FOURTH
EVER SINCE my life is boring. I don't want to talk because I'm lazy. I don't want to smile. I don't want to think. I just want a peaceful life, a peaceful life with her.
Just with her and I know I will be happy and contented.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling ngumiti. Hindi ko na matandaan kung kailan ako naging totoong masaya. Napakatagal na siguro kaya ngayon hindi na ako sanay na gawin ang mga bagay na may kaugnayan sa totoong ligaya dahil alam kong wala na akong rason.
I really miss her. I miss her cute smile, her laughter, her small yet pretty face. I miss having her around, hugging me while kissing my cheecks. I miss her baby scent, I miss her long her, her giggle, her pouty lips and adorable gesture.
I really miss everything about her. She's my first love and I know she's the last.
Kapag nag-uusap usap ang mga kapatid ko hindi ako madalas sumali kapag usaping pag-ibig ang pinag-uusapan nila. Not because I don't believe in love but because it's always reminds me about her.
I know the feeling of being in love kaya minsan lihim akong naiinggit sa mga kapatid kong may asawa't mga anak na. While me, still alone and unhappy.
"I still remember your pretty face, my love." Hawak ang paint brush ay nakatitig ako sa blangkong canvas na nasa harap ko.
I'm stressed and the only thing I want to do right now is to see her face. At ito lang ang tanging paraan, she's always my stress reliever sa kahit anong bagay na napagdadaanan ko. Bukod sa pagiging abogado na matagal ko ng pinangarap ay ang pagpipinta ang isa pang mahal na mahal kong gawin. Kasi kapag nagpipinta ako pakiramdam ko nasa tabi ko siya, nakayakap sa likod ko at masayang tumatawa.
Nagpatuloy ako sa pagpinta habang nakatatak sa isip ko ang mukha niya. At doon hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Lahat ng bigat sa kalooban ko ay nawala at napalitan ng saya. Siya lang ang may kakayahang pangitiin ako at kontento na ako doon.
Palagi ko nalang inaalala ang una at huli naming pagkikita para makasurvive sa araw araw kong buhay.
"Good morning everyone, good good morning. Good good morning, lalalala~" lahat kami ay napatingin sa pintuan ng art room namin dahil sa matinis na boses na kumakanta at kasabay n'on ang pagpasok ng isang batang babae.
Kulay purple at pink ang suot nitong dress habang ang mahahabang buhok ay nakaponytail side by side. Ang sapatos niya ay color white at para siyang prinsesang sumasayaw sayaw habang patingin tingin sa mga nagpipinta.
Malapad na malapad ang ngiti niya at pati ang mga mata ay kumikislap. Imbes na mainis lahat kami ay napangiti pagkakita sa kanya, even our instructor hindi siya sinaway kahit na napakaingay.
"Magandang umaga, magandang umaga." Patuloy siya sa pagkanta at mas lalo akong napangiti ng marinig ang pagtatagalog niya na hindi tuwid ang pagsasalita.
Hindi ako masayahing tao pero pagkakita ko sa kanya ay bigla nalang gumaan ang loob ko at nahawa ako sa maganda niyang ngiti. Ngumunguso pa siya habang parang model na palakad lakad sa buong room namin.
Malapit na malapit siya sa kinauupuan ko at dahil sa pagdating niya ay hindi pa ako nakakapagsimulang pagpinta ng art project namin. Pinulot ko ang paint brush habang nakakatitig sa maganda niyang mukha. Kahit na malikot ang mga kilos niya ay mabilis kong nakabisa ang bawat detalye ng mala anghel niyang mukha.
"Mabuti pa kayo you know how to draw." Ngumuso niya at humagikhik pagkakita sa ipinipinta ng kaklase ko.
Ngayon ko lang siya nakita dito simula ng ipasok ako ni mommy sa art school. Noong una ay ayaw ko dahil matanda na ako para sa bagay na ito pero ngayon mukhang may rason na ako para ipagpatuloy ang pagpipinta.
Hindi ko nagawang alisin ang tingin ko sa kanya habang ang mga kamay ko ay nagsisimula ng gumalaw. Kahit na hindi maganda ang boses niya ay natutuwa pa rin akong pakinggan. Panay lang ang laro niya sa paligid at pag-iingay samantalang ako ay nakabantay lang sa kanya.
Sumayaw siya at muntik ng matumba sa ginagawa niyang pag-ikot ngunit mabuti nalang ay nakahawak siya sa lamesa. Lumingon lingon siya sa paligid na parang tinitingnan kung may nakakita sa nangyari at ng makita niyang wala ay humagikhik siya. Hindi niya siguro napansin na nakatingin ako kaya natawa ako sa reaction niya. So cute.
"And so pretty." Bulong ko habang patuloy sa pagpinta sa pinakamagandang magiging subject ko sa ipapasa kong project.
Natigilan ako ng mapatingin siya sa'kin at ngumiti. Napangiti rin ako sa kanya habang hindi ko maipaliwanag ang sobrang kabang nararamdaman ko lalo ng humakbang siya papalapit sa gawi ko.
Dahil sa hiya ay ibinalik ko ang tingin sa canvas ko at lihim na nagdiwang ng makitang malapit ko ng matapos ang mukha niya, ni hindi ko namamalayan ang oras.
"Oh my is that me?" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa likod ko. Agad ko siyang nilingon at nakita ko siyang tuwang tuwa habang nakaturo sa ipinipinta ko.
"Ahm. Y-Yeah." Mas lalo akong kinabangan ng sa'kin naman siya tumingin. Nagkasalubong ang mga mata namin at doon ko nakitang kulay brown iyon.
Mas lalong dumoble ang kaba ko ng bigla niya akong yakapin sa likod at tumatawang itinuro ang paiting ko.
"I'm pretty right? Your painting is awesome because I am the subject." She giggle at napapatakip pa sa maliit niyang bibig.
Nakatulala lang ako sa kanya habang nakayakap ang maliliit niyang braso sa leeg ko mula sa likod. Nahagip ng ilong ko ang parang baby niyang amoy kaya napangiti ako lalo.
"Yes, you are pretty and cute." Sagot ko.
Sumimangot siya. "No, I'm just pretty because cute is for puppies only."
Natawa ako dahil kahit na ngayon lang kami nagkita ay parang matagal na kaming magkakilala kung mag-usap.
"Fine, you're just pretty." Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi niya.
"I know right." Again, humagikhik na naman siya at napakaganda n'on sa pandinig ko. "Can I have that?" Sabay turo sa painting.
"It's not finish yet."
"But still I want it." Ungot niya.
Alam kong hindi ko siya matitiis, I don't know basta pakiramdam ko gusto kong ibigay lahat ng gusto niya. "Okay, how about I will give it to you later? Is that okay?"
Nagningning na naman ang mga mata niya. So innocent. "Sure sure." Pero ang tuwa niya ay napalitan ng lungkot ng matigilan siya. "Pero uuwi na kami mamaya."
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinilit kong i-form ng ngiti ang nga labi niyang maliit. "Don't be sad, sisiguraduhin kong maibibigay ko 'to sa'yo before kayo umuwi."
"Really? Then, I will tell mommy that we will wait you at the parking lot, okay?"
"Okay."
Nagulat ako ng bigla siyang humalik sa pisngi ko at matamis na ngumiti. "Nice meeting you, by the way you're so handsome." Kumaway siya sa'kin bago lumapit sa instructor namin habang ako nakasunod lang ang tingin sa kanya.
"Bye Tita, thank you for letting me play here at your art room." Yumakap siya dito bago tumingin ulit sa'kin at kumaway, I waved back.
"I really miss you love." Nakangiting bulong ko habang hinahaplos ang painting na natapos ko. Nandoon ang masaya niyang mukha na kahit kailan at hindi ko makakalimutan.
Sampung taon na ang lumipas pero ganito pa rin ako. Sampung taon na simula ng mangyari iyon pero hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Akala ko noon na kapag hindi mo nakikita ang isang tao ay madaling maaalis ang nararamdaman mo pero sa kaso ko, sa bawat paglipas ng araw ay mas lalo ko siyang minamahal. It is even possible to love someone who doesn't exist anymore? Well, for me it's possible kasi iyon ang nangyayari sa'kin ngayon.
My first love is a ten years old kid. Yeah, that was a love at first sight. Corny pero iyon ang totoo, the abnormal heartbeat upon rembering her face is still here at my heart. Nagwawala pa rin ito kapag naaalala ko siya.
Matagal ko na siyang mahal kahit na wala na siya.
"I love you." Bulong ko bago humalik sa painting. "Ano na kayang hitsura mo ngayon kung binigyan ka ng pagkakataon na mas mabuhay ng matagal?" Hindi ko mapigilang itanong. Iyon ang tanong na pauli ulit na isinisigaw ng isip ko pero kahit kailan ay hindi ko malalaman ang sagot.
"This painting is for you my love." Nakangiti pa rin ako pero ang luha ko ay walang tigil sa pagtulo. "Happy 10th anniversarry." Pagkatapos kong pakatitigan ang maganda niyang mukha ay isinabit ko iyon sa sa harap ng office table ko na matatagpuan mismo sa private room ko.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng ipalibot ko ang pagmamasid sa buong lugar. Full of paintings na iisa lang ang subject, siya lang. Hindi ko na mabilag kong ilan na ang napinta ko na may iisang mukha pero alam kong hindi pa rin iyon sapat.
Ito ang comfort zone ko at tila may sarili akong mundo kapag nandito ako sa parte ng lugar na ito.
Hindi ko na nagawang makatulog simula ng dumating ako dito sa mansyon kagabi dahil may gumamit ng kama ko. Nagsimula na naman ang iritasyon ko ng maalalang may nakialam sa gamit ko.
Pagkatapos na punasan ang mga luha ko at lumabas na ako ng silid at sinigurado iyong nakakandado bago ko ayusin ang mga damit na palaging nakatakip doon. Isinirado ko ang walk in closet at lumabas na doon.
"I will miss." Nakangiti akong sumulyap doon bago tuluyang lumabas at bumungad sa'kin ang bathroom.
Lumapit ako sa sink at naghilamos. Nahihilo ako pero wala akong ganang magpahinga, isa pa ay nay gagawin pa ako.
Pinakatitigan ko ang mukha ko sa salamin at mapait na napangiti. You can't have it all Fourth. Naniniwala ako na hindi lahat ng bagay ay maaaring mapasaatin at isa ako sa halimbawa doon.
Akala ng lahat ay nasa akin na ang lahat. The wealth, complete family, looks, profession, talents at achievements pero hindi nila alam na hindi ko kailan iyon, na kulang ako at hindi ko alam kung mabubuo pa. I'm a broken man.
Sabi nila na kapag ang isang tao ay palaging nakangiti sila talaga ang tunay na malungkot samantalang sa kaso ko ay naniniwala akong kung sino ang mga tahimik ay lihim iyong nadudurog at nasasaktan.
Lumabas na ako at napatingin sa kama ko ng makitang mahimbing pa rin na natutulog doon ang babaeng ang sabi ni Fifth ay bisita ni mommy. Napatiim bagang ako at hindi na ito pinagtuunan pa ng pansin, nagtuloy tuloy ako sa pagbaba at naabutan ko ang buong pamilya ko nagkakasiyahan sa sala.
"Son." Nakangiting lumapit sa'kin si mommy at humalik ako sa pisngi niya.
"Morning mom." Bati ko.
"Bro." Lumapit din sa'kin ang mga kapatid ko at tinapik ako sa balikat na ginantihan ko ng tango.
"By the way son sorry kung sa kwarto mo muna tumuloy si Demone dahil marumi pa ang guests room, is it okay with you?" Tanong ni mommy, kahit gusto kong magreklamo at ilabas ang iritasyon ko ay pinili ko nalang na tumango.
Ayokong sumama ang loob ni mommy lalo kung ako ang magiging dahilan.
"Siya ang magiging katulong ng kuya mo at ni Princess but she's a family, anak siya ng kaibigan ko." Paliwanag niya pa dahil alam niyang ayaw na ayaw ko na may nakikialam sa mga gamit ko.
Tumango ako at naupo sa couch na katabi ng pamangkin kong si Maine. Seryoso itong nagbabasa ng libro na siguradong bagong bili ng amo niya.
"Long time no see 'bro." Si Kuya Second na kalalabas lang galing kusina.
"Busy." Mariin akong pumikit at sumandal sa balikat ng pamangkin ko. Sa lahat ng tao dito siya ang mas palagay akong kasama dahil pareho kaming gustong gusto ang katahimikan.
"Ten years already." Dinig kong sabi niya pero hindi ako nagmulat.
"Yeah." Ako.
Panay ang usapan nila pero ako ay tahimik lang na nakikinig, madalas ay ganito ako at minsan lang na sumali sa usapan ng iba. Mas gusto ko ng tahimik dahil palaging siya ang naaalala ko.
"Mom hindi po ako pwede ngayon pupunta ako sa Inspiration." Sabi ni Fifth na siyang nakaagaw sa atensyon ko, pinipilit siya ni mommy na sumama sa mga katulong na maggrocery.
"Saan ka pupunta?" Singit ko.
Nagtataka naman siyang bumaling sa'kin. "Sa Inspiration, isa iyong art school. If I'm not mistaken doon ka pumasok noon di ba?" Hindi ako nakakibo.
Tumayo ako at muling naglakad patungo sa kwarto ko.
"Ma'am, sir handa na po ang agahan." Dinig kong tugon ng katulong pero nagtuloy tuloy lang ako.
I need to rest dahil mas lalong lumala ang sakit ng ulo ko ng marinig ang school na iyon. I just really miss her that's why.