Simula

518 Words
Mabilis ang kanyang takbo kahit pa hindi na n'ya alam kung saang parte na s'ya ng kagubatan nakarating. Kipkip n'ya sa kanyang dalawang kamay ang laylayan ng kanyang bestida upang hindi ito makasagabal sa kanyang pagtakbo. Hilam ng luha ang kanyang mga mata at nanlalabo na rin ang kanyang paningin ngunit hindi s'ya pwedeng huminto. Hindi s'ya pwedeng maabutan ng humahabol sa kanya. "Akin ka lang! Walang ibang pwedeng magmay-ari sayo!" Abot-abot na ang kanyang kaba. Napakalakas ng t***k ng kanyang puso at sobra-sobra na rin ang takot na kanyang nararamdaman. Sigurado s'yang mapapahamak s'ya sa oras na maabutan s'ya ng lalaking humahabol sa kanya. Ramdam n’ya ang panganib na maaaring idulot nito sa kanya. Kahit hinihingal at pagod na pagod na s'ya ay hindi pa rin s'ya tumigil sa pagtakbo. Kailangan n'yang makatakas mula dito. Kailangan n'yang makahingi ng saklolo. "’Wag mo na akong takbuhan. Hindi ka na rin naman makakatakas sa akin. Wala akong pagmamay-ari na nakalusot mula sa aking mga kamay." anito na binuntunan pa ng isang kakila-kilabot na tawa. Pinagpapawisan na s’ya ng malamig. Nanginginig ang kanyang kalamnan dahil sa sinabi nito. Ayaw n’yang mapasakamay nito. Hindi s’ya nito pag-aari! Walang sinuman ang maaaring magmay-ari sa kanya! Muli n’yang itinuon ang kanyang pansin sa kanyang dinadaanan. Ngunit bigla na lamang s’yang nadapa dahil sa isang sanga ng punong kahoy na nakaharang. Napahiyaw s'ya sa sakit. Lalo s’yang napaiyak ng marinig ang malademonyong tawa nito habang papalapit sa kanya. Sinubukan n'yang gumapang upang mapalayo dito ngunit hindi na n’ya nagawa pang makatakas ng haklitin s’ya nito mula sa pagkakadapa at hinapit sa baywang upang siliin ng halik sa labi! Hindi na s’ya nakakilos dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya. Kahit anong pagpumiglas ang kanyang gawin ay hindi n’ya kaya ang lakas na taglay nito. Para s’yang nauubusan ng lakas at hindi n’ya magawang manlaban dahil nanghihina na s’ya. Wala na s’yang nagawa pa nang matanggal nito ang kanyang saplot at sapilitan s’yang inangkin. HUMAHANGOS na napabangon s’ya sa kanyang kama. Nanaginip na naman s’ya. Parehong panaginip nitong nakalipas na mga taon. Hindi n’ya maintindihan kung bakit mukha n’ya ang nakikita sa babaeng nasa kanyang panaginip. Ilang beses na n’yang napaginipan ang tagpong iyon—ang babaeng kanyang kamukha ay tumatakbo habang hinahabol ng lalaking hindi n’ya makita ng maayos ang mukha dahil malabo iyon sa kanyang paningin. Ang mga ito ay nakasuot pa ng damit na hula n’ya ay ginagamit noong sinaunang panahon pa. Pati na rin ang paligid ay puro kahoy lang. Marahil ay isa iyong kagubatan. Pero, paano naman nangyaring napunta s’ya doon? Bakit kahit gising na s’ya ay hindi maalis sa kanyang dibdib ang sobrang kaba at takot? Sa nanginginig na kamay ay inabot n’ya ang isang baso ng tubig sa kanyang bedside table. Nang balingan n’ya sa orasan ay alas tres na ng madaling-araw. Sa ganitong oras din s’ya nagigising kapag napapanigipan n’ya iyon. Napayakap na lamang s’ya sa kanyang sarili. Naguguluhan s’ya. Sino ba ang babaeng iyon? At sino ang lalaking humahabol dito? May koneksyon kaya ang mga ito sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD