Chapter 5

2078 Words
EXCITED na excited si Demone ng makarating sila sa sinasabing korte kung saan gaganapin ang hearing na kasali si Fourth. Hindi niya maipaliwanag ang tuwa sa isiping makikita niya ito bilang isang abogado. Isa sa pangarap niya ang maging isang lawyer kaya siguro gan'on nalang ang saya sa dibdib niya sa pagpunta doon. "Halika na ma'am." Pagyakag sa kanya ni Edith, pinasama ito nina Mimi upang may umalalay sa kanya. "Alam mo ba ang way?" Tanong niya ng tuluyan silang makababa sa taxi habang bitbit ang lunch box na pinaglagyan nila ng mga nilutong pagkain para sa binata. "Opcourse ma'am, palagi akong isinasama dinhi ni senyora." Pagmamalaki nito sabay patukoy sa babaeng amo. Malawak siyang napangiti dahil sa sagot nito. Nagsimula na silang maglakad papasok ng harangan sila ng guard na matyagang nakabantay sa entrance ng gusali. "Bawal po kayo sa loob." Tugon nito. Nameywang si Edith at pinaningkitan ang guard na animo'y isang istriktong guro na handang pagalitan ang pasaway na estudyante. Gusto niyang matawa dahil sa hitsura nito na halatang sanay na harapin ang bantay. "Ang mga Castillion ang back up namin." Maangas na babala nito na para bang kapangyarihan ang hatid ng apelyidong binigkas. "Opo, pinapunta po kami ni Atty. Castillion." Sabat niya ng maalala ang bilin ni Mimi na sabihin lamang ang bagay na iyon upang makapasok. Akala nila ay ayos na pero bumagsak ang kanilang balikat ng umiling ang guwardya. Seryoso itong nakatingin sa kanilang dalawa. "Bilin rin ni Atty. Castillion na wag magpapapasok ng kahit na sinong bisita niya dahil may hearing siya." Dahilan nito. "Kung gusto niyo ay maghintay nalang kayo sa lobby hanggang matapos ang hearing, hindi talaga pwedeng umakyat. Sinusunod ko lang ang bilin sa'kin." Malumanay na paliwanag nito. "Maghintay? Maghihintay na naman tapos ano walang dadating? Aasa kami na meron kaming hinihintay pero masasayang lang lahat ng oras at eport namin na walang napala sa huli. Kuu, alam na alam ko na ang ganyang galawan, paghihintayin tapos kami namang mga tangang babae ay maghihintay pero kapag nabigo sa huli iiyak dahil nasaktan. Wag ako kuya, wag ako. Sawa na akong maghintay." Mahabang litanya ni Edith habang siya ay nakatulala dito gan'on din ang kausap nila. "Anong connect ng mga sinabi mo?" Naguguluhan niyang bulong dito. "Ambot sa imo." Sagot nito. Napakamot siya sa pisngi at pinagmasdan nalang ito na masamang masama ang tingin sa guard. "Hindi talaga pwede." Anito. "Aba't sina--" Aangal pa sana ito pero natigilan sila ng may lumapit na lalaki sa harap nila. "What is happening here?" Tanong nito, tumingin ito kay Edith at sa kanya bago bumaling sa guard. "Ahm. Nagpupumilit po kasi silang pumasok sir." Magalang na sabi ni manong guard. "Inutusan po kasi kami na dalhan ng lunch si Kuya Fourth." Sagot niya rin sabay angat ng bitbit. Tumango tango ang lalaki at tuluyang pumirmi kay Edith ang tingin. Tumaas ang kilay nito samantalang pansin niya ang pag-ismid ng kasama at umirap. "How about you?" Tanong nito kay Edith. "Don't inglish me." Pagtataray nito. Habang siya ay hindi napigilang pasadahan ng tingin ang bagong dating. Nakasuot ito ng formal gray suit pero walang necktie sa leeg, nakapamulsa at seryoso ang mga matang walang emosyon. Para lang itong nakatingin sa pader. Napakunot ang noo niya ng napagtantong may kamukha ito. Sandali pa siyang tumitig dito at napangiti ng maalala kung sino ang kamukha ng lalaki. Ang magkakapatid na Castillion. "Wag mo 'kong tignan ng ganyan Boltahe ka." Asik ni Edith na pumutol sa pagtitig niya sa lalaki. Walang nagbago sa hitsura nito lalo sa emosyon kahit na umangat ang sulok ng labi. "Babe." Nanlaki ang mga mata niya sa salitang lumabas sa bibig nito habang hindi pa rin nahihiwalay ang tingin sa kasama niya. "Che! Wag mo akong ma'babe. Tatamaan ka sa'kin." Ipinakita pa nito ang kamao at umaktong susuntukin ito. "Kahit Castillion ka diri ako mangingiming sapakin ka." Hindi natinag ang lalaking tumango sa kanya. "You can go inside, I just borrow this lady here." Anito at wala siyang nagawa ng hilahin nito palayo si Edith samantalang siya ay nakatulala lang at walang naintindihan sa pangyayari. Magkakilala ba sila? Naitanong niya sa sarili. Nakangiti siyang humarap sa guard na napapakamot nalang sa ulo. "Sige, pwede ka ng pumasok pero hindi ka pwedeng magtagal." Paalala nito na mabilis niyang tinanguan. Nagsimula siyang tahakin ang ikalawang palapag ng gusali kung saan itinuro ng guard kung saan naroroon ang mismong hearing. Ngiting ngiti siya habang abala sa pagmamasid sa paligid hanggang sa makarating sa pakay. Sinalubong siya ng dalawang guard ngunit hindi siya nahirapang pumasok, hindi ito tulad ng naunang tagabantay. Pagkatapos niyang sabihin na pinapunta siya ni Atty. Castillion ay agad siyang pinapasok. "Order in the court! Order in the court." Dinig niya ang walang tigil na pagpalo ng judge sa mesang nauupuan nito ng makapasok siya. Maingay ang buong silid na nadatnan niya at tila nagkakagulo. Ipinalibot niya ang tingin at nakahinga ng maluwag ng matanaw niya ang pakay. Si Atty. Fourth Castillion. Seryosong seryoso itong nakatango sa gilid habang nakalagay ang mga kamay sa bewang. Nakatingin lamang ito sa lalaking nagwawala na hinuha niya ay ang nasasakdal. Walang emosyon ang lalaki tulad ng nakagawian nitong expression ng gwapong mukha. Nakakatakot ang dating nito kahit pa sabihing medyo wala na sa ayos ang suot nitong necktie. He's a monsters in the court afterall. At para sa kanya ay bagay na bagay dito ang ganoong titulo. A f*****g handsome monster in his own world. "Order in the court." Muling tugon ng judge. Bakit walang nakikinig? Napatingin si Demone sa hawak niyang lunch box na para sa binata at muling ibinalik ang tingin sa harapan. Tila walang nakakapansin sa kanya dahil lahat ay abala sa kaganapan. Hindi naman siguro siya magagalit kung ibibigay ka 'to? Hindi niya maiwasang tanong sa sarili. "Para naman sa mabuti." Bulong niya pa habang nakangiti. Humakbang siya patungo sa harapan at ng walang makapansin ay lakas loob siyang humarap sa judge at iniabot dito ang dala. "Ito na po ang order niyo, mukhang gutom na gutom na po kayo kaya sa inyo ko na muna ibibigay 'to." Magalang niyang tugon. Natigilan ito at tumingin sa kanya na para bang siya na ang pinakatangang tao sa mundo. Biglang tumahimik ang paligid kaya hindi niya maiwasang lingunin ang lahat. At doon niya napansing lahat ng tao sa silid ay nakatutok ang tingin sa kanya. "Fried chicken with vegetable salad and rice." Imporma niya sa judge. "Kanina pa po kasi kayo order ng order pero walang nakikinig kaya ako nalang ang lumapit." Paliwanag niya, maingat niyang inilapag sa harap nito ang dalang pagkain at ngumiti. Walang ni isa ang gumalaw habang siya ay hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata niya ng may bigla nalang na humila sa kanyang pulso at hinaklit siya. "Ouch." Daing niya, akmang sisigaw na siya ng mapagsino ang humihila sa kanya. Sinalubong siya ng galit na galit na ekspresyon na mukha ni Fourth. Para itong tigreng gustong gustong lumapa ng karne. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ng kaliwang kamay nito sa pulsuhan niya. Pakiramdam niya anumang oras ay mababali ang kanyang braso dahil sa walang pag-iingat na paghawak nito. Nakarating sila sa isang C.R na walang katao tao. Pabalibag nitong isinara ang pinto at mas lalong humigpit ang hawak sa kanya, ramdam na ramdam ni Demone ang pagbaon ng mga daliri nito doon. Gusto niyang magreklamo at dumaing ngunit hindi niya magawa dahil sa sobrang takot sa binata. "You are so stupid b***h!" Puno ng diing tugon nito. Dinig niya ang pagkiskis ng ngipin nito at kung paano magtiim ang mga bagang dahil sa pagpipigil ng emosyon. Hindi ito kumukurap na nakatitig sa kanya. Puno ng galit at pagkamuhi ang lumalabas sa mga mata nito, samantalang siya ay gusto ng umiyak dahil sa intensidad sa paraan ng pagtingin ng binata. "f**k you." Asik nito ng hindi na mapigilan ang galit. Marahas nitong binitawan ang pulso niya dahilan para bumagsak siya sa sahig. Doon lamang niya namalayan ang panginginig ng kanyang mga tuhod at panghihina ng mga kalamnan. Napayuko ang dalaga dahil hindi niya alam kung bakit bigla bigla na lamang itong nagagalit sa kanya. Dahil ba ibinigay ko sa judge ang lunch na para sa kanya? Hinuha niya. "I-I'm sorry." Tanging nasabi niya na hindi siya sigurado kung narinig nito dahil sa sobrang hina ng kanyang boses. Nanginginig pa rin siya pero wala itong paki sa bagay na iyon. "Putangina! Ikaw pa ang may ganang umiyak? What a low b***h!" Sarkastikong tugon nito. "Stop acting like a victim here, lady. And don't you f*****g dare to show your face infront of me, again. You're a disgrace, did you even know that? I bet not, 'cause if you do you don't act as stupid as you are right now." Parang matatalim na kutsilyo na ang mga salita nito na tumarak aa kanyang puso. "Kung wala kang magawa sa buhay mo umuwi ka sa inyo. This is not a play ground, act as your age." Gusto niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili pero sa kalagayan niya ngayon ay hindi niya iyon magawa. Nais na lamang niyang lumayo dito at tumakbo palabas habang umiiyak. Nakita niya ang pagtalikod nito at paghakbang patungo sa pinto ngunit tumigil ito ng mabuksan iyon at muli siyang nilingon. "You dream of being a lawyer? Tsk. Just forget about it dahil mas magiging kahiyahiya ka." Iyon lang at tuluyan na siya nitong iniwan habang siya ay umiiyak at nanghihina. Napatitig siya sa nilabasan nitong pinto at malungkot na napangiti. Ganito pala kasakit ang napagsalitaan ng gan'on? Ngayon niya lang iyon naramdaman dahil simula ng mamulat siya sa mundo kailanman ay wala pang nanghiya sa kanya. Lahat ng tao sa paligid niya ay ginagalang siya at minamahal. She's an apple of the eye for everyone. Ipinagmamalaki siya at hindi kinakahiya. But for Fourth, she's a disgrace? Mapait siyang napangiti bago punasan ang mga luha. "Wala naman akong ginawang mali." Pagkausap niya sa sarili at muling binalikan ang pangyayari kanina. Masyado iyong naging mabilis kaya hindi niya alam ang nagawa niyang pagkakamali. "Ibinigay ko nga pala ang lunch niya kay judge." Napailing siya at napahawak sa sink para alalayan ang sarili na tumayo. "Dapat kasi hindi ko nalang pinansin ang pag-order niya e. May malapit naman sigurong Jollibee dito." Aniya. Tinitigan niya ang sarili sa salamin at napapalatak siya ng may maalala. "Ee, bakit nakalimutan kong maghubad? Bilin pa naman ni Ate Mimi 'yon ide sana nawala ang galit sa'kin ni Kuya Fourth." Pinagpag niya ang suot na bisteda at inayos ang sarili. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at ilang minuto pa ang kanyang itinagal sa loob bago siya nagpasyang lumabas. "Hindi na ako pwedeng bumalik sa loob dahil baka magalit siya lalo." Bilin niya sa sarili. Imbas na bumalik sa loob ay nagpasya siyang tahakin ang daan palabas ng gusali. Panay ang panglinga niya sa paligid upang hanapin ang kinaroroonan ni Edith. Hindi niya natandaan ang tinahak na direksyon kanina upang makauwi kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang hintayin ito. "Manong nakita mo po ba 'yong kasama ko kanina?" Tanong niya sa guard na siyang abala pa rin sa pagbabantay. "Iyong parang rapper?" Napapakamot sa batok na balik tanong nito. "N'ong umalis sila kanina ni Sir Volt ay hindi na bumalik." "Volt? Tao na po ba ngayon ang boltahe ng kuryente?" Napahawak siya sa dibdib sa sobrang pagkabigla. "Hindi po, Volt Castillion. Iyon ang pangalan ni Sir." Anito. "Ah, sige po una na ako pero if ever po na bumalik paki sabi nasa labas lang ako.". Nang tumango ito ay tuluyan na siyang lumabas. Bagsak ang balikat niya dahil hindi siya mapalagay sa kaalamang nagalit na naman sa kanya si Fourth dahil sa nagawa niyang kasalanan. Masakit ang mga salitang nasabi nito kanina sa kanya pero naisip niyang nasabi lamang iyon ng binata dahil sa sobrang galit. Gan'on naman talaga ang emosyon ng tao, hindi napipigilan dahil kusang nararamdaman. Isa pa kasalanan ko rin naman talaga dahil ibinigay ko sa iba ang pagkain niya. Siguro gutom na gutom na talaga siya. Nakayuko siyang umupo sa isang bench na nakita niya ilang hakbang ang layo mula sa trial court. Hindi na niya alam kung ilang ulit na siyang napabuntong hininga dahil sa pag-iisip. "Paano kaya ako magsosorry?" Tanong niya ulit sa sarili. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang suot na damit ng muling pumasok sa isip niya ang payo ni Mimi. Madali lang naman ang maghubad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD