Chapter 19

1127 Words

MAGKAKASUNOD na araw na magkasama sina Piper at Liam. Isang linggo ang makalipas ay tila nadaanan na nilang dalawa ang lahat ng maaring trabaho sa loob ng farm. Maging ang pagtitinda ay sinubukan na rin ni Liam. Isinama kasi siya ni Piper sa tindahan ni Aling Karmen. Naging maayos naman ang lahat. Kaya nga lamang ay sa sobrang ayos, hindi niya na narinig pang nagreklamo si Liam sa lahat ng ipinapagawa niya rito. Naninibago siya sa masahol na pag-uugali ng lalaki. Tila may iba itong plano na hindi niya malaman. Ngunit nais niyang maging positibo. Ngayon na naranasan na ng lalaki ang hirap ng mga tao sa loob ng farm, sana ay may natutunan ito. “We’re done today, right?” Nawala siya sa pag-iisip at tumingin sa lalaking nasa kaniyang harapan. Ibinaba nito ang huling kumpol ng nga talahib.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD