DEMONE
"LET'S go! Come here na Demone, malamig ang tubig." Aya sa'kin ni Ate Mimi at nagtatakbo papalapit sa asawa niyang agad na umalalay sa kanya.
Ngumiti ako pero hindi sumagot dahil nakatingin lang ako sa kanila. Ang saya saya kasi nila tapos parang walang mga problema, may pool party na ginaganap ngayon dito sa mansyon nila dahil bukas ay pupunta na kami bukas sa bahay ng mag-asawa at magsisimula na ako sa trabaho.
"Bakiy ayaw mong sumali sa'min, nahihiya ka ba?" Ngumiti ako at bumaling kay Kuya Second na nasa harap ko na pala.
"Hindi naman po gustong gusto ko lang na pagmasdan ang bonding niyo kasi nakakatuwa, ngayon lang kasi ako nakaranas ng ganito kaya hindi pa rin ako makapaniwala." Paliwanag ko.
Ginulo niya ang buhok ko. "Don't be shy, kay? You are a family now so feel at home."
"Thank you po Kuya."
"No prob, lahat kaming magkakapatid ay mga lalaki kaya palagi kaming natutuwa kapag may nadadagdag na babae sa pamilya." Natatawa pa siya habang nakatingin kay Ate Anton na kanina ko lang nakikilalang asawa niya, galing daw ito sa misyon.
"Bakit po nasa malayo si Kuya Fourth?" Hindi ko napigilang itanong dahil ang totoo kanina ko pa rin napapansin na nasa sulok lang si Kuya Fourth, sa dulo ng pool habang may hawak na bote ng beer. Nakatingin lang siya sa malinis na tubig at parang tulala.
"Don't mind him gan'on lang talaga siya mas gusto niyang mag-isa kaysa makipag-usap lalo kapag wala siya sa mood. He's always quite at kapag ganyan siya wag mo nalang lapitan dahil susungitan ka niya, magsasalita at makikijoin naman 'yan pagtrip niya."
"King." Napatingin kami kay Ate Anton na kumaway at mukhang tinatawag si Kuya Second kaya nagpaalam na ito at masayang lumapit sa asawa.
Lumapit na ako sa kanilang na nagkakainan na at nakisalo na rin pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na mapatingin kay Kuya Fourth na hanggang ngayon ay tahimik lang. Walang lumalapit sa kanya at parang sanay ang lahat na gan'on siy katahimik.
"Wala ka bang boyfriend Demone?" Tanong ni Kuya Fifth habang magkakaharap kaming kumakain ng snack.
"Hoy off limits si Demone sa kalokohan mo." Saway ni Kuya Second.
"Nagtatanong lang." Angal niya na napapakamot pa sa ulo.
Napahagikhik ako. "Wala naman po ako n'on hindi po pwede e."
"Bakit hindi pwede?" Kunot ang mga noo nila na nakatingin sa'kin at halatang naghihintay aa sagot ko.
"Wala naman akong pwedeng maging boyfriend, hindi ko nga alam kong ano 'yon."
Napatango tango tango sila at hindi na ulit nagtanong pa. Napatigil ako ng makitang wala na si Kuya Fourth sa kinauupuan niya at naglalakad na ito papasok sa loob ng bahay.
Tumayo ako at nagpaalam na gagamit ng CR pero ang totoo ay gusto ko siyang sundan. Ewan ko pero parang may humihila sa'kin na sundan siya at alamin ang dahilan kung bakit napakalungkot ng mga mata niya.
Ngumingiti naman siya kanina n'ong kaharap ang pamilya niya pero mayroon sa mata niya na hindi ako makumbinsing masaya talaga siya. Nakangiti nga ang labi niya pero walang emosyon ang mga mata at madalas ay parang patay.
Papaakyat na siya sa second floor ng makapasok ako. Hindi ako nagpahalata sa pagsunod sa kanya hanggang sa makapasok siya sa kwarto. Tahimik na ang buong bahay dahil maagang natutulog ang mga maids nila dito. Sobrang bait kasi ng pamilya at kahit ang mga katulong ay parang kadugo ang turing nila na isa sa mga hinahangaan ko.
"Kung ako sa'yo mas pipiliin ko nalang na wag ng makialam sa buhay ng iba." Halos mapatili ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko ng akma kong bubuksan ang kwarto ni Kuya Fourth.
Napahawak ako sa dibdib kong nagtataas baba dahil sa kaba at lumingon. Nakita ko ang seryosong mukha ni Maine na nakasandal sa pinto na katapat ng kwarto. Ito ang anak nina Ate Mimi. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa hawak niyang libro.
"Ha?" Natanong ko.
Nagkibit balikat siya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin bago nagsimulang humakbang pababa. "The more na mapapalapit ka sa isang tao the more chances of getting hurt."
"Hindi kita maintindihan." Habol ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin.
Napatago ako sa likod ng vase na malapit sa hagdan ng makitang bumukas muli ang pinto at muling lumabas si Kuya Fourth na may dalang unan at kumot.
Akala ko ay bababa ulit siya pero nagtaka ako ng maglakad siya hanggang sa dulo ng mga nakahelirang kwarto at sumakay sa elevator na ngayon ko lang nalaman na meron pala dito.
Nang makasakay na siya doon at sumara iyon ay mabilis akong tumakbo at tinignan kong papunta saan, hanggang tatlong palapag ang mansyon at ayon sa nakalagay ay rooftop na ang sunod at doon na siya papunta.
Anong gagawin niya d'on?
Hindi ko nalang sana siya papansinin dahil naalala ko ang sinabi ni Maine pero hindi ko matanggihan ang curiosity na lumulukob sa'kin.
Napahugot ako ng malalim na hininga at pinindot iyon ng masigurong nakarating na siya sa rooftop. Kabadong kabado ako habang nasa loob ng elevator, wala naman dapat akong pakialam pero hindi ko kasi mapigilan.
"Miss na miss na kita." Natigilan ako sa paghakbang ng makarating ako sa destinasyon.
Rinig na rinig ko ang malungkot at basag niyang boses mula sa kinatatayuan ko. Nakahiga siya sa gitna ng lugar gamit ang isinapin niyang kumot at unan kung saan nandoon nakataas ang mga braso niya. Ang isang braso ay nakatakip sa mata niya at kahit hindi ko nakikita ay madaling malaman na umiiyak siya dahil sa boses niya.
"Happy anniversary." Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
May girlfriend na ba siya? Bakit kinakausap niya ang sarili niya?
Natigilan ako ng tanggalin niya ang braso na tumatakip sa mga mata niya at tulala na naman na nakatingin sa kalangitan. Maraming bituin at napakaaliwalas ng gabi kaya kahit ako ay naengganyong pagmasdan iyon.
"Alam mo bang malungkot na naman ako kasi wala ka. Marami na rin akong napinta para sa'yo at kahit gusto kong ipakita sa'yo ay mukhang matatagalan pa. I'm really excited to meet you again." Rinig na rinig sa boses niya ang sobrang kalungkutan.
Itinaas niya ang isang kamay niya sa ere na parang inaabot ang stars at may sumilay na ngiti sa mga labi niya. Kahit medyo may kadiliman ay nakikita ko ang expression ng gwapo niyang mukha dahil sa liwanag ng buwan.
"You're my brightest, love." Pagkausap niya dito.
Love? Maybe I'm right he has a girlfriend.
Tatalikod na sana ako ng mapangiwi ako dahil sa pagkauntog ko sa pinto na nakalimutan kong nasa likod ko pala. Dahil sa pagkadala ko sa kalungkutan niya ay nakalimutan ko na naisara ko nga pala ang pinto papunta dito. Lumikha iyon ng ingay kaya mariin akong napapikit at hindi na nagtaka ng marinig ko ang galit niyang boses.
"What are you doing here?"
Mariin akong napakagat labi dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Natatakot ako dahil alam kung mali ang ginawa kong pagsunod sa kanya.
"What the f**k are you doing here?" Pag-uulit niya na gamit ang mas madiin na boses.
Dahan dahan akong humarap ulit sa gawi niya at sinalubong ako ng galit niyang mga mata. Napangiwi ako.
"N-Nothing, gusto ko lang sanang magpahangin dito pero naabutan kita. S-Sorry." I lied. Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
"Really?" Pang-uuyam niya at napalunok ako ng lumapit siya sa'kin.
Hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa kaya gan'on nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng sakalin niya ako at marahas na isinandal sa pinto.
"Do you think maniniwala ako? Alam ko kapag nagsasabi ng totoo ang isang tao o nagsisinungaling." Mas lalong dumiin ang pagkakasakal niya sa'kin kaya halos kapusin ako ng hininga. "Anong kailangan mo? Bakit kailangan mo akong sundan?"
Wala akong magawa dahil kahit gusto kong kumawala ay napakalakas niya.
"Don't you dare mess with me woman. Kapag naulit 'to sisiguraduhin kong tutuluyan na kita." Itinulak niya ako at napasubsob ako sa sahig. Napapaubo ako dahil sa paghahabol ng hininga at hindi na nakapagsalita ng galit siyang umalis.
Ito ang napapala mo sa pagiging curious.
Ilang minuto ang inabot bago ako kumalma pero ang kirot sa leeg ko ay hindi nawala. Siguradong mamumula na ito mayamaya lang. Kahit na nagawa niya sa'kin 'yon ay hindi ko magawang magalit sa kanya o matakot ng tuluyan dahil mas nangingibabaw sa'kin ang awa dahil alam kong malungkot siya.
"This is what you get, Demone." Bulong ko sa sarili.
Natatawa nalang akong naglakad papalapit sa hinigaan niya at pinulot ang mga gamit na naiwan niya. Dahil siguro sa sobrang galit sa'kin ay nakalimutan na niya ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil talaga namang mali ang ginawa kong pagsunod at pakikinig sa mga bagay na personal tungkol sa kanya.
NAPANGIWI ako ng makabangon dahil sa pagkirot ng likod ko. Kagigising ko lang pero hindi na ako nagtaka dahil sa sahig ako humiga. Hindi pumayag si Kuya Fourth na gamitin ko ulit ang kama niya kaya hindi na ako nagpumilit dahil alam kong galit siya.
Inayos ko ang suot kong t'shirt niya at underwear na ibinigay sa'kin kagabe ni Ate Mimi na hindi niya pa raw nagagamit.
Wala na si Kuya Fourth sa higaan niya kaya tumuloy na ako sa banyo para maghilamos. Nagtoothbrush na rin ako dahil nakakahiya sa mga tao dito sa bahay kung maaamoy nilang mabaho ang hininga ko.
Muling kumirot ang leeg ko at hindi ako nagkamali na pulang pula pa rin ito hanggang ngayon, malinaw na malinaw iyon sa reflection ng salamin. Sensetive kasi ang balat ko at kahit konting bagay lang ay may pagkakataon na namumila ito o nagpapasa.
"Hays, ayos lang naman ako." Nakangiti akong kinausap ang sarili ko.
Napakunot ang noo ko ng mahagip ng tingin ko na bukas ang walk in closet niya. Lumapit ako doon para sana isara ng mapansin kong nakaawang rin ang pinto na nakita kong nakalock kahapon.
"Good morning, love."
Automatic na natigil ang paghakbang ko ng marinig ko ang boses niya na nanggagaling sa loob ng siwang na 'yon. Nagtatalo ang isip at kalooban ko kung sisilipin ko ba o hindi pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay mas pinili ko nalang na umatras at patayin nalang ang kuryusidad ko tungkol sa kanya.
Baka sa susunod hindi lang sakal ang matanggap ko kapag nagpatuloy ako sa pakikinig. Hmp, bahala siyang mabaliw kakausap sa love niyang invisible naman.
Bumaba na ako at hindi na ulit lumingon sa kwarto niya dahil baka may mag-udyok na naman sa'kin na sumagap ng chismis.
"Good morning Demone."
"Ay, chismis." Napatili ako dahil sa sobrang gulat at nilukob ako ng takot dahil muntik na ako mahulog sa hagdan. Mabilis akong nahila ni Kuya Fifth at dahil sa kaba ay bigla ko siyang nayakap ng mahigpit.
"s**t! Sorry, sorry kung nagulat kita." Tarantang kabig niya sa'kin.
"M-Muntik na akong mahulog." Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil sa nerbyos. Nanginig ang kalamnan at tuhod ko dahil doon.
"Mommy, help!" Sigaw niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya dahil hindi ko mapigilan ang reaksyon ng katawan ko. "S-Sorry na, sorry."
"What happened Singko?" Dinig ko ang mga yabag nila at parang nagkakagulo.
Naramdaman ko ang pagpangko sa'kin ni Kuya Fifth. Mariin lang akong nakapikit dahil pakiramdam ko ay mahuhulog pa rin ako.
"Nagulat ko po siya pero hindi ko po sinasadya." Puno ng pagsisisi ang boses niya.
"Oh my gosh, magagalit ang daddy niya kapag nalaman ito." Nag-aalalang sabi ni Tita. Naalarma ako sa narinig ko kaya pinilit kong labanan ang panginginig ng katawan ko.
Ayokong malaman 'to ni Daddy dahil alam kong pipilitin niya akong umuwi sa'kin at ayoko n'on. Ayoko ng makulong.
"P-Please Tita, don't tell daddy I'm fine." Sabi ko. Inilapag ako sa kama at mabilis na pinainom ng tubig. "Nabigla lang po talaga ako dahil akala ko gugulong ako sa hagdan, I okay na po." Ikinuyom ko ang kamao ko para hindi nila mapansin ang panginginig nito.
Hinaplos ni Tita ang buhok ko. "Are you sure?"
Agad akong tumango. "Ayoko pa pong bumalik sa'min at ayoko pong mag-alala sa'kin si daddy. I promised him na magiging dependent ako kaya sana po hindi na niya malaman."
Alam kong OA ang naging reaction ko, simpleng bagay lang iyon pero ng makita ko kanina ang hagdan at akala ko mahuhulog ako ay talagang nilukob ako ng takot.
"If that's what you want, sige." Ngumiti ako dahil doon.
"Ngayon na tayo uuwi kaya mag-ayos ka na." Sabi ni Ate Mimi.
Bigla akong nahiya dahil nandito silang lahat at mukhang nakaabala pa ako.
"Opo."
"What's happening here?" Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng banyo ng bumukas iyon at lumabas si Kuya Fourth na seryoso at kunot na naman ang noo.
Ibinalik nila ako sa kwarto niya?
Mabilis akong bumaba sa kama niya at pinagpag iyon. Naalala kong ayaw niya nga palang may gumagamit na iba sa kahit anong pag-aari niya.
"Muntik na kasing mahulog sa hagdan si Demone dahil ginulat ni Fifth." Sagot ni Kuya Six.
Nalipat sa'kin ang tingin niya kaya nagkasalubong ang mga mata namin. Bumalik na naman ang matinding kaba sa dibdib ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa sobrang pagkabog.
"Are you okay iha?" Napabaling ako kay Tita.
"Ang lakas po kasi ng pintig ng puao ko."
Nagkatinginan sila at parang nalilito dahil sa naging sagot ko.
"Tsk. Clumsy." Dinig kong sabi ni Kuya Fourth at naglakad na ito palabas na walang pakialam.
"Gusto mong tawagan ko ang family doctor namin?" Si Ate Mimi.
"Wag na po, ayos lang ako kaba lang po ito ng muntik kong pagkahulog kanina."
"Anong nangyari dyan sa leeg mo iha, bakit pulang pula?" Bakas ang pangamba sa boses ni Tita ng mapansin ang leeg ko.
Mabilis ko iyong tinakpan ng kamay ko at pilit na ngumiti. "Wala po, medyo naipit lang po ng kumot at agad na namula kasi po sensetive ang skin ko."
Doon lang nawala ang pag-aalala nila na ipinagpasalamat ko at sabay sabay na kaming bumaba para sa agahan.