Kabanata 12

1467 Words
Ngingiti-ngiti s’ya habang hawak ang nasaktang panga na bunga ng pagkakasapak sa kanya ni Nadine. She really never failed to assume him. Hindi n’ya alam kung saan nito hinuhugot ang katarayan at kamalditan nito pagdating sa kanya ngunit unti-unti na s’yang nasasanay. Nais n’yang isiping naiiba s’ya dahil s’ya lang yata ang tinatarayan nito dahil mabuti naman ang tungo nito sa ibang empleyado. Ang sarap din naman kasi nitong asaran lalo na kapag nakikita n’yang nagkakasalubong na ang mga kilay nito sa inis sa kanya. He smiled at the thought. Naiinis na naman ito sa kanya dahil s’ya ang makakasama nito sa naturang convention. Pakiramdam siguro nito’y pinangunahan n’ya ito kaya hindi na ito nakatanggi na sa kanilang boss. Mas lalo lang lumaki ang kanyang ngisi ng maalala ang nangyari kanina. Matapos silang i-dismiss ng kanyang Tita Christina, whom he preferred calling Madame in the office, nauna ang dalagang lumabas. Nang isara n’ya ang pinto ng opisina ay sinalubong s’ya nito ng sapak na labis n’yang ikinagulat. Dapat pala ay nag-expect na s’ya ng ganito kanina pa lang. “What the hell?” Ngumiwi ito at hinawakan ang kanang kamay na s’yang ginamit nito sa pagsapak sa kanya. Alam n’yang nasaktan din ito kaya agad n’yang kinuha ang kamay nito at sinuri. Nakita n’yang napatigil ito at napatitig sa kanya bago marahas na binawi ang kamay mula sa kanya. Mabuti na lamang at walang nakakita sa ginawa nitong iyon dahil paniguradong mapagsasabihan na naman sila. Sana lang talaga ay walang nakapansin sa nangyari mula sa security headquarters dahil may malapit na CCTV sa kung nasaan sila. Pinandilatan s’ya nito. “’Wag na ‘wag mo ‘kong ma ‘what the hell’ d’yan, ha. Ano ‘yung kanina?” “What are you talking about?” Pinamaywangan s’ya nito. “Why did you assume that I would like to go with you to that convention?” nanggagalaiti nitong tanong. Nagkibit balikat s’ya. “Why is it such a big deal? It’s for the company and for your career as well. It would be a great avenue for more opportunities. I wasn’t thinking of anything but that.” Natahimik ito sa kanyang sinabi. Napabuga na lamang s’ya ng hangin at napahilot sa kanyang sentido. “What’s the commotion all about?” Nakita n’yang tumayo pa si Miss Chrisma upang alamin kung ano ang nangyayari. Nang makita ang kanilang boss ay agad itong bumalik sa mesa nito. Magsasalita sana si Nadine ngunit inunahan n’ya ito. “Nothing, Madame. We were just discussing about the upcoming convention. Sorry to disturb you. Sa ibang lugar na lang namin pag-uusapan ‘yon.” Nararamdaman n’ya ang tingin ng dalaga sa kanya ngunit hindi na n’ya pinansin iyon. Baka singhalan lang s’ya nito. Para pa naman itong asong nangangagat pagdating sa kanya. Tumango ito. “I forgot to tell you that the day after tomorrow. Chrisma will e-mail you the details.” Pagkatapos ng sinabi nito ay agad na itong nagpaalam at muling pumasok sa opisina nito. Naiwang nakatingin sa kawalan si Nadine. Muli s’yang napangiti at hinawakan ang kanyang panga. Medyo masakit pa iyon kahit na nalagyan na iyon ng cold compress sa clinic. Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na n’ya nakausap ang dalaga. Gusto n’ya sana itong puntahan sa cubicle nito ngunit baka abala ito. Gusto n’ya rin sana itong i-text ngunit hindi n’ya alam kung bakit nababahag ang kanyang buntot. Naiiling na pinasok n’ya ang susi ng kanyang condo sa keyhole. Binuksan n’ya iyon gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa nama’y bitbit ang isang can ng beer. Nakasanayan na n’yang magpakalasing bago matulog. Sa tuwing nag-iisa s’ya ay naalala n’ya lang ang kanyang masalimuot at mapait na nakaraan. Marami s’yang bagay na gustong baguhin at umaasa s’yang sa bago na namang pagkakataong binigay sa kanya ay maiiayos na n’ya ang lahat at makamtan na ang bagay na kanyang tanging pinapangarap. He can’t erase the past on his mind no matter how much he try. Kahit paano’y may isang bahagi ng kanyang isipan ang ayaw ding mabura ang mga iyon. Ang sakit ng nakaraan ang s’yang minsang nagbibigay sa kanya ng lakas upang kaharapin ang kasalukuyan. Mas pinapaigting nito ang kanyang kagustuhang ayusin at baguhin ang lahat. Mahirap makulong sa mga nakalipas na panahon. Ngunit mas mahirap abutin ang kanyang tanging pinapangarap. Pabagsak s’yang umupo sa sofa bago nilagok ang beer habang nakatingin sa kawalan. His life is miserable. However, he can see fragments of light and hope these past weeks. Hindi n’ya inakalang makakaramdam s’ya ng kakaibang bugso ng pag-asa matapos ang napakahabang panahong namuhay s’ya sa dilim. Nasanay na kasi s’yang mamuhay ng mag-isa at walang sinuman ang nakahandang tulungan s’yang bumangon at iangat mula sa putik na kinasasadlakan n’ya. Ipinikit n’ya ang kanyang mga mata habang ang kanyang mga kamay ay nakahilig sa armrest ng kanyang kinauupuan. Pagod ang kanyang katawan dahil sa trabaho ngunit nakakatuwang magaan ang kanyang pakiramdam. He remembered Nadine and her sarcastic remarks at him. She looks so cute when she’s frowning and whenever she’s angry at him. Mas lalo lang tuloy s’yang ginaganahang asarin ito. She reminds him of someone from his past. Gulat s’yang napamulat ng mga mata nang maramdaman ang pamilyar na init na bumabalot sa kanyang buong katawan. Paanong nangyayari ulit ito sa kanya? Bumilis ang kanyang paghinga at buong lakas na pinipigilan ang naturang init na nagsisimulang pumaso sa kanyang kaugatan. Napasigaw si Jace sa matinding sakit na dulot niyon. Pilit n’yang inaabot ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa ngunit nabitawan n’ya rin iyon dahil sa kanyang nararamdaman. Napagulong s’ya sa sahig habang iniinda iyon. Ramdam n’ya ang mga butil ng pawis na namumuo. Ang buong akala n’ya ay nakaligtas na s’ya mula sa unos na ito na s’yang naging dahilan upang masira ang kanyang buong pagkatao at s’ya ring dahilan ng pagkawala ng mga taong mahalaga sa kanya. Pilit n’yang nilalabanan ang nararamdamang sakit kahit na alam n’yang hindi n’ya iyon kakayanin. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata ilang segundo bago s’ya tuluyang nalunod sa kadiliman. Naramdaman n’ya ang ibang katauhang pilit na sumisiksik sa kanya na s’ya ring pumupuwersa sa kanyang gawin ang mga bagay na hindi n’ya gusto. Ngunit wala s’yang magawa kahit anong pilit n’yang labanan iyon dahil kontrolado s’ya nito. NAGISING s’ya na mabigat ang pakiramdam. Nang subukan n’yang imulat ang kanyang mga mata ay muli n’ya iyong naipikit dahil sa liwanag na nagmumula sa araw. Kahit nanghihina s’ya ay pinilit n’yang makatayo. Ganoon na lamang ang kanyang pagkagulantang ng matukoy n’ya kung nasaan s’ya. Anong ginagawa n’ya sa isang sementeryo? At bakit sira-sira ang kanyang damit? And then, everything that happened last night hit him. KAHIT NANGHIHINA ay pilit s’yang lumaban pero nabalewala lamang ang lahat ng iyon nang tuluyan na s’yang iginupo ng kadiliman. Bumabalik na naman s’ya sa dati…sa katauhang ni sa panaginip ay hindi n’ya hinangad. Gusto n’yang makawala mula dito ngunit hindi n’ya alam kung paano. Gusto n’yang tuldukan ang kasamaang ginagawa nito sa kanya ngunit hindi n’ya mapantayan ang kakaibang lakas na taglay nito. May kaunting malay pa s’ya ngunit hindi iyon sapat upang manumbalik sa kanya ang pagkontrol sa kanyang katawan. Kagaya ng dati, tila s’ya nanunuod lamang sa kung ano ang nangyayari. Wala s’yang kwenta! Wala s’yang kahit anong magawa upang pigilan ito! Hindi n’ya kayang protektahan ang kanyang sarili! Namalayan na lamang n’ya ang kanyang sariling nakatayo sa harap ng maraming estranghero. Alam n’ya kung sino at ano ang mga ito. Iba ang kilabot na kanyang nararamdaman. Pilit s’yang nagpupumiglas ngunit hindi iyon umoobra. Hanggang sa may malalim at pamilyar na boses s’yang narinig. Boses na nanggagaling sa kanyang bibig ngunit ibang klaseng boses ang kanyang naririnig. Boses na tila galing pa sa ilalim ng lupa. Wala s’yang naiintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito. Muli s’yang iginupo ng kadiliman. At sa mga oras na ito, alam n’yang mauulit na naman ang nangyari sa kanya sa loob ng napakahabang panahon. NAPASABUNOT na lamang s’ya sa kanyang sarili. Hindi n’ya akalaing hahantong na naman sa ganito ang lahat. Ang buong akala n’ya ay tapos na. Ang buong akala n’ya’y makakalaya na s’ya mula rito ngunit nagkamali na naman pala s’ya. Hindi na nga yata s’ya tatantanan ng bangungot na ito. Habang-buhay na nga siguro n’ya itong iindahin. May paraan s’yang nalalaman upang matigil na ang lahat ng ito ngunit hindi n’ya kayang gawin iyon. Ayaw n’yang sumugal. Hindi s’ya magiging handa sa magiging kaakibat ng paraang iyon. Kailangan n’ya ng isang taong aagapay sa kanya sa panahong ito ngunit alam n’yang imposible ang kanyang gustong mangyari. Subalit may isang parte ng kanyang isip ang nagsasabing hindi n’ya dapat tapakan at puksain ang katiting na pag-asang nakikita n’ya. Umaasa s’yang baling-araw ay makakamit rin n’ya ang kalayaan at kasiyahang kanyang minimithi kasama ang babaeng gusto n’yang makasama habang-buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD