Kabanata 10

2809 Words
Nakangiting pinunasan ni Nadine ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang kaibigang si Indira na naglalakad patungo sa pinakamamahal nitong si Janus habang nakaangkala ang braso nito kay Tito Alfonso. Matapos ang ilang linggong paghahanda ni Janus para sa araw na ito ay sa wakas, ikakasal na ito sa babaeng nag-iisa nitong iniibig mula pa noon. Masaya s’ya para sa mga ito dahil simula sa araw na ito, habangbuhay nang magkakasama ang mga ito. Maaaring may mga darating na problema sa pagsasama ng mga ito ngunit alam n’yang kayang-kayang lampasan iyon nina Janus at Indira. Mahal na mahal ng mga ito ang isa't isa at naniniwala s’yang mangingibabaw ang pag-iibigan ng mga ito sa oras na subukin ang mga ito ng mga pagsubok at problema. Mabuti pa ang kaibigan n’ya dahil nakita na nito ang lalaking mamahalin at makakasama nito habangbuhay. Hindi naman sa nagmamadali s’ya kaya lang sa tingin n’ya ay malabo pang dumating ang para sa kanya. Wala kasi s’yang oras makipagdate dahil priority n’ya ang kanyang trabaho. Ngunit tiwala naman s’yang darating ang tamang tao sa tamang panahon at sa tamang oras na naaayon sa plano ng Diyos. Napabaling s’ya sa kanyang ina ng yakapin s’ya nito mula sa likuran. Napangiti s’ya. Kahit na nasa tamang edad na s’ya ay hindi pa rin nagbabago ang pagkamalambing nito sa kanya. "Anak, ikaw kaya kailan ikakasal?" tanong pa nito. Napanguso naman s’ya sa tanong nito. "Mommy, wala nga akong boyfriend kaya paano ako magpapakasal?" Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti. "Ay! Gusto ko 'yan, baby Thea. Ako ang maghahanap ng groom para sa'yo." Napaikot na lang s’ya ng mga mata. "'My, ‘di na uso yang arrange marriage na 'yan. Isa pa, gusto ko na ‘yung pakakasalan ko ay yung taong mahal ko." aniya. Napangiwi pa s’ya ng mapagtantong ang corny ng sinabi n’ya. Umiling ang kanyang ina. "Edi, pausuhin natin! Ikaw talaga baby Thea, ang bitter mo." anito at kinurot pa ang kanyang pisngi at nanggigigil na hinalikan iyon. "Mommy naman, eh!" angal n’ya. "Nakakahiya sa mga bisita nila Indie." "Ah, sus. Baby naman talaga kita, eh." Napabuga na lang s’ya ng hangin dahil sa kakulitan ng kanyang ina. Kapag pinagsama silang dalawa ay para lang silang magkapatid na nag-aasaran o nagkukuwentuhan. Iyon ang isa sa mga lubos na pinagpapasalamat n’ya sa Diyos. Ang magkaroon ng inang kagaya nito. Maging ang kanyang ama ay hindi rin nakakaiwas sa pangungulit nito. Kahit na may pagka seryoso ang aura ng kanyang ama ay nawawala ito kapag nakikita nito ang kanyang ina. "Ate, alam mo bang sinabi ni Mommy na gusto ka na daw n’yang magpakasal? Ayun at naghahanap na yata ng irereto sa ‘yo." Natatawang sabi sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na si Alexandra. Nagpaalam kasi ang kanyang ina na kakausapin lang ang iilang bisita na kakilala rin nila. Ilang minuto lang ang lumipas at nakikipagtawanan na ito. Humalukipkip sya. "Ewan ko sa kanya. Kung anu-ano naman ang naiisip ni Mommy, eh." Kasalukuyan silang nakaupo sa isa sa mga table sa reception ng kasal nila Janus at Indira. Katatapos lang ng seremonya at kasalukuyang ine-entertain ng mga bagong kasal ang mga bisitang dumalo. Namumula pa rin ang mga mata ni Indira dahil sa halos walang tigil nitong pag-iyak. Ikaw ba naman ang surpresahin ng kasal? Tingnan lang natin kung hindi ka maglupasay. Sumubo ng steak ang kanyang kapatid. Nginuya iyon at nilunok bago nagsalitang muli. "Alam mo, Ate, maganda ka naman, eh." Kunot-noo n’ya itong tinignan. "Kaso masungit ka kaya walang lumalapit sa ‘yo." dagdag pa nito at humagikhik. Inumang n’ya dito ang kanyang kamao. "Mas masungit si Indira, oy!" Uminom muna s’ya ng wine bago nagpatuloy. "Isa pa, gago naman kasi ang nanliligaw sa akin, eh. Kapag ilang buwan ng pumuporma tapos 'di ko pa rin sinasagot, ayon, maghahanap kaagad ng iba." Inirapan s’ya ng kanyang kapatid. "Then, they’re not serious about pursuing you. Kadalasan naman kasi sa mga lalaki ngayon, gusto lang magkagirlfriend. No serious feelings involved.” Nanliliit ang kanyang mga matang tinitigan ito. Napansin ni Alex ang kanyang tingin kaya yumuko ito sa pagkain nito at kunwaring may sinusuri doon. Ngumisi s’ya, parang may umilaw sa kanyang utak. “Aba, aba! Based on experience ba ‘yan, Naiad Alexandra?” Umiwas ito ng tingin. "Hindi, ah." Napahalakhak s’ya. "Ay, sus. Natural lang naman ‘yun. Batang ‘to. Hindi ka na teenager, ‘no. Nasa tamang edad ka na kaya bakit ka nahihiya?” “Tumahimik ka nga, Ate! Focus muna ako sa review, ‘no. Kailangan kong maging CPA bago magboyfriend. Baka akalain ng lalaking ‘yun—“ Napatigil ito sa pagsasalita at namumulang nagtakip ng mukha. Mas lalo lang s’yang humalakhak. Bistado ang kapatid n’ya! Hindi s’ya makapaniwalang nabuking n’ya ito. Paano ba naman kasi. Ang galing-galing nitong magtago ng sekreto. Sobrang pahirapan bago mapaamin. "’Wag ka ngang maingay d’yan, Ate. Wala lang ‘yun. Panira lang ‘yun ng concentration.” “Panira daw. Gusto mo rin naman yatang nasisira ang concentration mo basta ‘yang taong ‘yan lang ang sisira,” tudyo n’ya pa. “Sumbong kita kay Mommy, eh. Tawagin ko nga.” Nahagip ni Alex ang braso n’ya at kinurot nito iyon. Napangiwi s’ya at tinampal ang kamay nito. Tumawa lang ito at umirap sa kanya. “Dalaga ka na talaga, ah. Pakilala mo nga ‘yan sa ‘min kapag CPA ka na.” Tinakpan pa nito ang mga tainga. “Wala nga lang kasi sabi ‘yun.” “Anong pinag-uusapan ng mga baby ko?” Nagkatinginan silang magkapatid dahil sa tanong ng ina. Hindi nila napansin ang paglapit nito dahil abala sila sa pag-aasaran. Nadine smirked while Alex glared at her. Sa oras na malaman ng kanilang ina ang tungkol sa pinag-usapan nilang magkapatid ay paniguradong maliligo ito ng tukso hindi lang mula sa kanilang ina kundi pati na rin sa kanilang Lola. “MAY I SHARE A TABLE WITH YOU?" Napatigil si Nadine sa pagnguya ng marinig ang boses na iyon. Kunot-noong binalingan n’ya ang lalaking nagtanong sa kanya. Nang mapagtantong tama ang kanyang hinala kung sino iyon ay umiiling na binalik n’ya ang atensyon sa kanyang pagkain. Paniguradong mangungulit na naman ito sa kanya. Higit isang linggo na rin ang nakalipas simula noong napatawag silang dalawa sa opisina ng kanilang boss upang mapagsabihan sa nagawa n’yang pagsabunot sa buhok ng binata na nakita pa ng sekretarya ng kanilang boss. Ang buong akala n’ya ay titigilan na nito ang paglapit at pambubuwisit sa kanya ngunit nagkamali s’ya. Kahit iniiwasan n’ya ito para lang itong buntot na nakasunod sa kanya. She told her friends about it. Tila nakalimutan ng mga ito ang naging kasalanan ng lalaki sa kanya dahil con todo ang kilig ng mga ito nang magkuwento s’ya. Nahila n’ya pa ang buhok ni Rhian na walang humpay ang panunukso sa tuwing nababanggit n’ya ang pangalan ng damuhong si Jace. “Hey, I’m asking you.” Umirap s’ya sa kawalan. “No and never.” Kung dati ay hindi ito sa kanilang canteen kumakain, ngayon ay araw-araw na yata n’ya itong kumakain dito at palagi pang gustong maki-share ng table sa kanya kahit marami namang bakante. Pinagtitinginan na tuloy sila ng ibang empleyado. Ang ilan pa naman sa mga ito ay mga naging kaibigan na rin n’ya kaya naman ay may halong panunukso ang titig ng mga ito. Sadya talaga siguro itong mahirap makaintindi dahil umupo pa rin ito sa tapat n’ya. Mabuti na lamang at katabi n’ya ang kanyang bag dahil paniguradong sa tabi n’ya mismo ito uupo kagaya ng ginawa nito kahapon na halos sabunutan na n’ya ito sa kahihiyan. Kung sana’y sumasama s’ya sa kanyang ka-department kapag niyayaya s’ya ng mga itong kumain sa labas, siguro makakaiwas s’ya sa binata. She noted it on her mind not to eat alone next time. She needs to be with a company of co-worker. Bibilib na talaga s’ya sa kapal ng mukha nito kapag sumunod pa ito sa kanya. Hindi n’ya rin makalimutan ang pabirong sinabi nitong susubuan s’ya nito. Sigurado s’yang maraming nakarinig do’n dahil maliban sa malakas na boses nito, may sumipol pa sa ‘di kalayuan sa kanila. Hindi n’ya alam kung anong trip nito sa buhay at kung bakit s’ya ang pinag-tr-tripan nito. Napakamalas nga naman n’yang halos araw-araw n’ya itong nakikita. Kahit unti-unti na n’yang napapatawad at kinakalimutan ang nagawa nitong kasalanan sa kanya ay hindi ibig sabihin no’n na maari na itong lumapit-lapit sa kanya at umastang parang close silang dalawa. Napabalik s’ya sa kanyang huwisyo nang may pumitik sa kanyang harapan. Napakurap-kurap s’ya at sinamaan ito ng tingin ng ngumisi lang ito. “Lutang ka kasi.” “Pakialam mo ba?” Masungit na sabi n’ya. “Kung ‘di ko lang alam na naiinis ka sa ‘kin, iisipin kong may gusto ka sa ‘kin, eh.” “Ang kapal din naman talaga ng mukha mo.” Mahina itong tumawa. “Nakatitig ka kasi sa mukha ko,” anito at inilagay at nagpogi sign pa. “Gwapo, ‘no?” Sarkastiko n’ya itong nginitian. Ang sarap nitong hambalusin. “Ang hilig mo talagang manira ng araw, ‘no? Nakakainis ka. Sagad to the bones! “ Nanggigigil na saad n’ya. Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Uminom muna ito ng tubig bago s’ya sinagot. “We can be friends if you want to, you know.” Tumawa s’ya ng pagak at ibinaba ang kanyang mga kubyertos. “Friends? Tayo?” aniya at tinuro ang kanyang sarili at si Jace. Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagnguya. “Hindi pa nga tayo friends tapos kung makaasta ka, akala mo kung sinong ka-close ko. Paano pa kaya kung magkaibigan na tayo? Baka sobra-sobra na talaga kakapal ang mukha mo.” Nakaismid na sabi n’ya pa. Tumawa ito at mahina pang nahampas ang mesa. “Ang tindi talaga ng tabas ng dila mo. Nakakatuwa. You can be my daily dose of laughter.” Tumaas ang kanyang isang kilay sa kanyang narinig mula dito. Aba’t may plano pa yata itong gawin s’yang clown! “Gago…” “Bawal magmura. Nasa harap ka ng pagkain.” Saway nito sa kanya. Bahagya naman s’yang napahiya do’n ngunit hindi na s’ya nagkomento pa. Tumahimik din naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Patapos na s’yang kumain ng magsalita itong muli. “Bakit ka ba inis na inis sa ‘kin? You’re so nice with everyone but me. Is it because of what I did?” he said and then he sighed. “I’m sorry, okay? I swear, I didn’t mean it. And...hindi naman ako manyak o masamang tao. Napatitig s’ya sa mga mata nito. Tila nagsusumamo ang mga iyon. Napalunok s’ya at bahagyang napayuko. Pilit n’yang ibinabalik ang kanyang mga mata sa pagkain ngunit bumabalik iyon sa kay Jace. Tila ba nahihipnotismo s’yang titigan ang mga mata nito. Masyado ba s’yang harsh dito? Ayaw lang naman n’ya itong makausap o makita dahil iba ang nararamdaman n’ya kapag nasa malapit na ito. Hindi n’ya alam kung dahil ba ‘yun sa naging kasalanan nito sa kanya o may ibang bagay pa. Hindi n’ya rin maintindihan ang sarili kung bakit parang iba ang kanyang kagustuhang umiwas dito gayong hindi naman s’ya gano’n. Hindi rin naman s’ya nagtatanim ng sama ng loob sa ibang tao. Nakaramdam s’ya ng guilt. Hindi n’ya lang siguro talaga matanggap na nawala ng gano’n na lang ang kanyang first kiss. Syempre, inaasahan n’yang ang unang makakahalik sa kanya ay ang taong mahal n’ya ngunit naglaho na parang bula ang pangarap n’yang iyon dahil sa binata. Humugot s’ya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Masyado nga siguro akong harsh sa ‘yo but you can’t blame me for that. Hindi madali sa ‘kin ang nangyari. Hindi madaling kalimutan ‘yun. Walang hiya ka kasi.” She blurted out. He smiled warmly, one thing that surprised her. “I understand where it’s coming from. I know we can’t forget what happened but can’t we just move on from it and start anew? Wala naman sigurong masama do’n, ‘di ba?” Napatango-tango s’ya. Kung sabagay, may point naman ito. Hindi rin naman siguro masamang subukan n’yang makipagkaibigan dito. Maybe, there’s more to him than what she thinks. Masyado nga yata n’yang nahusgahan ang binata. Ikinibit n’ya ang kanyang mga balikat. “Okay. Pag-iisipan ko ‘yan. But,” aniya habang winagayway ang kanang hintuturo sa harap nito. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “But what?” “Tell me about Cassiopeia. S’ya naman yata ang dahilan kung bakit mo ‘yon ginawa, ‘di ba?” she said as she tried her best to smile at him. Weird. she thought. Pero hindi naman talaga madaling ngitian ang isang taong itinuring mong kaaway. Tumiim ang bagang nito nang marinig ang kanyang sinabi. Mukha rin itong kabado. Did she hit a sensitive topic? “May nasabi ba akong masama?” Umiling ito at marahang hinilot ang noo. “It’s just that, it’s been a long time since someone brought up that topic.” Anit na parang hindi pa rin mapakali. He kept on shifting on his shift dahilan upang mas lalo lamang s’yang makuryuso. “O-Okay lang naman kung ayaw mo s’yang pag-usapan. Maiintindihan ko naman. Baka kasi kung ano pa ang mangyari kapag nagpumilit ako—“ “Cassiopeia is my everything…” biglang sambit nito, interrupting her while talking. Naporma pa ng O ang kanyang bibig ng marinig ang sinabi nito. Punong-puno ng klase-klaseng emosyon ang nakikita n’ya sa mga mata nito matapos nitong sabihin iyon. Napalunok s’ya. She had never seen him this serious. Napakaimportante nga talaga siguro ni Cassiopeia. Tumango-tango s’ya—acknowledging what she said and urging him to continue. “She’s my everything pero s’ya, hindi n’ya ako mahal. Kahit katiting na pagmamahal ay wala s’yang nararamdaman para sa ‘kin,” he said breathily. “In fact, s-she l-loathe me.” Tila nahihirapan pa itong sambitin ang huling mga katagang iyon. Gulat na napatitig s’ya dito. Hindi s’ya makapaniwala sa kanyang mga narinig mula dito ngunit hindi maitatangging nakapinta sa mukha ni Jace ang labis na sakit at pagdadalamhati. “Noong una kaming magkita, I already knew that she’ll be the only girl that I would ever love for the rest of my life. Kabigha-bighani ang kanyang kagandahan at busilak na puso. Kakaiba din ang epekto sa akin ng kanyang mga ngiti.” He said, smiling while describing Cassiopeia. She felt a slight pain against her chest. Marahil ay nadadala s’ya sa mga sinasabi nito. Napakalungkot kasi ng boses nito at tila hirap na hirap pa itong magkuwento. Sinubukan n’ya itong awatin at sinabihang ‘wag nitong piloting magkuwento kung hindi nito kaya ngunit nagpatuloy pa rin ito. “I’ve done everything just to make her mine but I failed. Mas pinili n’ya ang lalaking wala namang binatbat kung ikukumpara sa akin.” Bumaba ang kanyang tingin sa mga kamay nitong nakapatong sa mesa at nakitang nakakuyom ang mga kamao nito. Nanginginig pa iyon, tanda na mahigpit ang pagkuyom nito. Nakaramdam s’ya ng pagkabahala. “J-Jace, kung hindi mo kayang ikuwento, ayos lang naman. Na-curious lang talaga ako pero hindi naman kita pipilitin talaga. A-Ayos na ‘yon. Hindi mo na kailangang ipagpatuloy.” Kinakabahan s’ya sa maaari nitong gawin. Naku! Baka ma strike two silang dalawa sa kanilang boss kapag may pagbalingan si Jace sa nararamdaman nito ngayon. Nagpalinga-linga s’ya at nakitang unti-unti na ring umaalis ang mga tao. Wala rin masyadong nakakapansin sa kanila dahil nasa malayong gilid sila nakaupo. “I-m sorry.” Anito at agad na umalis. Hahabulin n’ya sana ito ngunit naisip n’yang baka kailangan nitong mapag-isa. Mas lalo lang yatang bumigat ang nararamdaman nito nang mabanggit n’ya ang tungkol kay Cassiopeia. She just triggered a hurtful experience that she didn’t know existed! Napasampal na lamang s’ya sa kanyang noo. She really need to keep her hands to himself and not to stick her nose on other people’s business. PAGDATING sa kanyang condo ay agad n’yang pinagtatapon ang mga bagay na una n’yang nakita. Sumisigaw s’ya sa matinding sakit na nararamdaman. Matagal na panahon nang nangyari iyon ngunit napakapresko pa rin ng lahat sa kanya. Bakit hindi s’ya nito nagawang mahalin? Bakit nangyari ang lahat? Hindi n’ya pinili ng mabuhay ng gano’n. Hindi n’ya ginusto ang pangyayaring bumago sa kanyang pagkatao. Bakit s’ya pa? Bakit kailangang ipagkait sa kanya ang kaligayahang kanyang minimithi? Si Cassiopeia lang ang kailangan n’ya ngunit hindi pa ito binigay sa kanya. Noon namang abot-kamay na n’ya sana ito, hindi n’ya pa rin ito nakuha. Nahihirapan na s’ya. Gusto na n’yang sumuko ngunit hindi n’ya magawa. Labis-labis na ang sakit at pait na kanyang nararamdaman ngunit masyado n’ya itong mahal para sukuan lang. Nanghihinang napaupo s’ya sa isang sulok habang nag-uunahan sa pagtulo ang kanyang masaganang mga luha. Maraming taon na ang nakakaraan ngunit heto’t iniiyakan n’ya pa rin ito. Gusto n’ya itong ikulong sa kanyang mga yakap at sumbatan sa lahat lalo na ngayong abot-kamay na n’ya ito ngunit magmumukha lang s’yang tanga kapag ginawa n’ya iyon. He had done everything for her. He unwillingly sacrificed his love for her. Hindi man lang n’ya nagawa ang nararapat. Hanggang kailan s’ya magtitiis? Kailan mo kaya ako matututunang mahalin, Cassiopeia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD