DEMONE
PAGKATAPOS magpaalam sa mag-anak ay nauna na akong lumabas patungo sa sasakyan ni Kuya First na gagamitin daw pauwi sa bahay nila.
"Yes, I'm on my way." Napalingon ako sa garahe kung saan nagmumula ang familiar na boses. Naroon si Kuya Fourth na hindi magkandatuto sa pag-aayo ng necktie niya habang may kausap sa cellphone.
"I will review it later, I'm going to my firm first." Pagkausap niya sa kabilang linya.
Tumigil ako sa paglalakad at tumayo lang kung nasaan ako dahil gusto kong makita siya dahil aalis na naman ako. Hindi ko alam pero gustong gusto kong nakikita ang gwapo niyang mukha.
He's so handsome and formal wearing a black suit and holding an attache case. Malinis na malinis rin ang buhok nito at kung hindi ito abogado ay pwede na itong pumasok sa pagmomodelo. Siguradong mas marami ang maghahabol at hahanga dito.
"s**t!" Mura niya ng hindi pa rin maayos ang necktie niya.
Namalayan ko nalang na humahakbang na ako papalapit sa kanya. Wala akong pakialam kahit na magalit siya sa'kin tutal naman ay aalis na rin ako at hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita.
Nang makalapit sa kanya ay agad kong inabot ang hawak niyang kurbata. Natigilan siya habang ako ay hindi tumitingin sa kanya. Pigil ko ang hininga dahil baka tabigin niya ang kamay ko dahil sa pakikialam ko.
Napabuga ako ng hangin ng sa wakas hindi siya magsalita at mukhang pinayagan nalang ako.
"Dapat hindi ka natataranta kapag nagsusuot nito dahil talagang hindi ito maaayos." Palinawag ko at habang inaayos ko iyon ay sinasabi ko sa kanya kung paano gagawin ng mag-isa.
Napangiti ako ng matapos ko ang ginagawa. Hinaplos ko ang balikat niya na bahagyang nalukot gan'on rin ang tie bago ako humakbang palayo at tumingala sa kanya.
Nafreeze ang ngiti ko dahil nagkatinginan kami. Napasapo ako sa dibdib ko habang nakatanaw sa napakaitim niyang mga mata na tila nalulunod ako kahit wala iyong kislap at emosyon.
Hindi ako nakakurap habang nakakatitig lang sa kanya, ilang ulit pa akong napalunok dahil sa tensyon na nararamdaman ko kasabay ng mabilis na pagwawala ng puso ko.
"Yong dibdib ko." Nausal ko at doon lang ako napakurap ng tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan niya.
Napaatras ako ng ilabas niya iyon at muntik ng masagi ang paa ko. Doon ko rin lang namalayan na pigil na pigil na pala ang paghinga ko habang malapit siya sa'kin.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Bakit lumalakas palagi ang t***k ng puso ko kapag malapit siya? May sakit na ba ako aa puso?
"Hey Demone aalis na tayo, tara na." Napapiksi ako ng marinig ang boses ni Ate Mimi. Nakangiti akong humarap sa kanya at tumakbo papalapit sa sasakyan.
Tuluyan ng nakaalis si Kuya Fourth. Nakalimutan ko nga palang magpaalam sa kanya pero ayos lang naman dahil hindi naman kami close.
"Don't come near him again." Nagtataka akong napatingin kay Maine ng magsalita siya noong nagsisimula nang umandar ang sasakyan.
Magkatabi ang mag-asawa sa front seat samantalang kaming dalawa sa backseat. Ako ba ang kausap niya?
"Wag mo nalang siyang pansinin ganyan talaga siya hilig niyang magbasa ng malakas minsan." Sabi ni Ate Mimi ng marinig ang sinabi ng anak.
"Ano bang binabasa mo?" Tanong ko kay Maine na abala lang sa pagbabasa. Simula ng dumating ako sa mansyon nila ay walang pagkakataon na nakita ko siyang walang libro. Wala siyang pakialam sa paligid tulad ng Uncle Fourth niya.
"Hindi ka niya sasagutin." Sabi ni Kuya First.
Ngumiti nalang ako ng mahalatang walang balak makipag-usap si Maine. Ang weird niya pero hindi naman nakakatakot.
Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan ang iba't ibang building na nadadaanan namin. Mga malalaking bahay at napakaraming mga sasakyan. Napapapalakpak nalang ako dahil sa dami ng tao at buhay na buhay ang city ngayong umaga.
Halos hindi na maisara ang bibig ko sa pagkamangha habang nagmamasid sa paligid. Ngayon ko lang nakita ang ganitong tanawin at kahit siksikan sa Pilipinas at napakainit ay mas pipiliin ko pa rin dito kaysa sa amin.
"Grabe ang ganda talaga sa pakiramdam kapag nakakakita ako ng maraming tao." Napahagikhik ako ng makarating na kami sa bahay nila.
Hindi man ito kasing laki ng masyon ng mga Castillion ay malaki na ito para sa isang pamilya. Mayaman sila kaya hindi na ako nagulat na napakaganda ng bahay nila.
"Totoo bang ngayon ka lang nakakita ng mga tao?" Manghang tanong ni Ate Mimi na agad kong tinanguan habang malawak ang ngiti.
"Opo, I've been living po in our masion in California since the day I was born at hindi po ako allowed na lumabas." Paliwanag ko syaka bumaba na sa sasakyan.
"Really? Bakit naman?" Sabay kaming naglakad papasok sa bahay samantalang ang mag-ama ay nasa likod namin at parehong tahimik.
"Ayaw po ni Daddy dahil delikado daw ang kahit anong lugar sa labas ng bahay namin at ang tanging safe lang daw po ay ang mansion. I have anything I want kasi hindi naman nagkulang si daddy pero kahit gan'on ay mas gusto ko pa ring maranasan ang totoong buhay kaya nandito ako."
"Paano mo napapayag ang daddy mo kung ayaw ka niyang palabasin?"
Napangiti ako ng maalala ang kondisyon ni daddy. "Pinayagan niya ako pero dapat ay hindi ako mag-aasawa."
Nanlaki ang mga mata niya at inalog alog ang magkabila kong balikat. Hindi siya makapaniwala. "Bakit ayaw niyang mag-asawa ka?"
"Sabi niya ay sasaktan lang ako ng mga lalaki at yaman lang namin ang magiging dahilan kaya nila ako gustong mapangasawa." Baliwalang sagot ko, wala lang naman sa'kin kung mag-asawa ako o hindi ang importante ay malaya ako ngayon at nararanasan ko ang buhay na matagal ko ng gusto. Ang maging normal at hindi nakakulong.
"Hindi naman habang buhay na nandito sa mundo ang daddy mo, paano 'yan kapag nawala na siya sinong mag-aalaga sa'yo? Kailangan mo rin ng lalaking magiging pamilya mo kapag wala na siya." Hindi pa rin siya makapaniwala kaya natatawa nalang ako.
Umiling ako dahil sa sinabi niya. "Sabi niya hindi naman lalaki o asawa ang kailangan ko, hanggat mayaman ako ay may magbabantay sa'kin. Nandyan naman daw ang mga yaya ko at pwede akong mag-ampon para may makasama."
Iyon ang bagay na kinamulatan ko. Kahit na lahat ibinibigay ni daddy ay hindi niya hinayaang maging dependent ako sa isang tao lalo na sa lalaki. Palagi niyang sinasabi sa'kin na hindi daw dapat umikot ang mundo ko sa isang tao kaya para mangyari 'yon ay wag kong pasukin ang pag-aasawa dahil masasaktan lang daw ako at ayaw niyang mangyari 'yon.
Hindi ko man alam kung paano ako masasaktan kapag naging dependent ako sa isang tao ay sang-ayon ako sa gusto ni daddy.
"Kakaiba pala ang paniniwala ng daddy mo kasi kung ibang magulang 'yon ay gugustuhin na makahanap ka ng mag-aalaga sa'yo."
Tumango ako. "Para daw iyon sa'kin dahil hindi niya daw ako hahayaang mapunta sa isang taong hindi ako ituturing na reyna."
"E, ibig sabihin tatanda kang dalaga?" Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad niya akong hinila papunta sa couch at pinaupo dahil gusto niyang mag-usap pa kami.
"Maybe, I don't really know."
Nagpout siya at napahawak sa baba. "Sayang gusto pa naman kita para kay Kuya Fourth."
Nanlak ang mata ko dahil sa biglaang pagdagsa ng kaba sa puso ko dahil sa pangalang binanggit niya. Nandoon na naman ang pagwawala nito. "Gusto mo ako para kay Kuya Fourth?" Tanong ko.
Napapalakpak siya at kulang nalang ay tumalon. "Yup, yup, yup, nakita ko kasing parang bagay kayo. Napakaseryoso niya kasi palagi tapos kahit na medyo tumatanda na siya ay wala pa rin siyang naipapakilalang babae sa'min." Lumungkot na naman siya. "Minsan nga umiiyak si Mommy Tita kasi baka daw tumandang binata si Kuya Fourth dahil sa sobrang kasungitan ay walang babaeng natatagal sa kanya."
"Oo nga masungit siya." Sang-ayon ko.
"Napansin mo rin pala?" Sumeryoso siya pero ilang saglit lang ay nanlaki na naman ang mata niya habang nakatingin sa leeg ko. "Hala anong nangyari sa leeg mo at pulang pula?"
Agad naman akong napahawak sa leeg ko na medyo kumikirot kapag lumilingon ako at gumagalaw. "Wala lang 'to, medyo nasakal ng kumot kaya pumula gan'on talaga kasi sensitive ang skin ko." Pagsisinungaling ko. Dahil ito sa pagsakal sa'kin ni Kuya Fourth kagabi pero wala naman akong balak na magsumbong.
"Mabuti naman akala ko kasi may sumakal talaga sa'yo."
BUONG araw ay inubos ko ang oras ko sa pagpapaturo ng mga gawaing bahay. May isang katulong na mula sa malaking bahay ng mga Castillion ang panapunta dito para turuan ako. Si Ate Edith. 'Yong maid na probinsyana na may accent.
Nakakapagod pero masayang masaya pa rin ako dahil may natutunan na naman ako. Nakakatuwa dahil naaappreciate ko na ang nga paghihirap ng mga taong mula pagkabata ay nag-aalaga na sa'kin.
Kahit pagod na pagod ang katawan ko kinaumagahan ay nagising pa rin ako ng maaga para magpaturo namang magluto. Suot ko ang isang black leggings at white t'shirt na ibinili sa'kin kahapon ni Ate Mimi ang ginamit ko.
"May hearing po siya ngayon?" Natigil ako sa paglalakad sa hagdan pababa ng makita ko si Ate Mimi sa sala na may kausap sa telepono. "But Tita Mommy we're going to Cebu today, opo isasama po ako ni First ko dahil may meeting siya doon." Napapakamot pa siya sa ulo. "Okay, si Ate Edith nalang po siguro. Yup, sige po bye."
"Good morning." Bati ko ng humarap na siya sa'kin. Agad na ngumiti si Ate Mimi.
"Good morning, tara kain na tayo ng breakfast." Agad niya akong hinila sa dinning at doon naabutan namin sina Kuya First at Maine handa na sa pagkain.
Binati ko rin sila at humalik sa mga pisngi nila bago masayang sumalo. Nagsimula na kaming mag-usap usap na as usual ay hindi naman nakikisali si Maine, ni hindi nga siya nag-angat ng tingin sa'min habang patuloy sa pagkain.
"Pupunta kami ngayon sa Cebu kaya kayo muna ang maiiwan ni Maine dito kasama si Ate Edith, don't worry babalik kami the day after tommorow." Imporma ni Ate Mimi.
"Okay lang po magpapaturo rin ako kay Ate Edith sa iba pang bagay na dapat kong malaman."
"Wag mong papagurin masyado ang sarili mo dahil hindi na naman kailangan. Hindi naman na iba ang turing namin sa'yo isa pa ay alam naming hindi ka sanay." Nakangiting sabi niya.
"My wife is right, don't pressure yourself." Sang-ayon ni Kuya First.
"I'm okay lang po."
Sandali kaming binalot ng katahimikan dahil sa pagsubo namin ng mga pagkain ng bigla nalang basagin iyon ng tili ni Ate Mimi kaya napatingin kami agad sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang siya at malapad ang pagkakangiti habang pumapadyak pa.
"Why not ikaw nalang ang magdala ng lunch ni Kuya Fourth?" Kumikislap pa ang mga mata niya habang nakatutok sa'kin.
"Ha?" Takang tanong ko.
"Tumawag sa'kin si Mommy Tita at gusto niyang padalhan si Kuya Fourth ng lunch kaso hindi kami available ngayon." Tumango naman si Kuya First at pinainom ang asawa niya. Napangiti ako dahil sa sweetness nila.
"Bakit kailangan pang padalhan?"
"May hearing kasi siya ngayon at kapag gan'ong may hearing siya ay nakakalimutan niya palaging kumain ng lunch dahil sa pagiging busy at ayaw n'on ni Mommy Tita dahil baka magkasakit ito kaya palagi niya kaming inuutusan na dalhan si Kuya Fourth ng pagkain."
Hindi agad ako nakasagot pero 'yong tambol sa dibdib ko ay nagsisimula na namang mabuhay. Napahawak ako sa dibdib ko para pigilan iyon pero walang nagawa ang kamay ko.
"So ikaw nalang ang magdala? Magluluto si Ate Edith ng dadalhin mo." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya at parang masayang masaya siya sa ideya niya kaya tumango nalang ako dahil gusto ko rin namang makita kung paano ang hearing na sinasabi niya.
Siguro mas lalong gumagwapo si Kuya Fourth kapag nasa trabaho.
"Pagdating mo doon sabihin mong pinapunta ka ni Atty. Castillion para papasukin ka at hindi pagbawalan ng mga guard." Bilin niya pa.
"Hindi ba siya magagalit kapag ako ang nagdala?" Alanganing tanong ko dahil naalala ko na hindi maganda ang huling tagpo namin ni Kuya Fourth.
Ayaw niyang pinapakialaman ki siya kaya malaki ang possibility na magalit siya sa'kin kapag ako ang nagdala ng lunch niya.
"Kapag nagalit siya maghubad ka." Tumawa siya ng malakas habang ako ay nagtataka.
"Stop it wife." Saway sa kanya ni Kuya First pero umirap siya dito.
"Che! Hindi nalang ako sasama sa Cebu." Asik niya na agad namang ikinaalarma ng asawa niya. Tumayo si Kuya at niyakap siya.
"Baby naman, alam mo namang ayokong umaalis na hindi ka kasama." Paglalambing nito.
"Bakit ako maghuhubad?" Hindi ko mapigilang isingit.
Napanguso si Ate Mimi at yumakap din sa asawa niya bago kumindat sa'kin. "Kapag nagagalit ang isang lalaki maghubad ka lang mawawala ang galit n'on."
"Talaga?"
Akmang sasawayin na naman siya ni Kuya First ng samaan niya ito ng tingin kaya hindi na umapila ang huli.
"Kahinaan ng mga lalaki ang katawan nating mga babae." Sabi niya pa.
"Effictive ba 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Mabilis siyang tumango. "Effective na effective, mawawala agad ang galit n'on pero kailangan kung sino ang unang pakikitaan mo ng katawan mo siya lang hanggang huli." Payo niya pa.
Napangiti ako ng maalala ang galit galit na mukha sa'kin ni Kuya Fourth. Kapag ba naghubad ako sa harap niya mawawala ang galit siya sa'kin? Effective kaya 'yon?
Ayaw na ayaw ko kasing may nagagalit sa'kin dahil nakakabigat ng kalooban.
Maghubad kaya ako sa harap niya?
Napatingin ako sa katawan ko at napangiti.