Kabanata 9

1314 Words
Napayuko s’ya ng muli silang tanungin ni Madame Christina kung ano ang nangyari kanina. Wala kasing sumagot sa kanila ng una sila nitong tanungin kaya ay kay Chrisma ito nagtanong. The secretary had no choice but to tell the truth lalo na ng makita ang tingin ng boss nito. Their boss can be sweet and kind at times but can also be a lioness if she allows it to. She saw the disappointment in her face when she heard what happened….what she did to her boss’ nephew. She then ordered them to come and see her on her office. Hindi na tuloy s’ya nakadalo sa kanilang department meeting. Ibinigay n’ya na lang sa kanyang kasamahan ang mga kakailanganing dokumento at makiki-update na lamang s’ya kung ano ang mapag-uusapan sa meeting. She can’t help but feel guilty. Para tuloy n’yang iniwan sa ere ang mga ito. What she did was really irrational and uncalled for. Nagpadala s’ya sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi n’ya naisip na dapat ay panatilihin n’ya ang pagiging propesyunal habang nasa opisina s’ya. “I-Im sorry, Madame…” Narinig n’ya ang pagbuntong hininga nito. Napapikit s’ya ng mariin at kinurot ang kanyang palad. “That’s not what I want to hear, Miss Gonzales,” anito. I want you to tell me what happened.” Tahimik pa rin si Jace sa harap n’ya. Para tuloy silang mga estudyanteng nag-away at nahuli kaya heto’t kaharap ang Guidance Counselor. Pakiramdam n’ya ay para s’yang nauupos na kandila. Kung pwede lang sanang lamunin na s’ya ng lupa ngayon. Ayaw n’yang maalala ang ginawa n’ya. Nahihiya s’ya. “Jace? Do you have something to say?” Umangat ang kanyang tingin dito na agad naman nitong sinalubong. He has that unreadable expression on his face. Seryosong-seryoso din ang mukha nito. Napaiwas s’ya ng tingin at hinahanda ang sarili n’ya. Siguradong ilalaglag s’ya nito. Kasalanan n’ya naman talaga ngunit may kasalanan din naman ito sa kanya. “It’s my fault…” He then recounted to their boss about what happened. Habang nagukuwento ito ay nanlalaki ang kanyang mga mata. He admitted his fault! He even justified what she did! Hindi n’ya maiwasang mamangha dito kahit na may kaunting inis pa rin s’yang nararamdaman para dito. She thought he’ll drag her down as revenge for what she did to him. Ang buong akala n’ya ay gagamitin nito ang koneksyon nito sa kanilang boss upang siraan s’ya. She never thought she’ll ever say this…. But…she thinks she judged him too quickly. Tumango-tango ang kanilang boss habang pinapakinggan si Jace. Maya-maya din itong sumusulyap sa kanya na tila ba nagmamasid sa magiging reaksyon n’ya sa mga sasabihin ng binata. She’s too stunned to even react! Nakatitig lang s’ya sa binatang nakatitig lang din sa kanya habang nagsasalita. Gusto n’yang umiwas ng tingin dahil sa intesidad ng titig nito sa kanya ngunit hindi n’ya magawa. Para bang may gusto s’yang tuklasin tungkol dito sa pamamagitan lang ng pagtitig dito. “I see. So, this is a personal issue,” sabi ng kanilang boss habang tumatango-tango. Sumandal ito sa swivel chair nito at palipat-lipat ang tingin sa kanila, tila ba tinitimbang ang sitwasyon at inaabangan kung may aatake ba ulit na isa sa kanila. “I don’t know why Jace did that to you and I’m not going to ask him why. It’s way too personal and it’s up for you two to talk about it. But, now, since you two did something that’s against the rules and regulations of the company, I want you to make peace with each other in front of me.” “Ako po ang dahilan ng lahat. I was too drunk that night…” Napalunok s’ya. This man has principles, huh. He stands by his statement that everything that happened was his fault. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ngunit agad din n’yang sinaway ang sarili. Baka nakakalimutan mo kung anong ninakaw ng lalaking iyan mula sayo. “I see that, too, Jace. My concern is that I don’t anyone fighting in the vicinity of the company over personal things. We should always maintain professionalism no matter how much you hate each other.” Bumaling ito sa kanya. “Do you get me, Miss Gonzales?” Agad s’yang tumango at bahagyang napayukong muli. Pakiramdam n’ya ay namumula ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. After almost 3 years of working in this company, ito ang unang beses na nangyari ang ganito! Binahiran n’ya ang kanyang magandang record. This isn’t a good thing lalo na’t nag-aasam pa naman sana s’ya ng promotion. “I-I’m so sorry, Madame. I promise, this won’t happen again.” “I admit that I’m a bit disappointed about what happened pero palalagpasin ko ito. Basta tandaan n’yong ayaw ko nang maulit pa ito. Nakakahiya ito hindi lang dahil nasa loob ng kompanya ito nangyari kundi dahil may isa pang empleyadong nakakita.” “I’m sorry again, Madame.” Napapaos na sabi ni Jace. Madame Christina clasped her hands and put it under her chin. “Now, I want you to shake hands. I guess everything’s settled here?” Unang tumayo si Jace at nilahad ang kanang kamay sa kanya. Tiningnan n’ya lang iyon. His hands looks smooth. Napahinga pa s’ya ng malalim at naalalang kailangan n’ya ring tumayo kaya iyon ang kanyang ginawa. She then shaked his hand. Medyo magaspang pala iyon pero marahan ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay na para bang nananantsya dahil baka magalit na naman s’ya. Tumango s’ya rito at binawi ang kanyang kamay. Naiwan naman sa ere ang kamay nito. Napakunot ang kanyang noo ng makitang tinitigan nito ang kamay nito na para bang nahihiwagaan doon. “I’m sorry again…” anito. Tumango s’ya. “S-Sorry din.” Ilang sandali pa ay pinabalik na sila sa kani-kanilang trabaho. Magkasunod pa silang lumabas ngunit pareho silang tahimik hanggang sa maghiwalay ng landas. Nang makaupo sa kanyang station ay napasapo na lamang s’ya sa kanyang noo. It was a very bad move and she’s going to keep that promise that it won’t happen ever again. HE WENT HOME that night with a wide grin on his lips. Parang tanga n’yang pinagmamasdan ang kanyang kanang kamay habang nakangiti. Damn! He never thought he’d ever get the chance to hold her smooth hand. Pakiramdam n’ya ay nananaginip s’ya. Agad s’yang humilata sa kama habang nangingiti pa rin. He was drunk that night but he would never forget the soft touch of her lips unto his. Mas lalo lang nagdiwang ang kalooban n’ya nang malamang s’ya ang unang halik nito! He got it this time! Kaya lang ay may bahagi ng kanyang isipan ang nakokonsensya dahil sa nangyari. Nagustuhan n’ya ang nangyari maliban sa galit ng dalaga sa kanya. Kung anu-anong masasakit na mga salita ang naibato nito sa kanya ngunit hindi n’ya ininda ang mga iyon. It’s her right to react that way. Parang sira n’yang inilagay ang kanang kamay sa kanyang dibdib at hinaplos iyon gamit ang isa n’yang kamay. Napapikit s’ya. After years of darkness, he finally found his light. Ang babaeng tanging tanglaw sa kanyang kadiliman. Ipinilig n’ya ang kanyang ulo. Hindi n’ya dapat iniisip iyon. Dapat ay ang mga masasayang bagay lamang ang kanyang pagtutuunan ng pansin. Umayos s’ya sa pagkakahiga at itinuon ang tingin sa kisame. Inaalala n’ya ang nangyaring pagsabunot ni Nadine sa kanyang buhok. Masakit iyon ngunit hindi n’ya maiwasang matawa ngayon. Napahawak s’ya sa kanyang medyo magulong buhok. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasa malapit lang ito. Hindi n’ya rin ito inasahang makikita ng weekend na iyon. He was very much surprised when he saw her. Hindi nga lang n’ya pinahalata. Mabuti na lamang at pinaunlakan n’ya ang pag-anyaya sa kanya ng kanyang mga kaibigan. It’s one of the best decision he made kahit pa may kamalian din s’yang nagawa sa dalaga. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman n’ya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata. After several nights, Jace was able to sleep soundly once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD