TAHIMIK ang buong paligid. Walang sigaw. Walang paglalabas ng galit. Walang masasakit na salita na siyang inaasahan niya na magmumula kay Fourth. Tahimik na tahimik lamang ito ngunit ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Galit na naman ito, actually ay alam niyang mas nadagdagan pa ang galit nito sa kanya. Puro nalang kapalpakan ang nagagawa niya kapag nasa harapan nito. "I'm sorry." Kabadong tugon niya pero wala itong naging sagot. Tinitimbang niya ang atmosphere na nakapagitna sa kanilang dalawa. Gustong gusto niyang mas kausapin pa ang binata pero ramdam niyang hindi maganda ang gan'ong ideya lalo at mukhang sagad na ang pasensya nito para intindihin siya. Kanina matapos umalis ng magkakapatid na hindi na muling tinangkang pumasok sa kwarto ni Fourth ay nagtiti