Chapter 5

509 Words
ISANG MAGARBONG handaan ang naabutan ni Liam at Dylan sa pagdating nila sa loob ng mansion. Sinalubong sila ng mga kasambahay at ilan pang trabahador sa mansion, kasama ang kaniyang abuelo at abuela na masaya siyang binati at hinalikan sa pisngi. Ilang taon din niyang hindi nabisita at nakita ang mga ito. Lubhang napakalaki ng pagbabago ng physical na kaanyuan ng mga ito kumpara sa noong huli niyang makita ang mga ito. Ngunit hindi ganoon kadalas ipakita ni Liam ang kaniyang nararamdaman sa tao. Simula mamatay ang kaniyang ina ay natuto siyang itago ang kaniyang pakiramdam sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Sa ikalawang araw niya sa hacienda ay maagang tinungo ni Liam at Dylan ang kwadra ng mga kabayong pagmamay-ari ng mga Villarama. Bata pa lamang ay tinuruan na sa pagsakay ng kabayo si Liam, sa hacienda rin siya natuto ngunit nang magkolehiyo siya ay dinala siya sa Maynila upang doon mag-aral sa isang mataas na paaralan. Higit anim na taon na rin simula nang huli niyang makita ang hacienda at mga tauhan dito. Napakalaki ng ipinagbago nito. Napagdesisyunan ni Liam at Dylan na mangabayo sa umagang iyon. Sakay ng isang itim na kabayo si Liam at isang kulay-kaki naman ang sinasakyan ni Dylan, tinahak nila ang kulay berdeng damuhan sa palibot ng kwadra. Naisipan din nilang magkarera kahit na batid ni Liam na hindi mananalo ang kabayong gamit niya sa sinasakyan ngayon ni Dylan. Nauna itong marating ang malaking puno ng acacia sa dulong bahagi ng hacienda malapit sa minahan. Bumaba si Dylan sa damuhan at itinali ang kabayo sa puno saka siya naupo roon upang hintayin ang kaibigan. Isinandal niya ang likuran sa malapad na katawan ng puno nang mapansin niya ang isang maliit na painting at ilang kagamitan pa ng pagpinta sa kaniyang gilid. Kinuha niya iyon at tinignan nasa 12x12 ang sukat nito at ang napakaganda ng pagkakapinta sa larawan nakaguhit sa canvas. It was a painting of the beautiful landscape from Hacienda Villarama. Binasa niya ang maliit na pirmang nasa ibabang bahagi ng painting. “Piper...” basa niya roon at bahagyang napangiti. Naalala niya ang binanggit na pangalan ng mayordomong si Rafael, na siyang pangalan ng babaeng sinungitan ng kaibigan niyang si Liam kahapon lamang. Sa kaniyang palagay ay kilala niya na ang may-ari ng ipinintang iyon. “Bwisit na kabayo, napakabagal!” naghihimutok si Liam nang lumapit sa kaniya. “Hindi pa ako natatalo sa karera, you’re lucky at siya ang nakuha mong kabayo. Teka, ano ‘yan?” Itinago ni Dylan sa kaniyang likuran ang hawak na painting. “Nakita ko lang, mukhang naiwan ng may-ari.” Itinaob niya ito at ibinalik sa damuha. “Balik na tayo?” “Maya-maya na, magpapahinga muna ako.” “Halika na, may nakalimutan pala ako sa mansion.” “Is that really important?” “Yes.” Hindi na nakatanggi pa si Liam at dali-dali nang sumampa muli sa kabayo. Napatingin na lamang si Dylan sa painting bago inalis sa pagkakatali ang kaniyang kabayo. Maya-maya ay sumunod na siya sa naunang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD