Chapter 17

1052 Words

PINAGMASDAN ni Piper si Liam mula sa Likuran habang naglalakad ito patungo sa garahe. Matapos ng usapan kanina ay hindi na ito muling nagsalita. Sa buong oras ng pagkain ay tahimik ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nasa isip nito. Napakahirap basahin ng lalaki. Ngunit wala siyang pakialam. Masungit pa rin ito at salbahe, kaya gusto niyang bawian ito araw-araw. “Get in,” malamig na sambit nito nang makasakay sa loob ng sasakyan. Binuhay nito ang makina kaya naman dali-dali siyang umikot upang sumakay sa tabi ng driver’s seat. “What are you doing?” iritableng tanong nito. “Sasakyan?” tugon niya na hindi pa man tuluyang nakapapasok at kabubukas niya lamang ng pintuan. “Don’t you dare to sit there.” Itinuro nito ang hinlalaki sa backseat. “Do’n sa likod.” Nag-irap ito ng mga mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD