NANG SUMUNOD na araw ay muling nag-ikot si Liam ng sa loob ng farm. Ito lamang ang pinagkaabalahan niya, dahil naiinip siya sa mga gawain. Pagbalik niya sa hacienda mula sa paglilibot ay ang naghihintay na mayordomo ang bumungad sa kaniya. Kasama nito sa sala ang limang kalalakihan na tiyak siyang mga trabahador sa bukid dahil sa mga suot nito. “Anong meron? Bakit kayo narito?” Nakapamulsa siyang pumasok sa loob at dinaanan lamang ang mga ito. “Bakit ka nagpapapasok sa bagay ng mga tauhan, Rafael? Alam mo namang ayaw na ayaw ko ang bagay na ‘yan. Tsk!” Didiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig.
“Senyorito, may dapat ho tayong puntahan. Nakalimutan n’yo na ba? Sinabi ko iyon kahapon.”
Napahinto siya sa paglalakad. Mariin siyang napapikit nang maalala ang bagay na tinutukoy nito. Bgla niyang naalala ang kanilang napag-usapan kahapon lamang. Humarap siya sa mayordomo. “Hindi ba’t sinabi ko na rin na ayaw ko? Hindi ko gustong gawin ang kung ano mang iniutos sa ‘yo ng Papa. I don’t like, and there is no way.”
“Ngunit ang utos ni Don Alejandro ang dapat sundin, Senyorito.” Diretso lamang na nakatayo si Rafael habang ang mga palad ay nasa likuran. Tapat ito kay Don Alejandro, at ito ang mata ng Don sa loob ng hacienda kaya naman inaasahan na ni Liam na nasabi na sa kaniyang ama ang lahat ng ginagawa. Lalong-lalo na ang paglabas-labas ng bahay upang maglibot lamang at magpabukas ng mga gawain sa hacienda.
Napasimangot siya lalo. Umagang-umaga ay tila masisira ang kaniyang araw ngayon pa lamang. “But how about what I want? Sinabi ko nang hindi ko gusto. Walang makapipilit sa ‘kin.”
“Even if we request you to do that?” Pumasok sa sala ang kaniyang abuela. Sakay ito ng isang wheelchair at tulak-tulak ng personal nurse nito. “How will you able to handle the entire farm, kung hindi mo malalaman kung paano ito tumatakbo, Liam? Dapat mong malaman ang mga bagay-bagay sa farm. Hindi pupwedeng hindi mo gusto. Isang katangian ng isang farm owner ay ang kaniyang pagmamalasakit sa trabaho ng kaniyang mga tauhan. If you will know how hard their jobs, you will care for them and with that, you will learn how to love and handle our farm.” Ngumiti ang ginang. Malakas pa ang pangangatawan nito nang huling makita ni Liam, ngunit ngayon ay talagang bumagsak na ang katawan nito dahil sa pagkakasakit.
“Pero, Abuela!”
“Oh, please, Liam. Even not for us, but for the farm,” buong pusong pakiusap ng kaniyang abuela. Bihira lamang itong makiusap sa kaniya, ngayon lamang muli. Hindi niya ito kayang tiisin.
Malalim na napabuntong hininga si Liam at tumango. “Fine, sige po. Pumapayag na ako. Wala naman akong magagawa kapag ang mahal kong abuela na ang nakiusap sa ‘kin.” Ngumiti siya at lumapit sa kaniyang lola. Lumuhod siya upang makapantay ito. Nagmano siya at yumakap.
“Oh, my lovely Liam.” Hinalikan siya ng ginang sa kaniyang kanang pisngi. “Sige na at magtungo na kayo roon, upang hindi kayo abutan ng init.”
Tumango siya at humalik sa pisngi nito. Labag man sa kaniyang loob ay diretso na siyang tumayo.
“Mauna na po kami, Donya Anastasia,” wika ni Rafael.
Magkakasunod na nagtayuan ang limang trabahador na nakaupo sa mahabang sofa kanina lamang. Nauna siyang maglakad palabas ng bahay at sumunod naman ang mga ito. Kaagad nilang tinungo ang bukid sakay ng dalawang sasakyan. Bumaba sila sa harap ng isang napakalawak na kamalig, kung saan nakahilera ang napakaraming baka sa loob.
Pagbaba ni Liam sa sasakyan ay malalim siyang napabuntong hininga. Isipin niya pa lamang ang mga ipapagawa sa kaniya ni Rafael at ng mga kasama nito ay hindi na siya natutuwa. Hindi niya alam kung paano siya napapayag na sumama sa mga ito. Kung hindi nga lamang niya talaga mahal ang kaniyang abuela. Isa pa ay sa ngalan ng buong hacienda ay gagawin niya ang sinabi ng kaniyang lola.
“Halika na, Señiorito Liam. Ipakikita muna nila sa ‘yo ang unang dapat mong matutunan bago ang lahat.” Naunang maglakad si Rafael papasok sa loob ng kamalig. Ang lima naman nilang kasama ay sinimulang kumuha ng makakain para sa mga alagang baka.
Nagkibit balikat si Liam at sumunod. He had no choice but to follow them and learn new things today despite of how much he dislike to learn the works inside the farm. “So, anong gagawin natin dito?”
“Maggagatas po ng kalabaw, Señiorito,” tugon ng isa sa lima nilang kasamahan. May dala na itong isang balde na siyang naglalaman ng pagkain para sa mga baka.
Tumango siya. “Hindi ba’t napakadali lang niyan para ituro n’yo pa? Tsk! Alam ko na ‘yan—”
“Hindi ho iyon gano’n kadali, Señiorito. May tamang paraan po para sa paggagatas.”
Nagkibit balikat siya. “Fine. Simulan na natin at marami pa akong gagawin.” Sumunod siya kay Rafael. Ang isa naman nilang kasama ay sinimulan ng ilabas ang isa sa mga nakahilerang baka. Dinala ito sa labas, kaagad naman nilang sinundan. Itinali iyon sa isang bakod at pinakain. Ang isang lalaki ay lumuhod upang simulang ipakita sa kaniya ang paggagatas sa unang baka na kanilang inilabas.
“I will tell you the steps, Señiorito Liam, at pagkatapos ay kailangan mo naman itong gawin.”
Tumango siya sa sinabi ni Rafael, ito ang magsasalita habang ang isa sa lima nilang kasama ang mag-aakto ng paggagatas sa kaniyang harapan.
“Start by gently squeezing the teat at the top with your thumb and index finger. Ipakita mo sa kaniya, Diego.”
Inayos niya ang suot na sumbrero na iniabot kanina ni Rafael sa loob ng sasakyan. Ngayon ay nasa ilalim sila ng initan. Maigi na lamang at binigyan siya nito, dahil tiyak na sasakit ang kaniyang ulo sa init, at masusunog ang kaniyang mukha. Ipinakita sa kaniya ang dapat gawin. Tumango-tango lamang siya. Liam is a fast learner, though he need to do it in actual to completely access what he learned.
Start by gently squeezing the teat at the top with your thumb and index finger. Slowly work your way down by adding one finger at a time to the teat until all of your fingers are on it. This will force milk into the pail. Continue until the milk flow has substantially slowed and the udder feels soft. ㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ