Chapter 14

1239 Words
MALAYO pa lamang ay tanaw na ni Piper ang pitong kalalakihan sa tapat ng kamalig ng mga baka. Napansin niyang si Liam ang naggagagatas sa baka at halos mapupuno na nito ang balde. Pinag-ekis niya ang mga braso sa dibdib habang naglalakad papalapit. Tapos na siyang dalhan ng makakain ang kaniyang ama kaya naman dumiretso siya rito sa kamalig ng mga baka dahil dito siya itinuro ng mga tagabukid. “Magandang tanghali,” bati niya sa mga ito. Ngumiti si Rafael nang mapansin siya. “Magandang tanghali, Piper. Narito ka na pala. Patapos na kami sa pagtuturo kay Senyorito Liam kung paano maggastas ng baka.” Ang mga palad nito ay nasa likuran at ibinalik ang tingin kay Liam na nakaupo at ipinagpapatuloy ang ginagawa, ngunit nang marinig ang kaniyang pangalan ay awtomatikong humarap sa kaniya ang lalaki. “Magandang tanghali, Senyorito Liam,” bati niya rito nang hindi bukal sa loob. Nais niyang sipain ito ngayon sa kinauupuan, ngunit hindi naman siya ganoon kasama upang gawin iyon. Isa pa ay nakasalalay ang kaniyang pag-aaral sa lalaking ito. “At anong ginagawa ko rito?” Huminto sa paggagatas si Liam at diretsong tumayo. Masama siya nitong tinignan. “Anong pakay mo rito sa barn, huh? Sa pagkakatanda ko, ay sa pamilihan ka dapat tumatambay ngayon, Ms. Piper.” Sinungitan siya nito ngunit hindi niya iyon pinansin. Kung malalaman ng lalaki ang kaniyang tunay na pakay ngayong araw ay siguradong maglalaho ang kasungitan nito at pagmamaldito ngayong araw. “Sentorito Liam, magkakilala na pala kayo—” “Oo, Rafael, malabong hindi ko siya makilala,” putol ni Liam sa sinasabi ng mayordomo, “Hindi ko makakalimutan kung paano ako sinagot-sagot ng babaeng ito.” He smirked and fixed his hat. “So, tell me what are you doing here, huh? Are you staring at my handsom—” “Si Piper po ang magtutuloy ng nasimulan natin ngayong araw,” wika ni Rafael na nakapagpahinto sa kaniya. Tila gumanti ang ginoo sa ginawang pagpapahinto ni Liam dito kanina lamang. Ngayon ay patas na ang dalawa. Natawa siya sa naisip. “Ano?” Iritableng tumingin si Liam sa mayordomo. “What are you talking about?” Yumukod si Rafael at diretsong tumingin sa amo. “Si Piper po ang kinuha ni Don Alejandro upang magturo sa ‘yo at samahan kang alamin ang mga bagay-bagay sa hacienda. Ipaliliwanag ko sa kaniya ang lahat, ngunit sa ngayon ay tapusin n’yo muna ang ginagawa n’yong paggagatas.” Mapang-asar siyang ngumiti at tumingin sa lalaki. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkairita at mas lalo niyang ikinatuwa ang bagay na iyon. He seemed so angry to her. Tila ito isang mabangis na kalaban na nais na siyang kitilan ng buhay. Kung nakamamatay nga lamang ang masamang tingin nito ay kanina pa siya tumumba. “Mukhang hindi ayos sa Senyorito. May problema po ba? Kung ano man ang nangyari noon, sana’y kalimutan na natin.” Tila mas lalong naasar ang lalaki sa kaniyang sinabi. “Seriously? This is not the right time for your joke, Lady. Hindi ko gusto ang awra mo. So, it’s a no for me. Marami namang iba d’yan na puwedeng magturo sa ‘kin, at isa pa ay hindi ko naman kailangang aralin ang bwisit na mga gawaing ito.” Sinipa niya ang balde ng gatas na kaniyang pinuno. Natapon sa sahig ang laman nito na binuno niya ng ilang minuto habang sila ay nasa ilalim ng initan. Nagulat si Piper sa ginawa ng lalaki. Hindi na bago sa kaniya ang mabaho nitong pag-uugali. “Pero siya ang napili ni Don Alejandro para sa bagay na iyon, Senyorito Liam.” Malalim ba bumuntong hininga si Rafael habang pinagmamasdan ang natapon na gatas sa sahig. “Isa pa po ay nangako na kayo sa iyong abuela. Tiyak na magagalit ang Donya kung sakalaing malaman na hindi—” “Fine! Enough!” Napahilamos ito ng palad sa mukha. “Only if I had a choice!” Masama itong tumingin sa kaniya. “Rule number one, don’t go near me. Ayokong lumalapit ka sa ‘kin maliwanag ba?” Ito lamang ang tanging bagay na alam ni Liam upang mabawasan ang inis, dahil siguradong mas maiinis lamang ang lalaki at hindi matatapos ang kanilang dapat gawin kung malapit siya rito. “Pero paano ko ‘yon gagawin? Paano ko ituturo sa ‘yo—” “Just do what I said, puwede ba? Huwag mo na ring dagdagan ang inis ko. Tsk!” Naglakad ito paalis habang ang mga palad ay nakasuksok sa bulsa. Naiinis na nga ang lalaki dahil sa pinapagaws ng ama, ngunit dinagdagan pa ito. Tila pinaglalaruan siya ng kaniyang ama at ang lahat ng ayaw ay siyang inilalapit sa kaniya. “Hayaan mo na lamang, ganiyan talaga ang senyorito. Ngunit mabait naman ang batang ‘yan.” Tumango si Piper. “Ayos lang, Sir Rafael. Isa pa’y wala rin naman akong magagawa. Hindi ko gustong biguin si Don Alejandro dahil napakaliit na bagay lamang ang gusto niyang ipagawa para lamang sa pag-aaral ko. Mas malaki pa rin ang magiging kapalit, sasamahan at tuturuan ko lang naman ang mokong na ‘yon.” “Ang totoo ay may isa pang dahilan, gusto ni Don Alejandro na mamulat si Senyorito Liam sa mga nangyayari sa buong hacienda. Dahil ito ang magmamana ng kabuoan nito. Kailangan niyang maging mabuting impluwensya sa lahat ng mamamayan ng buong Hacienda Villarama.” Tumango siyang muli. “Naiintindihan ko na po. Pero bakit ako? Bakit ako ang iminungkahe mo sa Don? Iyon kasi ang sabi ng inay. Ikaw raw panigurado ang naglapit ng tungkol sa ‘kin kay Don Alejandro.” Ngumiti ang mayordomo. ”Dalawang dahilan kung bakit Piper. Una, nakita kong matalino at napakabait mong bata ka. Kaya naman gusto kitang matulungan sa pag-aaral mo ngunit hindi ganoon kasapat ang kakayahan ko, kaya naman naisip kong ilapit kay Don Alejandro. Ikalawa, sa lahat ng taong nakaharap ni Senyorito Liam, ikaw lamang ang nag-iisang babaeng naglakas loob na sagot-sagutin ito dahil sa kapilyuhan. Siguradong magtitino ito kung ikaw ang makakasama.” Napangiwi ang kaniyang mga labi sa ekplenasyong natanggap. ”Mukhang hindi ko po naiintindihan ang ikalawang rason.” “Maiintindihan mo rin sa mga susunod na araw.” Mas lumapad ang ngiti nito. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD