Kabanata 8

1272 Words
They came back to the city that Monday. Medyo pagod s’ya sa byahe dahil na rin kulang s’ya tulog kaya naman pagdating sa apartment, agad s’yang humilata sa kama. Thankfully, her friends didn’t press that incident. Alam ng mga ito na ayaw n’yang pag-usapan ang kanyang napapaniginipan. Honestly, she doesn’t know what to tell them kaya naman ay tikom ang bibig n’ya tungkol dito. Her mom called her earlier that day to say that her Lola arrived kaya naman ay excited s’yang umuwi ng bahay matapos makapagcheck-out sa resort. Her Lola is still the same. Matanda na pero she still radiates a positive energy. Sadly, she has to say goodbye to her and just promised her that she would come home as soon as she can. “Anong reservations pa ba ang kulang?” tanong sa kanya ni Rhian habang nakaharap sa notebook nito kung saan nila nililista ang mga kakailanganin. Umusog s’ya palapit dito at nakitingin sa notebook. May itinuro s’ya doon. “Ito, tapos na ba to or kailangan pa i-follow up?” Tumango si Rhian at may nilagay na note doon. “Tapos na ‘yan. Natawagan ko na kanina. Na close na ang deal. Sinabihan ko na rin si Janus tungkol d’yan.” “Good.” Kasalukuyan silang nasa silid ni Rhian at nakaupo sa kama. Nakaharap s’ya sa laptop habang ito naman ay abala sa mga kung anu-anong dapat ilista para wala silang makaligtaan na mga importanteng kakailanganin sa darating na nakapaimportanteng event sa buhay ng kanilang kaibigan. “Sigurado na ba talaga ‘to? Paano kung hindi pa pala ready si Indie?” Napabuga s’ya ng hangin. “Yan, ilang beses mo na bang sinasabi ‘yan?” “I’m just thinking of the possibility,” anito. “Tsaka, sure ka bang magugustuhan n’ya ang theme ng magiging kasal n’ya?” “Heto ang pinakamalapit na theme na may koneksyon sa love story nila. Isa pa, I don’t think Indie would mind it as long as she’s marrying Janus.” “Kinakabahan pa rin talaga ako kahit na ayos na naman halos ang lahat.” “Nag-o-overthink ka na naman.” Napailing s’ya. “Don’t worry, Yan. Hindi masasayang efforts natin at ni Janus. This wedding will happen and Indie would be so happy about it.” Ngumiti ito na tila ba gumaan ang pakiramdam dahil sa sinabi n’ya. Last week lang ay k-in-ontak sila ni Janus upang sabihin ang plano nito. At first, they’re not up to it. Ayaw naman nilang mapuwersa si Indira sa pagpapakasal dito. But then Janus explained to them na nagpaparamdam na si Indira na gusto na nitong magpakasal. Of course, Janus wants something that would surprise their friend and so the plan for the wedding started. Janus wanted a simple and intimate wedding. They opted for a fairytale theme for the wedding since technically, Indira has a blood of a fairy while Janus is a former one. They searched and contacted people who can help with the preparation. Sila na rin ni Rhian ang nagsilbing wedding organizers dahil na rin gusto nilang tutukan ng husto ang kasalang ito. They’re thrilled about it even when Rhian sometimes have doubts that the wedding will be pushed through. Imbes na pre-nup photoshoot ay tsaka na lang iyon gagawin pagkatapos ng kasal. Naghire na rin sila ng mga photographers at videographers na magcocover ng kasal. They invited very few people. Iyon lang talagang malalapit sa ikakasal, as Janus instructed. “I’m so happy for Indie.” Inakbayan n’ya si Rhian at bahagyang niyugyog ito. Naiiyak na naman kasi and it’s making her emotional, too. She’s very excited and very happy for Indira. Deep inside her hopes that she will experience the same love her friend was able to found. In time. PILIT N’YANG ibinubuka ang kanyang mga mata. Antok na antok pa rin s’ya kahit na nakaubos na naman s’ya ng isang tasa ng kape. Humikab s’ya at nagpatuloy sa pagtitipa sa kanyang keyboard. Ang tagal na naman nilang natulog ni Rhian kagabi upang magfinalize sa mga kakailanganin sa kasal. They prefer doing it in the middle of the night kung kailan tulog na si Indira. They can’t just whisper to each other about it dahil paniguradong mapapansin iyon ng kanilang kaibigan. Baka mabulilyaso pa ang kanilang plano at masayang ang lahat ng hinanda nila. Napasapo s’ya sa kanyang noo ng makitang malapit nang mag-alas diez ng umaga. May hahanapin pa pala s’yang records na kakailanganin mamaya sa meeting ng kanilang department. Nagpaalam muna s’ya saglit at tinawagan ang kanilang HR Manager upang humingi ng pahintulot tungkol do’n. Pagkatapos ay dumiretso na s’ya sa opisina kung saan nila idinadaos ang interviews sa mga aplikante. Nagsimula na s’yang mangalkal at napasimangot ng makitang marami-rami iyon. Urgent kasi ang naturang meeting kaya hindi na n’ya napaghandaan. Habang binabasa ang contents ng iilang dokumento ay napaangat ang kanyang tingin ng may kumatok sa pinto. Pumihit ang doorknob niyon at agad dumaloy ang galit sa kanyang kaugatan ng makita kung sino iyon. “What are you doing here?” Sinarado nito ang pinto at naglakad palapit sa kanya. Napaatras s’ya. Nakita n’ya sa mukha nito ang guilt at…sakit? She’s not sure but she’s sure that she still hate him for what he did. “I-I came here to apologize…” “Get out! I don’t need your apology. It won’t change anything.” Humakbang ito ng isang beses ngunit nang makita nito ang muli n’yang pag-atras ay tumigil din ito. She heard him sigh. “It’s probably your first kiss,” sabi nito na nagpakulo na naman sa dugo n’ya. “But even if it’s not, what I did is still unacceptable. I’m sorry, Miss Gonzales. I was not on the right mind when I did that. I know it wouldn’t be enough but I hope we can at least be civil to each other after this.” She glared at him. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Dinuro n’ya ito. “Yes, it was my first kiss and you ruined it!” Tumango-tango ito. “At least I’m my crush’s first kiss. The pain from that slap and punch are all worth it—“ Bago pa ito matapos magsalita ay agad n’yang sinugod ito at hinila ang buhok. Napaigik ito at sinubukan s’yang awatin ngunit hindi s’ya nagpatinag. She’s consumed by her anger and she doesn’t care kahit makalbo pa ito. Ayos na sana, eh. Galit s’ya pero kaya pa sana n’ya itong patawarin ngunit humirit pa ng ‘di kanais-nais sa pandinig n’ya. “Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!” “Alright, alright. I’m sorry—“ “Miss Nadine—“ Sabay silang napabaling sa pintuan at nakita ang nanlalaking mga mata ni Chrisma. Parang napapasong binitiwan n’ya ang buhok ni Jace at inayos ang kanyang buhok na nagulo dahil sa ginawa n’yang pang-wre-wresling dito. Tumikhim s’ya at pekeng ngumiti. “M-May kailangan ka, Miss Chrisma?” Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila habang bahagyang nakaawang ang bibig. “A-Ah….kasi po…” “Miss Gonzales,” bati ng nakasunod kay Chrisma na s’yang nagpalaki ng kanyang mga mata. Kita ang gulat sa mukha nito ng makita si Jace sa tabi n’ya. “Oh, Jace. Didn’t know that you’re here.” “Tita—I mean Madame…” bati pa ni Jace dito. Napalunok s’ya at napapikit ng mariin. s**t! Her boss is here and her secretary saw what she did! Damn! Bigla ay parang pinagpapawisan s’ya ng malamig. Baka masisante s’ya. Hindi naman siguro magsusumbong si Jace? Napaismid s’ya sa kanyang naisip. Siguradong magsusumbong ito. Now that she somehow got even, baka ay pag-initan s’ya nito at gamitin pa ang koneksyon nito sa kompanya laban sa kanya! Magsisimula na ba akong magbalot ng mga gamit? Maghahanap na ba ako ng ibang trabaho? Oh, damn, Nadine! You’re in so much trouble right now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD