Kabanata 7

1445 Words
Tinulak n’ya ito at bago pa ito makapagsalita ay agad n’ya itong sinampal. Napabaling sa kaliwa ang mukha nito dahil sa kanyang ginawa. Mabilis din ang kanyang paghinga dahil sag alit. Ang kapal-kapal ng mukha nito! How dare him kiss her? How dare him stole her first kiss? Damn! This is not the way she imagined her first kiss would be! He ruined it! May babae at lalaking dumaan sa gitna nila kaya agad na s’yang umalis at lumabas ng bar. Ilang saglit pa ay narinig na n’ya ang pagtawag ng binata sa kanya ngunit hindi s’ya sa huminto sa paglalakad bagkus ay mas binilisan n’ya pa iyon. Tumutunog na rin ang kanyang cellphone. Marahil ay ang kanyang mga kaibigan na iyon at hinahanap na s’ya. Pinalis n’ya ang luhang bumuhos mula sa kanyang mga mata. Damn him! Nakakabuwisit! Naiiyak s’ya sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Kuyom na kuyom na rin ang kanyang nanginginig na mga kamao. “Miss Gonzales…” Napatigil s’ya sa paglalakad ng hawakan nito ang kanyang braso. Marahas n’yang pinunasan ang kanyang mga luha. Nasa medyo madilim na parte sila malapit sa dagat. Kakaunti lang rin ang mga tao sa bandang ito. Hinarap n’ya ito at walang sabi-sabing sinuntok ang dibdib nito. “Walang hiya ka! How dare you?!” Pinigilan nito ang kanyang mga kamao at mahigpit na hinawakan ang mga iyon. Marahas n’yang binawi ang mga iyon at lumayo dito. Itinaas nito ang dalawang kamay nito sa ere. “I-I’m sorry. I-I didn’t mean it…” Napapikit s’ya ng mariin sa sinabi nito. Ramdam n’ya ang panibagong luhang gustong kumawala. Huminga s’ya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. “You’re an asshole! I’ll never forgive you!” She can’t clearly see his facial expression dahil na rin sa dilim ng paligid so she’s not sure if she saw fear in him when she said what she just said. “N-Nadala lang ako…” “Asshole ka nga!” Akmang tatalikuran n’ya ito ng magsalita itong muli. “I told you I like you and I mean it.” Hindi makapaniwalang bumaling s’ya ulit dito. Pagak s’yang napatawa. “Really? And you think na maniniwala ako?” singhal n’ya dito. “You’re a creep! And now you’re telling me you like me right after you’ve mistaken me for another girl?” Umiling-iling s’ya, hindi pa rin makapaniwala sa tigas ng apog ng lalaki. “W-What do you mean?” “Oh…” Tumango-tango s’ya as if she understood something. “Hindi maalala? Lasing ka, ‘di ba? Bakit parang hindi ka na naman lasing ngayon? Bumalik ka sa huwisyo dahil sa sampal at suntok ko?” “N-No. What I mean is—“ “Stop explaining!” Nanggigigil na sigaw n’yang muli. “I don’t care kahit ano pa ang sabihin mo! And go back to Cassiopeia. Whoever the hell that girl is, I don’t f*****g care!” Tumakbo na s’ya papunta sa kanilang tinutuluyan. Tumahimik na rin ang kanyang cellphone. Nang makarating sa kanilang silid ay padabog n’yang sinarado ang pintuan dahilan upang mapabaling sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Indira and Rhian are watching a movie while on their PJs. “Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang nawala?” Hindi n’ya sinagot ang tanong ni Indira at padabog s’yang naghubad ng sapin sa paa at umupo sa kalapit na sofa. “I met an asshole tonight.” Kinuwento n’ya ang nangyari pati na rin kung paano n’ya nakilala si Jace at ang biglang pagpunta nito sa kanilang apartment unit. Nangigigil pa rin s’ya habang inaalala ang nangyari. She wants to keep it to herself pero hindi n’ya magawa dahil pakiramdam n’ya ay sasabog s’ya. Even when she’s recalling to her friends what happen, ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Hindi man lang nabawasan ang galit at inis n’ya para sa binata. She just couldn’t get over the fact that he stole her first kiss! Her first kiss! Ang bagay na inaasam-asam n’ya! She expected a magical moment para sa kanyang first kiss and that guy ruined it for her! Nanlaki ang mga mata ng kanyang mga kaibigan habang nagkukuwento s’ya. Rhian even covered her open mouth. “I should just choke him to death!” “Grabe…” Rhian uttered, still bewildered at her story. “Gusto mo resbakan natin?” Matapang na tanong ni Indira. “I mean…I’m not a warfreak but I’ll turn into one kapag kayo na ang naargabyado.” She couldn’t help but smile. Despite her anger, what Indira said soothe her. She knows that she got her back as well as Rhian’s and she’s glad about it. Ganoon din naman s’ya sa kanyang mga kaibigan. “Nasuntok ko na at nasampal pero hindi pa rin iyon sapat sa akin. Ang nakakabadtrip pa, paniguradong magkikita kami sa office. Damn that asshole!” “Din, your mouth.” Saway ni Rhian. Hindi n’ya ito pinansin. “He’s really getting into my nerves. ‘Di porke’t guwapo s’ya, madadala na n’ya ako sa ganoon.” Napailing si Rhian. “’Wag mo na lang s’yang pansinin sa office o kapag nanghingi ulit ng sorry at hindi na mainit ang ulo mo sa kanya, kausapin mo.” “How can I do that? I don’t think I can get over the fact that he stole my first kiss!” Histerikal na sigaw n’ya. Indira put her arms around her shoulders. “We know it’s hard to forget that, Din, and Rhian’s not saying na patawarin mo s’ya. Just hear him out. Like you said, he’s drunk.” “But it doesn’t mean that he can escape from what he did, Indie!” “I know. If you’re not ready to see him in the office, then, iwasan mo. ‘Wag mong pansinin. Tutal, hindi naman kayo parehas ng department kaya pwede iyon.” Tumango s’ya. Galit pa rin s’ya ngunit medyo kalmado na ang kanyang pakiramdam kumpara kanina. Napabuntong hininga s’ya at niyaya ang mga kaibigang magpahinga na. “WALANG sinuman ang makakapaghiwalay sa ‘tin.” Napangiti s’ya sa sinabi nito. Huminto s’ya sa paglalakad kaya napahinto din ito. Inabot nito ang iilang hibla ng kanyang buhok at saglit iyong pinaglaruan bago inilagay sa likod ng kanyang tenga. Parang may humaplos sa kanyang puso dahil sa ginawa nito. Nag-uumapaw ang pagmamahal na kanyang nararamdaman para dito. Nagpapasalamat s’yang dumating ito sa buhay n’ya. “Hindi ko hahayaang may humadlang sa ating pagmamahal. Ikaw lang ang aking nanaisin habang-buhay.” Napaiwas ito ng tingin ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsilay ng malawak na ngiti sa mga labi nito. Kasalukuyan silang nasa daan patungo sa pook pasyalan na palagi nilang pinupuntahan kapag hindi sila abala sa mga nakatakda nilang gawain. Kakaunti lamang ang dumadaan sa araw na ito dahil karamihan ay abala sa kani-kanilang mga tungkulin habang sila ay pinili ang araw na ito upang magkita at mamasyal kahit saglit. Pagkarating sa naturang pasyalan ay iginiya s’ya ng kanyang kasintahan sa isang mahabang silya. Inabot nito sa kanya ang kanyang basket na puno ng prutas at kakanin na ilalako din nila sakaling may bumili man. Umupo ito sa ‘di kalayuan sa kanya. Inayos din nito ang kanyang mahabang bestida nang bahagya n’yang maupuan ang ilang bahagi niyon. Napahugot s’ya ng hininga. Napakaswerte n’ya rito. Hindi mapagsidlan ang galak na kanyang nararamdaman dahil kasama n’ya ito ngayon. “Mahal na mahal kita…”May idinugtong itong pangalan ngunit hindi n’ya narinig iyon. “Anong sinabi mo?” Ngumiti ito. “Ang sabi ko, mahal na mahal kita…” Hindi n’ya ulit narinig ang pangalang sinabi nito. Napatingin s’ya sa paligid. Ang kanina’y maaliwalas na kapaligiran ay unti-unting napalitan ng kadiliman. Napatingin s’ya sa kanyang mga kamay at nakitang unti-unti iyong nalalagas. Nang balingan n’ya ang lalaki upang humingi ng tulong ay nakangiti lang ito sa kanya at tila hindi nakikita ang nangyayari sa kanya at sa paligid. “T-Tulong…” Paulit-ulit n’ya iyong sinasambit ngunit parang walang naririnig ang kanyang kasintahan. Unti-unti s’yang nalalagas at wala s’yang ibang nagawa kundi ang sumigaw ng tulong hanggang sa maging ang kanyang mga sigaw ay nilipad na ng hangin. NAPAMULAT si Nadine ng mga mata ng maramdaman ang sunod-sunod na tapik. Sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga kaibigan. Humahangos na napabangon s’ya at nahahapong pinagpahinga ang kanyang noo sa kanyang mga tuhod. Niyakap n’ya ang kanyang mga tuhod at pilit na kinakalma ang sarili. “Din, anong nangyari? Bakit ka humihingi ng tulong?” Nag-aalalang tanong ni Rhian. “Ayos ka lang ba? Masama na naman ba ang panaginip mo?” Umiling s’ya. Hindi n’ya alam. Maging s’ya ay naguguluhan sa mga panaginip n’ya. It doesn’t makes sense. At kahit ilang beses n’yang sinusubukang pagtagpiin ang mga pangyayari ay hindi n’ya magawa. Hindi klaro sa kanya ang mga mukha ngunit hindi n’ya rin maintindihan kung bakit parang pamilyar sa kanya ang pakiramdam sa tuwing napapanaginipan n’ya ang mga ito. Pumikit s’ya ng mariin. Hanggang kailan n’ya ba ito mararanasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD