Chapter 25

1393 Words

SUMAMA si Liam sa kaniyang abuela at tinungo nila ang Plaza sa gitnang bahagi ng Hacienda. Hindi pa man sila tuluyang nakakalapit ngunit tanaw na nila ang napakaraming taong nagkakasiyahan simula sa unahan ng kalsada. Maging ang malakas na tugtog mula sa gitna ng kumpulan ng mga tao. “Ang daming tao, pa’no natin mamikita si Dylan n’yan?” takhang tanong niya. Nagtaka ang kaniyang abuela. “Hindi naman tayo narito para hanapin si Dylan. Narito tayo para manood ng kasiyahan, Liam.” Mahinang tumawa ang ginang. “Siguradong nariyan lang ang batang iyon, hindi siya pababayaan ng mga mamamayan ng Hacienda Villarama.” Nakagat niya ang ibabang labi. Bahagya siyang nahiya. Bakit ba naman niya kasi kailangang hanapin si Dylan gayong nasa loob lang naman ito ng Hacienda Villarama. Ngunit hindi niya ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD