NATATARANTA si Edith habang palinga linga sa paligid. Hindi niya alam kung sisigaw siya o iiyak dahil ilang oras na ang lumipas, tapos na siyang mamili at lahat lahat pero wala pa rin si Demone. Ilang oras na siyang nakatayo sa labas ng palenke ngunit ni aninu ng kaibigan ay hindi niya nakita. "Pesteng yawa ka naman kasi Edith, hindi marunong sa ganitong lugar an imong sangkay." Kastigo niya sa sarili. Mas lalong nagdagan ang kaba niya dahil sa isiping iyon. Sa bawat paglipas ng minuto at oras ay para siyang aatakihin sa puso dahil sa sobrang kaba. "Ahm, kuya may nakita ho ba kayong babaeng maputi. Mas matangkad po sa'kin, maganda ang katawan, sixy ho tapos parang Amerikana sa tangos ng ilong. Nakasuot ng maong shurt at kulay puting t'shert." Paglalarawan niya ng lapitan ang isang kargad