Chapter 2

2290 Words
DEMONE MALAWAK na malawak ang ngiti ko nang magising ako na hindi ang kwarto ko ang nakita ko. Yehey! Wala ako sa bahay namin. Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang humihikab. Tumalon talon ako sa ibabaw ng kama at napapalakpak sa tuwa. Sa wakas pwede na akong lumabas kahit saan ako magpunta. "Hindi na ako nakakulong, eeh!" Panay ang sigaw ko dahil ang lambot lambot ng kama. Mas malambot ang kama ko sa bahay namin pero masaya ako kasi hindi iyon ang gamit ko. Ginulo ko ang buhok ko at kumuha ng suklay habang naghehead bang na parang rock star. Nakangiti akong pumikit at kumanta. Bumirit ako ng bumirit. "What the hell do you think your doing?" Napangiwi ako dahil sa galit na boses na narinig ko. Napatingin ako sa pinto ng kwarto at doon nakita ko ang isang lalaking gwapo. No, hindi siya gwapo dahil napakagwapo niya. Napatili ako at tumakbo papalapit sa kanya dahil kamukha siya ng Castillion brothers na nakilala ko kagabi ng dumating kami dito. "Bonjour frére." Tuwang tuwang bati ko pero siya ay matalim lang ang tingin sa'kin. "Nasa Pilipinas ka." Agad nitong sinarado ang pinto kaya napanguso ako. "I know po, I'm here in the Philippines. Did you know that it's more fun here?" "And did you also know that this is my room? So get out." Seryoso niyang sabi. Nawala ang ngiti ko sa labi at agad akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya. Kung sa kanya ang kwarto ko na ito it means na siya si Kuya Fourth? Sabi kasi ni Tita kagabi ng dumating kami ay siya daw ang may-ari ng room at dito muna ako dahil hindi naman daw ito uuwi. But how come he is here? "Pero sabi po ni Tita na dito po muna ang room ko because the guest's room daw po ay hindi pa nalilinis and binati ko po kayo ng good morning kanina pero hindi pa kayo sumagot." Ang tingin niya sa'kin ay mas lalong sumama kaya nakagat ko ang mga labi ko. Hindi siya nagsasalita pero mukha siyang kakain ng tao kaya medyo napaurong ako sa kanya. Naglakad siya papunta sa kama niya habang hindi ako pinapansin kaya mas lalo akong nalungkot. Kagabi noong sinalubong kami ng mga kapatid niya masayang masaya sila, they even hug me kaya akala ko gan'on rin siya kapag nakita ako pero parang ayaw niya sa'kin. "Kuya, I'm Demone po pala." Ngumiti ulit ako dahil naalala kong hindi niya pa pala ako kilala. How rude of me. "I don't care, just get out." Humiga siya na hindi pa rin kumikibo. Bakit parang galit siya? It is because ginamit ko ang kama niya ng walang paalam? Or maybe dahil naligo ako sa bathroom niya at ginamit ko ang shampoo niya? I don't really know. Naglakad ako papunta sa couch at hindi lumabas sa kwarto dahil wala akong damit. Isang dress lang ang dala ko na siyang suot ko kahapon pagpunta namin dito kaya hanggang ngayon ay nakahubad pa rin ako. Marumi na kasi ang dress ko na 'yon at bilin sa'kin ni daddy na dapat hindi daw ako mag-uulit ng damit dahil masama daw sa skin ko. Napatingin tingin ako sa loob ng kwarto para maghanap ng magagawa pero napanguso lang ako ng makitang walang halos gamit dito. Isang malaking kama, mga unan at couch lang, well center table din at isang bookshelve na puno ng mga libro. Kulay gray with mix of dirty white ang kulay ng room niya hindi kagaya sa room ko na masasabing pambaae sa unang tingin palang. Ang boring. Hindi tulad ng room ko sa bahay namin na maraming barbies and disney dolls. May mga instrument din para magplay ako kapag wala akong magawa. Naiinip ako dahil napakatahimik ng lugar kaya tumayo ako at lumapit kay Kuya Fourth na nakadapa pa rin sa kama at nakapikit ang mga mata. He's sleeping. Napangiti ako at lumapit sa kanya dahil ang linis linis ng mukha niya tapos ang gandang tingnan. "Quit staring." Napatayo ako ng tuwid dahil bigla siyang nagsalita pero nakapikit pa rin. "Ahm. Kuya can I borrow your clothes?" Nahihiya kong tanong at napangiti ako ng dumilat siya pero masama pa rin ang tingin sa'kin tapos ang mga kilay ay salubong. "No." "But--" "No." Magsasalita pa sana ako ng sabay kaming makarinig ng katok tapos may nagsalita. "Son? Nandyan pa ba si Demone, let's eat breakfast and please wake her up." Boses ni Tita. "Sure mom." He answered. "Okay, hurry up." Nang mawala na ito sa pandinig namin ay bumangon si Kuya Fourth at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Fix yourself." Aniya at itinuro ang isang pinto na nasa tabi ng bookshelve. "That's the bathroom and my closet, wear some cloth." Istriktong utos niya bago walang lingon na lumabas ng kwarto. "Aye, aye." Sumaludo ako at mabilis na tumakbo sa itinuro niyang pinto. Napahagikhik ako ng bumungad sa'kin ang napakalinis na banyo, may bath tub at sa dulo ay ang transparent glass na mayroong shower. Tumakbo ako sa isa pang pinto doon at napangiti ako ng makitang may mga damit doon. Maayos na nakatupi ang mga ito at nakahanger naman ang mga formal suits niya. Nakahelira rin ang mga kumikinang na mga sapatos at relo. Malaki ang closet niya, kasing lawak siguro ng mismong kwarto kapag isinama pati ang bathroom. Mayaman sila kaya hindi na ako nagtaka. Malaki rin naman ang closet ko sa bahay namin dahil lahat ng gusto ko ay ibinibigay ni Daddy pero mas magandang tingnan ang kanya. Naghalungkat ako ng pwede kong isuot at nang akmang hihilahin ko na ang isang boxer ay may narinig akong tumunog mula sa loob nito. Nagtataka kong hinanap iyon, tinanggal ko ang mga nakaharang na damit at doon ko nakitang may kandado doon. "Ano kaya 'to?" Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng pwedeng pambukas pero wala akong nakita. Inalalog alog ko 'yon pero ayaw matanggal. "Bakit may ganitong pinto dito?" Natigilan ako ng marinig ko ang malalakas na katok. "Matagal ka pa ba dyan? Don't you dare touch anything in my closet, just my clothes." May pagbabanta sa boses nito kaya agad kong ibinalik ang mga damit at hindi nalang pinansin kung para saan ang lock na iyon. "Hurry up woman." "Opo, matatapos na po." Sagot ko. MALAPAD ang pagkakangiti ko ng bumaba ako. Nagtatakbo ako pababa dahil napakaganda ng bahay nila. Napakalaki at napakalinis. It is a masion, anyway. "Bonjour." Bati ko sa maid na nakasalubong ko. Napahagikhik ako ng mapakamot siya sa ulo na parang hindi niya ako maintindihan. "Good morning po." Doon siya ngumiti. "Magandang umaga rin, iha." May isa pa akong nakasalubong, nagpupunas siya ng mga vases na madadaanan sa hallway. "Hello, good morning." "Good muring din ma'am, may kailangan po ba kayo?" Nakangiting bati niya. "Wow, may accent ka? Are you british or something?" Umiling siya. "Hindi po mam, wala po akong accint galing po akong probinsya, hindi po ako bretesh." "Saang probinsya?" "Naku ma'am, malayo po dinhi." "Ows, sige. Can I help you?" Lumapit pa ako sa kanya at nagpacute para payagan niya ako. "Hindi po pwede ma'am, magagalit po sila ser, at senyora." Napanguso ako. "Pero gusto ko pong matuto." "Ay naku ma'am, sa ganda nimo hindi ho bagay sa inyo na madapuan ng girms." "Ayos lang naman pwede naman akong maligo ulit." Napatingin siya sa suot ko at nanlaki ang mga mata niya. Napalunok pa siya ng ilang ulit. "Why?" "Ay wala po, naninibago lang po ako na may ibang nagsuot ng damit ni ser Pourth. Ayaw na ayaw po kasi n'on na may gumagalaw ng gamit niya." Napasimangot ako at napatingin rin sa suot ko. Damit iyon ni Kuya Fourth na umabot hanggang tuhod ko, hindi na nga kita ang boxer na nasa loob dahil sa haba. "Ahm, ma'am pinapapunta na po kayo sa hapag dahil oras na po ng agahan." Sabi ng isa pang maid na lumapit sa'min. Ngumiti ako at nagpaalam sa kanila bago ako muling tumakbo papunta sa dinning. Alam ko kung saan iyon dahil nakasabay ko na ang pamilya nila kagabi ng dumating kami. "Good morning everyone." Sigaw ko, nakadipa ako at malawak na malawak ang ngiti ko. "Good morning too iha." Bati ni Tita. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. Humarap ako sa lahat, nakaayos na silang lahat at nakatingin sa'kin. Lahat sila ay binati ko at hinalikan sa pisngi. "Ate Mimi." Tuwang tuwa akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Umupo ka na iha." Nakangiti silang lahat sa'kin maliban kay Kuya Fourth, seryoso lang siya at nakatingin sa pagkain na nasa harap niya. Dahil siya nalang ang di ko nababati ay mabilis akong humakbang papalapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Good morning ulit Kuya." "What the f**k!" Pabulong niyang sabi na narinig ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaatras ako at napayuko. "Don't mind him iha, ganyan talaga siya." Agaw pansin ni Tita at hinaplos ang buhok ko. "Sit, so that we can start our breakfast." Sumunod naman ako sa kanya. Naupo ako sa tabi ni Kuya Fifth na siyang tanging bakante nalang, isang space bago si Kuya Fourth. "How's your sleep Demone, iha?" Tanong ni Tita ng nagsisimula na kaming kumain. Kumagat ako sa hotdog na nasa tinidor ko. Hmm. This is really my favorite. "It's good Tita, the bed is so comforting and warm." Tumingin ako kay Kuya Fourth na walang pakialam sa paligid. Patuloy lang siya sa pagkain na parang nag-iisa lang kahit na marami kami. "Ahm, by the way thank you po pala Kuya Fourth for letting me wear your shirt and boxer." "As if I have a choice." Nagkibit balikat siya na hindi manlang nag-angat ng tingin. I pouted. "Pasensya ka na sa kanya, ayaw na ayaw niya lang talaga na may ibang gumagamit sa mga gamit niya." Bumaling sa'kin si Kuya Fifth at kinurot ang ilong ko. Napahagikhik ako. Sa kanila kasing magkakapatid si Kuya Fifth agad ang lumapit sa'kin kahapon para kausapin ako kaya siya agad ang naging close ko. "Are you sure iha na gusto mong maging maid?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Tita kaya mas ngumiti ako para sabihing wag siyang mag-alala. "Yes po Tita, that is my dream po." Sabay sabay na nanlaki ang mga mata nila at halos maibuga nila ang mga pagkaing nasa bibig nila. "Your dream? I thought your dream is to be a lawyer?" Tumango ako. "Yes I want to be a lawyer but being a maid is my number one dream?" "How come?" Ngumiti siya. "Don't get me wrong my dear, being maid is a decent job and it is one to be proud of but how come?" I get her. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Bakit nga ba naman sa dami ng pwedeng maging pangarap ay ang pagiging maid pa ang gustong gusto ko? Pwede namang pangarapin ko ang ibang profession na ikakikilala ng pangalan ko. "Gusto ko po kasing maintindihan yung mga taong hindi ko pa nakakasama. Nakikita ko po kasi ang mga maid namin sa bahay at alam kong hindi madali ang trabaho, so I want to understand them. Kung gaano sila naghihirap, hosnestly po kasi ay hindi ko pa naranasan ang maging mahirap o mahirapan sa buhay. I can get anything I want because my dad always grant my wishes. "I want to be a successful lawyer too, maybe someday po pero gusto ko po munang magsimula sa mababa para kapag nagtagumpay ako sa mga pangarap ko ay magiging worth it." Nakita ko ang pangingislap ng mga mata ni Tita at pagtango nila. "That will take a long time." Sabat ni Kuya Fourth na ngayon ay nakabaling na sa mga taong nasa hapag. Tumango ako. "Yes but I'm still young pa naman po so I can do it." Nagtaka ako dahil nagtawanan ang magkakapatid. Halos hindi na sila makahinga dahil sa pagtawa nila ng malakas. Ang medyo tahimik na pagsasalo namin ay naging maingay. "Patanda ka na kasi." Kantyaw nila at binato ng tissue si Kuya Fourth. "He's not old, ang gwapo gwapo niya nga e." Sabi ko kaya natigil sila. Kumunot ang noo niya na nakatingin sa'kin, ngumiti ako. "He's cool." "Naks, wag lalaki ang ulo 'bro ako pa rin ang pinakagwapo sa'ting lahat." Singit ni Kuya Fifth at kumindat sa'kin. He's handsome too pero iba pa rin ang pagiging gwapo ni Kuya Fourth, 'yong tipong habang tumatagal ay mas pagwapo siya ng pagwapo. He has this deep black pair of eyes, pointed nose, thick and black brows, long eyelashes, thin red lips and a clean cut hair. He's the combination of hot and cold. Masarap siyang titigan dahil may kakaiba siyang epekto na kahit sando at pajama lang ang suot niya ay bakas na bakas pa rin ang authority and power sa tindig niya. His body built is well defined, the muscle and his abs na bakat sa manipis na tela sa katawan niya. A body to die for. "He's a lawyer, iha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita at bumalik ang tingin ko kay Kuya Fourth na ngayon ay tumayo na dahil tapos na siya sa agahan niya. "I'm going mom." Humalik siya sa mommy niya at nakipag-apir sa daddy at mga kapatid niya. He even kiss Ate Mimi in her forehead at walang lingon na umalis. "Fourth is a busy person kaya minsan lang siya dito, kapag pinipilit ko siya at kapag alam niyang magtatampo na ako. Pwede kang magpaturo sa kanya if you are decide to take law." Sabi ni Tita habang nakasunod ang tingin sa anak niya. Natigilan ako ng maramdaman ang malakas na t***k ng puso ko habang nakatingin sa malapad niyang likod. Kinakabahan ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD