Kabanata 11

1777 Words
Hinihingal na napaupo s’ya mula sa kanyang pagkakahiga. Nanaginip na naman s’ya. Ang pinagtataka n’ya ay kung bakit naaalala n’ya ang kanyang mga panaginip na tila ba nakaukit na iyon sa kanyang memorya at preskong-presko pa. Hindi n’ya pa rin maaninag ang mukha ng lalaking nasa panaginip n’ya ngunit hindi n’ya alam kung bakit pakiramdam n’ya ay pamilyar ito sa kanya. Hindi na rin ang nakasanayang tagpo sa kagubatan ang laman ng kanyang napanaginipan sa ngayon. Tila nakikipagkaibigan ang lalaki sa babaeng palagi ring laman ng kanyang panaginip. Hindi s’ya sigurado kung kamukha ba n’ya talaga ang babae kagaya ng nasa iba n’yang panaginip. Hindi n’ya na rin kasi maaninag ang mukha nito. Tumayo s’ya at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nang sulyapan n’ya ang wall clock sa kanilang sala ay napagtanto n’yang alas tres na ng madaling-araw. Napabuntong hininga s’ya. Nagising na naman s’ya sa parehong oras. Hindi pa rin s’ya nasasanay kahit ilang taon na n’ya itong nararanasan. Marahil ay mayroong mga masasamang elementong umaaligid sa kanya kaya s’ya nananaginip ng kung anu-ano. Hindi n’ya rin maipaliwanag ang mga iyon dahil maski s’ya ay walang naiintindihan sa mga nangyayari. Matapos uminom ng tubig ay bumalik na s’ya sa kanyang silid. Ilang beses s’yang nagpalit-palit ng pwesto ngunit hindi pa rin s’ya muling dinalaw ng antok. Napakamot s’ya sa kanyang ulo. Paniguradong magmumukha na naman s’yang zombie nito pagpasok n’ya sa trabaho. Ang hirap pa naman minsan takpan ang eyebags n’ya ng make-up. Inis na dinampot n’ya ang kanyang unan at niyakap iyon habang nakatitig s’ya sa kisame. Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman na n’ya ang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata ngunit sa kasamaang palad ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Naitapon n’ya ng wala sa oras ang kanyang yakap na unan dahil sa pagkayamot. Kung kailan naman makakatulog na sana s’yang muli ay tsaka naman may mang-i-istorbo sa kanya. At alas tres pa ng madaling araw! Sino naman kaya ang mag-iisip na tatawag sa ganitong oras? Napakunot ang kanyang noo ng makitang hindi nakarehistro sa kanyang cellphone ang tumatawag. Napahigpit ang hawak n’ya sa kanyang cellphone ng ilagay n’ya iyon sa kanyang tainga. Humanda talaga ito kung sakaling nan-tr-trip lang ito sa kanya. “Hello.” Padabog na bati n’ya sa kung sino man ang nasa kabilang linya. “Miss Gonzales…” Umakyat na yata sa kanyang ulo ang kanyang dugo. Peste! Ang tinamaan ng lintik na si Jace na naman! Kailan ba nito patatahimikin ang buhay n’ya? Binigyan na nga n’ya ito ng pagkakataong maging magkaibigan sila nitong huli nilang pag-uusap tatlong araw na ang nakakaraan. Well, not really. Sinabi n’ya palang pag-iisipan n’ya. Handa na sana s’yang batiin ito ngunit mukhang hindi na muna iyon mangyayari. Nilipad na ng hangin ang kanyang magiging rational dahil sa pang-i-istorbo nito ngayon sa tulog n’ya. "Ano na naman, Smith? Ang aga-aga nambubulabog ka! Letse!" inis na sabi n’ya dito. Narinig n’ya pa ang mahina nitong pagtawa na s’yang nakapagdagdag ng inis n’ya. Humanda ito sa kanya mamaya. Makakakita talaga ito ng stars. "Easy. Ang aga-aga, ang init ng ulo mo." "Ano bang kailangan mo? Matutulog na sana ako ulit, eh. ‘Kabuwisit.” “Wait…don’t tell me hindi ka pa natutulog?” “Nagising lang. Kaya nga matutulog ulit, ‘di ba? Tsaka, saan mo nakuha ang number ko?” “Ang sungit. Nagtatanong lang, eh.” Natatawang sabi nito. “I have my ways, Gonzales. Don’t worry, I’m not stalking you. Gusto ko lang talaga makuha ang numero mo. You know, maybe for work purposes.” Umirap s’ya sa kawalan. “Weirdo ka kamo. Bakit hindi mo sa ‘kin hiningi?” “Bakit, ibibigay mo ba?” Natahimik s’ya. Kung sabagay, hindi n’ya talaga ibibigay dito ang number n’ya. “Oh, ‘di ba hindi din?” “Ano nga ang kailangan mo nang makatulog na ako ulit?” pagbabago n’ya pa sa usapan. Narinig nyang humikab ito. "I dreamed about you." sabi pa nito. Nabitin sa ere ang paghikab n’ya’t napanganga. Ano daw? Napanaginipan s’ya nito? “’Wag mong sabihing pinagnanasahan mo ‘ko. Baka ‘di ka na masikatan ng araw!” gigil na sabi n’ya. "As if I'll desire you," anito na binuntunan pa ng tawa. "I'm just kidding, crush." Walang hiya talaga! Argh! Bakit ba kasi ito tumatawag gayong antok na antok na s’ya. Hindi n’ya tuloy alam kung makakatulog pa ba s’yang muli gayong naiinis na s’ya. Ang hirap pa naman ipikit ang mga mata kapag may bumabagabag na kung ano. Kahit naman siguro hindi s’ya inaantok ay hindi n’ya pa rin ito gustong makausap ng matagal. Pinakamatagal na yata ‘yung nag-walk-out ito matapos magkuwento sa babaeng s’yang lahat para dito. Simula no’n ay hindi na sila nagsabay sa pagkain. Sumasama na kasi s’ya sa kanyang mga kaibigan sa opisina kagaya ng plano n’ya at marahil ay abala ito sa trabaho dahil hindi na n’ya ito madalas nakikitang lumalabas ng opisina nito. Tumigil s’ya sa kanyang pag-iisip at ikiniling ang ulo. Pake n’ya ba? Hindi s’ya dapat nakikialam sa kung ano mang tungkol dito. Pero inaamin n’yang gusto n’ya itong kumustahin. Kaya lang ay hindi na n’ya ginawa. Ewan ba n’ya ngunit parang ayaw n’yang makita ulit ang napakalungkot nitong mga mata. “Oh? Tapos, anong ginagawa ko sa panaginip mo?” Humikab s’ya. Sa wakas ay muli s’yang dinalaw ng antok. Kinusot n’ya ang kanyang mga mata. Natahimik ang kabilang linya. Ilang beses n’yang tinawag ang pangalan nito ngunit hindi ito sumagot. Ibababa na n’ya sana ang tawag nang muli itong magsalita. “Truth is, I just woke up and remembered you…” “What?” naguguluhang tanong n’ya dito. "I just want to hear your voice." sagot nito sa kabilang linya. Hindi n’ya alam kung tama ba ang narinig n’ya o guni-guni n’ya lang iyon dahil sumusuko na ang kanyang mga mata’t gusto ng pumikit. Puro ‘hmmm’ na lang din ang lumabas sa kanyang bibig. “Miss Gonzales?” Hindi na n’ya nagawang sumagot pa dahil nabitawan na n’ya ang kanyang cellphone at tuluyan nang nagpahila sa kanyang antok. PIPIKIT-PIKIT pa si Nadine habang naglalakad patungo sa kanyang cubicle. Kahit nakatulog ulit s’ya kanina ay hindi pa rin iyon sapat. Parang naubos ang energy n’ya. Dagdag pang pilit n’yang inaalala kung ano ang sinabi ni Jace bago s’ya tuluyang nakatulog. Tatanungin na lang siguro n’ya ito mamaya kapag nakita n’ya ito. Aba! Baka minumura na pala s’ya nito ng hindi n’ya alam. Gusto lang n’ya makasiguro at para hindi na s’ya mabagabag. Pagkaupo n’ya ay nag-inat-inat s’ya habang in-o-on ang kanyang computer. Medyo masakit ang kanyang likod. Kailangan na talaga siguro n’yang mag-ehersisyo. Tinatamad kasi s’ya kaya minsan n’ya lang iyon nagagawa. Hindi s’ya kasing tibay ni Rhian na halos araw-araw gumigising ng napakaaga para magjogging. “Good morning, Miss Nadine…” Napabaling s’ya sa bumati sa kanya at nakitang si Chrisma iyon. Binati n’ya rin ito. Medyo nahihiya s’ya rito dahil sa nangyaring nakita nitong sinabunutan n’ya si Jace. Magmula noong araw na iyon ay ngayon n’ya lang ito nakita ulit. Ngumiti ito sa kanya at agad n’ya naman iyong sinuklian. “May kailangan ka ba, Miss Chrisma?” "Pinapatawag po kayo ni Madame sa office n’ya. Kayo po ni Mr. Smith. May pag-uusapan daw po kayo.” "H-Ha?” tanging nasabi n’ya. Tumikhim s’ya ng makahuma. “Pero, wala pa yata si Mr. Smith. ‘Di ko pa s’ya nakitang dumaan, eh.” "Nasa opisina na po s’ya ni Madame," anito. "Hihintayin ka na lang daw po n’ya doon." Sumabay na s’ya dito papunta sa opisina. Habang papunta doon ay binundol s’ya ng kaba. May kasalanan na naman ba s’ya? Sa pagkakaalam n’ya, maliban sa medyo rude na tungo n’ya kay Jace ay wala na naman s’yang ibang maaaring maging dahilan upang ipatawag s’ya ng kanilang boss kasama ang binata. Bago s’ya kumatok sa pintuan ng opisina ay humugot muna s’ya ng malalim na hininga at inayos ang kanyang office coat. Pagbukas n’ya ng pinto ay agad n’yang binate ang kanyang boss. Bumati din ito sa kanya at inilahad ang upuang nasa tapat ni Jace. Tumalima naman s’ya habang palihim na pinaglalaruan ang kanyang mga daliri sa kamay. "Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag." panimula nito. Tumango sila bilang tugon. Hindi sila nagpapansinan ni Jace. Wala rin yata ito sa mood dahil hindi rin sya nito binati kanina. Ipinagkibit-balikat n’ya na lang iyon. "Magiging busy kasi ako nitong susunod na mga linggo dahil sa daming investor na pumasok sa company natin at hindi ko na ma-acommodate ang iba pang conventions and seminars." pagpapaliwanag nito. Mataman naman silang nakikinig sa mga sinasabi nito. "May upcoming convention kasi sana akong dadaluhan but as what I've said, magiging busy ako." Bahagya itong ngumiti. "So, naisipan kong kayo na lang ni Jace ang dumalo, Nadine. Hindi naman kasi pwedeng magsolo s’ya lalo pa't bago pa lang s’ya sa kompanyang ito. Though he has a lot of experience abroad, iba pa rin ‘yong alam n’ya ang pasikot-sikot sa kompanya. At ikaw naman, sa ilang taon mo na dito at sa malinis mong record, marami ka nang alam at gusto kong madagdagan pa iyon. Lalo na’t Ehra is still on leave. Ikaw agad ang naisip kong sasama sa pamangkin ko.” Natameme sya. Ano raw? Sila ni Jace ay pupunta sa isang convention? Tumango s’ya. “O-Okay, Madame. Ilang araw po ba ang nasabing convention?" "Apat na araw, Nadine. Sa Singapore gaganapin ang naturang convention,” anito. "And don’t worry about the expenses because it is covered by the company." Sabi nito at matamis na ngumiti. Gusto n’ya sanang umapela ngunit naunahan s’ya ni Jace. "No problem, Tita. We can handle it," bumaling ito sa kanya. "Right, Miss Gonzales?" Shit! Gusto n’yang sabihing hindi ngunit tumango na lamang s’ya. Hindi naman kasi n’ya kayang tanggihan ang boss n’ya lalo pa't halata sa mukha nito na wala pang pahinga. Isa pa, makakatulong din iyon sa kanyang career growth and development. Malaking oportunidad ang mapadala sa isang convention na sa ibang bansa pa gaganapin. Ang ikinababahala lang naman n’ya ay makakasama n’ya ang binata sa naturang event. He can’t even stand a couple of minutes with him. Ano pa kaya ang apat na araw? Hindi naman pwedeng wala silang magiging interaksyon lalo na’t silang dalawa ang magrerepresenta sa kanilang kompanya. Naaasar din s’ya sa kaisipang sa lahat ng pwedeng ipadala sa convention ay sila pa talagang dalawa ang napili. Sure, Jace could be their boss’ first choice pero ang piliin s’ya, hindi n’ya alam. However, a small part of her is saying that her boss trusts her and that she should be grateful for it. Tinanggap na lang rin n’ya ang rasong iyon. Singapore, here I come.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD