Pagkatapos n'ya maghilamos at mag-almusal ay sinimulan na n'ya ang paglilinis ng unit nila. W-in-alis n'ya ang mga kwarto, sala at ang kusina. Nilinis n'ya rin ang mga muwebles at ang iba pang mga gamit at sinigurong walang kahit na anong alikabok o dumi ang mga iyon. Nasa kalagitnaan s'ya ng pagpupunas ng mga appliances ng bigla na lang tumunog ang kanyang telepono. Pinunasan n'ya muna ang pawis sa kanyang noo bago tinignan kung sino ang caller. Napakunot ang kanyang noo ng mapagtantong hindi iyon nakarehistro sa kanyang cellphone. Hindi n'ya sana iyon sasagutin ngunit may nag-uudyok sa kanyang sagutin ang naturang tawag. Nagkibit-balikat na lang s'ya bago pinindot ang answer button. "Hello, Nadine?" ani ng caller. "Si Janus ito." Napataas ang kanyang isang kilay. Bakit s'ya tatawagan ni Janus? "Anong kailangan mo?" aniya. "Don't tell me na narealize mo na ako talaga ang gusto mo at hindi si Indie." Pabiro pa n'yang sabi at binuntunan iyon ng malakas na tawa. "Hindi, 'no!" Agad namang tanggi ni Janus. "Eh kasi, h-hihingi sana ako ng tulong sa 'yo." May pag-aalinlangan pang sabi nito. Mas lalong tumaas ang isang kilay n'ya dahil sa kanyang narinig. Bakit hihingi ng tulong sa kanya si Janus? Mangungutang ba ito para pangdate nito at ni Indira? Naku, wala itong maaasahan sa kanya pagdating sa pera. Wala pa s'yang sweldo at hindi n'ya rin hahayaang mabawasan ang kanyang ipon. "Anong problema?" "Nagtampo kasi sa akin." May bahid ng lungkot ang boses nito. Napaikot na lang s'ya ng mata. Nagtampo lang naman pala ang kaibigan n'ya. Kaya pala parang ang sungit nito kaninang umaga. Akala pa naman n'ya may dalaw ito pero may lover's quarrel pala ito at ang nobyo nito. "Oh, ngayon? Anong gusto mong gawin ko?" tanong n'ya. "Alam mo namang mahirap amuhin ang mahal mo, Janus." "Kaya nga ako humihingi ng tulong sa 'yo. Pakiusap, ayaw kong hindi n'ya ako pinapansin. Tulungan mo naman ako." Pagmamakaawa pa nito. Gusto n'yang matawa sa tinuran nito. Talagang patay na patay ito sa kaibigan n'ya. Well, alam na alam naman n'ya iyon. Biruin mo naman, isinakripisyo pa nito ang pagiging Engkanto para lang makasama ang kaibigan n'ya. Talagang mahaba pa sa buhok ni Rapunzel ang buhok ni Indira. Pero s'ya ang naloloka sa mga ito. Sa tuwing nagkakatampuhan kasi ang mga ito ay sila ni Rhian ang nabubulabog. Walang katapusan ang pagkakatok ni Janus sa pintuan nila hanggang hindi lumalabas si Indira. Isang beses nga sinabunutan n'ya ang kanyang kaibigan dahil sa inis. Pagod na nga s'ya sa trabaho, hindi pa s'ya makakatulog ng maayos dahil sa mga ito. Ang taray talaga ni Indie—figuratively and literally. "Wala akong maisip na pwede mong gawin. Hmmm... Dinner date?" "Paano ko gagawin 'yan? Ayaw nga n'ya akong kausapin." Nag-isip s'ya saglit. Ano nga ba ang bagay na magugustuhan ni Indira? Napangisi s'ya nang may maisip na kapilyahan. "Alam ko na kung anong gagawin mo, Janus!" "T-Talaga?" Humagikhik s'ya. "Gumawa kayo ng baby!" Narinig n'ya ang paghigit nito ng hininga dahilan upang mapahagalpak s'ya ng tawa. "H-Hindi ko gusto 'yang naiisip mong paraan." Hawak-hawak n'ya ang kanyang tiyan gamit ang kanyang isang kamay. Sumasakit na iyon kakatawa n'ya. "Joke lang, eh. May iba talaga akong idea..." Sinabi n'ya kay Janus ang isa pa n'yang naisip na paraan para magkabati ang mga ito. Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan ng away ng mga ito at ayaw din naman n'yang alamin maliban na lang kung si Indira mismo ang magkuwento sa kanya. Ayaw n'yang panghimasukan ang personal na buhay ng mga kaibigan n'ya. They keep secrets from each other, she's very sure of that, pero normal lang naman iyon. No matter how close they are to each other, may mga bagay talagang inililihim lalo na't hindi ito kayang ipagsabi and she's fine with that. Everyone has their own secret battles to fight. She just hopes her friends won't forget to look for her or ask for help if it's already too much for them to bear it. "S-Sigurado ka ba d'yan?" "Hindi ako sobrang sure, Janus. Pero try nga lang. Ikaw naman, parang hindi mo naman kilala ang kaibigan ko. Hindi naman 'yun basta-bastang nagtatanim ng sama ng loob." Narinig n'ya ang pagbuntong hininga nito. "S-sige. Salamat, Nadine. Nalulungkot talaga ako kapag hindi n'ya ako pinapansin." Napabuga na lang s'ya ng hangin pagkatapos ng naturang tawag. Ilang buwan pa lang na magkasintahan ang mga ito ngunit halos hindi na ito mapaghiwalay. Kung sabagay, ilang taon din namang hinintay ng kaibigan n'ya si Janus kahit pa walang kasiguraduhang babalikan nga s'ya nito. Nagpasya s'yang tumawag sa isang fast food restaurant upang o-mo-rder at magpadeliver ng pizza. Tinatamad na kasi s'yang magluto para sa tanghalian. Ilang sandali pa'y natapos din s'ya sa kanyang ginagawa. Sumalampak s'ya sa sofa dahil sa pagod. Bahagya pa s'yang hiningal at tagaktak din ang pawis n'ya. Pinunasan n'ya ang kanyang pawis sa noo gamit ang likod ng kanyang kanang kamay. Habang naghihintay sa kanyang in-order ay nagpatugtog na muna s'ya ng iilan sa kanyang paboritong kanta. Pinikit n'ya ang kanyang mga mata at isinandig ang ulo sa backrest ng sofa. Hindi nagtagal ay tumunog ang kanilang doorbell. Tumayo s'ya at nag-inat ng kaunti bago tinungo ang pintuan. Nang buksan n'ya iyon ay nalaglag ang kanyang panga at nanlaki ang kanyang mga mata. "Pizza delivery, ma'am." anito at ngumiti ng malapad. Napalunok s'ya. Hindi s'ya makapagsalita. Hindi man lang ito nagulat na makita s'ya. Nang makita ang gulat n'yang ekspresyon ay mahina pa itong tumawa at inilahad sa kanyang harapan ang pizza. Pakiramdam n'ya ay parang gustong bumigay ng kanyang mga tuhod. "J-Jace?" Umangat ang gilid ng labi nito. "It's nice to see you again, Miss Gonzales." Inabot nito ang kahon ng pizza sa kanya. Parang nag-aalangan pa s'yang tanggapin iyon. Nang sinipat n'ya ang suot nito ay bahagyang napataas ang kanyang kilay. He's wearing a white long-sleeved polo na nirolyo hanggang siko, a black pants and black shoes. Parang galing ito sa kung anong formal event. Medyo magulo rin ang buhok nito at mapugay ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "W-What are you doing, here?" she stammered. "And why are you holding my pizza?" His smile remained on his lips. Nang kinuha n'ya mula sa mga kamay nito ang kahon ng pizza ay agad nitong inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pang-ibaba. Sinipat din nito ang paligid hallway ng kanilang apartment unit. "I was wondering where you live and so nagtanong-tanong ako. I paid for your pizza, by the way. Nakasabay ko kasi ang delivery boy papunta didto. Told him I'm your friend." Bigla ay parang kinilabutan s'ya. Hindi n'ya alam kung galing saan ang pakiramdam na iyon ngunit nararamdaman n'ya ang pagtaas ng kanyang balahibo. "Why do you want to know where I live? We don't know each other and we're certainly not friends." Nagkibit ito ng balikat bago muling bumaling sa kanya. "I just want to make sure that you're safe..." Kumunot ang kanyang noo. "What do you mean? This place is safe. May mga security guard sa baba and CCTV cameras are installed around the vicinity." "Not from that, actually..." Nahihiwagaan na s'ya sa binata. Bahagya n'yang itinaas ang kanyang leeg na para bang hinahamon ito. "You are invading my privacy, Mr. Smith. Makakarating ito kay Madame Christina." He smirked. "Let's see, Miss Gonzales. I have a crush on you. Is that reason enough for you not to do what you have in mind?" Mas lalo lang yata s'yang kinilabutan sa sinasabi nito. Hindi na n'ya napigilan pa ang sarili. She slammed the door on his face. Habol-habol n'ya ang kanyang hininga habang nakasandal sa pintuan. Hindi sinasadyang nahulog n'ya ang kahon ng pizza. She will not eat it. Baka kung ano pa ang nakahalo doon. He's creeping her out. Ibang-iba ito ngayon kompara noong una n'ya itong nakilala sa opisina. And what the heck did he just said? May crush ito sa kanya? Is that enough reason for him to stalk her? What does he want from her? Pinilig ni Nadine ang kanyang ulo. All the good impression of her about him melted just like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD