Chapter 18

1434 Words

MULING nakaisip si Piper ng kalokohan. Naiinis siya sa kakaibang mindset ng lalaki. Pinagmasdan niya ito. Bago umalis ng bahay ay nagbihis pa ito at hindi niya akalaing magsusuot ito ng damit na animo ay magtutungo sa opisina. Hindi ito maaring magsuot ng ganitong lumusong sa pilapil nang ganyan ang suot. “Ayos lang ba kung mapuputikan yang suot mong damit?” “What? Why?” he asked confused. Tumingin ito sa paligid at doon naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Dammit,” mariin nitong mura at nagbalik tingin sa kaniya. Tila hinahamon ito ni Piper at batid ito ni Liam. At hindi ito gusto ng lalaki. “Alright, I will accept that challenge.” Kumunot ang kaniyang noo. “Challenge?” “You’re challenging me.” He smirked. Yumuko ito upang hubarin ang suot na sapatos. Pagkatapos ay marahang tinupi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD