Chapter 13

1249 Words
PAGPASOK ni Piper sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kaniyang ina na nakabababa lamang ng telepono. Tila may kausap ito kanina bago siya pumasok. Ibinaba niya sa sahig ang hawak na bayong na naglalaman ng kaniyang mga pinamili. Lumapit siya sa ina at humalik sa pisngi nito. “Umalis na po ba si Itay?” tanong niya at inilibot ang mga mata sa kanilang mumunting tahanan upang hanapin ang ama. “Oo, umalis na, Hija. Hatiran mo na lamang ng makakakain mamayang tanghali sa bukid.” Tumango siya at ngumiti. Binalikan niya ang bayong at dinala ito sa lamesa. Isa-isa niyang inilabas ang mga gulay na binili. Ngayong araw ay siya ang nagprisintang magluto para sa kanila hanggang mamayang gabi dahil wala siyang pasok ngayon, at saglit lang naman siya sa tindahan ni Aling Karmen. “Siya nga pala, Anak, kausap ko lang kanina si Don Alejandro.” Lumapit ang ina at tinulungan siya sa ginagawa. Ang kaniyang mga inilabas na gulay ay kinuha nito at dinala sa lababo upang hugasan. “Si Don Alejandro? Hindi ba’t nasa Maynila ang Don? Ano raw po, Nay?” Nang natapos ay sandali niya munang pinunasan ang kaniyang mga pawis. “Bakit po bigla siyang napatawag? Siguradong mahalaga ‘yan, Nay.” “Oo, Anak, tungkol sa ‘yo.” “Po?” Nagtaka siya sa sinabi ng ina. Naupo siya sa pahabang bangko. “Ano pong tungkol sa ‘kin?” “Nagulat nga rin ako,” tugon ng ina habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. “Kaya pala kinuha ni Rafael ang numero rito sa bahay dahil tatawag ang Don Alejandro. Siya nga pala, kaya siya napatawag ay dahil gusto kang pag-aralin ng Don sa susunod na pasukan.” Namilog ang kaniyang mga mata. “Nay, totoo po?” Dahil sa hirap ng buhay at biglaang pagkakasakit ng kaniyant mga magulang ay nahinto siya sa pag-aaral. Nasa ikalawang taon na sana siya nang huminto. Ngunit talagang gustong-gusto niyang makapag-aral. Tumango ang ina at humarap sa kaniya nang nakangiti. “Oo, Anak, pero syempre hindi iyon libre. Kailangan nating magtrabaho nang maigi sa mga Villarama.” “Alam ko po iyon, Ina. Ano raw po ang gagawin natin para mas makabawi?” Talagang nasabik siya sa sinabi ng ina. Para sa kaniya ay isa itong malaking blessing mula sa panginoon. Noon pa naman talaga ay napakabait ng Don, maging ang mga magulang nito. Ngunit nagtataka lamang siya dahil sa dinami-rami ng tao sa buong Hacienda Villarama ay siya pa ang napiling pag-aralin ng ginoo. Kaya naman tiyak siyang may dahilan ito. Maari ring may kapalit kahit na hindi niya naman nakilalang ganoon ang Don Alejandro. Bihira man niya itong makita sa hacienda dahil nakatira ito sa Maynila ay batid niyang hindi ganoon ang pag-uugali ng lalaki. “Ito nga, Anak.” Mas lalong lumapad ang ngiti ng ina. “Para makabawi, gusto lamang ng don na tulungan mo ang anak niyang lalaki na matutunan ang mga gawain sa farm.” Kumunot ang kaniyang noo. Tila sandali siyang lumutang iniisip kung sino ang lalaking tinutukoy ng ina. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang magising sa katotohanan! “Ano?! Si Liam Villarama ba, Nay?” Napatayo pa siya at bahagyang nakalampag ng mga palad ang kawayan nilang lamesa. Kumunot ang noo ng kaniyang. Takhang-takhang nakatitig sa kaniya. “Oo, siya nga. Kilala mo naman siya dahil dito naman lumaki ang batang iyon bago dinala sa Maynila. Hindi ba’t nagkalaro pa nga kayo nang minsan?” “Opo, Inay, kilala ko siya, pero hindi ko siya nakalaro noon kahit na minsan.” Umismid siya at bumalik sa kinauupuan. Paano kaya ito. Bakit kaya ako ang napili ni Don Alejandro para turuan ang salbahe na ‘yon?” “Salbahe?” Nagtaka ang kaniyang ina. “Bakit?” Mabilis siyang umiling. “Hindi po, Inay. H-hindi naman po ‘yon ang ibig kong sabihin. Pero bakit kaya ako, Inay?” “Aba’y baka si Rafael ang naglapit sa Don.” Dahil kakilala ng kaniyang ina ang lalaki ay hindi nga iyon malabo. Mabait din naman ang mayordomo sa hacienda. Wala itong asawa at anak, nag-iisa lamang ito sa buhay at madalas tumulong sa mga kabataan sa bukid. Napakaswerte niya naman at si Rafael pa ang naglapit sa Don Alejandro patungkol sa kaniyang pag-aaral, subalit anong gagawin niya ngayon? Lalo na at kapalit ng kaniyang pag-aaral ay ang trabaho sa anak nito na si Liam. Ang lalaking iyon na hindi niya gusto ang pag-uugali. Kumukulo ang kaniyang dugo kapag nakikita niya ito. “Mamaya ay puwede ka nang sumunod sa bukid dahil naroon na daw si Señiorito Liam at si Rafael. Nagsisimula na silang ituro sa Señiorito ang mga gawain sa bukid.” Dahil sa sinabi ng ina ay pilya siyang napangiti. Bigla na lamang may kalokohang pumasok sa kaniyang isip. “Inay, alam mo bang napakalayo ng pag-uugali ng lalaking iyon kay Don Alejandro? Parang hindi sila mag-ama.” “At bakit mo naman nasabi ang bagay na ‘yan ha? Ikaw talaga.” “Naku, Nay. Nakabangga ko ang mokong na ‘yon, at hindi maganda ang naging trato niya sa ‘kin.” Pinag-rkis niya ang kamay sa dibdib. “Ikaw talaga, Piper. Baka naman naninibago lang ang Señiorito, hayaan mo na. Sige na at asikasuhin mo na ang makakain natin, pagkadala mo ng pagkain sa bukid ay dumiretso ka na kila Rafael, maliwanag ba?” Tumango siya. “Opo, Inay.” Labag man sa kaniyang loob ang gagawing pagtuturo kay Liam ay gagawin niya dahil mas mahalaga ang kaniyang pag-aaral. Ngunit sisiguraduhin niyang hindi ito magiging madali para sa lalaki. Pilya siyang napangiti dahil sa naisip kanina lamang. It’s time for her sweet revenge. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD