NGITING ngiti si Demone habang tinitingnan ang nighties na binili nila ni Edith bago sila umuwi kanina galing sa trial court.
"Sigurado ka bang gagamitin mo 'yan?" Tanong nito na ilang ulit na niyang narinig simula kanina.
"Why not? Ikaw nga ang nag-advice di ba?" Balik tanong niya.
"Kanina ng pauwi na tayo iyon ang adbice ko kung gusto mong mawala ang galit sa'yo ni Ser Pourt pero diri ko man alam na tototohanin mo." Napapakamot pa ito sa ulo. "Bakit nga pala gusto mong mawala ang galit sa'yo ni Ser?" Tinaasan siya nito ng kilay.
Nasa maids quarter sila kung saan sila magkasamang natutulog. Nagpresinta ang mag-asawa na doon sila sa guest dahil hindi na raw sila iba sa mga ito pero pinagpilitan nila na sa maids quarter na sila manatili bilang totoong katulong at hindi kapamilya o kaibigan ng mga ito.
Paano nga ba naman niya matututunan ang totoong kalakaran sa buhay kung palaging may special treatment na matatanggap? Useless lang pala kung gan'on ang mga pagaod niya.
"Ayaw ko kasing may nagagalit sa'kin, mabigat sa kalooban." Napanguso siya at muling itinaas ang nighties, kulay itim iyon na kung ididikit sa mala porselana niyang kutis ay talagang lalantad ang ganda ng kanyang katawan na nasa tamang hubog at parte.
Tumango tango si Edith. "Tama naman 'yong adbice ni Ma'am Mimi dahil totoong nawawala ang galit ng mga lalaki kapag nakakakita ng hubad na katawan ng babae. Pero dapat may eppect para nakakapaglaway." Humagikhik ito na parang may ideyang pumasok sa isipan.
"So, what should I do?" Tanong niya dahil wala siyang alam sa dapat na gawin.
"Don't inglish me." Saway nito kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi para tumahimik.
"Kung basta ka lang maghuhubad baka sapakin ka pa ni Ser." Napahawak ito sa ulo habang siya ay nakasunod lang ang tingin dito at naghihintay ng sagot. "Mas maganda kung sasayaw ka bago maghubad." Anito.
"Sasayaw? But I don't know how to dance." Aniya.
"Don't inglish me, nga." Saway ulit nito kaya napahagikhik siya. "Tsk. Kapag nag-inglish ka hindi na kita tutulungan."
Nanlaki ang mga mata niya. "But--" sinamaan siya nito ng tingin. "Ahm. Sige sige tagalog nalang."
"Bery good." Pumalakpak ito at mabilis siyang hinila patayo. Nagpatinaanod siya sa gustong gawin nito.
Ngumiti ito at taas noong humarap sa kanya. "Tuturuan kita kung paano sumayaw na nakapagpapatigas."
"Ha? Napapagkatigas?" Kunot noo niyang tanong na tinawanan nito ng malakas.
"Nakakapagpatigas, basta basta sundin mo lang ang gagawin ko." Anito. Hinila nito ang isang stool na nasa gilid ng kanilang higaan at inilagay sa kanilang harapan. Samantalang siya ay nakasunod lang sa bawat galaw nito.
"Ang tawag sa ituturo ko sa'yo ay nakakapagpatigas dance." Tumango siya. Ti-nap nito ang upuan bago siya balingan. "Kunwari dito nakaupo si Ser Pourth, tatayo ka sa harapan tapos kapag nagsimula na ang kantang ihahanda mo ay igagalaw mo ang pwet mo ng ganito." Iginiling nito ang pwet habang nakahawak sa stool, siya naman ay ginagaya iyon para hindi niya makaligtaan.
"Pagkatapos ay humawak ka sa beywang mo pataas sa buhok at igalaw galaw mo para maging sekse ka." Sabay silang sumasayaw at tinuturuan siya ni Edith ng tamang step para maging sexy daw siya.
Tuwang tuwa naman si Demone dahil ito ang unang beses na sumayaw siya at naaliw siyang gawin iyon.
"Tama, tama. Ang galing mo." Napapalakpak ang kaibigan habang sumusunod siya sa turo nito.
Panay lamang ang practice nila sa dapat niyang gawin para mawala ang galit ni Fourth sa kanya. Hanggang sa hindi nila namalayang gabi na pala at kailangan na nilang maghanda para sa hapunan.
Wala ang mag-asawa ngunit kailangan nilang pagsilbihan si Maine dahil sa kanila iyon ibinilin ng mag-asawang ngayon ay nasa Cebu.
"Siguradong mawawala ang galit sa'yo ni Ser Pourth, kuu baka habulin ka pa n'on." Nakangising sabi ni Edith habang abala na sila sa paglalapag ng mga kubyertos sa hapag.
Natigilan si Demone. "Hahabulin niya ako? Eh, mabagal akong tumakbo." Bakas ang pangamba sa boses niya. Iniisip palang niyang hahabulin siya ng binata ay parang nilulukob na siya ng takot.
Paano kung habulin niya ako? Suntukin? Sampalin?
"Wag kang mag-alala, kapag lumapit siya sa'yo lumayo ka tapos wag lang magpapahawak sa kanya." Payo nito. Napalunok siya bago napipilitang tumango.
"Paano kung hawakan niya ako?"
"Ahm, umiwas ka. Alam mo kasi tayong mga babae dapat nagpapahawak lang tayo sa lalaki kapag asawa na natin sila." Anito.
"Asawa? Bakit ikaw hinawakan ka ni Kuya Volt kanina, mag-asawa ba kayo?" Takang tanong niya na ikinatigil ng kaibigan. Nakangiwi itong humarap sa kanya.
"Wag mo ng pansinin iyon, basta dapat magpapahawak ka lang kay Ser Pourth kapag mag-asawa na kayo." Seryosong payo nito. Napangiti siya at tumango.
"Aye, aye, magpapahawak ako kapag mag-asawa na kami-- ay paano 'yan ayaw ni daddy na mag-asawa ako." Agad niyang pagbawi ng maalala ang bilin ng ama.
Kasunod ng mga kubyertos ay inihain na rin nila ang mga pagkain dahil alam nilang ilang sandali nalang ay bababa na si Maine mula sa kwarto nito.
"Kung gan'on ay mas lalong dapat hindi ka magpahawak kay Ser Pourth dahil mapupunta ka sa masama kapag nagpahawak ka."
Kinilabutan siya sa mga sinabi nito kaya itinanim niya sa isip na hinding hindi siya magpapahawak kay Fourth. Gusto niyang mawala ang galit nito sa kanya pero hindi siya magpapahawak dahil baka mapunta siya sa masama.
Ayaw pa naman ni Daddy na maging masama ako.
"Ay, gud ebning Ma'am Maine." Napabaling rin siya sa bukana ng dinning room ng marinig niya ang pagbati ni Edith, doon nakita niya ang seryosong mukha ng alaga nila na nagtuloy tuloy sa hapag.
"Good evening Ma'am." Bati niya rin ngunit tanging tango lamang ang isinagot nito at umupo sa nakalaang upuan para dito.
Tumayo sila sa gilid at pinanood ang paraan ng pagkain nito. Hindi ito nagsasalita at patuloy lamang sa pagsubo ng mga nakahain sa hapag. Alam nilang hindi ito nagyayayang kumain kaya naiintindihan nila, sa simula palang ay pinaalalahanan na siya ng mga magulang nito na kakaiba talaga ang ugali ng anak kaya sila nalang ang dapat na umunawa.
Hanggang sa matapos kumain ang dalagita ay tahimik lamang ang buong hapag. Kahit ang mga kubyertos na gamit nito ay hindi lumilikha ng tunog sa pagiging perpekto ng bawat galaw. Prim and proper.
"Gusto niyo po ng dessert?" Tanong niya ng matapos itong kumain.
Bumaling ang tingin nito sa kanya at sinalubong siya ng malamig nitong mga mata. Akala niya ay may sasabihin ito dahil sa uri ng tingin ngunit tuluyan lamang itong tumayo at umalis sa dinning.
"Wag mo nalang pansinin dahil gan'on naman talaga 'yang si Ma'am Maine, minsan nakakatakot pero hindi naman talaga." Dinig niyang tugon ni Edith.
"Hindi naman ako natatakot, mukha naman siyang mabait." Aniya.
HINDI maipaliwanag ni Demone ang labis labis na kabang nararamdaman habang inihahanda nila ni Edith ang mga gagawin. Todo suporta ito sa kanya gan'on din si Mimi na nagawa pang tumawag kanina para palakasin ang kanyang loob. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng combination ng password ng condo unit ng binata kasama na ang address.
"Sa oras na bumukas ang pinto ay simulan mo na agad ang pagsayaw at dapat ipley mo muna ang kanta bilang bakrawnd mo." Paalala sa kanya ng kaibigan na siyang nagkokonekta ng kanta sa dvd'ng kaharap ng kama ni Fourth.
Tumango siya at napakagat labi ng makita ang suot na nighties. Halos wala na siyang itagong maselang parte ng katawan dahil sa tila sinulid na desinyo nito. See through at talagang madaling maaninag ang kanyang balat dahil sa pagiging puti. Pinaresan niya iyon ng five inches red stilleto tulad ng payo ni Edith at Mimi. Taas na taas rin ang pagkakapusod ng kanyang mahabang buhok na ang ibang hibla ay nahuhulog patungo sa kanyang pisngi at tenga. May nakakaakit na manipis na make up na inilagay sa kanyang mala anghel na mukha.
Kahit sinong makakakita sa kanyang lalaki ay magkukumahog pag-alayan niya lamang ng pansin. At siguradong pipila ang mga adan maikama lamang ang tulad niyang eba na may nakakalasong ganda.
"Paano kung mas lalo siyang magalit?" Nag-aalalang tanong niya at pabagsak na umupo sa kama.
"Thrust me mawawala ang galit n'on, thrust me. Tiwala lang." Pagpapalakas nito sa loob niya.
Napangiti siya. "Ang ganda talaga ng accent mo." Puri niya na ikinahagikhik ng huli.
"Kuu, sige na magready ka na at baba na ako. Diha lang ako sa baba hulton ta ka." Anito.
Tumayo siya at sumampa sa kama at dahil hindi mawala ang kabang hindi niya alam kung saan nagmumula ay tumalon talon siya sa ibabaw n'on habang napapatili dahil sa tuwa.
"Naku, bumaba ka na diyan dahil aalis na ako, papatayin ko ang ilaw dahil siguradong pauwi na 'yon dahil tapos na ang trabaho niya." Natatarantang tumakbo paalis ang kanyang kaibigan at bago niya pa man ito mapigilan ay agad ng nakaalis.
"Oh emm geeee!" Tili niya dahil ramdam na ramdam niya ang pamamawis ng kanyang mga palad kahit na napakalamig naman ng silid dahil sa aircon.
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa banyo at agad na isinuot ang robe na nakita niya roon. Maninigas siya sa lamig kapag nagtagal siya sa nighties na suot.
"Sana maging effective, ayaw pa naman niyang pinapakialaman ang gamit niya." Bulong niya habang papalabas ng banyo. Ngunit natigilan siya sa muling paghakbang ng makarinig ng mga yabag mula sa labas ng silid.
Hala, nandito na siya. Bulong niya at napakagat sa daliri ng wala sa oras.
Humugot siya ng malalim na hininga habang pinapakinggan ang papalapit na yabag. Hanggang sa makita niya ang paggalaw ng doorknob. Mabilis niyang pinatay ang ilaw at sinumulang i-play ang kantang napili nila ni Edith.
Tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang binatang pakay niya. Kitang kita niya ang pagdaan ng gulat sa mga mata nito sa tulong ng mga scented candles na ikinalat nila sa buong silid.
Sinimulan niya ang paggalaw ng kanyang balakang habang inaalala ang mga steps na itinuro ng kaibigan at magdamag nilang inisayo. Humawak siya sa tali ng robe at dahan dahan iyong hinubad dahilan para tumambad ang kanyang suot na nighties.
Mas lalong nadagdagan ang kanyang kaba ng makita ang pagtatagis ng mga bagang nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon dahil ang sabi ng mga kaibigan ay mawawala ang galit nito sa kanya pero taliwas sa tuwa ang eksprisyon nito ngayon.
Hindi niya ba nagustuhan? Pero sa kabila ng mga agam agam ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Desidedo siyang pawiin ang galit ng binata sa kanya.
Pinaglandas niya ang mga daliri patungo sa strap ng suot at dahan dahan iyong ibinababa hanggang sa tumambad na ang kanyang mayayamang dibdib. Wala sa sariling nakagat niya ang namumulang mga labi ng makita ang mas lalong pagdilim ng gwapong mukha ni Fourth.
Akmang tuluyan niyang huhubarin ang nakatakip na tila sa gitnang bahagi ng katawan ng makarinig siya ng mga tinig.
"Bro? Anong klaseng music 'yon?"
"Kwatro, ang ingay naman sa kwarto mo."
Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtantong mga tinig iyon ng mga kapatid ng binata, papalapit ang mga ito. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa marinig niya ang marahas na pagpalibag ng pinto pasara at sa isang iglap naikulong siya sa mga bisig ni Fourth.
"Bro, anong nangyayari?" Tinig ni Fifth, kumatok ito.
Ramdam na ramdam niya ang intensidad sa mamuscle na mga brasong nakayakap sa kanya at ang matigas na dibdib na tumatakip sa kanyang katawan. Galit na galit na naman ito at ramdam na ramdam niya iyon.
"Don't you f*****g dare open the door." Dumagundong ang malakas at galit nitong sigaw ng akmang may magbubukas sa pinto.
"Damn, anong problema Fourth?" May pag-aalala sa tinig ni Second.
"s**t! Walang papasok, get out! Lahat kayo umalis dito sa condo ko." Punong puno pa rin ng galit ang tinig nito.
Mas lalong humihigit ang pagkakayakap nito sa kanya na tila doon binubuhos lahat ng sakit sa ulo. Samantalang siya ay nakasubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib at hindi makagalaw.
"Akala ko ba mag-iinuman tayo---"
"f**k! f**k! Umalis na muna kayo, just f*****g leave. Now!" Madiing utos nito at tila alam ng mga kapatid na ano mang oras ay sasabog na ito sa galit kapag nagpumilit sila kaya kahit naguguluhan ay nagsialisan ang mga ito.
Natapos ang kanta kasabay ng pagsasalubong ng mga mata nila ni Fourth ng tumingala siya. Ang mga mata nito ay bumubuga ng galit samantalang siya ay nanginginig sa takot.
May kasalanan na naman ako. Naiiyak niyang tugon sa sarili.