Chapter 16

2008 Words

SA IKAWALANG ARAW ay maagang umalis ng bahay si Piper. Ipinasundo siya ni Rafael sa driver ng mga Villarama upang dalhin sa mansion. Hindi niya batid kung bakit, pupwede naman na magkita na lamang silang muli sa bukid, ngunit hindi niya nais na magtanong sa driver dahil siguradong wala itong alam kaya naman sumama na lamang siya. Pagpasok pa lamang sa bukana ng hacienda ay hindi niya maiwasang mamangha. Kahit saang gawi siya tumingin ay nalulula siya sa kagandahan ng paligid. Tila isa itong palasyo para sa kaniya dahil ngayon lamang siya nakapasok sa mansion ng mga Villarama, at hindi niya akalaing ganito iyon kaganda. “Ang ganda,” bulong niya sa sarili. Sa front yard pa lamang ay tila isa ng malaking hardin. Buhay na buhay ang paligid dahil sa makulay na kalikasan. Pagdating sa loob ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD