Kabanata 1

2891 Words
Pikit-mata n’yang hinilot ang kanyang sentido nang sumakit na naman iyon. Napuyat na naman kasi s’ya dahil sa kanyang napapanaginipan halos gabi-gabi. Hindi n’ya alam kung paanong nagsimula iyon. Wala naman s’yang naaalalang nag-isip s’ya ng mga ganoong tagpo. Nabaling ang kanyang atensyon sa pintuan ng may kumatok doon. "Pasok," malumanay na sabi nya sa kung sino man ang nasa kabilang dako ng pintuan. Bahagya iyong bumukas at iniluwa ang kanyang katrabahong si Jaica na ngayon ay nakangiti sa kanya. Napasandal s’ya sa kanyang swivel chair ng makita ang ngiti nito. May kung anong kislap din kasi sa mga mata nito. "Anong maipaglilingkod ko, binibini?" "Mukhang pagod na pagod ka, Miss Nadine." Nagkibit balikat s’ya at inikot-ikot ang kanyang inuupuan. Iminuwestra n’ya dito ang upuan sa harap ng kanyang mesa at agad naman itong naupo. May halong pag-aalala sa mukha nito. Isa si Jaica sa mga associate sa kanilang departamento kaya mabilis din silang naging malapit sa isa’t isa. Ngumiti s’ya dito. “Medyo puyat lang, Jai.” Tumango naman ito at inilagay sa kanyang mesa ang iilang folder na kanina’y dala-dala nito. Agad n’ya namang pinagbubuklat ang mga iyon habang sinasabi ni Jaica kung ano ang laman ng mga iyon. Tinuro nito ang unang folder na binuksan n’ya. "Nandyan na ‘yung report na hiningi mo noong nakaraan.” Sunod n’yang binuklat ang isang makapal na sliding folder kung saan naroon ang iilang pangalan ng mga empleyado ng kanilang kompanya. “’Yan naman ay some of our employees’ list of absences at ang mga loans na need i-double check bago ma-grant.” Napaungol s’ya ng makita ang iilang pangalan ng mga empleyadong nadeny dahil mas marami pa yata ang absences ng mga ito kaysa ang pagpasok sa trabaho. "Ano na naman ba 'to? Ilang beses ko nang na deny ang ilan dito, ah. ‘Di to pwede ma-grant.” Nakukunsuming binalingan n’ya ito. Nagkibit ito ng balikat at tinuon ang tingin sa folders sa harap. “Sinabi ko na naman po sa kanila ang desisyon n’yo pero may mga nagpumilit po, eh. Kailangan daw nila ang pera.” Napailing-iling s’ya. “Hindi pwedeng maluwag tayo sa mga ganyan. Malulugi ang kompanya n’yan. Tsaka, kung magkakaproblema ang management sa parteng ito, lagot tayo.” Tumango ito. “Sasabihan ko po si Leonel tungkol dito.” Ang tinutukoy nito ay ang kanilang associate na nakaassign sa Employee Relations na facet ng HR. Hindi na rin lingid sa kaalaman nila ng kanyang mga kasamahan na may gusto ito kay Jaica ngunit hindi lamang ito binibigyang pansin ng huli. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito. Naiwan s’yang nakatulala sa mga kailangan n’yang gawin para sa araw na iyon. Sa tuwing ganitong natatambakan s’ya ng mga gagawin ay parang gusto n’ya nang magsisi kung bakit mas pinili n’yang magtrabaho sa advertising company na iyon kaysa sa magturo sa unibersidad na pinapasukan ni Indira. Inalok kasi s’ya nito noon dahil kulang ang Psych Professors doon kaso tumanggi s’ya dahil ayaw n’yang magturo. Sa tingin n’ya kasi ay hindi para sa kanya ang larangan ng pagtuturo. Kaya naman, nang matanggap s’ya dito sa kasalukuyan n’yang pinagtratrabahuan ay nakahinga s’ya ng maluwag dahil kaya n’ya naman ang trabaho. Oo nga't kaya n’ya ngunit hindi n’ya naman inaasahang napaka stressful pala kapag nasa HR department ng isang kompanya nagtatrabaho. Ilang sandali pa ay inasikaso na n’ya ang kanyang mga gawain. Tanging ang mabilis na tunog ng kanyang pagtitipa sa computer ang maririnig sa opisina n’ya. Kung minsan ay diretso higa na s’ya pagdating sa kanilang apartment kapag s’ya ay galing sa opisina dahil sumasakit ang kanyang likod. Dumadagdag pa ang iba’t ibang reklamo ng mga empleyado. Hindi rin naman pwedeng ipagsawalang bahala ang mga iyon dahil tungkulin nila iyon lalo na kung involve ang management sa naturang mga reklamo. Sila ng kanyang mga kasamahan ang nagsisilbing tulay sa mga empleyado at sa mga nakakataas sa kompanya at hindi biro ang trabahong kanilang ginagawa. Napabuntong hininga s’ya ng bigla n’yang naalala ang kanyang napanaginipan. Nababahala s’ya lalo na’t minsan ay binabangungot s’ya. Ang pinagtataka lang n’ya ay sa tuwing binabangungot s’ya, ibang senaryo ang nasa kanyang panaginip. Iyon ay kapag ang babaeng kanyang kamukha ay inaaya ng isang lalaki na sumama dito. Sa panaginip n’ya, pumapayag ang babaeng kanyang kamukha at dinadala ito ng lalaki sa isang napakagandang lugar. Tila namamangha pa ang babae sa nakikita nito. Sa sandaling papasok na ang dalawa sa loob ng napakagandang lugar na iyon ay bigla na lamang mag-iiba ang paligid. Ang dating napakagandang kapaligiran ay mapapalitan ng napakadilim na anyo. Doon na s’ya nagigising habang pawis na pawis at kung minsan pa nga ay sumisigaw kaya naman nag-aalala ang kanyang mga kaibigan sa kanya sa tuwing nangyayari iyon. Ang nakakapagtaka lang, hindi n’ya makita ang mukha ng lalaking nakakasama n’ya sa kanyang panaginip. Pero hindi rin malinaw kung s’ya nga ba iyong babae sa panaginip o ilusyon lang n’yang s’ya iyon. Masyado kasing malabo ang mukha ng mga ito maliban na lang doon sa tagpo sa kagubatan kung saan s’ya mismo ang hinahabol. Nakakalito. Hindi n’ya alam kung bakit iyon nangyayari sa kanya. Minsan na n’yang tinanong ang kanyang ina tungkol doon ngunit anito’y panaginip lang naman daw kaya malamang ay hindi totoo. Pinalis n’ya ang mga iyon sa kanyang isipan. Hindi pwedeng dalhin n’ya ang kanyang suliranin sa buhay sa opisina dahil makakasira iyon sa kanyang konsentrasyon sa pagtratrabaho. Kailangan n’yang matapos ang kanyang mga gawain ngayon kung hindi ay paniguradong tambak na naman ang kanyang mga gagawin sa susunod na araw. Patuloy s’ya sa pagtipa nang dinalaw s’ya ng antok. Pilit n’yang ibinubuka ang kanyang mga mata. Nang magising kasi s’ya kaninang alas tres ng madaling-araw ay hindi na n’ya nagawang makatulog pang muli. Nagpasya s’yang magtimpla ng kape upang malabanan ang kanyang antok. Matapos ay muli s’yang bumalik sa pagsuri ng mga papeles na kailangan n’yang i-review at ipasa sa nakatataas sa kanilang kompanya. Nasa kalagitnaan s’ya ng pagbabasa ng mga papeles na iyon ng makarinig ulit sya ng marahang pagkatok sa pintuan. "Pasok.” "Miss Nadine, ready na ba daw yung papeles na pinapacheck ni Ma'am?" ani Logan. Isa pang kasamahan n’ya sa trabaho. Napabuga s’ya ng hangin. "Hindi pa nga, eh. Pero sandali na lang 'to." aniya. "May mga aplikante na ba?" Tumango ito. "Oo, mga lima na yata. Pero sinabi ko namang maghintay muna kasi busy ka pa. Tsaka, kailangang maipasa mo na ‘yang pinapacheck ni Ma'am ngayon, eh. Kailangan daw kasi iyan mamaya sa meeting n’ya." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Naku! Kailangan ko ngang magmadali." natatarantang saad nya. "Sabihin mo sa mga aplikante na maghintay muna. Kung alam ko lang na ngayon ‘to kailangan, sana ‘di na lang muna ako nagpaschedule ng interview." “Ayos lang ‘yan, Miss Nadine. Alam ko namang kaya mo ‘yan.” Dali-dali n’yang ni-review ang pinapagawa sa kanya. Kahit natataranta ay dapat na pulido s’ya sa kanyang trabaho upang maiwasan ang kahit na anumang komplikasyon dahil paniguradong malalagot s’ya sa kanilang boss. Hindi naman ito masungit. Sa katunayan, magkaibigan pa nga ang turingan nilang mga empleyado dito. Kaso ayaw naman n’yang abusuhin ang kabaitan nito kaya kailangan n’yang magtino. Nang matapos s’ya ay tumayo na s’ya upang ihatid ang mga papeles sa opisina ni Madame Antonette Montenegro. Palapit na s’ya sa pintuan ng bigla iyong bumukas. "Miss Nadine, kukunin ko na po yung papeles." ani Chrisma, ang sekretarya ni Madame Montenegro. Napahinga sya ng malalim. "Buti umabot ako.” Ngumiti ito sa kanya. "Salamat po.” Akmang isasara na nito ang pinto ng may maalala s’ya. "Teka," habol nya. "Pakisabi naman sa mga aplikante na ready to fight na ang beauty ko na tadtarin sila ng tanong." aniya. Napatawa ito. "Miss Nadine talaga, oh. Sige po." anito bago isinara ang pinto. Napangiti s’ya. Excited na s’ya sa interview. Para s’yang biglang nabuhayan ng loob. Ilang oras na rin kasi s’yang nakaharap sa kanyang computer. Sa wakas ay may masasalamuha na s’yang ibang tao. Sa ganitong pagkakataon pa naman ay lumalabas ang kanyang pagkapilya lalo na’t halata ang kaba ng isang aplikante. Kahit na tumuntong na s’ya sa edad na bente tres ay hindi n’ya pa rin mapigilang manatili sa kanyang pagiging makulit at bully. Sabi nga ng mga kaibigan n’ya: Si Nadine Anthea Gonzales ay hindi magbabago kailanman. Gusto n’ya ang personalidad n’yang mapagbiro at animo'y walang sineseryoso na maging ang mga problema ay takot yatang lumapit sa kanya dahil baka pagtawanan n’ya lang ang mga ito. Iyon naman kasi ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang, lalong-lalo na ng kanyang ina. ‘Wag daw masyadong dibdibin ang mga problema dahil nakakatanda iyon. Mabait rin naman kasi s’yang anak kaya sinunod n’ya ang sabi ng kanyang ina. Syempre, kanino pa ba s’ya magmamana? Napatikhim s’ya ng makarinig ng katok at pinapormal n’ya ang kanyang mukha. Nakahanda na rin ang ilang resume na nagawa na n’yang i-review sa nakaraang araw. Sana naman ay may mahanap na s’yang qualified na qualified sa posisyong nabakante. Ang job interview kasi, parang panliligaw lang 'yan. Kailangang matino at matapang ka para makamit mo ang matamis na 'oo' ng interviewer. Sa panig naman ni Nadine, kailangan n’yang mag-usisang mabuti at siguraduhin na karapat-dapat ang kanyang mapili. "Please, come in…" SERYOSO ang kanyang mukha habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak-hawak nya. Sa totoo lang, nakakafrustrate ang pang-apat na aplikanteng kaharap n’ya ngayon. Kanina pa n’ya binitiwan ang pangalawang tanong n’ya para dito ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Medyo nakayuko pa ito na para bang makikita nito ang sagot sa ginagawa nito. Alam naman n’yang kabado ito dahil ayon na rin dito ay ito ang unang beses na sasalang ito sa job interview. Alam n’ya kung gaano nakakakaba iyon dahil s’ya mismo ay naranasan iyon. Pero hindi naman yata tamang paghintayin s’ya dahil nasasayang ang oras n’ya lalo pa't marami pa s’yang kailangang tapusing trabaho. Napahilot na lamang s’ya sa kanyang sentido. "Are you still going to answer my question, Miss Cruz?" Nang hindi pa rin ito kumibo ay napabuntong hininga s’ya at napatango. "I think you're not yet ready to be interviewed today. I’m sorry but I have to cut this off. You may take your exit." Marahan itong tumango at pumunta sa may pinto. Akmang pipihitin na nito ang pinto nang muli n’ya itong tinawag. Lumingon ito sa kanya, makikitaan ng kaba at panic ang ekspresyon ng mukha nito. "Learn to be confident, Miss," aniya. "Trust me, it will help a lot." Nahihiya itong ngumiti at tumango sa kanya bago tuluyang lumabas sa silid habang s’ya ay naiwang napailing-iling. She can't blame her. Alam n’yang maraming tao ang mababa ang kompyansa sa sarili. Kailangan lang talagang tatagan ang loob at ‘wag magpadala sa hiya at takot. Dapat matutunan ng isang taong maging matatag sa harap ng kahit na sinong tao dahil doon din kadalasang nagmumula ang kompyansa sa sarili. Tumayo s’ya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at lumabas ng silid. Inilibot n’ya ang kanyang paningin sa waiting area ng mga aplikante at napagtantong wala nang nakaupo doon. Sa pagkakatanda nya, lima ang naghihintay, pero nasaan na ang isa? Papasok na sana sya ng bigla syang tawagin ni Jaica. "Miss Nadine," anito. Nilingon nya ito. "Bakit?" Napataas ang isa n’yang kilay ng makitang malapad ang ngiti ito. "May isa pa pong aplikante. Nagpunta lang po sa restroom sandali. Hintayin mo na lang po." Humalukipkip s’ya. "Aba't may spokesperson pala 'yun. Sosyal!" aniya. "At bakit ganyan makangiti? Gwapo ang aplikante, ano?" Nakangiting tumango lang ito. Napailing na lamang s’ya. Nagpasya s’yang bumalik sa kanyang opisina at doon na hintayin ang naturang aplikante. Hindi din nagtagal ay may kumatok sa kanyang pintuan. Inayos n’ya ang suot na gray office coat na pinatong n’ya sa kanyang puting spaghetti top. Tumuwid din s’ya sa pagkakaupo at tumikhim. "Come in.” Pagbukas ng pinto ay nakatuon doon ang kanyang paningin. Napalunok pa s’ya ng laway ng masilayan ang huling aplikante n’ya sa araw na iyon. Shit! Ang gwapo naman nito! Binati s’ya nito. Napatango na lamang s’ya dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Hindi n’ya mapigilang titigan ito habang kalmadong naglalakad na tila ba pagmamay-ari nito ang buong lugar. Hindi maalis ang kanyang mata sa kabuuan nito. He has a fair complexion and a lean and toned body. Halatang alaga ng gym. Bahagya itong napahagod sa buhok nito dahilan upang dumako ang kanyang tingin doon. He has a messy bedroom hair na nakadagdag sa appeal nito. Kulay tsokolate naman ang mga mata nito na kung makatingin ay para bang alam nito ang kanyang mga sekreto. Pumugay ang mga iyon habang nakatingin sa kanya. A smile then appeared on his pinkish lips dahilan upang makita ni Nadine ang pantay nitong mga ngipin. Napaiwas s’ya ng tingin. Did he just caught her checking him out? Damn! Nakakahiya! Tumikhim ito nang makaupo sa upuang nakalagay sa harap ng kanyang office table. Bahagya n’yang ikiniling ang kanyang ulo sa gilid upang hindi mailang sa intensidad ng titig nito. Hinagilap n’ya ang iilang resume at iyon ang pinagtuonan ng pansin. She shouldn’t lose her composure. Dapat ay hindi kampante ang mga aplikante at dapat ring tigilan na n’ya ang pagcheck out sa mga gwapong aplikante sa susunod upang hindi s’ya madistract sa kanyang trabaho. Last na ‘to! Promise! Tumikhim s’ya at sinipat ang resume nito. Matindi ang kalabog ng kanyang dibdib. Parang s’ya pa tuloy ang interviewee habang ang lalaking nasa kanyang harapan ay kalmado lang at may pormal nang ekspresyon sa mukha. Jace Timothy Smith. Mapapasubo sya sa english-an nito. Now, she knows why he has such amazing features. May halo pala itong ibang lahi. Ayon sa information nito na nakalagay sa resume, he’s twenty-five years old at nakapagtrabaho na rin sa iilang prestihiyosong kompanya sa ibang bansa. Hindi pala basta-basta ang aplikanteng ito. The last but not the least, ika nga. Matapos n’yang sipatin iyon ay binalingan n’ya ito at natagpuan n’ya itong titig na titig sa kanya na para bang kinakabisado ang kanyang mukha. Pilit n’yang kinalma ang kanyang sarili. Nang magsimula ang interview ay unti-unti ring nawala ang kanyang kaba. She’s impressed on the way he answers. Napakaprofessional nito at alam na alam ang trabahong in-a-apply-an nito. Halatang nagresearch. Marami rin itong strengths na paniguradong makakatulong sa kanilang company. Overall, he’s qualified…very qualified for the job position. “If you don’t mind my interruption, ma’am, I just want to tell you that I’m Madame Christina Montenegro’s nephew.” Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig. “W-What? Why didn’t you tell me? Even Madame Christina didn’t inform me about this.” He smiled, revealing his complete set of teeth once again. “It’s fine, Ma’am. I told her not to mention it to you. I want to obtain a position in this company in a fair way.” “What if I tell you that you’re not qualified?” Nagkibit ito ng balikat. “Then, I think that’s the time I’ll ask my Aunt for help.” Hindi n’ya napigilan ang kanyang ngiti. This guy has a way to other people. “You should be appointed on a certain position right away. No need for these things.” “I just want to experience it once again. Matagal-tagal na rin ang huling beses na nainterview ako so I grabbed this opportunity.” Namangha s’ya ng marinig itong mag-tagalog. He’s a natural. Walang bakas ng accent ang pagsasalita nito sa wikang iyon na para bang sanay na sanay ito sa pagsasalita niyon. He can’t help but be impressed on him even more. "Why did you leave your job in New York? I mean, New York is everyone's dream and then you gave it up." Bigla na lang itong umiwas ng tingin kapagkuwa’y tinitigan s’ya ng mataman. “Personal matters. I have to chase my dream before it’s too late.” Nalilito man sa ibig nitong sabihin ay hindi na n’ya iyon pinansin pa. Iba-iba naman ang mga pangarap ng gustong marating ng mga tao. Maaaring ayaw ng isang tao sa kanyang trabaho ngayon ngunit may iba namang nagkakandarapa at nagsisikap upang marating ang estado ng nauna. That’s why she couldn’t blame people who gave up their successful careers to follow what they truly desire and passionate about in life. It’s better than regretting not doing something you love for the rest of your life. Matapos ang ilan pang katanungan ay d-in-ismiss na n’ya ito. The interview ran smoothly at walang kahirap-hirap nitong sinagot ang kanyang mga katanungan. Isa pa, kahit pa hindi ito qualified, sigurado naman s’yang makakapasok ito sa kompanya. Mabuti na lamang at mukhang magaling ito sa trabaho. Nilahad n'ya ang kanyang kamay dito na agad din naman nitong tinanggap. "Thank you, Mr. Smith. We are looking forward to work with you." He smiled charmingly. "Thank you, Ms. Gonzales. It's my pleasure to be here." Hindi n'ya alam kung guni-guni n'ya lang ba iyon o talagang nakita n'ya itong kumindat sa kanya. Ipinilig n'ya ang kanyang ulo at nang tuluyan na itong makalabas sa pintuan ay do'n na n'ya pinakawalan ang kanyang hiningang hindi n'ya napansing pinipigilan n'ya. She can't understand why he seems to have an effect on her. Siguro, dahil lang iyon sa taglay nitong kagwapuhan. Nagkibit s'ya ng balikat. It's okay to admire people's physical appearance. That's part of living.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD